You are on page 1of 15

TEKSTONG

DESKRIPTIBO
By : Group 5
Ano ang Tekstong Deskriptibo?

 Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng


impresyon o kakintalang likha ng pandama. Sa
pamamagitan ng pang – amoy, panlasa, pandinig at
pansalat, itinatala ng sumusulat ang paglalarawan ng mga
detalye na kanyang nararanasan.
 Ito ay naglalayomg magsaad ng kabuuang larawan ng isang
bagay, pangyayari, o kaya naman ay magbigay ng isang
konseptong biswal ng mga bagay – bagay, pook, tao, o
pangyayari.
LAYUNIN

 Angpaglalarawan ay may layuning


makapagpamalas sa isip ng tagapakinig o
mambabasa ng isang malinaw at buong
larawan.
KAHALAGAHAN

 Mahalaga ang paglalarawan sa teksto dahil mas


nakatutulong ito upang mas malawak na
maintindihan ng mambabasa ang mga imahe na
nais ipaisip o iparating ng manunulat.
Nakakatulong iti upang mas malawak na
maipagana ang imahinasyon ng mambabasa. Mas
madaling maiintindihan ang tekstong binabasa
kung malinaw ang pagkakalarawan ng manunulat.
PARAAN NG PAGLALARAWAN

Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga


impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay,
lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga
tao, kalimitang tumutugon ito sa nga tanong na Ano:

 Batay sa PANDAMA – nakikita, naaamoy, nalasahan, nahawakan at


narinig
 Batay sa NARARAMDAMAN – bugso ng damdamin o personal na
saloobin ng naglalarawan.
 Batay sa OBSERBASYON – batay sa obserbasyon ng mga nangyayari.
URI NG PAGLALARAWAN
KARANIWAN

Karaniwan ang paglalarawan kung nagbibigay ng


impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas.
Sa karaniwang Paglalarawan :
 Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay hindi
dapat isinasama
 Gumagamit lamang ito ng mga tiyak at karaniwang
salitang panlarawan at itinatala ang nga bagay o ang mga
partikular na detalye sa payak na paraan
MASINING
Masining ito kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na
larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may – akda.
Karaniwang pili ang mga ginagamit na salita sa paglalarawan,
kabilang na ang paggamit ng mga pang – uri, pang – abay,
tayutay, at idyoma.
Sa Msasining na Paglalarawan :
 Ang mga detalyeng inihahayag dito ay nakukulayan ng
imahinasyon, pananaw at opinyong pansariling
tagapagsalaysay.
 May layinin itong makaantig ng kalooban ng tagapakinig o
mambabasa para mahikayat silang makiiisa sa naguniguni
o sadyang naramasan nitong damdamin sa inilalarawan.
HALIMBAWA

 Muking nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet.


Amgaamo niyang mukhang tila anghel ay sadyang
kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan. Alon – alon ang
kanyang buhok na bumagay naman sa kainggit inggit
niyang katawan at taas.
 Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang
humahaplos sa nag – iinit na noo ni Danding. (mula sa
“Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes)
APAT NA MAHALAGANG
KASANGKAPAN NA GINAGAMIT
SA MAILNAW NA
PAGLALARAWAN
WIKA

 Kung ang isang pintor ay pinse ang ginagamit upang


mailarawan niya ang kagandahan ng kanyang modelo, ang
isang manunulat naman ay wika ang ginagamit upang
makabuo ng isang malinaw at mabisang paglalarawan.
Karaniwang ginagamit dio ang pang – uri at pang – abay.
MAAYOS NA DETALYE

 Dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad


ng mga bagya na makatutulong upang mailarawang ganap
ang isang tao, bagay, pook, o pangyayari. Kapag maayos
ang pagkakalahad ng mga detalye, ang mga bumabasa o
nakikinig ay nagkakaroon ng pagkakataon na pakilusin
ang kanilang imahinasyon upang mailarawan sa isip ang
mga bagy – bagy na inilalarawan.
PANANAW NG PAGLALARAWAN

 Maaaring magkaiba – iba ang paglalarawan ng isang tao,


bagay, pook, o pangyayari salig na rin sa karanasan at
saloobin ng taong naglalarawan. Ang isang pook,
halimbawa, ay maaring maganda sa isang naglalarawan
habang ang isa naman ay hindi kung itoay nagdulot sa
kanya ng isang di magandang karanasnan.
ISANG KABUUAN O IMPRESYON

 Dahil ang layunin ng paglapaglalarawan na makabuo ng


malinaw larawan sa imahinasyon ng mga mambabasa,
mahalaga sa isang naglalarawan na mahikayat ang
kanyang mga mambabasa o tagapakinig nang sa gayon ay
makabuo sila ng impresyon hinggil sa inilaarawan. Dito
ay sama – sama na ang bisa ng wika, maayos na
paglalahad ng mga detalye, at ang pananaw na
paglalarawan.
PAGLALAGOM

You might also like