You are on page 1of 2

Pangalan: Dianne Rose M.

Madlangbayan
Asignatura: KONFIL-18 - Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Modyul 3- Takdang Gawain 1

Bilang mag-aaral at bilang isang Filipino, ako ay lubos na


sumasang-ayon sa mga tagapag salita at sa mga manunulat. Ang aking nais na
iparating sa replektibong papel na ito ay dapat na maging maingat ang mga estudyante
o mga kalahok sa paggawa o pagkuha ng batis ng impormasyon. Ngunit ano nga ba
muna ang batis ng impormasyon?
Ang batis ng impormasyon ay mga bagay o usaping nakalagay sa isang partikular na
paksa at ito ay nangangailangang buuin. Ang mga ito ay sagrado sapagkat ang mga
halimbawa nito ay ang mga ulat pampamahaalaan, batas, ordinansa, talaarawan at
mga talambuhay. Ang pagkuha ng batis ng impormasyon ay marapat na gawing totoo
at hindi gawa gawa lamang sapagkat ang proseso nito ay ang pagtatala ng
pagkakaalala, salaysay ay interpretasyon ng isang tao na nabuhay sa nakaraan at/ o
nakasaksi sa isang pangyayari. Ang pagkuha ng ganitong impormasyon ay dapat na
nakarecord o isinusulat ng buo.
Natutunan ko rin na ang batis ng impormasyon ay mayroong dalawang uri. Ito ay ang
mga Primarya at Sekundaryang Batis.
Ang Primarya ay ang bagay at mga tala na naglalaman ng impormasyon na galing
mismo sa bagay o tao na pinag-uusapan sa kasaysayan. Ito ay binubuo ng talaarawan,
awtobiograpiya, liham, maaaring nakasulat sa diyaryo at pahayagan, memoir, mga ulat,
mga talumpati, mayroong opisyal na mga dokumento, at maaaring mayroong
kasunduan.
Ang Sekundarya naman ay ay mga lathalain na nakaangkla sa mga tala at
impormasyon halaw sa primaryang batis. Binibigyang-diin dito ang pagsangguni ng mga
sekondaryang batis sa mga primaryang batis bilang pinagmulan ng mga ito. Karaniwan
na ang mga batayang aklat, brochure at magazine ay halimbawa ng sekondaryang
batis. Dagdag pa rito ang mga nalathalang artikulo sa internet. Nakakatulong ang mga
sekondaryang batis upang makilala ng mga mananaliksik ang mga primaryang batis.
Nakakaambag sa paunang kaalaman ng mga mananaliksik ang pagkakilala nila sa mga
sekondaryang batis upang mas maunawaan ang nilalaman, konteksto at naratibo ng
mga primaryang batis.
Dapat nating matutunang ito ay magawa ng maayos at tapat. Hindi ito dapat magkaroon
ng kontekstong gawa gawa lamang sapagkat ang mga ito ay maaari ding mabasa ng
ibang tao. Kung ito ay tama, ito ay makapagbibigay ng karunungan at magandang
impormasyon ngunit kung ito ay mali, ito y maaaring magdulot ng kapahamakaan at
maling impormasyon sa napiling paksa.

You might also like