You are on page 1of 2

SAMANIEGO, GLIZETTE B.

BSA- 3RD YEAR

Magsaliksik ng mga sumusunod na mga gawaing pangkomunikasyon.:


1. Tsismisan
Ang tsismis ay tinukoy bilang pinag-uusapan at sinusuri ang isang tao kapag hindi sila
naroroon. Ngunit maaari naming gamitin ang tsismis upang malaman ang tungkol sa mga
alituntunin ng pag-uugali sa mga grupo ng panlipunan at maging mas malapit sa bawat isa.
Tinutulungan tayo nito sa pamamagitan ng pagpapaalam sa atin ng matututunan ang
mahahalagang impormasyon nang hindi na kailangang makipag-usap sa bawat miyembro ng
grupo.
Gaya ng lahat ng bansa, mahilig magtsismisan ang mga Pilipino, ngunit may mas
negatibo na konotasyon ng salitang tsismis kumpara sa ingles na katumbas nito na ‘gossip’. Ang
gossiper ay tumutukoy lamang sa tao na mahilig makipagkwentuhan o magkalat ng sikreto ng
iba, samantalang ang tismosa ay kilala bilang sinungaling at mapag-imbento ng kwento.
Paminsan minsan lamang kung magsabi ng katotohanan ang mga tsismosa, at kung oo naman
ang mga kwento ay madalas na exaggerated.
Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga tsismosa, pero marami rin ang mahilig
makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na maintriga ang mga tao sa mga sikreto at baho
ng iba. Ang mali sa pagiging tsimosa ng mga Pinoy ay ang pangtsitsismis hango sa inggit, na
maaaring nagmumula sa kakitiran ng isip natin. Ang pangtsitsismis ay naging pasimpleng paraan
na upang makapanakit sa kapwa at mga kaaway.
Ang mga tsismis ay kadalasang ginagamit para makasakit at makapanira ng reputasyon
ng ibang tao, o kaya naman ay husgahan ang kanilang katauhan, kamalian, at kasalanan. Ang
madalas na pinaguusapan na tsismis sa komunidad ay mga sensitibong bagay tulad ng sex,
paagbubuntis ng mga hindi kasal o ‘disgrasyada’, pagiging homoseksuwal, at pambababae,
ngunit pinagtsitsismisan din ang iba’t-ibang bagay tulad ng estado sa buhay o kaya naman ay
pag-aaral.

2. Umpukan
Ang ibig sabihin ng "umpukan" ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o
pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa anong kadahilanan.
Ginagamit din ang "umpukan" para ilarawan ang kakapalan o karamihan ng tao sa isang
grupo o pangkat. May mgaumpukan na impormal ang talakayan kung saan ang mga tao ay
nagpapalitan ng kuru-kuro o opinyon tungkol sa isang bagay o paksa.
Isang pang halimbawa ng umpukan ay ang pakikipagtalo o debate, na maaaring kaswal
na usapan lamang, o maaari rin namang pormal na pakikipagtalo. Dito makikita natin ang mga
tao ay may kanya- kanyang katwiran batay sakanilang mga opinyon.

3. Talakayan
Ito ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase. Sa pamamagitan ng pagtatalakayan,
nahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita, pagpapaliwanag at pangangatwiran.
Uri ng Pagtatalakayan
Impormal na Talakayan
Ito ay malayang pagpapalitan ng kuru-kuro hinggil sa isang paksa at walang pormal na
mga hakbang na sinusunod. Ito ay binubuo ng lima hanggang sampung katao.
Pormal na Talakayan
Nakabatay sa tiyak na mga hakbang, may tiyak na mga taong mamamahala at
mamumuno ng talakay. Nakahanda ang mga sa kanilang paglalahad, pagmamatuwid o
pagbibigay ng kuru-kuro.
Ang talakayan o debate dayalogo ay isasagawa kung kailan magkaroon ng bagay na hindi
mapag- kaunawaan at nanga-ngailangan ng paglilinaw ng magkatunggali sa layunin upang
mangingibabaw ang katotohanan, kaya nararapat na ayusin ang mga salita, linawin ang mga
katibayan, iwasan ang mga agam-agam sa salita o pananaw at paniniwala.
Bakit kailangan ng tao ang Talakayan?
Ang hindi pagkaunawaan ng mga tao sa kanilang pananampalataya, teyoriya, salita at
gawa ay sadyang dina maiwasan sa buhay ng tao simula pa sa unang panahon hanggang sa
katapusan ng mundo, kaya kinakailangan ang patnubay at gabay upang maiwasan ang di pagka-
kaunawaan kadalasan ay naging sanhi ng pagkakaroon ng hidwaan sa isat-isa.
Samakatuwid ang talakayan ay isang paraan upang ang katotohanan ay mapatunayan at
mapanatili sa pamamagitan ng mga katanggap- tanggap na basehan at katibayan kung saan ito ay
nararapat na ibabahagi ng buong katapatan at katapangan ng bawat panig at katunggali.

You might also like