You are on page 1of 19

Pagbasa at Pagsusuri sa

Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik
Tekstong Naratibo
TEKSTONG NARATIBO
✔ Pagsasalaysay o pagkukwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan,
nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na
pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.
✔ Nakapagtuturo ng kabutihang asal, mahahalagang aral, at mga
pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng pagiging mabuti at
tapat, na ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang
kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot ng tagumpay, at iba pa.
✔ Makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-
aliw. 3
Katangian ng Tekstong Naratibo
❑May iba’t ibang pananaw o punto de vista (Point of
View)

Sa pagsasalaysay o pagkukwento ay may mga matang


tumutunghay sa mga pangyayari. Ito ang ginamit ng manunulat
na paningin o pananaw sa pagsasalaysay.

5
1. Unang Panauhan
isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan,
naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako.
2. Ikalawang Panauhan
mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kwento kaya’t
gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw subalit hindi ito gaanong ginagamit ng
mga manunulat sa kanilang pagsasalaysay.
3. Ikatlong Panauhan
Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang
relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya.
Ang tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at nasa labas siya ng mga pangyayari.
6
Tatlong Uri ng Ikatlong Pananaw
Maladiyos na Panauhan Tagapag-obserbang Panauhan
nababatid niya ang galaw Limitadong Panauhan hindi niya napapasok o nababatid
at iniisip ng lahat ng mga ang ang nilalaman ng isip at
nababatid niya ang
tauhan. Napapasok niya damdamin ng mga tauhan.
iniisip at ikinikilos ng
ang isipan ng bawat tauhan Tanging ang mga nakikita o
isa sa mga tauhan
at naihahayag niya ang naririnig niyang mga pangyayari,
subalit hindi ang sa iba
iniisip, damdamin, at kilos o sinasabi lang ang kanyang
pang tauhan
paniniwala ng mga ito sa isinasalaysay.
mambabasa.
7
4. Kombinasyong Panauhan
Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang
pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan
itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay
sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan
ang naipakikita sa bawat kabanata.

8
❑ May paraan ng Pagpapahayag ng
Diyalogo, Saloobin o Damdamin
1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
HAL. “ Donata, kakain na, anak” tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y
abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang
ina sa kanyang kinalalagyan. “ Aba’y kay ganda naman nireng ginawa mo,
anak! Ay, ano ba talaga ang balak mo, ha?”
Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti
nilang kusina.
9
❑ May paraan ng Pagpapahayag ng
Diyalogo, Saloobin o Damdamin
1. Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag
HAL. Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain habang ito’y abalang-
abala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa
kanyang kinalalagyan. Sinabi niyang kay ganda ng ginagawa ng anak at
tinanong din nya kung ano ba talaga ang balak niya.
Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti
nilang kusina.
10
ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO
Dalawang Paraan ng
Pagpapakilala ng Tauhan
1. TAUHAN
lahat ng tekstong naratibo ay
Expository
nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami kung ang tagapagsalaysay ang
magpapakilala o maglalarawan
o bilang ng tauhan ay dapat umayon sa sa pagkatao ng tauhan

pangangailangan.
kung kusang mabubunyag ang
Dramatiko karakter dahil sa kanyang
pagkilos o pagpapahayag.
11
Mga karaniwang tauhan sa mga
Tekstong Naratibo
✓ Pangunahing Tauhan- sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga
pangyayari sa kwento mula simula hanggang sa katapusan. Karaniwang
iisa lamang ang pangunahing tauhan.

✓ Katunggaling Tauhan- ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang


sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan.

12
✓ Kasamang Tauhan- ang kasamang tauhan ay karaniwang kasama
o kasangga ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing papel o
tungkulin niya ay sumuporta, magsilbing hingahan, o
kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan.

✓ Ang May- akda- sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-


akda ay lagi nang magkasama sa kabuuan ng akda. Bagama’t ang
namamayani lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay
laging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.
13
Dalawang uri ng tauhan
-E. M. Forster-Ingles na manunulat
Tauhang Bilog (Round Character)- isang tauhang may
multidimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad.

Tauhang Lapad (Flat Character)-ito ang tauhang


nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling
matukoy o predictable.
2. Tagpuan at Panahon - - ang tagpuan ay tumutukoy
hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga
pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon (oras,
petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa
kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari.

15
3. Banghay- ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabugyang-linaw ang temang
taglay ng akda. Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay o balangkas ng isang
naratibo:
Introduksyon Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang
mga tauhan, tagpuan at tema.
Suliranin Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan
partikular ang pangunahing tauhan
Papataas na aksyon Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng
aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa suliranin
Kasukdulan Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan.
Kakalasan Pababang pangyayari na humahantong sa isang resolusyon o kakalasan
Wakas Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas. 16
Tatlong Uri ng Anachrony
1. Analepsis (Flashback) - dito ipinapasok ang mga pangyayaring
naganap sa nakalipas.
2. Prolepsis (Flash- forward) – dito nama’y ipinapasok ang mga
pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.
3. Ellipsis – may mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa
pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.

17
4. Paksa o Tema – ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang
mga pangyayari sa tekstong naratibo. Mahalagang malinang ito
nang husto sa kabuuan ng akda upang mapalutang ng may-akda
ang pinakamahalagang mensaheng nais niyang maiparating sa
kanyang mambabasa.

18
GOD BLESS ! ! !

19

You might also like