You are on page 1of 12

Talasalitaan

Piksyon (fiction). Ang pangyayaring inilalahad ay nanggaling


lamang sa kathang-isip ng manunulat.
Di-piksyon (non- fiction). Ang pangyayaring inilalahad ng
manunulat ay hinango sa totoong pangyayari sa daigdig.
Pananaw o Punto de-vista (point of view). Ito ay ang ginagamit ng
may-akda sa paningin o pananaw sa kaniyang pagsasalaysay.
Obhetibo. Ang ginagawang pagpapahayag ng manunulat ay batay
sa katotohanan o paglalatag ng mga ebidensya.
Subhetibo. Ang pagpapahayag ng isang manunulat ay nakabatay
sa kanyang imahinasyon o kaya ay opinyon lamang.
Ethos. Tumutukoy ito sa karakter, imahen, o reputasyon ng
tagapagsalita/manunulat. Ang elementong ito ang nagpapasya
kung kapani-paniwala o dapat bang pagkatiwalaan ng tagapakinig
ang tagapagsalita, o ng mambabasa ang manunulat.
Logos. Tumutukoy ito sa opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng
tagapagsalita/manunulat. Panghihikayat ito gamit ang lohikal na
kaalaman. Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal ng nilalaman o
kung may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o
mapaniwala ang tagapakinig o mambabasa na ito ay totoo.
Pathos. Tumutukoy naman ito sa emosyon ng
tagapakinig/mambabasa. Elemento ito ng panghihikayat na
tumatalakay sa emosyon o damdamin ng tagapakinig o
mambabasa.
Teksto
 ito ay babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol sa ibat-
ibang tao o impormasyon tungkol sa mga bagay bagay.

Iba’t ibang uri ng teksto


1. Tekstong Naratibo
ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring
hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o
nanggaling lamang sa kathang-isip ng manunulat (piksyon).
Ang pagsulat nito ay maaring batay sa obserbasyon o nakita ng
may akda, maaari din namang ito ay nanggaling mula sa sarili
niyang karanasan.
Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong nagkukuwento na
nabibilang sa akdang piksyon ay nobela, maikling kwento, at
tulang nagsasalaysay.
Ang halimbawa naman ng hindi piksyon ay talambuhay, balita at
maikling sanaysay.
Lahat ng halimbawang nabanggit ay nagtataglay ng pagsasalaysay
gamit ang wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng
emosyon sa mga mambabasa, at nagpapakita ng iba’t ibang
imahen, metapora at mga simbolo upang maging malikhain ang
katha.
Mga Katangian ng Tekstong Naratibo Tatlong uri ng Ikatlong Pananaw:
Katulad ng iba pang uri ng teksto, ang naratibong teksto upang 1) Maladiyos na Panauhan – nababatid na niya ang (OMNISCIENT)
maging epektibo ay may mga katangiang dapat taglayin. galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Napapasok niya ang
isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin
A. May iba’t ibang pananaw o Punto de-vista (point of view) sa
at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.
tekstong naratibo
Sa pagsasalaysay o pagkukuwento ay may mga matang 2) Limitadong Panauhan --- nababatid niya ang iniisip at ikinikilos
tumutunghay sa mga pangyayari. Ito ang ginagamit ng ng isa sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
manunulat sa paningin o pananaw sa pagsasalaysay.
3) Tagapag-obserbang Panauhan – hindi niya napapasok o
nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan.
1. Unang Panauhan – sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan
ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, 4) Kombinasyong Pananaw o Paningin – dito ay hindi lang iisa ang
naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na tagapagsalaysay kaya’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit
“AKO”. sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela
kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang
Hal. Kumakain ako ng masarap na pagkain.
panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat
2. Ikalawang Panauhan – dito mistulang kabanata.
kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa
Hal. Nobela
kuwento kaya’t gumagamit ng mga panghalip na “KA” o
“IKAW”.
Hal.
Ikaw na ang manguna sa pamamattal ng RELIEF GOODS.
Magtungo ka Bukas sa opisina ko.
3. Ikatlong Panauhan – ang mga pangyayari sa pananaw na
ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa mga
tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa
pagsasalaysay ay “SIYA”.
Hal. Siya ay isang magaling na manunulat.
B. May paraan ng pagpapahayag ng diyalogo, saloobin, o 2) Di- direkta o di- tuwirang pagpapahayag.
damdamin sa tekstong naratibo  Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o
nararamdaman ng tauhan.
May dalawang paraan kung paano inilahad o ipinapahayag ng
mga tauhan ang kanilang diyalogo.  Hindi na ito ginagamitan ng panipi.

1) Direkta o tuwirang pagpapahayag.


 Ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng Paano naman ginagamit sa pagsasalaysay sa tekstong naratibo
kaniyang diyalogo, saloobin, o damdamin. ang di direktang o di tuwirang pagpapahayag?
 Ito ay ginagamitan ng panipi (“ “). Sa ganitong paraan ng
Naririto naman ang halimbawa nito: Tinawag ni Aling Guada ang
pagpapahayag ay nagiging natural at lalong lumulutang ang
anak dahil kakain na habang ito’y abalangabala sa ginagawa at
katangiang taglay ng mga tauhan. Higit din nitong naaakit ang
hindi halos napansing nakalapit na pala ina sa kaniyang
mga mambabasa sapagkat nagiging mas malinaw sa kaniya ang
kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda ng ginagawa ng anak at
eksaktong mensahe o sinasabi ng tauhan.
tinanong din niya kung ano ba talaga ang balak niya

Paano ginagamit ang direkta o tuwirang pagpapahayag sa


pagsasalaysay sa tekstong naratibo?
Narito ang halimbawa: “Donato, kakakin na, Anak,” tawag ni Aling
Guada sa anak na noo’y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos
napapansing nakalapit na pala ang ina sa kaniyang kinalalagyan.
“Abay’y kayganda naman nireng ginagawa mo, Anak! Ay ano ba
talaga ang balak mo, ha?”
2. Ang Tekstong Deskriptibo
ay nagtataglay ng mga kaukulang detalye sa katangian ng isang
tao, lugar, bagay, o pangyayari.
Naglalayon itong bumuo ng malinaw na larawan sa isip ng mga
mambabasa upang mapalutang ang pagkakakilanlan nito. Ang
tekstong ito ay laging sumasagot sa tanong na “Ano“. Ang
deskripsyon ay maaring: batay sa pandama - nakita, naamoy,
nalasahan, nahawakan, at narinig; batay sa nararamdaman -
bugso ng damdamin o personal na saloobin ng naglalarawan; at
batay sa obserbasyon - obserbasyon ng mga nagyayari.
Sa tekstong ito, kahit hindi ka pintor ay makakabuo ka ng isang
larawan gamit ang mga salitang magmamarka sa damdamin at
isipan ng mambabasa. Upang mailarawan at mabigyang-buhay sa
imahinasyon ng mambabasa ang isang tauhan, tagpuan, bagay,
galaw o kilos, karaniwang gumagamit ang may-akda ng pang-uri
at pang-abay. Mula sa epektibong paglalarawan ay halos makikita,
maaamoy, maririnig, malalasahan, mahahawakan na ng
mambabasa ang mga bagay na nailalarawan kahit pa sa isipan
lamang niya nabubuo ang mga imaheng ito.
Gumagamit din ang manunulat ng iba pang paglalarawan tulad ng
pangngalan, pandiwa at tayutay tulad ng pagtutulad,
pagwawangis, pagsasatao at iba pa.
Ang tekstong deskriptibo ay laging kabahagi ng iba pang uri ng
teksto, partikular sa tekstong naratibo.
Hal. Maganda si Nenet. Maamo ang mukhat at mamulamula ang
pisngi.
May dalawang paraan ng paglalarawan upang makamit ang layon b. Subhetibo o Masining. Nagpapahayag ng isang buhay na
ng tekstong deskriptibo. larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda.
Ang mga detalyeng inihahayag dito ay nakukulayan ng
a. Obhetibo o Karaniwan. (Facts, no emotion) Pagbubuo ito ng
imahinasyon, pananaw at opinyong pansarili ng
malinaw na larawan sa isipan ng mambabasa sa tulong ng
naglalarawan. May layunin itong makaantig ng kalooban ng
pinagbatayang katotohanan. Walang kinalaman dito ang
tagapakinig o mambabasa para mahikayat silang makiisa sa
sariling kuro-kuro at damdamin ng naglalarawan. Payak
naguniguni o sadyang naranasan nitong damdamin sa
lamang ang paggamit ng mga salita upang maibigay ang
inilalarawan. Ginagamitan ito ng mga matatalinghaga o
katangian ng nakita, narinig, nalasahan, naamoy, at
idyomatikong pagpapahayag.
nararamdaman sa paglalarawan.
Halimbawa:
Halimbawa:
Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo
Maganda si Matet. Maamo ang mukha na lalo pang pinatitingkad
niyang mukhang tila anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng mga
ng mamula-mula niyang pisngi. Mahaba ang ang kanyang buhok
anak ni Adan. Alonalon ang kanyang buhok na bumagay naman sa
na umaabot hanggang sa baywang. Balingkinitan ang kanyang
kainggit-inggit niyang katawan at taas.
katawan na binagayan naman ng kanyang taas.
Hal. Patuloy siya sa paglalakad nang pasagsag habang pasan ang
Hal.
kanyang anak na maputla pa ang kulay sa isang papel.
a. Ang araw ay naglalabas ng liwanag sa buong mundo.
b. Ang pagbabasa ng libro ay nakatutulong sa pagpapalawak Anong pamamaraan ang ginamit ng may-akda sa paglalarawan?
ng kaalaman ng tao.
 Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang
humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding.
Subhetibo ang ginamit na uri ng paglalarawan ng may-akda.
Anong pamamaraan ang ginamit ng may-akda sa paglalarawan?
 Si Kapitan Tiyago ay pandak, maputi-puti, bilog ang katawan at
pagmumukha dahil sa katabaan. Siya ay mukhang bata kaysa
sadya niyang gulang. Ang kanyang pagmumukha ay palaging
anyong banal.
Obhetibo naman ang ginamit na uri ng paglalarawan ng may-
akda.
3. Ang Tekstong Impormatibo 4. Ang Tekstong Prosidyural
ay isang babasahing di piksyon. Ito ay isang uri ng pagpapahayag ay binubuo ng mga panuto upang masundan ang mga hakbang ng
na ang layunin ay makapagbigay ng impormasyon. Naglalahad ito isang proseso sa paggawa ng isang bagay.
ng malinaw na paliwanag sa paksang tinatalakay. Sinasagot nito
Nagsasaad din ito ng impormasyon o mga direksiyon upang ligtas,
ang mga tanong na ano, kailan, saan, sino at paano. Sa ibang
mabilis, matagumpay, at maayos na pagsasagawa ng gawain.
terminolohiya, tinatawag din itong “ekspositori”.
Hal. ang ating pambansang bayani ay si Dr. Jose Protacio Alonso
Mercado Y Realonda Rizal. Kapakinabanagan ng Tekstong Prosidyural

Katangian ng isang Tekstong Impormatibo Magagamit ang tekstong prosidyural sa tatlong iba’t ibang
pagkakataon.
Dahil layunin nitong maghatid ng tiyak na impormasyon, dapat ito
ay madaling unawain. Sa pagsulat ng tekstong impormatibo, ang a. Una, sa pagpapaliwanag kung paano gumagana o paano
mga manunulat ay gumagamit ng iba’t ibang pantulong upang pagaganahin ang isang kasangkapan
magabayan ang mga mambabasa para mas mabilis nilang batay sa ipinapakita sa manwal.
maunawaan ang impormasyon. Ang ilan sa halimbawa ng mga b. Pangalawa, sa pagsasabi ng hakbang kung paano gawin ang
pantulong ay talaan ng nilalaman, index at glosaryo. Maari ding isang bagay o gawain tulad ng makikita sa mga resipi,
gumamit ang mga manunulat ng mga larawan, ilustrasyon, mekaniks ng laro, alituntunin sa kalsada at mga
kapsyon, grap at talahanayan. eksperimentong siyentipiko.
c. Panghuli, sa paglalarawan kung
Sa pagbuo ng tekstong impormatibo, mahalagang isaalang-alang
paano makakamit ang ninanais na kalagayan sa buhay,
ang katumpakan ng nilalaman. Ang mga sumusulat nito ay
tulad halimbawa ng kung paano magiging masaya, kung
kinakailangang may sapat na kaalaman sa paksa, kung kaya’t
paano magtatagumpay sa buhay at iba pa.
dapat sila ay may mga sangguniang pinagbabatayan. Dagdag pa,
ang sanggunian o pinagkukunan nila ng datos ay kailangang Hal.
mapapagkatiwalaan at may kredibilidad. Makakabuti rin kung ang a. Recipe ng Adobong Manok
paksa ay napapanahon sapagkat ito ay maaring makatulong b. Paano magluto ng Fried chicken
upang maunawaan ng mambabasa ang mga isyu sa lipunan.
Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong impormatibo ay
diksyunaryo, encyclopedia, almanac, pamanahong papel o
pananaliksik, siyentipikong ulat, at mga balita sa pahayagan.
5. Tekstong Persuweysib
Layunin ng isang tekstong persuweysib ang manghikayat o
mangumbinsi sa babasa ng teksto. Isinusulat ang tekstong
persuweysib upang mabago ang takbo isip ng mambabasa at
makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi sa iba, ang
siyang tama. Hinihikayat din nito ang mambabasang tanggapin
ang posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto.
Ang tekstong persuweysib ay may subhetibong tono sapagkat
malayang ipinahahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at
pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig. Taglay nito ang
personal na opinyon at paniniwala ng may-akda.
Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga iskrip para sa
patalastas, propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa
isang samahan o networking.

Hal.
• iskrip (script) sa patalastas
• propaganda sa eleksyon
• Pliers (fliers) ng produkto
• networking (OPEN Minded ka ba? Hahahah)
• kahit anong panghihikayat
Inilarawan ng Griyegong pilosopo na si Aristotle ang tatlong paniniwala ng mambabasa ay isang epektibong paran upang
paraan ng panghihikayat o pangungumbinsi. Ito ay ang makumbinsi sila. Halimbawa, ang pagsasalaysay ng isang
sumusunod: kuwentong makaantig ng galit o awa ay isang mabisang paraan
upang mahikayat silang pumanig sa manunulat.
a. Ethos - Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat.
Dapat makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na Hal. Noong may nagpost sa social media na kailangan nila ng
siya ay may malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa tulong, ang mga taong nakabasa nito ay naawa kung kaya’t
kanyang isinusulat, kung hindi ay baka hindi sila mahikayat na nagpaabot sila ng donasyon.
maniwala rito. Halimbawa, ang isang taong nanghihikayat ng
mga turista upang bisitahin ang isang isla sa Pilipinas gayong
hindi pa siya nakakapunta rito ay maaaring maging kaduda- c. Logos – Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang
duda. Gayunpaman, may iba pang paraan upang magkaroon makumbinsi ang mambabasa. Kailangang mapatunayan ng
ng krebilidad. Ang estilo ng pagsulat ay mahalaga upang manunulat sa mga mambabasa na batay sa mga impormasyon
magkaroon ng krebilidad. Dapat na maisulat nang malinaw at at datos na kaniyang inilatag, ang kaniyang pananaw o punto
wasto ang teksto upang lumabas na hitik sa kaalaman at ang siyang dapat paniwalaan. Gayunpaman, isa sa mga
mahusay ang sumusulat. Ang paraan ng pagsisipi ng madalas na pagkakamali ng mga manunulat ang paggamit ng
sanggunian ay maaaring makatulong sa pagpapatibay ng ad hominem fallacy, kung saan ang manunulat ay
kredibilidad. Kailangang mapatunayan sa mga mambabasa na sumasalungat sa personalidad ng katunggali at hindi sa
ang mga datos at impormasyon ay wasto at napapanahon pinaniniwalaan nito.
upang makumbinsi na ang isinulat ay tama at Kailangang tandaan na sa paggamit ng mga paraang ito dapat
mapagkakatiwalaan. isaalang-alang kung sino o anong uri ang mga taong may hawak
Hal. Ang isang taong nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin na mataas na posisyon o mga negosyante, makabubuting
ang kang gayong hindi pa siya nakakapunta dito ay maaaring gumamit ng may kredebiilidad at mga wastong impormasyon at
maging kaduda duda. datos upang sila ay makumbinsi, habang mayroon namang mga
mambabasa na nahihikayat kung gagamitan ng apela sa emosyon.
Maari ding gamitin ang lahat ng paraan o kung mayroon pang
naiisip na ibang paraan na magiging epektibo sa uri ng inaasahan
b. Pathos - Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin mong mambabasa.
upang mahikayat ang mambabasa. Ayon kay Aristotle,
Hal. Dahil ang covid ay nakakahawa lalo na sa mga senior citizens,
karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng
inabisuhan ng DOH at ng pamahalaan huwag lumabas ng bahay
kanilang emosyon. Ang paggamit ng pagpapahalaga at
ang mga matatanda.
6. Tekstong Argumentatibo Ano ang pagkakatulad ng tekstong persweysib at argyumentatib?
Katulad ng tekstong persuweysib, layunin din ng tekstong Ang tekstong persweysib at tekstong argyumentatib ay kapwa
argyumentatib ang manghikayat o mangumbinsi ng nangungumbinsi o nanghihikayat.
mambababasa.
Obhetibo ang tono ng tekstong ito sapagkat nakabatay ito sa
Ano naman ang pagkakaiba ng tekstong persweysib at
datos o impormasyong inilalalatag ng manunulat. Ginagamit ng
argyumentatib?
tekstong argyumentatib ang paraang logos. Upang makumbinsi
ang mambabasa, inilalahad ng may-akda ang mga argumento, Ang tekstong persweysib ay subhetibo,
katwiran, at ebidensyang nagpapatibay ng kanyang posisyon o nanghihikayat ito batay sa opinyon at
punto. sa pamamagitan ng pagpukaw ng emosyon ng mambabasa

Ang pangangatwiran ay ang diskursong sadyang isinusulat para sa


napakahalagang layuning makapaghikayat o mapapaniwala ang at pagpokus sa kredibilidad ng mayakda samantalang ang
mga mambabasa sa saloobin ng sumulat ukol sa kanyang argyumentatib ay obhetibo. Nanghihikayat ito batay sa datos at
paniniwala at paninindigan. Sa kayariang ito, mariing binibigyang merito ng mga ebidensya.
pagtalakay ang paglalahad ng mga detalye at kaalamang nais
mabigyan ng positibong reaksyon ng babasa o mga tagahatol nito.
Dito ihahanay ng manunulat ang kanyang proposisyon at Sa tatlong paraan ng panghihikayat - ethos, pathos at logos, alin
argumentong nagbibigay-suporta sa mga kaalamang nais niyang ang ginagamit ng tekstong argyumentatib?
sang-ayunan ng mga mambabasa. Sa mga nabanggit na kayarian,
Ang logos ang ginagamit na pamamaraan ng
pinakasensintibo ang diskursong ito sapagkat nangangailangan ito
tekstong argyumentatib. Gumagamit ang may-akda ng mga
ng mabigat na ebidensya o patunay na makatotohanan ang
ebidensyang nagpapatibay sa kanyang posisyon o punto upang
ipinahahayag ng manunulat (Mabilin et al.).
makumbinsi ang mambabasa.

Hal.
1. nararapat na ipagbawal ang paninigarilyo sa publiko
2. Pagpapatupad ng programang k-12 bilang sistema ng
edukasyon sa Pilipinas.
Isulat ang T, kung tama ang ipinapahayag at M kung mali ang 1. Ang sumusunod ay mga babasahing di piksyon:
ipinapahayag. talambuhay, balita, artikulo sa magasin. Batay sa mga
1. Ang tekstong naratibo ay nagsasalaysay ng mga mahahalagang halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian
pangyayari. ang maibibigay mo para sa di piksyon?
2. Layunin ng tekstong persweysib na hikayatin at papaniwalain 2. Ang sumusunod ay mga babasahing di piksyon:
ang mga mambabasa. talambuhay, balita, artikulo sa magasin. Batay sa mga
3. Nagbibigay ang tekstong prosidyural ng magkakasunod-sunod halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian
na pamamaraan upang maisagawa ng matagumpay ang isang ang maibibigay mo para sa di piksyon?
bagay. 3. Ang salitang impormatibo, ay nagmula sa salitang Ingles na
4. Nakabubuo ng malinaw na imahen sa isipan ng mambabasa ang inform. Batay sa pinagmulan ng salita, anong kahulugan
tekstong deskriptibo. ang maibibigay mo para sa tekstong impormatibo?
5. Naglalahad ng pangangatwiran tungkol sa napiling panig ang 4. May iba’t ibang pananaw o punto de-vista ang tekstong
tekstong impormatib. naratibo, unang panauhan, ikalawang panauhan, ikatlong
panauhan. Batay sa mga nabanggit na mga pananaw ano
anong kahulugan ang maibibigay mo para sa unang
panauhan?
5. May dalawang paraan kung paano inilahad o ipinapahayag
ng mga tauhan ang kanilang diyalogo, ang direkta o
tuwirang pagpapahayag, o di direkta o di tuwirang
pagpapahayag. Batay sa mga nabanggit na paraan, anong
kahulugan ang maibibigay mo sa di direkta o di tuwirang
pagpapahayag?

You might also like