11 - VOYAGERS “Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa”
Isinulat ni Virgilio S. Almario
Maraming kinikilalang wika sa Pilipinas, bawat wika ay may kanya-
kanyang diyalekto. Masasabing magkakamag-anak ang mga wika sa Pilipinas sapagkat mayroong mga salitang pareho o iisa ang gamit sa dalawa o mahigit pang wika o cognates. Ang mga pangunahing wika sa Pilipinas ay Bikol, Ilokano, Hiligaynon, Pangasinan, Pampangga, Sebwano, at Waray. Sa Pilipinas mayroong mga tinatawag na wikang opisyal o ang wikang ginagamit sa talastasan ng pamahalaan, wikang panturo o wikang ginagamit sa edukasyon, at wikang pantulong o auxillary language na ginagamit upang makatulong sa pagbuo ng mga maayos at kainti-intinding pangungusap. Pumasok ang usapin ukol sa wikang pamabansa ng Pilipinas matapos nating makalaya sa mga Amerikano—sinasabi na dapat tayong magkaraoon ng sariling pagkakakilanlan. Iniwasan na maging Ingles ang wikang pambansa upang makaiwas sa pagkabura ng kultura ng mga Pilipino. Tagalog ang naging batayan ng Wikang Pamansa ng Pilipinas dahil ito ang nakapailalim sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 noong Disyembre 30, 1937. Ito ang napiling wika na gamitin bilang batayan sapagkat suportado naman ito ng mga saliksik na pinangunahan ni Trinidad A. Rojo. Maraming nagsasabi na sa “pamomolitika” ang naging pagpili rito, dahil tanyag na Tagalog si Manuel L. Quezon. Nabuo ang SWP o Surian ng Wikang Pambansa dahil sa pangangailangan ng wikang pambansa. Kinabilangan ito ng mga miyembrong kinatawan ng mga pangunahing wikang katutubo. Imbis na bumuo ng panibagong wika na naglalaman ng pinaghalo- halong wikang katutubo, pumili lamang ng isang wika ang SWP para maging batayan, sapagkat para sa kanila, ito ay mas praktikal. Naging isyu ang pagbabatay ng SWP sa iisang wikang katutubo lamang, sapagkat ito raw ay “purista” ayon kay Geruncio Lacuesta na nagtatag pa siya ng samahan upang matiyak na pinaghalo-halo ang PANGILINAN, JULIANA P. 11 - VOYAGERS mga wikang katutubo; tinawag niya itong MOLAM o Modernizing Language Approach Movement. Ang akusasyon ni Lacuesta ay hindi napatunayan sapagkat naipakita naman ng SWP ang kanilang pagiging inkulisbo, sadyang hindi lang praktikal ang gustong mangyari ni Lacuesta, na sinabi ni Andrew B. Gonzalez. Dahil sa pagaaklas ng mga non-tagalog speakers ginawang “Pilipino” ang twag sa batayan ng wikang pambansa kaysa “Tagalog”. Naiba ito kung sa pagiging inklusibo ang usapan, ngunit hindi naman tuluyang nawala ang Tagalog sa pangunahing ginagamit na wika kaya hindi rin masyado nagbago ang batayan. Sa mga sumunod pang taon, iniba muli ang termino na ngayon ay tinatawag nang “Filipino”; ang pinakauna at kaisa-isahang naitatatag na opisyal na wikang pambansa ng Pilipinas. Binago ito upang maging mas-inklusibo ang Pilipinas sa mga kababayan nating hindi pangunahing wika ang Tagalog. Kumpara noong 1973, mas naitaguyod ng 1987 Konstitusyon ang wikang Filipino, dahil mas nalinaw at napalaganap ito ng Komisyon ng Wikang Filipino, na nagtataguyod at naglilinang na mapalaganap pa ang wikang Filipino. Ngayon, mas dumami na ang mga mamamayang lumalahok sa paggamit ng wikang Filipino, ngunit mayroon pa ring mga umaasa na maibalik ang Ingles bilang wikang pambansa; dala ng globalisasyon. Upang lalong mapalago ang wikang Filipino nagdagdag tayo ng mga hiram na letra sa ating alpabeto upang mapadali ang pagbuo at pagsulat ng mga salitang hiram mula sa dayuhang wika; mula 20 na letra ay naging 28. Sa ngayon, hindi pa nararating ng Filipino ang pagiging intelektwalisado at standardisado kaya naming lubos na kinakailangan ang pagtatatag ng Ortagrapiyang Pambansa. Ang Linggo ng Wika ay sinimulan noong panahon ng dating pangulong Fidel V. Ramos, ito ay isang linggong nakaalay para sa paglilinang at pagtanda sa ating wikang pambansa. Ang mas matinding pagpapalaganap at paggamit sa Filipino ay kinakailangan natin upang maabot ang pagiging intelektwalisadong at standardisadong wikang pambansa.