You are on page 1of 12

INFORMATION SHEET FN 10.1.

1
MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON
Ayon sa dalawang ekspertong sina Eadie at Goret (2013), may iba’t ibang layunin ang
tao sa pakikipag-ugnay.!!
ANTAS NG KOMUNIKASYON
Pangkatang Komunikasyon
Itinuturing na pangkatang komunikasyon ang ugnayan sa pagitan ng tatlo o mas
marami pang taong may iisang layunin.
ANO ANG HALAGA NG PANGKATANG IMPORMASYON
Pampublikong Komunikasyon
Bilang pinaka-kinatatakutang uri ng komunikasyon, ang pampublikong komunikasyon
ay mas nakapokus sa tagapagpadala ng mensahe sa isang maraming grupo ng tao.
Glossophobia (Ang takot sa pagsasalita sa harap ng maraming tao)
Pangmadlang Komunikasyon
Ang paggamit ng dyaryo, radyo, telebisyon, at social media ang ilan lang sa mga
halimbawa ng pangmadlang komunikasyon.
MGA TIYAK NA HALIMBAWA
Lektyur at Seminar
Dalawa sa pinakaginagamit na termino ng mga organizer ng pagsasanay, nakatuon ang
lektyur at seminar sa maliliit na pagtitipon ng mga kalahok, kadalasang 20 hanggang 70
na naglalayong masinsinang matutuhan ang isang tiyak na paksa.
MGA URI
1. Mini-Seminar bkaraniwan ay kakaunti ang bilang ng mga dumadalo at simple
lamang ang paksang tatalakayin.
2. Medyor Seminar isinasagawa ito ng mga institusyon o mga kagawaran tungkol sa
isang partikular na paksa.
3. Nasyunal Seminar Isinasagawa ito sa antas na pambansa. Isang dalubhasa ang
karaniwang inaanyayahan na magbahagi ng kanyang kaalamansa seminar na ito.
4. Internasyunal Seminar Mga internasyunal na ahensya o organisasyon ang
nagsasagawa ng seminar na ito.

WORKSHOP
➢ Ang pagsasagawa ng workshop ay isa sa pinakamabisang paraan ng
pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa ibang tao.
➢ Para ito maisakatuparan, binibigyan ng pagkakataon ang isang tao na isagawa
ang mga nais niyang matutuhan ngunit kailangan ng maayos na pagplano at
pagtanggap ng mga responsibilidad.
FORUM, SIMPOSYUM O KOMPERENSYA
➢ Tinatalakay rin dito ang isang partikular na isyu o usapin. Karaniwan ay mga
eksperto sa isyu ang nagsasama-sama at nagtatalakay ng kanilang mga ideya
sa paksa.
ROUNDTABLE AT SMALL GROUP DISCUSSION
➢ Mainam na balangkas ang roundtable at small group discussion, na kalimitang
kinasasangkutan ng tatlo hanggang 12 kalahok, upang makapagbahagi ng
kaalaman tungo sa paglutas ng isang isyu o suliranin.
PULONG/MITING
➢ Mahalaga sa kahit anong organisasyon o samahan ang pagsasagawa ng pulong
upang talakayin ang mahahalagang agenda nito.
Ayon sa University of California San Diego Sixth College, may dalawang uri ng
pulong:
1. Executive or Committee meeting na kung saan ang mga kalahok ay ang mga
namumuno at namamahala.
2. General body meeting na kung saan ang lahat ng miyembro ng samahan ay kasama
sa pulong.
MGA ELEMENTONG DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGHAHANDA NG PULONG
1. AGENDA – ito ang nagsisilbing gabay at balangkas ng pulong. Upang maging
maayos ang daloy ng talakayan ay mainam na may ideya ang bawat kalahok
tungkol sa agenda.
2. ORAS AT LUGAR – dapat isaalang-alang ang oras ng mga kalahok sa
pagtatakda ng oras ng pulong. Mahalaga ito upang matiyak na makakadalo sa
oras na itinalaga at makakarating sa lugar na pagdarausan ng pulong ang lahat
ng kalahok.
3. TAGAPANGULO – kailangan ang nagpaplano ng pulong at paghahanda ng
agenda. Siya ang
nagsisilbing tagapamagitan at tagapagtaguyod ng ideya.
4. KALIHIM – katuwang siya ng tagapangulo sa paghahanda ng agenda at sa
pamamahagi ng mga liham imbitasyon sa mga kalahok at tagapag-ulat.
Sisiguraduhin nya na ang planong oras sa bawat paksa ay masusunod.
5. TAGAPAG-ULAT – maghahatid siya ng mga kinakailangang datos na
tatalakayin sa pulong.
6. KALAHOK – mahalaga ang pakikibahagi ng bawat kalahok sa pulong na
isasagawa.
7. KAGAMITAN – mahalagang nakahanda ang lahat ng gagamitin sa pulong tulad
ng visual aids, projector, laptop at iba pa, sapagkat ang kakulangan sa
paghahanda ng mga kagamitan any maaring magdulot ng pagkaantala.

INFORMATION SHEET FN 11.1.1


“Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Filipino”

Ang KOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa


kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa
kani-kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa
pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pakikinig at
pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyonal at
modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at
larangan.

Gawin at Ibahagi Mo:


Ano ang alam ko?
Ano ang paraan ng komunikasyon ng mga Pilipino?
o Hitik umano sa pahiwatig at ligoy ang pakikipag-usap ng mga Filipino, dahil
nagmumula sila sa kulturang may mataas na uri ng pagbabahaginan ng
kahulugan, kompara sa mga taga-Kanluran na itinuturing na may mababang
konteksto ng kulturang mababa rin ang antas ng pagbabahaginan ng kahulugan.
Melba Padilla Maggay (2002).
o Idinagdag ni Maggay na mahilig umano ang mga Filipino sa malapitang pag-
uugnayan, na humihipo at dumadama sa mga tao at bagay-bagay.
o Kung pagbabatayan naman ang tahas at magagaspang na banat ng mga
komentarista sa radyo,diyaryo, at telebisyon sa ilang personalidad o politiko, ang
gayong paraan ng komunikasyon ay maaaring pagbubukod mismo ng mga taong
nanunuligsa sa mga taong tinutuligsa.

MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO


TSISMISAN
o Ang tsismis ay tinukoy bilang pinag-uusapan at sinusuri ang isang tao kapag
hindi sila naroroon. Ngunit maaari naming gamitin ang tsismis upang malaman
ang tungkol sa mga alituntunin ng pag-uugali sa mga grupo ng panlipunan at
maging mas malapit sa bawat isa.
o Tinutulungan tayo nito sa pamamagitan ng pagpapaalam sa atin ng
matututunan ang mahahalagang impormasyon nang hindi na kailangang
makipag-usap sa bawat miyembro ng grupo.
o Gaya ng lahat ng bansa, mahilig magtsismisan ang mga Pilipino, ngunit may
mas negatibo na konotasyon ng salitang tsismis kumpara sa ingles na katumbas
nito na ‘gossip’.
o Ang gossiper ay tumutukoy lamang sa tao na mahilig makipagkwentuhan o
magkalat ng sikreto ng iba, samantalang ang tismosa ay kilala bilang sinungaling
at mapag-imbento ng kwento. Paminsan minsan lamang kung magsabi ng
katotohanan ang mga tsismosa, at kung oo naman ang mga kwento ay madalas
na exaggerated.
o Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga tsismosa, pero marami rin ang
mahilig makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na maintriga ang mga tao
sa mga sikreto at baho ng iba.
o Ang mali sa pagiging tsimosa ng mga Pinoy ay ang pangtsitsismis hango sa
inggit, na maaaring nagmumula sa kakitiran ng isip natin. Ang pangtsitsismis ay
naging pasimpleng paraan na upang makapanakit sa kapwa at mga kaaway.
o Ang mga tsismis ay kadalasang ginagamit para makasakit at makapanira ng
reputasyon ng ibang tao, o kaya naman ay husgahan ang kanilang katauhan,
kamalian, at kasalanan. Ang madalas na pinaguusapan na tsismis sa komunidad
ay mga sensitibong bagay tulad ng sex, paagbubuntis ng mga hindi kasal o
‘disgrasyada’, pagiging homoseksuwal, at pambababae, ngunit pinagtsitsismisan
din ang iba’t-ibang bagay tulad ng estado sa buhay o kaya naman ay pag-aaral.

TSISMIS VS KATOTOHANAN
o Malungkot man sabihin ngunit mas pinipili ng mga Pilipino ang mga tsismis
kaysa sa katotohanan. Kahit na may mga mangilan ngilan na hindi naniniwala sa
mga tsismis na naririnig nila, marami pa rin ang naniniwala sa mga ‘alternative
facts’.
o Kakaonti lamang ang mga tao na nagtatanong ng totoong nangyari sa taong
pinag-uusapan, at mas kakaonti pa ang mga tao na sumusubok na tingnan kung
tama ang impormasyon na kanilang nasasagap.
o Hindi na nakagugulat na ang madalas na paggamit ng social media ay nagdulot
ng malawakang pagkalat ng mga pekeng balita at tsismis sa bansa. Ang mga
Pinoy ay mabilis maniwala sa mga nababasa nila online, at pinagbabasehan
laman ang mga likes at shares para sa kredibilidad. Bihira lamang ang mga
taong inaalam ang katotohanan.

Legal na aksyon
o Mukha mang simpleng bagay ang pangtsitsismis, ito ay maaaring makasama
kung sumobra. Maaari itong makasira ng reputasyon ng isang tao at lubhang
makaapekto sa kalagayan ng pinag-uusapan.
o Ang mga tsismis na naglalayong makasakit ng tao at nakahahahamak ng
dignidad ay itinuturing na paninirangpuri, at may mga legal na aksyon na
maaaring gawin upang labanan ito at ipagtanggol ang sarili gaya ng pagsampa
ng kasong libel o slander.

Kumonekta sa iyong tagapakinig


o Ang mabisang tsismis ay hindi lamang tungkol sa iyong sinasabi, o tungkol sa
kanino. Ito ay tungkol sa kung paano mo ito sinasabi. Siyempre, maaari mong
gawing malinaw ang mga benepisyo ng tsismis sa iyong tagapakinig sa
pamamagitan ng malinaw na pagpapaliwanag kung bakit mo ibinahagi ang
impormasyon.
o Ngunit ang pagbabahagi ng partikular na emosyonal na mga reaksyon sa
impormasyon ay maaaring makatulong sa iyo na kumonekta sa iyong
tagapakinig at maiwasan ang mga negatibong reaksiyon.
o Ang pagbabahagi ng nararamdaman mo ay maaaring hikayatin ang tagapakinig
na magreresulta nang higit pa sa iyong pag-uugali sa pag-uuri.

UMPUKAN
o Ang ibig sabihin ng "umpukan" ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o
pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa anong
kadahilanan.
o Ginagamit din ang "umpukan" para ilarawan ang kakapalan o karamihan ng tao
sa isang grupo o pangkat.
o May mgaumpukan na impormal ang talakayan kung saan ang mga tao ay
nagpapalitan ng kuru-kuro o opinyon tungkol sa isang bagay o paksa.
➢ Isang pang halimbawa ng umpukan ay ang pakikipagtalo o debate, na
maaaring kaswal na usapan lamang, o maaari rin namang pormal na
pakikipagtalo.
➢ Dito makikita natin ang mga tao ay may kanyakanyang katwiran batay
sakanilang mga opinyon.

TALAKAYAN
o Ito ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase. Sa pamamagitan ng
pagtatalakayan, nahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita,
pagpapaliwanag at pangangatwiran.

Uri ng Pagtatalakayan
▪ Impormal na Talakayan
Ito ay malayang pagpapalitan ng kuru-kuro hinggil sa isang paksa at walang
pormal na mga hakbang na sinusunod. Ito ay binubuo ng lima hanggang
sampung katao.
▪ Pormal na Talakayan
Nakabatay sa tiyak na mga hakbang, may tiyak na mga taong mamamahala at
mamumuno ng talakay. Nakahanda ang mga sa kanilang paglalahad,
pagmamatuwid o pagbibigay ng kuru-kuro.

Mga Uri ng Pormal na Talakayan


▪ Panel Discussion
Binubuo ng tatlo o apat na kasapi at isang pinuno na umuupo sa harapan ng
mga tagapakinig.
▪ Simposyum
kahawig ng panel discussion pero it ay meroong tiyak na paksang tatalakayin
ng bawat kasapi sa panel.
▪ Lecture-Forum o Panayam
ito ay isang malaking pagtitipon sa ilalim ng mga pinunong maglalahad ng
mahalagang suliranin. maaaring maglahad at magtalakay ng maraming paksa at
pagkatapos ay malayang pagtatanong upang linawin ang paksang tinalakay.
o Ang talakayan o debate dayalogo ay isasagawa kung kailan magkaroon ng
bagay na hindi mapagkaunawaan at nanga-ngailangan ng paglilinaw ng
magkatunggali sa layunin upang mangingibabaw ang katotohanan, kaya
nararapat na ayusin ang mga salita, linawin ang mga katibayan, iwasan ang mga
agam-agam sa salita o pananaw at paniniwala.

Bakit kailangan ng tao ang Talakayan?


o Ang hindi pagkaunawaan ng mga tao sa kanilang pananampalataya, teyoriya,
salita at gawa ay sadyang dina maiwasan sa buhay ng tao simula pa sa unang
panahon hanggang sa katapusan ng mundo, kaya kinakailangan ang patnubay
at gabay upang maiwasan ang di pagka-kaunawaan kadalasan ay naging sanhi
ng pagkakaroon ng hidwaan sa isat-isa.
o Samakatuwid ang talakayan ay isang paraan upang ang katotohanan ay
mapatunayan at mapanatili sa pamamagitan ng mga katanggaptanggap na
basehan at katibayan kung saan ito ay nararapat na ibabahagi ng buong
katapatan at katapangan ng bawat panig at katunggali.

PANGKATANG TALAKAYAN
▪ Impormal na Debate o Pagtatalo
Karaniwang isinagawa sa loob ng klase kapag may napapanahong isyung pinag-
uusapan. Wala itong mga tuntuning sinusunod at malayang makapagsasalita
ang lahat tungkol sa panig na gusto nilang pangatwiraan.
▪ Formal na Debate
Kontrolado ng mga mahigpit na tuntunin at alintuntunin ang debating ito. May
dalawa itong pangkat ng mga magtatalo para sa panig afirmatibo o negatibo.
Magpapalitan sila ng talino batay sa ilalahad na matitibay na katwiran at
katibayan.

PAGBABAHAY-BAHAY
o Ang pagbabahay-bahay ay isang gawain na nagpupunta sa iba’t ibang lugar at
tirahan upang magsiyasat ng mga bagay-bagay na maaaring makakuha ng
impormasyon.
➢ Halimbawa, ng pagbabahay-bahay ay ang background investigation sa
taong nais bumili ng kotse o mag-loan ng malaking halaga. Nagsasagawa
sila ng interview upang makakuha ng iba pang impormasyon, at ma-
beripika kung totoo ang lahat ng iyong isinulat sa kanilang application
form.
➢ Katulad na lamang, halimbawa, ang pagbabahay-bahay ng mga pulis sa
isang barangay upang magsagawa ng random drug test. Naging
kalakaran din noon ang pagbabahay-bahay upang magpakilala at
magbenta ng mga bagong produkto.

PULONG-BAYAN
o Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang pagusapan
ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang pagbabago.
o Ito ay pamamaraan ng mga Pilipino upang mapagusapan nang maayos ang
mga bagay-bagay.
o Dito maaaring sabihin ng mga kalahok ang kanilang saloobin. Lahat ay
binibigyan ng pagkakataon makapagsalita.
o Ito ay pangkomunikasyon na pamamaraan ng mga Pilipino.

KOMUNIKASYONG DI-BERBAL
o Ito ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang
ipahayag ang mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita.
o Gumagamit ng Kilos o Galaw ng Katawan.
Ayon kay Albert Mehrabian(1971) 93% ng mensaheng ipinahahatid ng tao sa
kanyang kapwa ay di – verbal na komunikasyon.
Ayon kay E. Sapir Ang di – verbal na komunikasyon ay isang detalyado at lihim na
kodigo na hindi nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat.

IBA’T IBANG ANYO NG DI-VERBAL NA KOMUNIKASYON


▪ Kinesika (Kinesics)
o Pag – aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw na
iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Hindi man tayo nagsasalita, ngunit sa
pamamagitan ng ating kilos ay naipapahiwatig naman natin ang mensaheng
gusto nating iparating sa iba.

GALAW NG KATAWAN NA GINAGAMIT SA DI-VERBAL NA KOMUNIKASYON


▪ Ekspresyon ng Mukha
o Nagpapahayag ng pagiging masaya kung siya ay
naka ngiti, malungkot kung umiiyak, nakasimangot
kung galit o naiinis, tulala kung naguguluhan o
nabigla at ang ultimong paglabas ng dila ay may
mga kahulugang ipinapahayag.

▪ Galaw ng Mata
o Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag – iiba
ang mensaheng ipinahahayag batay sa tagal,
direksyon at kalidad ng kilos ng mata.

▪ Kumpas
o Ang kamay at ang galaw ng katawan ay
maraming bagay at kapamaraanang
magagawa katulad ng pagsenyas, pagsang-
ayon o pagtutol, magpakita ng kasiyahan o
papuri, pananakit, paghingi ng paumanhin o
makikipag-alitan,mga pagpapakita ng
karamdamang pisikal, emosyonal at marami pang iba. Ang anumang sinasabi
ng isang tao ay naipahahayag na may kasamang kumpas at nakatutulong ito
sa mabisang paghahatid ng mensahe.

▪ Tindig o Postura
o Tindig pa lamang ng isang tao ay
nakapagbibigay na ng hinuha kung anong
kalseng tao ang iyong kaharap o kausap.
▪ Proksemika (Proxemics)
o Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ni
Edward T. Hall (1963), isang antropologo. Maaaring ang mga kalahok sa
komunikasyon ay nasa pampublikong lugar tulad ng isang nagtatalumpati sa
harap ng kanyang mga estudyante o maaari ring isang karaniwang paguusap
sa pagitan ng dalawang magkaibigan.
▪ Pandama o Paghawak (Haptics)
o Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan, ito ay
nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong malapit
sa isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o magkakapalagayang-loob.
Halimbawa: -Pagyakap –Paghaplos.
▪ Paralanguage - Mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa
pagsasalita
o Tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga
salita o bilis ng pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot,
buntung-hininga, ungol at paghinto.
o Ang anumang sinasabi natin o mensaheng nais nating ipahatid ay
kailangang angkop sa pagbigkas ng mga salita o pangungusap.

▪ Katahimikan/Hindi Pag-imik
o Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o pagkakataon sa
tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang
sasabihin. Sa pagtahimik o di pagimik, inihahanda ng tagatanggap ang
mahalagang mensahe na sasabihin pa ng tagapagsalita. May mga taong
ginagamit ding sandata ang katahimikan para masaktan ang kalooban ng
iba. Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang
damdamin ng isang tao sa ibang tao.

MGA EKSPRESYONG LOKAL


▪ Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at
gamit sa lohika at iba pang uri ng pilosopiya.
▪ Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag
ng damdamin o pakikipagusap na ang kahulugan ay hindi ang literal na
kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa
sa lenggwahe.
▪ Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika.
Halimbawa: Manigas ka! Bahala na si Batman. (Bahala na.) Malay mo. Sayang.
(Sayang naman.) Hay naku. Susmaryosep! Anak ng _____!

SELF-CHECK FN 11.1.1
A. Punan ang mga blangko ng tamang sagot.
1. TSISMISAN Pinag-uusapan ang isang tao ng lingid sa kanyang
kaalaman. Ito rin ay tumatalakay sa mga primitibong usapin.
2. TALAKAYAN Ito ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase. Sa
pamamagitan nito, nahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa
pagsasalita, pagpapaliwanag at pangangatwiran.
3. PULONG-BAYAN Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang
bayan upang pagusapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga
inaasahang pagbabago.
4. UMPUKAN Paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o pangkat,
pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa anong
kadahilanan.
5. PAGBABAHAY-BAHAY Isang gawain na nagpupunta sa iba’t ibang lugar
at tirahan upang magsiyasat ng mga bagay-bagay na maaaring makakuha
ng impormasyon.

INFORMATION SHEET FN-12.1.1


“Pagsasalita”

Pagsasalita
komunikasyon ng mga ideyas at damdamin sa pamamagitan ng mga simbolong
makikita at naririnig mula sa tagapagsalita kahusayan o kapangyarihan ng isip sa
pananalita na nangungusap o mga salita upang maipahayag ang mga kuro-kuro.

Klasipikasyon ng Pagsasalita
1. Pagsasalitang Pansarili - pagpapahayag mo sa sarili. Lahat ng ito’y nagaganap sa
intrapersonal na komunikasyon.
2. Pagsasalitang Pangkapwa - Pagpapahayag sa kapwa. Maaaring ikaw ay naririnig
nang mukhaan o kaya nama’y sa pamamagitan ng telepono o iba pang gadyet.
Kadalasang nagagamit ito sa interpersonal na komunikasyon.

Tatlong Batayan sa Epektibong Pagsasalita


1. Kaalaman
2. Kasanayan
3. Tiwala sa Sarili

Mga Kasangkapan sa Pagsasalita


1. Tinig
2. Bigkas
3. Tindig
4. Kumpas
5. Kilos

Katangiang dapat taglayin ng isang


Tagapagsalita
1. Sensiridad
2. Adaptabilidad
3. Interes
4. Mahusay making

Uri ng Pagsasalita
1. Pagbasa sa Itinakdang Papel
2. Memoryadong Pagsasalita
3. Improntu
4. Ekstemporenyus

MGA PANANAW SA PAGSASALITA


▪ Logos (Lohikal) tumutukoy ito sa pagiging rasyonal ng isang ispiker. Kadalasan
ang katotohanang mensaheng inilahad ng ispiker ay dulot ng pagiging likas na
matanong niya kaugnay sa mga nangyayari sa kanyang paligid.
▪ Pathos (Pathetic) tumutukoy naman ito sa emosyong hatid ng ispiker sakanya
ng awdyens.
▪ Ethos (Ethical) tumutukoy ito sa kredibilidad ng isang ispiker. Mahalaga ito
upang paniwalaan.
SELF-CHECK FN-12.1.1
A. Punan ang mga blangko ng tamang sagot.
1. Logos (Lohikal) tumutukoy ito sa pagiging rasyonal ng isang ispiker. Kadalasan
ang katotohanang mensaheng inilahad ng ispiker ay dulot ng pagiging likas na
matanong niya kaugnay sa mga nangyayari sa kanyang paligid.
2. Ethos (Ethical) tumutukoy ito sa kredibilidad ng isang ispiker. Mahalaga ito
upang paniwalaan.
3. Pathos (Pathetic) tumutukoy naman ito sa emosyong hatid ng ispiker sakanya
ng awdyens.
4. Pagsasalitang Pangkapwa pagpapahayag sa kapwa. Maaaring ikaw ay
naririnig nang mukhaan o kaya nama’y sa pamamagitan ng telepono o iba pang
gadyet. Kadalasang nagagamit ito sa interpersonal na komunikasyon.
5. Pagsasalita komunikasyon ng mga ideyas at damdamin sa pamamagitan ng
mga simbolong makikita at naririnig mula sa tagapagsalita kahusayan o
kapangyarihan ng isip sa pananalita na nangungusap o mga salita upang
maipahayag ang mga kuro-kuro.

INFORMATION SHEET FN-13.1.1

PAGBASA

Ipinalalagay ni Goodman na isang psycholinguistic guessing game. Sa pagbabasa kasi,


ang isang mambabasa ay bumubuo muli ng kaisipan o mensahe hango sa tekstong
kanyang binasa.

MGA PANANAW O TEORYA SA PAGBASA

TEORYANG BOTTOM UP

Naniniwala ang teoryang ito na ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga
nakasulat na simbolou pang maibigay ang katumbas na tunog.

TEORYANG TOP-DOWN

Ito ay nagaganap dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman


(prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan mula sa kanyang karanasan at
pananaw sa paligid.

TEORYANG INTERAKTIB

Ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at pagunawa nito. Ang isang
mambabasa ay gumagmit ng kanyang kaalaman sa wika at sariling konsepto.

TEORYANG ISKEMA

Kailangan magdesisyon ang mambabasa kung dapat dagdagan, bawasan o hindi ang
kanyang naunang kaalaman.

MGA URI NG PAGBASA

1. ISKIMING ito ay pinararaan ang pagbasa.

2. Iskaning Itoý naghahanap ng tiyak na impormasyon sa aklat.

3. MASINSINANG PAGBASA maingat na pagaaral at puspusang pagunawa sa isang


aralin.

4. MASAKLAW NA PAGBASA Ginagawa ito sa labas ng klase at itinatakda ng guro ng


mas maaga.
SELF-CHECK FN-13.1.1

A. Punan ang mga blangko ng tamang sagot.

1. PAGBASA ang isang mambabasa ay bumubuo muli ng kaisipan o mensahe


hango sa tekstong kanyang binasa.

2. TEORYANG BOTTOM UP Naniniwala ang teoryang ito na ang pagbasa ay ang


pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbolou pang maibigay ang katumbas na
tunog.

3. TEORYANG TOP-DOWN Ito ay nagaganap dahil ang mambabasa ay


gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang
isipan mula sa kanyang karanasan at pananaw sa paligid.

4. TEORYANG INTERAKTIB Ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng


awtor at pagunawa nito. Ang isang mambabasa ay gumagmit ng kanyang kaalaman sa
wika at sariling konsepto.

5. TEORYANG ISKEMA Kailangan magdesisyon ang mambabasa kung dapat


dagdagan, bawasan o hindi ang kanyang naunang kaalaman.

INFORMATION SHEET FN-14.1.1

PAGSULAT
Isang set ng nakalimbag na simbolong kumakatawan sa mga yunit ng wika sa isang
sistematikong pamamaraan na may layuning maitala ang mga mensahe na maaaring
mabigyang kahulugan ng sinuman na may alam sa wikang ginagamit at mga
pamantayang sinusunod sa pageenkoda.

ISTANDARD NA ISINASAALANG ALANG SA PAGSULAT


▪ KAISAHAN bawat pangungusap ay kailangang tumatalakay o may kinalaman sa
pangunahing paksa.

▪ KASAPATAN (SUFFICIENCY) may sapat na datos- detalye Halimbawa: tuwirang


sabi.

▪ KOHERENS (COHERENCE) ang mga pangungusap ay kumokonekta sa bawat


isang paraang lohikal.

▪ KALINAWAN (CLARITY) ang mga pangungusap ay malinaw , hindi magulo ang


development at naiintindihan.

MGA URI NG SULATIN


▪ EKSPRESIV- pampersonal nasulatin

▪ FORMULAIC- may sinusunod na istandard/format sa pagsulat tulad ng mga


liham pangkasal

▪ IMAGINATIV- mga lagda na likhang isip ng manunulat tulad ng mga dula

▪ INFORMATIV- nagbibigay ng informasyon at ebidensya tulad ng mga report

▪ PERSWEYSIB- mga sulating nanghihikayat tanggapin ang sinasabi ng awtor.

SELF-CHECK FN-14.1.1
A. Punan ang mga blangko ng tamang sagot.

1. PAGSULAT Isang set ng nakalimbag na simbolong kumakatawan sa mga yunit


ng wika sa isang sistematikong pamamaraan na may layuning maitala ang mga
mensahe na maaaring mabigyang kahulugan ng sinuman na may alam sa
wikang ginagamit at mga pamantayang sinusunod sa pageenkoda.
2. EKSPRESIV pampersonal nasulatin.
3. KAISAHAN bawat pangungusap ay kailangang tumatalakay o may kinalaman sa
pangunahing paksa.
4. INFORMATIVE nagbibigay ng informasyon at ebidensya tulad ng mga report

5. KALINAWAN (CLARITY) ang mga pangungusap ay malinaw , hindi magulo ang


development at naiintindihan.

INFORMATION SHEET FN-15.1.1

KONSEPTO NG BAYANI

Ang Salitang Bayani sa Pilipinas

Ang salitang 'bayani' ay isang Austronesian salita na dinala ng ating mga katutubo sa
ating bayan. Ang mga bayani ay ang mga mandirigma kung saan sila ay nangunguna
sa pagtatanggol ng pamayanan laban sa mga kinahaharap na mga kaaway at mga
panganib. Ang ilang sa mga diribatibo ng salitang bayani ay bajani,majani, bagani,
bahani. Sa kultura nating mga Pilipino ang pagiging bayani ay nasusukat sa
katapangan at sa bilang ng napapatay na kaaway. May iba't-iba itong antas. Ang mga
antas na ito ay kinikilala bilang:

MANIKLAD, ang pinakamababanguri ng bayani na nakapatay ng isa o dalawang


kaaway, karaniwang siya ay nakasuot ng putong na pula at dilaw.

HANAGAN naman kung tawagin ang nasa ikalawang antas, siya ay sumasailalim sa
ritwal na kung saan ay dapat siyang sapian ni Tagbusaw, ang diyos ng pakikidigma at
kainin ang atay at puso ng mga kaaway. Karaniwang nagsusuot ang mga ito ng pulang
putong:

KINABOAN naman kung tawagin ang makakapatay ng dalawampu hanggang


dalawamput pito at karaniwang nakasuot ng pulang pantalon.

LUTO naman kung tawagin ang makakapatay ng limampuhanggang 100 nakaaway at


karaniwang nagsusuot ng pulang jacket.

LUNUGUM naman ang pinakapaborito ng diyos na si Tagbusaw dahil dito maipakikita


niya ang kanyang katapangan sa pakikipagdigma kung saaan na patay niya ang
kanyang kaaway sa sarili nitong tahanan. Itim ang karaniwang suot ng mga ito.

Ayon naman kay DR. ZEUS SALAZAR ang mga bayani ay mga taong naglalakbay at
bumabalik sa bayan. Isa rin sa kanyang ipinahiwatig na ang pagkakaiba ng bayani sa
salitang HEROES. Sinabi niyang ang mga bayani ay lumalaban ng may kooperasyon at
ang mga HEROE (western concept) ay lumalaban mag-isa. Ang bayani ay hindi
kailangang mamatay upang maging bayani, kailangan niya lang gumawa ng
magagandang impluwensya at mga Gawain sa bayan upang tawaging bayani

May iba't-iba ring ibig sabihin ang bayani ayon sa gamit. Maaraing ang bayani ay Ang
pagiging bayani sa panahon ngayon ay mahirap makamtan Ngunit lahat tayo ay may
pagkakataon upang maging bayan isa ating komunidad.

SELF-CHECK FN-15.1.1
A. Punan ang mga blangko ng tamang sagot.

1. BAYANI isang Austronesian salita na dinala ng ating mga katutubo sa ating


bayan.
2. LUNUGUM naman ang pinakapaborito ng diyos na si Tagbusaw dahil dito
maipakikita niya ang kanyang katapangan sa pakikipagdigma kung saaan na
patay niya ang kanyang kaaway sa sarili nitong tahanan. Itim ang karaniwang
suot ng mga ito.
3. MANIKLAD ang pinakamababanguri ng bayani na nakapatay ng isa o dalawang
kaaway, karaniwang siya ay nakasuot ng putong na pula at dilaw.
4. HANAGAN naman kung tawagin ang nasa ikalawang antas, siya ay
sumasailalim sa ritwal na kung saan ay dapat siyang sapian ni Tagbusaw, ang
diyos ng pakikidigma at kainin ang atay at puso ng mga kaaway. Karaniwang
nagsusuot ang mga ito ng pulang putong:
5. KINABOAN naman kung tawagin ang makakapatay ng dalawampu hanggang
dalawamput pito at karaniwang nakasuot ng pulang pantalon.

You might also like