You are on page 1of 1

Kristine Faith D.

Manalo KONFIL-18 2MKTG-3

Modyul 3 Takdang Gawain


Repleksyong Papel

Sa naging takbo ng aking musmos na buhay, nailahad sa akin ang marami at iba’t ibang uri ng mga
impormasyon sa akademikong konteksto at maging sa personal na interes na pagkalap nito. Kadalasang ito ay sa
pamamamagitan ng midya, kaya naman mayroong panganib sa pagkalehitimo ng mga ito. Mahalaga na
matutunan ang maingat na pagpili ng batis ng impormasyon at mga proseso ng pagbabasa, pati narin ang
pagkalap ng tunay na impormasyon ng primarya at sekondaryang batis upang makaiwas sa iba’t ibang
masamang dulot ng paggamit ng mga maling impormasyon.

Sa dami ng nagkalat na “fake news”, hindi maiiwasan ng sinuman na mabiktima ng ganitong uri ng
impormasyon. Kaya naman sang-ayon ako na mahalaga ang pagbabasa o pagkalap ng impormasyon, ngunit
lubhang mas mahalaga ang pagiging kritikal at maingat sa paniniwalaan. Ang pagbabasa o pagkalap ng
impormasyon pa lamang ay isang mahabang proseso na ayon kay William S. Gray na tinaguriang “Ama ng
Pagbabasa”. Ang persepsyon ng bawat isa, komprehensyon, at reaksyon ang matinding kinakailangan sa tuwing
tayo ay nagbabasa upang lubos nating maunawaan ang mga impormasyong ating binabasa, pati na rin magamit
sa kabutihan ang mga ito. Naipakita rin ang mga iba’t bang uri ng mga batis gaya ng mga ulat pampamahalaan,
batas, talaarawan at pati narin ang mga talambuhay, mga pahayagan na naglalaman ng balita, komentaryo at
anunsyo, mga magasin, tabloid, news report, pati narin ang editorial cartoon, patalastas na mga litrato, oral
histories at digital.

Sa kasalukuyan ay ang Internet ang sa tingin kong mainam na batis ng impormasyon; kailangan lang
na maging matalino at dalubhasa sa paggamit nito. Kaya naman sa aking palagay, kailangan nating magtanong,
mag-imbestiga at magkumpara sa ating mga nasaliksik. Gaya nga ng inihayag ng Propesor na si Xiao Chua, ang
kasaysayan ay hindi basta basta kwento, ito ay isang metodo. Totoong masasalamin sa ating kultura ang
mayaman na kasaysayan ng ating bansa, kaya may proseso tayong dapat gawin sa pag-aaral nito gaya ng alamin
at pag-aralan ang mga naging pamamaraan ng pagkolekta ng mga impormasyong bumubuo sa ating kasaysayan,
pagproseso ng mga impormasyong ito, at pagsusuri sa mga batis. Marami kasi sa panahong ito ang may
masamang layunin sa pagpapakalat ng maling impormasyon o mga imbentong pahayag ng isang naglalayong
makapanirang-puri sa kapuwa, o kaya naman ay pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa isang
grupo o sa madla. Kaya dapat maging maingat upang maiwasan ito.

Bilang isang nangangarap na makalikha ng mga makabuluhang teksto at pelikula, napakahalagang


matutunan ko ang mataas na uri ng kaledad ng panunuri at pananaliksik. Madali akong mabighani sa mga
wikang ginagamit gaya ng mga metapora, at maka-ibang mundong pagpapamangha sa madla, ngunit
nananatiling matalas ang aking paningin sa pagtukoy ng totoong impormasyon. Kaya naman mahalagang
mailagay ko ang aking sarili sa patuloy na pagpapa-usbong ng aking panunuri sa pamamagitan ng kritikal na
pagbabasa at pag-unawa sa bawat wikang ginamit. Ito ay upang lubos kong maunawaan ang mensaheng inilihim
sa malikhain pamamaraan, salita man, gumagalaw na imahe, o makabagbag-damdaming musika. Ito ay upang
nang sa gayon, kapag dumating na ang araw na ako naman ang susulat ng iskrip o magpapasabuhay ng isang
malawak at maka-ibang mundong ideya, ako naman ang hahamon sa iba upang masining na unawain at kilatisin
ang panitikang mula sa sarili.

Sa pangkalahatan, anuman ang konteksto ng sitwasyon na nangangailangan ng pananaliksik o pagkalap


ng impormasyon, sang-ayon akong ito ay dapat mapag-aralan nang wasto ng bawat isa. Maging sa simpleng
pagtanggap ng impormasyon ay mahalagang maging maingat at makilatis ang isang tao. Makatutulong ito hindi
lang sa paggamit sa pansariling kapakinabangan gaya ng pagpapataas ng uri sa akademikong konteksto, kundi,
higit sa lahat, ay maiambag ang kaniyang sariling boses o anumang sariling kaparaanan gamit ang matalinong
pagtanggap ng impormasyon para sa panlipunang pagbabago.

You might also like