You are on page 1of 1

Althea Maegan B.

Alama Hulyo 16, 2019

PPP-C Reaksyong Papel

Tema: Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino

Ang tema sa taong ito ay tungkol sa pagpapahalaga sa katutubong wika sa Filipinas. Ang
wikang katutubo ng Filipinas ay ang pangunahing tulong sa pagyaman at pag-unlad ng Wikang
Filipino. Ipinahiwatig nito na dapat may pambansang kamalayan sa halaga ng wikang katutubo
ant wikang Filipino sa pagbuo ng bansang nagkakaunawaan.

Ang Filipino bilang Wikang Pambansa ay tulay para maging wikang panlahat ng mahigit
sandaang wika sa buong Filipinas. Maituturing na yaman ng Filipinas ang pagkakaroon ng
maraming katutubong wika. May 130 katutubong wika ang bansa at ayon sa tema, kailangang
igalang at mahalin ang bawat katutubong wika at panatilihin itong buhay at ginagamit sa mga
nagsasalita nito. Dahil ito ay tulay para tayo ay magkaunwaan at nagkakaisa.

Bahagi na ng ating pagka-Filipino an gating salita. Sapagkat ang pagkakaintindi ng


karamihan, ang ‘F’ ay banyaga at kolonyal habang ang ‘P’ ay likas sa ating salita. Ngunit iginiit
ng Komisyon sa Wikang Filipino na gamitin ang “Filipino” sa halip na “Pilipino” sa pagtukoy
hindi lamang sa pambansang wika kundi pati sa “tao at kultura ng Filipinas.” Ayon sa KWF ang
‘F’ ay hindi banyaga ngunit ito ay katutubong tunog na ginagamit pa noon pa man mula sa
Cordilleras ng mga Ifugao hanggang sa mga B’laan sa Mindanao. Ang paggamit ng “Filipino” sa
pagtukoy sa tao at kultura ng bansa ay hindi lamang nating kinikilala ang mga wikang rehiyonal
kundi pinagyayaman pa natin ang ating pambansang wika.

You might also like