You are on page 1of 3

TEKSTONG NARATIBO

Tekstong Naratibo – ang tekstong naratibo ay pasalaysay o pagkukwento ng mga


pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyayari sa isang lugar at panahon o sa
isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula sa simula hanggang
katapusan.
LAYUNIN NG TEKSTONG NARATIBO
 Makapagsalaysay ng pangyayaring nakapanlilibang o nakakapagbigay-aliw o
saya.
 Nakapagtuturo ng kabutihang asal o mahalagang aral.
KATANGIAN NG TEKSTONG NARATIBO
1. May iba’t ibang pananaw o point of view
Unang Panauhan Isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng
mga bagay na kanyang nararanasan,
naalala, o naririnig kaya gumagamit ng
“Ako”
Ikalawang Panauhan Mistulang kinakausap ng manunulat ang
tauhang pinapagalaw niya sa kwento
kaya’t gumagamit siya ng panghalip na
“ka at ikaw”
Ikatlong Panauhan Isinasalaysay ng isang taong walang
relasyon sa tauhan kaya ang panghalip
na ginagamit niya ay “Siya”

2. May Paraan ng pagpapahayag ng Dayalogo, Saloobin o Damdamin


Direkta o Tuwirang Pagpapahayag Ang tauhan ay direkta o tuwirang
nagsasaad o nagsasabi ng kanyang
diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay
ginagamitan ng panipi.
Di Direkta o Di Tuwirang Ang tagapagsalaysay ang naglalahad
Pagpapahayag sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman
ng tauhan sa ganitong uri ng
pagpapahayag. Hindi na ito
ginagamitan ng panipi.

3. May mga elemento


ang tekstong ito ay pagkukwento kaya naman taglay ng mga ito ang
mahahalagang elemento.
ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO
1. Tauhan – Gumaganap sa isang kwento. Nakikilala ang tauhan depende sa kung
paano siya gumaganap sa isinasalaysay na kwento.
- may dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan. Ang expository at
ang dramatiko.
a. Expository – kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa
pagkatao ng tauhan.
b. Dramatiko – kusang magbubunyag ang krakter dahil sa kanyang pagkilos o
pagpapahayag.
Karaniwang Tauhan sa mga Akda
a. Pangunahing Tauhan – bida, umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula
simula hanggang katapusan.
b. Katunggaling Tauhan – kontrabida, sumasalungat o kalaban ng pangunahing
tauhan.
c. Kasamang Tauhan – karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan.
d. Ang May-Akda – sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi
nang magkasama sa kabuoan ng akda.
Dalawang Uri ng Tauhan
a. Tauhang Bilog – isang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang
personalidad. Nagbabago ang kanyang pananaw, at damdamin ayon sa
pangangailangan.
b. Tauhang Lapad – ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dalawang katangian na
madaling matukoy o predictable.
2. Tagpuan – tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga
pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa
damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari.
3. Banghay – ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay
ng akda.
i. Simula – pagpapakilala ng mga tauhan, tagpuan at tema.
ii. Suliranin
iii. Kasiglahang hahantong sa aksiyong gagawin ng tauhan
iv. Pangyayaring hahantong sa Kasukdulan
v. Resolusyon o kakalasan
vi. Makabuluhang wakas
ANACHRONY
- Pagsasalaysay na hindi nakaayos
May tatlong uri nito;
a. Analepsis (flashback) – papasok ang mga pangyayaring naganap sa
nakalipas.
b. Prolrpsis (flash-forward) – pumapasok ang mga pangyayaring magaganap pa
lang sa hinaharap.
c. Ellipsis (may puwang) – mga puwang o patlang sa pagkasunod-sunod ng
mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na
tinanggal.

You might also like