You are on page 1of 1

Pangalan: Dianne Rose M.

Madlangbayan
Asignatura: FILDIS-18/FILDIS-19 - Filipino sa Iba't Ibang Disiplina

Takdang-Aralin 2
Sumulat  ka ng maikling sanaysay hinggil sa wikang Filipino bilang wikang pambansa,
wika ng bayan, at wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng
sambayanan. Bigyang-pansin ang wastong gamit ng salita at wastong paggamit ng
bantas.

Bilang isang Filipino, malinaw para sa akin na ang wika ay isang


mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nais sabihin at
nasa damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap nating
mga Filipino sa kapwa natin Filipino, kundi ginagamit din natin ito upang makipag
komunikasyon, makipagkaibigan, makipagtalakayan at makapag bahagi tayo ng ating
iba’t ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon
at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa ating kapaligiran at
higit lalo na sa ating bansa.
Ang Wikang Filipino, na siyang pambansang wika dito sa Pilipinas ay ang wikang
ginagamit ng mga Filipino sa lahat ng sulok ng bansa. Ito ang nagsisilbing tulay upang
mag isang diwa sa ibang mga Filipino. Kung tayo man ay walang wika o hindi magkaka
intindihan ay maaaring magdulot ito ng mga hindi pagkakaunawaan.
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating
pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ito ang tanyag na katagang
nagmula sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan
sa wika sa buhay ng isang tao. Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang
kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at
nagkakaisa ang bawat tao. Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan.
Dahil dito ay nakikita ang iba’t ibang impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago
at humulma sa pagkatao ng mga mamamayan. Samakatuwid, ang wika ay batayan ng
natatanging kultura ng isang bansa.
Bilang isang estudyante, alam ko at may mga kakilala akong Filipino na hindi masyado
naiintindihan at hindi masyadong bihasa sa wikang Filipino. Maging sa akademya,
marami ang nahihirapang umunawa kung bakit kailangan gamitin sa iba’t ibang larang
at disiplina ang wikang Filipino, na kung mangyayari ay isang malaking pagbabago
dahil nangangahulugan ito nang lubos na pagkaunawa kung ano ang ating wika. Sa
panahon ngayon, maraming paraan ang magagawa upang maintindihan ang wika ng
Filipino tulad ng iba't Ibang gadyet at midya na maaaring magamit sa komunikasyong
edukasyon.

You might also like