You are on page 1of 3

Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o

mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na
pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan. Pangunahing layunin ng ganitong
uri ng teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-
aliw o say. Gayundin naman, ang naratibo ay nakapagtuturo ng kabutihang-asal,
mahahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng
pagiging mabuti at tapat, na ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang
kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot ng tagumpay, at iba pa.

Ang mga mambabasa ay direktang isinasama ng manunulat ng isang tekstong naratibo at


nagiging saksi sa mga pangyayaring kanyang isinasalaysay. May iba’t ibang uri ng naratibo
tulad ng maikling kuwento, nobela, kuwentong-bayan, mitolohiya, alamat, tulang pasalaysay
tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng kababalaghan, anekdota, parabula, science fiction, at
iba pa. Iba’t ibang uri subalit may iisang pagkakapareho: ang bawat isa’y nagkukuwento.

Mga Katangian ng Tekstong Naratibo


Ang bawat uri ng tekstong ito ay may kanya-kanyang taglay na katangian subalit ang
mababasa mo sa ibaba ay pangkalahatang katangiang taglay ng bawat uri ng tekstong
naratibo.

May Iba't Ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of view) sa


Tekstong Naratibo
Sa pagsasalaysay o pagkukuwento ay may mga matang tumutunghay sa mga pangyayari.
Ito ang ginamit ng manunulat na paningin o pananaw sa pagsasalaysay. Ang
pinakakaraniwang ginagamit para sa naratibo ay ang una at ikatlong panauhan. Bihirang-
bihirang magamit ang ikalawang panauhan. Sa mas mahahabang naratibo tulad ng nobela
ay maaaring hindi lang iisa kundi nagbabagobago ang ginagamit na pananaw.

1. Unang Panauhan—Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng


mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng
panghalip na ak(5.
2. Ikalawang Panauhan—Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang
pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na ka o
ikaw subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat
sa kanilang pagsasalaysay.
3. Ikatlong Panauhan—Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang
taong walang relasyon sa tauhan kay’a ang panghalip na ginagamit niya sa
pagsasalaysay ay siva. Ang tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at sa labas siya
ng mga pangyayari. May tatlong uri ang ganitong uri ng pananaw:
1. Maladiyos na panauhan—Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga
tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang
iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.
2. Limitadong panauhan—Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga
tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
3. Tagapag-obserbang panauhan—Hindi niya napapasok o nababatid ang
nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga nakikita o
naririnig niyang mga pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang kanyang
isinasalaysay.
4. Kombinasyong Pananaw o Paningin—Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay
kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan
itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa
mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat
kabanata.

May Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o


Damdamin sa Tekstong Naratibo
May dalawang paraan kung paano inilalahad o ipinahahayag ng mga tauhan ang kanilang
diyalogo, saloobin, at damdamin:

1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag


Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi
ng kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi. Sa ganitong
paraan ng pagpapahayag ay nagiging natural at lalong lumulutang ang katangiang taglay ng
mga tauhan. Higit din nitong naaakit ang mga mambabasa sapagkat nagiging mas malinaw
sa kanya ang eksaktong mensahe o sinabi ng tauhan at ang paraan ng pagkakasabi’y
naghuhudyat din sa uri ng damdaming taglay kaysa kung lalagumin o hindi direktang
sasabihin ng tagapagsalaysay.

Halimbawa:

“Donato, kakain na, Anak,” tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y abalang-abala sa ginagawa
at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan. “Aba’y kayganda
naman nireng ginagawa mo, Anak! Ay ano ba talaga ang baIak mo, ha?” Natatawang
inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti nilang kusina..

You might also like