You are on page 1of 18

TALUMPATI

Claire A. Buenaventura
III BSeD FIL-A
Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan
o opinyon ng isang tao na pinapabatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa
pangkat ng mga tao. Ito ay isang uri ng akda na
tumatalakay sa napapanahong isyu o paksa na
ang layunin ay bigkasin sa harap ng madla na
nakikinig.
Ang talumpati ay pagpapahayag ng mga
kaisipan, pananaw, at saloobin ng isang tao sa
harap ng madla. Ito ay maaaring magdulot ng sigia
o lugod, magbigay papuri, o magbigay ng
katwiran.
LAYUNIN NG TALUMPATI
1. Manghikayat – Layunin ng talumpati na makapanghimok tungo sa positibong
pagpapakilos ukol sa isang paniniwala o hangarin.
2. Mangatwiran- Layunin ng Talumpati na mangatwiran sa pamamagitan ng
pagbibigay katotohanan o patunay.
3. Manlibang- Bukod sa akademikong layunin ng pagsulat ng talumpati, may
layon din itong maghatid ng kawilihan sa kaniyang mga tagapakinig.
4. Magbigay Impormasyon- Lahat ng talumpati ay nagbibigay impormasyon
dahil ito ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa
paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa.
BAHAGI NG TALUMPATI
Panimula
- inilalahad sa bahaging ito ang layunin ng talumpati.
Katawan
- Dito binabanggit ng husto ang mga paksa at ideya o mga pananaw.
Mga Katangiang dapat taglayin ng katawan ng Talumpati:
a. Kawastuan
b. Kalinawan
c. Kaakit-akit
Katapusan
- Ito ang pinakasukdol o buod ng talumpati.
Mga Uri ng
Talumpati
I. Mga Talumpati ayon sa Kahandaan
1. Biglaang Talumpati ( Impromptu )
- Binibigay ng biglaan o walang paghahanda.
2. Maluwag na Talumpati ( Extemporaneous )
- Nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipapahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay bago ito
ipahayag.
3. Manuskrito ( Manuscript )
- Ang nagsasalita ay nakadarama ng pagtitiwala sa sarili sapagkat naisasaayos niya nang mabuti ang kanyang
mga sasabihin.
4. Isinaulong Talumpati
- Uri ng talumpating isinusulat muna at pagkatapos ay isinasaulo ng mananalumpati.
II. Mga Talumpati ayon sa Layunin
1. Talumpating Impormatibo-
- Uri ng talumpating naglalayong magbigay impormasyon tungkol sa anumang bagay, pangyayari,
konsepto,at iba pa.
2. Talumpating Pampalibang o Pampasigla.
- Layunin ng talumpating ito na magbigay ng kasiyahan at inspirasyon sa mga nakikinig.
3. Talumpating Pagbibigay-galang o Papuri
- Layunin ng talumpating ito na tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon. Ito rin ay
talumpating nagbibigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan.
4. Mapanghikayat na Talumpati
- Uri ng Talumpati na kadalasang nakatuon sa mga paksa ng iba’t ibang perspektiba o posisyon.
Mga Katangian ng isang
Mahusay na Tagapagsalita/
Mananalumpati
1. KAHANDAAN
- Malalaman agad ng mga tagapakinig kung pinaghandaang mabuti ang pagtatalumpati
sa panimula o introduksyong bibibigkas ng tagapagsalita.
2. KAALAMAN SA PAKSA
- Ang sapat na kaalaman sa paksa ng tagapagsalita ay masasalamin sa paraan ng
pagbigkas o pagtatalakay na ginagawa niya. Makikita ang kanyang kahusayan sa
paksang tinatalaky sa paraan ng pagpapaliwanag. Pagibigay ng interpretasyon,
paglalapat, paghahambing, pag uulit ng padron at sa pag pagbibigay ng problema at
solusyon. Madaling natutuklasan kung kulang sa kaalaman ang tagapagsalita dahil
mararamdaman ito sa kanyang tinig at kilos.
- 3. KAHUSAYAN SA PAGSASALITA
– Madaling maganyak na makinig ang publiko kung matatas at mahusay magsalita ang
mananalumpati/ tagapagsalita.
Mga Kasangkapan sa mabisang
Pagsasalita ng Mananalumpati
• Tindig-
• Tumindig nang maayos at iwasan ang tindig militar. Dapat ay magaan
at nakarelaks.
Galaw-
Nakakatulong ang galaw sa pagpapahayag ng kaisipan o damdamin sa
madla.
• Tinig-
Kailangang ibagay ang tinig sa nilalaman ng pananalita. Ang
magandang tinig ay madaling makaakit sa madla.
• Kumpas ng Kamay-
Ginagamit ang kumpas ng mga kamay sa pagbibigay diin sa mga
sinasabi. Kailangang tumpak, tiyak, at maayos ang kumpas ng kamay.
Mga Tiyak na Hakbang sa Pagsusulat
ng Talumpati
1. Magsaliksik kung kinakailangan.

2. Balangkasin ang estruktura ng talumpati.

3. Palawigin ang mga pangunahing ideya sa inyong balangkas.

4. I-edit at paunlarin ang lahat ng naisulat hanggang mabuo ang burador o draft ng
talumpati.

5. Patuloy na magsanay sa pagsusulat. Ayusin at paunlarin kung kinakailangan ang


nakasulat na talumpati hanggang sa maging malinaw na ang daloy ng ideya at ito ay
tumugon sa Layunin, paksa, tagapakinig, at oras na nakalaan para sa pagtatalumpati.
Halimbawa ng Talumpati
Ang Kalikasan at ang Tao [Walang Pinagkakaiba]

“ Ang Diyos ay nilikha tayong lahat ng pantay-pantay”

Sa aking mga kaklase, aking mga minamahal na guro at sa ginagalang nating lahat na mga HURADO. Magandang Hapon po sa inyong
lahat.

Magandang Kalikasan at Mapagmahal na tao, Asan kayo?


Nilikha ng Diyos ang tao para pangalagaan ang kanyang mga likha. Ginawa ng Diyos ang Kalikasan hindi para sirain o tapak-tapakan.
Dapat ang ating kalikasan ay pinapangalagaan. Kung isa kang taong binibigyang importansya ang nilikha ng Diyos na Maykapal,
maiintindihan mo ang aking sinasabi, mararamdaman mo ang aking pinapahiwatig at alam mo ang gusto kong sabihin.
Ang kalikasan ay maihahalintulad mo sa isang sanggol. Malinis, walang kasalanan at nakakatuwang tingnan. Ngunit sa paglipas ng
panahon maraming magbabago sakanya at sa maraming ito sisiguraduhin kong hindi ka matutuwa. Ang kalikasan ay parang isang tao rin
na marunong masaktan. Siguro kung naririnig lang natin ang sigaw ng kalikasan ay binging-bingi na tayo. Kung nakakapagsalita lang
siguro ang kalikasan ay matagal na tayo nitong kinausap.
Tao? Hindi ka ba naawa sa ginagawa mo? Hindi sa lahat ng oras ay nandiyan ang kalikasan para suportahan ang lahat ng pangangailangan
mo. Pinahiram ng Diyos ang kalikasan sa ating mga tao hindi lang para sirain ng tao!
Isipin mo na lang akin sinasabi na ang lahat ng bagay ay may katapusan hindi lang ang tao pati ang ating hindi binibigyang importansyang
KALIKASAN!
Talumpati tungkol sa Edukasyon
Edukasyon

Edukasyon ay di mananakaw ninuman, kultura ang kinapapalooban ng mga paniniwala’t kaugalian, palakasan ang daan sa
pakikipagkaibigan, sandatang kailangang maangkin ng mga kabataan.
Mahal kong mga tagapakinig naririto na naman po tayo sa isang pagtitipon kung saan ating pag-uusapan ang mga aspekto na
makapagpapalakas sa mga kabataang tulad ko. Mga kabataang magiging susi upang umunlad ang ating Lupang Sinilangan. Mga
kabataang makapagbibigay liwanag sa mga mamamayan mula sa madilim na nakaraan. Na magiging daan pagbabagong ating
inaasam.
Hindi na lingid sa ating kaalaman na laganap na ang pag-unlad ng agham sa ating lipunan. Kaliwa’t kanan na ang mga
makabagong bagay, Katulad ng cellphone at computer. Mga makabagong bagay na makagpapadali ng ating pamumuhay, lalung-
lalo na ng mga kabataan.
Kahit saang dako ka man ngayon tumingin, marami ng mga internet café ang nagkalat. Iba’t ibang model na rin ng cellphone ang
lumalabas. At hindi makakaila na halos lahat tayong mga nag-aaral sa pribadong paaralan ay umaangkin ng mga bagay na ito.
Ngunit, ito ba ay ginagamit natin sa tamang paraan?
Mga kaibigan, ang computer ay malaking tulong sa ating mga mag-aaral. Katulad sa mga pananaliksik. Hindi mo na kailangang
maghalukay pa ng sandamukal na mga aklat para kumuha ng mga kakarampot na datos sa bawat aklat. Punta ka lang ng yahoo,
encode mo lang ang topikong hinahanap, mag-antay ka lang ng ilang segundo, binggo na! Makikita mo na ang hinahanap mo.
Nariyan din ang cellphone na makapagpapadali ng ugnayan natin. Magagamit sa mga panahon ng kagipitan. Hindi mo
na kailangan pang mag-antay ng ilang buwan maipadala at tumanggap lang ng sulat. Sapagkat sa isang isang text lang.
minuto lang aantayin mo… tanggap kaagad.
Ngunit sadyang namamali ang ilang mga kabataan sa paggamit ng mga teknolohiyang makabago. Sa halip na sa
pagpapaunlad ng karunungan ito gagamitin. Ginagamit nila ito sa walang kuwentang bagay. Sa halip na magresearch
para sa assignment… DOTA, counterstrike, YM at Facebook ang inaatupag. Mayroon din diyan na pakikipag-textmate
ang pinagkakaabalahan.
Nagpupuyat tuwing gabi. Nanlalalim ang mga mata sa kinaumagahan. Ang siste, nakikipag-textmate sa kung kanino na
lamang. Pagdating sa klase bagsak si nene. Inaantok, walang assignment. Pagkatapos magpapadala sa mga
magagandang quotes, mag-a-eyeball, magkakarelasyon, mabubuntis, mawawala sa huwisyo ang kinabukasan,
malulugmok sa putikan. Ito ang paraan ng paggamit ng mga kabataan sa mga makabagong teknolohiya. Tsk tsk tsk…
Hindi ba’t edukasyon ang natatanging kayamanan na hindi mananakaw ninuman? Ito ang natatanging sandata na
maipagsasanggalang sa lahat ng pagsubok ng buhay. Kapag edukado ang isang tao nagagawa nitong maitama ang mga
maling paniniwala na bunga ng kahunghangan. Naisasalba ang isang tao sa lupit ng kahirapan.

Bumaling naman tayo sa ating banal na kultura. Ito ay ang kinapapalooban ng mga paniniwala’t kaugalian. Ito ang
makinang na kasaysayan ng ating mga ninuno. Alam ba ninyo na sa buong mundo, Pilipino ang tinitingala ng mga
dayuhan pagdating sa kulturang kinamulatan? Kung kaya’t maraming mga dayuhang ang piniling mag-asawa ng isang
Pilipino nang dahil sa ating kultura.
Sapagkat tayong mga Pilipino ay kilala bilang matulungin, mapagkumbaba, masunurin, at magalang na lipi. At ito
dapat ang magiging katangian ng ating mga kabataan. Sa kadahilanang kung taglay ng mga kabataan ang mga
ganitong uri ng mga katangian ay mapapadali ang ating pag-unlad. Magkakaroon ng matiwasay na pagsasama.
Makakamtan ang paggalang sa bawat kapwa.

Ang Kultura natin ay maipapakita rin sa mga palakasan. Dahil ito ang isang makinang na daan sa pakikipagkaibigan.
Dito nalilinang ang mga kakayahan na sangkatauhan. Nahahasa rin dito ang tiyaga ng mga kabataan sa pagkamit ng
tagumpay. Kung ang bawat kabataan ay mapapabilang sa isang legal na palakasan, mapapalayo sila sa bisyo. Bagkus,
mararagdagan pa ang mga kaalaman at kakayahan nito sa pagsunod sa agos ng buhay. Hindi lamang pisikal na
kakayahan ang mahahasa kundi pati na rin ang emosyonal at intelektwal. Sa mga palakasan nagsisimula ang isang
magandang pagsasamahan.

Kayat mahal kong mga tagapakinig. Lalung-lalo na sa mga kabataang tulad ko, huwag nating antaying mawala ang
lahat ng mga pagkakataon para sa ikauunlad natin. Sama-sama nating yakapin at tanggapin ang mga aspektong
makapagbibigay sa atin ng lakas na makakatulong sa ating ikauunlad. Nasa ating kamay ang pag-unlad na inaantay ng
ating bayan. Sapagkat tayo ang tinaguriang pag-asa ng bayan.
Maraming salamat po sa pakikinig💜

You might also like