You are on page 1of 2

SAMANIEGO, GLIZETTE B.

BSA-3RD YEAR
Maraming kinakaharap na problema ang ating bansa. Mga problema na kay
tagal na ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nasosolusyonan. Mahirap maging
mahirap, ngunit paano k aba tayo aangat sa buhay kung ang mismong gobyerno
natin ang naglulugmok sa atin sa hirap. Dahil sa tahasang korapsyon na nangyayari
sa ating gobyerno, kahirapan satin ay hindi nabibigyan ng agarang aksyon.
Kahirapan ang isa sa problema na hindi mawala-wala saating bansa. Sa tingin ko
ba’y, imbes na mabawasan, ay mas lalo pang nadagdagan. Ang mga batang
palaboy, mga matatandang natutulog sa kalsada, mga batang napakapayat, ilan
lamang yan sa makikita mo na palisaw-lisaw sa ating daraanan tuwing umaga o
hapon. Karamihan sa kanila ay naghahalungkat ng basura para lamang may
makain. Ang iba naman ay namamalimos. Bakit ng aba parami ng parami ang mga
naghihirap? Sa tingi ko naman ay may sapat na badyet para sa kanila. Bakit? Bakit
patuloy ang pagbaba ng ating ekonomiya? Ilan yan sa mga tanong na laging
pumapasok sa aking isip sa tuwing napapanood ko sa telebisyona ng patuloy na
paghirap ng ating bansa. Nakakalungkot, sobra. Ngunit ito ang reyalidad.

Sa paglipas ng panahon, mas marami pa ang problemang kinakaharap ang


ating bansa. Noong nakaraang taon lamang (2020), ang ating bansa ay kumaharap
sa iba’t ibang kalamidad, gaya na lamang ng pagputok ng bulking taal. Maraming
naapektuhan ng kaganapang ito. Lalo na ang mga tiga-Batangas. Sinundan ito ng
pagdating ng COVID-19 na talaga naming nakaapekto ng malaki sa ating bansa
hanggang sa kasalukuyan. Maraming buhay ang nawala. Maraming negosyo ang
nagsara. At maraming kababayan natin ang nawalan ng trabaho at nakaranas ng
matinding gutom at pangamba. Tunay ngang hindi maubos-ubos ang mga
problemang dumadating. Patuloy na bumababa ang ating ekonomiya. Iba’t ibang
isyu ang patuloy na umuusbong. Ano nga ba ang nararapat gawin upang masugpo
ang mga ito? Dahil hanggang sa kasalukuyan, patuloy na pangambang, pagkatakot,
at matinding hirap ang nararanasan ng marami sa atin. Kasunod pa nito ang
patuloy na paglobo ng bilang ng teenage pregnancy. Maraming kabataan ang
maagang nabubuntis at nagkakaanak. Ngunit karamihan sa kanila ay mga wala
pang pantustos sa sariling pamilya. Bakit nga ba patuloy na nangyayari ang ganito?
Bakit hindi mawala-wala ang iba’t ibang isyu na kinakahrap ng ating bansa? Ano
man ang dahilan, naniniwala ako na hindi tayo pinapabayaan ng ating Diyos.
Patuloy niya tayong ginagabayan at tinutulungan. Pagsubok lamang yan, Filipino
tayo at may Diyos tayo. Malalagpsan din natin ang mga ito. Sabayan ng
panalangin, at paniniwala at pagtitiwala sa Diyos. Matatapos din ang lahat ng ito.

You might also like