You are on page 1of 4

Mahalagang maintindihan ang kasaysayan

at ang pinadaraanan ng wikang pambansa


kung paano ito ba ito nagsimula bilang
tagalong na kung saan umalma ang mga
bisaya naging Pilipino at ngayon ay Filipino
na.Isang arkipelago ang Pilipinas kung kaya
nagkaroon ito ng maraming katutubong
wika .Ang maganda sa penomenong ito ay
nagkakaroon rin ng kani-kaniyang literatura
ang bawat etnolingguwistikong
grupo.Konstitusyon noong kapanahunan pa
ng diktador na si Pangulong Ferdinand
Marcos, nakasaad sa artikulo 15 seksiyon 2
at 3 na ang batasang pambansa ay
magsasagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na paggamit ng
pambansang wikang Pilipino .
Ang wikang pambansa ay Filipino hindi
tagalong .Ang Filipino ay pinagsama-samang
wika mula sa ibat-ibang relihiyon sa
Pilipinas na may pagsasaalang - alang din sa
mga dayong wika na naging bahagi ng
pangaraw- araw na talastsan. Dumaan ito sa
masusuring pag-aaral ng surian ng wikang
Filipino na naglalayong pagpasiyahan kung
katanggap –tanggap sa nakararami.Ang
namamayani at tanggap na wika ay
tagalong bilang pangunahing salita ngunit
sa mga dumaang proseso ay naging Filipino
na ito.Ito ang isang umiiral na wikang
pambansa ,at ang nucleo nito ay Pilipino
sapagkat ito ay isa nang malaganap na
umiiral na wika na Filipino na F. Sinasabi rin
natin na mayroong isang wikang umiiral na
pinakamalawak at pinakamaunlad na
tinatawag na Filipino at pormalisasyon nito
ay kailangang isagawa sa sistemang pang –
edukasyon at iba pa, subalit hindi
nangangahulugan na dahil hindi pa ito
pormalisado ay hindi umiiral. Ito ay isang
lingua franca.Hindi maipagkakaila na sa
kasalukuyan ay mayroon tayong wikang
pambansa na nalilinang at patuloy na
nililinang sa Tagalog ang batayan na ngayon
ay tinatawag na Filipino.Mahirap magtayo,
madaling magwasak hindi maipagwawalang
–bahala o mawawasak sa isang kumpas na
lamang ng panulat .Umuunalad lamang ang
wika sa pamamagitan ng pagtanggap at
paggamit nito.Kailanagan patuloy nating
ginagamit ang wikang Pambansa sapagkat
kung patuloy natin itong ginagamit maari
itong umunlad ,at mas mapagyaman
pa.Kung hindi natin ito gagamitin ay maaari
naman ito matulad sa ibang wika na patay
na o hindi na kinikilala bilang isang wika.

You might also like