Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukwento ng mga pangyayari sa
isang tao o mga tauhan nangyari sa isang lugar at panahon o isang tagpuan na may maayos na pagkakasunodsunod mula silmula hanggang katapusan.
LAYUNIN:
layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring
nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o say. Gayundin naman, ang naratibo ay nakapagtuturo ng kabutihang-asal, mahahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat, na ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot ng tagumpay, at iba pa.
KAHALAGAHAN:
Ang naratibo ay nakapagtuturo ng kabutihang-asal, mahahalagang aral, at mga
pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat, na ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot ng tagumpay, at iba pa.
KATANGIAN:
1. Unang Panauhan— Sa ganitong pananaw, ginagamit ang panghalip na I dahil
ang isa sa mga tauhan ay nagsasalita tungkol sa kanyang naranasan, naalala, o narinig. 2. Ikalawang Panauhan— Dito, ginamit ng may-akda ang mga panghalip na “ka” at “ikaw” dahil tila tinutugunan ng may-akda ang mga karakter na ginagalaw niya sa kwento. subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang pagsasalaysay. 3. Ikatlong Panauhan— Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay sinasabi ng isang taong walang kaugnayan sa karakter, kaya ang panghalip na ginagamit niya sa kanyang pagsasalaysay ay “siya”. Ang tagapagsalaysay ay isang tagamasid lamang. Ang pananaw na ito ay may tatlong uri: Maladiyos na panauhan —Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa. Limitadong panauhan —Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan. Tagapag-obserbang panauhan —Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga nakikita o naririnig niyang mga pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang kanyang isinasalaysay. 4. Kombinasyong Pananaw o Paningin—Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata.