You are on page 1of 42

Ikatlong Markahan

Bb. Kyla G. Sombillo, LPT


• Naipapaliwanag ang kahulugan ng Tekstong Naratibo.
• Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa
binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito
sa: a. pamilya, b. komunidad c. bansa d. daigdig
F11EP – IIIj - 37
• Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag:
a. Kalinawan b. Kaugnayan c. Bisa
Sa reaksyong papel na isinulat F11PU – IIIfg – 90
Ilabas ang Exit
pass, at maging
handa sa
pagbabahagi sa
harap ng klase..
Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o
pagkukwento ng mga pangyayari sa isang
tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar
at panahon o sa isang tagpuan nang may
maayos na pagkasunod-sunod mula simula
hanggang katapusan.
May iba’t ibang uri ng naratibo tulad ng maikling
kuwento, nobela, kuwentong- bayan, mitolohiya,
alamat, tulang pasalaysay tulad ng epiko, dula,
mga kuwento ng kababalaghan, anekdota,
parabola, science fiction at iba pa. Iba’t ibang uri
subalit may iisang pagkakapareho: ang bawat
isa’y NAGKUKUWENTO.
a. Unang Panauhan - sa pananaw
na ito, isa sa mga tauhan ang
nagsasalaysay ng mga bagay na
kanyang nararanasa, naaalala, o
naririnig kaya gumagamit ng
panghalip na “ako”.
b. Ikalawang Panauhan – dito mistulang kinakausap
ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa
kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip
na “ka” o “ikaw” subalit tulad ng unang nasabi, hindi
ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa
kanilang pagsasalaysay.
c. Ikatlong Panauhan - ang mga pangyayari sa
pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong
walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na
ginagamit niya sa pagsasalaysay ay “siya”. Ang
tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at nasa
labas siya ng mga pangyayari.
Tatlong uri ng Ikatlong panauhang Pananaw:
• Maladiyos na panauhan - Nababatid niya ang kilos at galaw
ng mga tauhan.
• Limatadong panauhan - Nababatid niya ang iniisip at
ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi ang iba pang
tauhan.
• Tagapag-obserbang panauhan - Hindi niya napapasok o
nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan.
d. Kombinasyong Pananaw o
Paningin - Dito ay hindi lang iisa
ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t
ibang pananaw o paningin ang
nagagamit sa pagsasalaysay.
Dalawang paraan kung paano
inilalahad o ipinapahayag ng mga
tauhan ang kanilang diyalogo,
salooboin, at damdamin

Ang tauhan ay direkta o tuwiwang


nagsasaad o nagsasabi ng kanyang
diyalogo, saloobin o damdamin. Ito
ay ginagamitan ng panipi.

“Donato, kakain na anak,” tawag ni aling Guada sa na
noo’y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos
napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang
kinalalagyan. “Aba’y kayganda naman niring
ginagawa mo anak! Ay ano ba talaga ang balak mo,
ha?”. natatawang inakbayan ni Donato ang ina at
inakay papasok sa munti nilang kusina.
Ang tagapagsalaysay ang
naglalahad sa sinasabi, iniisip, o
nararamadaman ng tauhan sa
ganitong uri ng pagpahayag, hindi
ito ginagamitan ng panipi.

Tinawag ni aling Guada ang anak dahil kakain na
habang ito’y abalang-abala sa ginagawa at hindi
halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang
kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda ng ginagawa
ng anak at tinanong din niya kung ano ba talaga ang
balak niya. Natatawang inabayan ni Donato ang ina
at inakay papasok sa munti nilang kusina.
Elemento ng Tekstong
Naratibo

Ang dami o bilang ng tauhan ay dapat umaayon sa
pangangailangan. May dalawang paraan sa pagpapakilala
ng tauhan:
• Expository - Kung ang tagapagsalaysay ang
mapapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng
tauhan.
• Dramatiko - kung kusang mabubuyag ang karakter
dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag.

Karaniwang tauhan sa akdang naratibo:

a. Pangunahing tauhan - sa pangunahing


tauhan o bida umiikiot ang pangyayari sa
kuwento mula simula hanggang katapusan.
Karaniwang iisa lamang ang pangunahing
tauhan.

Karaniwang tauhan sa akdang naratibo:

b. Katunggaliang Tauhan - Ang


katunggaliang tauhan o kontrabida ay
siyang sumasalungat o kalaban ng
pangunahing tauhan.

Karaniwang tauhan sa akdang naratibo:

c. Kasamang tauhan - gaya ng


ipinahihiwatig nga katawagan, ang
kasamang tauhan ay karaniwang kasama o
kasangga ng pangunahing tauhan.

Karaniwang tauhan sa akdang naratibo:

d. Ang may-akda - sinasabing ang


pangunahing tauhan ang may akda ay lagi
nang magkasama sa kabuoan ng akda.
Ayon kay E.M.FORSTER
Dalawang uri ng tauhan na
maaaring makita sa tekstong
naratibo

dalawang uri ng tauhan:

a. Tauhang Bilog (round character) - isang


tauhang may multidimensiyonal o maraming
saklaw ang personalidad. Nagbabago dito
ang katauhan sa kabuuan ng akda.

dalawang uri ng tauhan:

b. Tauhang Lapad (flat character) - ito ang tauhang


nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang
madaling matukoy o predictable. Madaling
mahulaan at maiugnay ang kanyang katauhan, ang
kanyang ikinikilos at maituturing. Hindi nagbabago
dito ang pagkato mula simula hanggang katapusan.
Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa
lugara kung saan naganap ang pangyayari
sa akda kundi gayundin sa panahon (oras,
petsa, taon) at maging sa damdaming
umiiral sa kapaligiran nang maganap ang
mga pangyayari.
ito ay tawag sa maayos na daloy o
pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari sa mga tekstong naratibo
upang magbigyang-lunaw ang
temang taglay ng akda.
Karaniwang Banghay o balangkas ng isang
naratibo:

• Pagkakaroon ng isang epektibong simula


kung saan maipakilala ang mga tauhan,
tagpuan, at tema (Orientation or
introduction)
Karaniwang Banghay o balangkas ng isang
naratibo:

• Pagpapakilala sa suliraning hahanapan ng


kalutasan ng mga tauhan partikular ang
pangunahing tauhan (Problem)
Karaniwang Banghay o balangkas ng isang
naratibo:

• Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang


hahantong sa pagpapakita ng aksiyong
gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa
suliranin (rising action)
Karaniwang Banghay o balangkas ng isang
naratibo:

• Pagtuloy sa pagtaas ang pangyayaring


humahantong sa isang kasukdulan (climax)
Karaniwang Banghay o balangkas ng isang
naratibo:

• Pababang panyayaring humahantong sa


isang resolusyon o kakalasan (falling
action)
Karaniwang Banghay o balangkas ng isang
naratibo:

• Pagkakaroon ng isang makabuluhang


wakas (ending)
May mga akdang hindi sumusunod sa ganitong
kalakaran tinatawag na anachrony o mag
pagsasalaysay na hindi nakaayos sa taman
pagkakasunod-sunod. Mauuri ito sa tatlo:
• Analepsis (Flashback) dito ipinapasok ang
mga pangyayaring naganap sa nakalipas .
• Prolepsis (Flash-forward) - dito nama’y
pinapasok ang mga pangyayaring
magaganap pa lang sa hinaharap.
• Ellipsis - May mga puwang o patlang sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
na nagpapakitang may mga bahagi sa
pagsasalaysay na tinanggal o hindi sinama.
Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang
mga pangyayari sa tekstong naratibo. Dito rin
mahuhugot ang mga pagpapahalaga,
mahahalagang aral at iba pang
pagpapahalagang pangkatauhang nagagamit sa
mabuting pamumuhay at pakikisalamuha sa
kapwa.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang maikling kuwento. Batay sa kuwentong ito,
gumawa ng reaksyong papel.Gawing gabay ang pamantayan sa pagmamarka sa
pagsulat

Pamagat ng Teksto: Minsan May Isang Doktor


Salin ni Rolando A. Bernales

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO
Kabatiran ng Paggamit ng Wika …………………………..10
Organisasyon…………………………………………………..10
Nilalaman……………………………………………………….10
Kabuuan………………………………………………………..30

You might also like