You are on page 1of 2

Buwan ng Wika 2019

itatampok ang mga


katutubong lengguwahe
'Nais nating pagpugayan at patunayan na mahalagang bahagi ng ating pagkabansa
ang 130 katutubong wika sa Filipinas,' ayon kay Virgilio Almario, tagapangulo ng
Komisyon sa Wikang Filipino

ISANG WIKA, ISANG KULTURA. Mga miyembro ng tribong Ata sa pagdiriwang ng Kadayawan
Festival sa Davao noong 2018. Kuha ni Manman Dejeto/Rappler

MANILA, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon, itutuon ang pagdiriwang ng


Buwan ng Wika sa mga katutubong lengguwahe dahil "kung pababayaan, maaari
pang maglaho nang tuluyan" ang mga ito, anunsiyo ni Virgilio Almario, ang
tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) nitong Lunes, Hulyo 29.

“Bakit natin ito ginagawa? Dahil nais nating pagpugayan at patunayan na


mahalagang bahagi ng ating pagkabansa ang 130 katutubong wika sa Filipinas. Ito
ang buong pagmamalaking ipinapahayag ng ating tema na ‘Wikang Katutubo: Tungo
sa Isang Bansang Filipino,’” ika ni Almario sa flag raising ceremony ng Lungsod ng
Maynila sa Liwasang Bonifacio.

Saksi sa programa ang alkalde ng kapital na si Isko Moreno, ang bise alkalde na si
Honey Lacuna, ang mga konsehal, at iba pang mga opisyal ng Maynila.

Ayon sa Ethnologue: Languages of the World, may 186 wika sa Pilipinas, ngunit 182
na lang rito ang buhay. Ang karamihan ng mga lengguwahe ay dala ng mayaman na
kasaysayan at isla-islang heograpiya ng bansa.

You might also like