You are on page 1of 1

Naranasan niyo na bang makipag-usap sa isang taong hindi kayo naiintindihan o hindi niyo

maintindihan? Ito kasi ay napakaraming beses nang nangyari sa akin. Hindi ba’t nakakadismaya kung
minsan dahil ang dami mo nang nasabi ngunit hindi ka pala niya naiintidihan dahil iba ang kanyang
wikang sinasalita Ito ang isa sa mga problemang kinakaharap ng isang multi-linggwal na bansa tulad ng
Pilipinas. Kung kaya’t ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa sa Pilipinas ay napakahalaga sapagkat
maaari nitong padaliin ang pakikipagkomyunikeyt ng bawat Pilipino sa isa’t isa kahit saan pa mang dako
sila ng Pilipinas galing. Ito rin ay may posibilidad na maghatid ng mas malawak na kapayapaan dahil
naniniwala ako na ang problema ay mas mabilis masolusyunan ‘pag may maayos na pagkakaintindihan.
Para sa akin, ang wikang Filipino ang pinakamainam itanghal na Wikang Pambasa ay ang Filipino
sapagkat ito ay ang kasalukuyang Wikang Pambansa ayon sa Konstitusyon at may kalawakan na ang
gumagamit ng wikang ito sa buong bansa. Ang wikang Filipino ay hindi lamang maganda bilang WP dahil
ito ay de jure kundi dahil ito rin ay maituturing na de fecto. Ang Filipino ay ang ginagamit na linggwa
frangka ng mga taong hindi magkakilala na nagmula sa iba’t ibang lugar. Halimbawa ay nung nanuluyan
sa Maynila ang lola kong galing Leyte noong kanyang kabataan, siya noon ay hindi marunong magsalita
ng Filipino subalit ito raw ang kanyang ginamit upang makipag-usap sa iba kahit may pagkabarok ang
kanyang Filipino.
Ang pagyabong ng wikang Filipino ay isang indikasyon na tayo ay nasa tamang daan upang maging
ganap na WIkang Pambansa ang Filipino. Isa sa mga kinakaharap na problema ng Filipino bilang WP ay
ang proseso ng standardisasyon nito dahil hindi alam kung sino ang makapagpapasya ng mga istandard.
Ngunit, ako ay sumasang-ayon kay Paz na hindi dapat ang standardisasyon ang pangunahing isipin kundi
ang literasiya ng mga tao ukol sa Filipino. Dahil kung matututo ang mga Pilipino na magsalita ng Filipino
ay hindi na natin kakailanganin ang kahit sino upang maistandardays ang wikang Filipino. And tamang
paggamit nito ay napagkasunduan ng lahat at hindi lamang ng iilang tao. Kung maging tagumpay ang
pagstandardisasyon ng Filipino ay maaari na nating matanggal ang pag-iisip na ang wikang Filipino at
Tagalog ay iisa lamang. Totoong pinagbasihan noon ang Tagalog sa paggawa ng wikang Filipino ngunit sa
ating konteksto ngayon ay sobrang magkaiba na ang dalawa dahil sa pagiging dinamiko ng wikang
Filipino. Marami nang naidagdag na mga salita na hindi naman galing sa Tagalog, ang ilan dito ay
nanggaling sa ibang wika katutubo sa Pilipinas at ang iba naman ay hiram mula sa ibang mga bansa. Ang
paggamit ng Filipino bilang WP ay hindi nangangahulugang papatayin na ang ibang wikang katutubo,
bagkus ang paggamit ng wikang Filipino ay ang magpapausbong sa ibang wika dahil mapapakilala ito sa
iba’t ibang kultura sa Pilipinas.
Hindi mapipigilan ang pag-unlad ng wikang Filipino bilang WP dahil sa iba’t ibang pangangailangan
dito. Ang pag-aaral sa wikang Filipino ay dapat hindi lang sa panloob na esensya o ang mga istraktura na
bumubuo sa wika kundi pati ang panlabas nitong gamit. Hindi dapat mangamba ang mga taong hindi
marunong magsalita ng Filipino sapagkat ang mga wika sa Pilipinas ay magkakamag-anak dahil sa
Unibersal Nukleus; kung kaya’t madali lang itong matutunan. Kapag tuluyan nang naistandardays ang
Filipino, mas tataas ang posibilidad na mabura na ang umiiral na rehiyonalismo ng iilan at magsusulong
sa pagkakaisa ng bawat Pilipino. Hindi ba masarap isipin ang isang Pilipinas na lahat ay pantay-pantay,
malaya at walang pag-aalinlangan?

You might also like