You are on page 1of 9

KAHIRAPAN: Mga sanhi at bunga ng kahirapan sa Pilipinas

Prince D. Relator

I. Introduksyon

Ang kahirapan ay higit na matutukoy sa pamamagitan ng paraan ng pamumuhay


ng mga tao sa komunidad kung saan ang isa sa mga buhay at sa antas ng mga
inaasahan nila at tumutukoy rin sa kalagayan na hindi kayang tugunan na mga
pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng malinis na tubig, nutrisyon,
kalusugan,damit at tirahan at isa ito sa problemang kinakaharap natin ngayon.

Ayon kay Gregorio (2016) kahirapan bilang isang pangkalahatang suliranin ay


isang malalim na sugat na makikita sa bawat sukat ng kultura at lipunan. Kasama nito
ang mga kasapi ng pamayanan na sadyang may maliit na kita. Kasama rin ang
kakulangan ng mga serbisyo katulad ng edukasyon, pamilihan, pangangailangang
pangkalusugan, kawalan ng kakayahan na gumawa ng mga pagpapasya sa sarili, at
ang kawalan ng malinis na tubig, kalinisan at kaayusan, maayos na kalye,
transportasyon at komunikasyon.

Mas madali nating maintindihan ang kahulugan at kahalagahan ng pag-aaral ng


“kahirapan” sa pamamagitan ng ilang palatandaan at pagpapatunay na ang kahirapan
ay ating nararanasan sa ngayon.

Ika nga ni Champort (1979) “Society comprises two classes: those who have
more food than appetite and those who have more appetite than food”. May mga taong
sadyang mayroon namang pagkain ngunit di nila ito pinahahalagahan at meron din
naming mg taong nangangailangan at meron din namang mga taong nangangailangan
ng pagkain ngunit di sapat ang kung anong meron para sa sarili nila.

Kahirapan ang isa sa mabigat na problema ng ating bansa.Ano nga ba ang mga
dahilan kung bakit natin nararanasan ito? Uupo na lamang ba tayo at iintayin ang
aksyon ng gobyerno o tayo na ba mismo ang aaksyon para masolusyonan ito. Bilang
isang mamamayan marapat na tayo ay kumilos upang maiwasan ang kahirapan hindi
lang para sa ating sarili kundi para sa ating bansa. Kaya maraming nakakaranas ng
kahirapan ng dahil narin sa katamaran nila choice natin ang maging mahirap kaya kung
nakakaranas man tayo nito wala tayong dapat sisihin kundi ang sarili natin.Sabi nga
nila”daig ng maagap ang masipag”kaya dapat habang maaga pa lamang ay kumilos na
tayo at gawin ang nararapat.

Halimbawa na lang may oportunidad na tayo hindi na dapat tayo magdalawang


isip na gawin ito o kunin ito lalo na kung malaki ang maitutulong nito sa atin kasi minsan
may mga tao talagang mapili o sabihin na natin na maarte na kahit ang daming paraan
para magkatrabaho ay winawalamg bahala lang nila ito o baka naman tinatamad lang
sila. Edukasyon ang susi sa kahirapan kaya dapat pinapagbuti natin ang ating pag-aaral
dahil para rin ito sa ating kinabukasan. Meron kasi diyan na kahit nuknukan ng yaman
nuknukan din naman ng tamad kaya ayun sa yaman ng magulang umaasa.Alam nating
mali iyon kaya dapat huwag nating tularan iyon.

Maraming paraan para maiwasan natin ang kahirapan pero na satin ang
problema gaya nga ng sabi ko kanina choice natin ang maging mahirap. Maraming mga
kabataan ang hindi nakakapag-aral ng dahil sa kahirapan o dahil sa kakulangan ng
pera pero hindi nila ito kasalanan dahil responsibilidad ng mga magulang natin na
pagaralin tayo pero pwede din maging kasalanan ng kabataan ito lalo na kung
tamad ito.Yan ang mga ilan lang sa mga dahilan kung bakit nakararanas ng kahirapan
ang mga Pilipino sa Pilipinas. Isa rin sa dahilan kung bakit tayo nakararanas ng
kahirapan ay dahil hindi nakakapagtapos ng pag-aaral. Pero para maiwasan ang
kahirapan nangingibang bansa ang ibang mga Pilipino para matustusan ang
pangangailangan ng kanilang pamilya kahit na labag sa kalooban nila ay nangingibang
bansa pa rin sila dahil para maiwasan ang kahirapan at para rin naman ito sa ikabubuti
ng kanilang pamilya.

Huwag na natin antayin pa ang aksiyonan ng mga gobyerno tayo na dapat ang
kumilos para hindi tayo napagiiwanan ng iba. Kung ayaw natin maranasan ang
kahirapan gumawa tayo kumilos hindi yung puro na lang tayo salita kulang naman tayo
sa gawa.Talamak sa Pilipinas ang kahirapan pero simula ng naging Presidente natin si
Pangulong Duterte may nagbago ba, umunti ba ang mahihirap sa Pilipinas marami pa
rin ba ang isang kayod isang tuka? Ang hirap sagutin di ba kasi ang lagi lang naman
binabalita ay puro tungkol sa droga.Pero umaasa ako na dahil bago na ang ating
pangulo ay magbabago na rin ang ating bansa mas magiging maunlad na ang ating
bansa.

“Katamaran” isang salita lang yan pero malaki ang magiging epekto nito sa atin pati sa
ating bansa kung ganyan ang pinaiiral natin hindi naman pwede na magiintay lang tayo
ng swerte at nganganga para bumagsak ito sa atin na parang si juan
tamad lang.Pero minsan hindi lang naman tayo ang may kasalanan minsan yung mga
gobyerno ng dahil sa kasakiman nila naghihirap tayo ng dahil sa kakurapan nila
naghihirap tayo tama naman di ba may kasalanan din sila kung bakit tayo naghihirap.

Sa ating bansa kailangan din natin ng pagkakaisa upang matugunan ang


nasabing suliranin sa ating bansa.Base sa aking karanasan bilang isang mamamayan
ng ating bansa at studyante mahirap talagang makaranas ng pagiging isang mahirap
halos lahat tayong mga pilipino ay nakakaranas nito at nasa atin lang din kung ipag -
papatuloy ba natin .

Ito naman ang nagiging epekto sa atin ng kahirapan.Ang pakikipag-cyber sex


mapabata man o matanda ay gumagawa na nito dahil sa kahirapan at ang mga
kabataang nag uubos ng oras sa kalsada para lang mangalakal at mamalimos upang
may makain sa pang araw-araw sa kanilang murang edad dapat hindi ito ang kanilang
inaatupag dapat sa ganyang nilang mga edad nag lalaro sila at dinaranas dapat nila
ang maging isang batang masaya na hindi kariton ang hawak kundi laruan

II. TALAKAY

Kahirapan ang isa sa mga halimbang problema na kinakaharap ng ating bansa.


Paano kaya ito masusulusyonan ng ating goverment at ng ating pangulo? Ngunit sa
ating bansa ngayon ang laging nasisisi sa kahirapan ang mga mayayaman, politiko at
ang ating gobyerno. Kung hindi raw sakim ang mga mayayaman,kung hindi raw mali
ang pamamalakad ng gobyerno at kung hindi raw kurap ang mga mayayaman ay
walang kahirapan at taong mahihirap kya nga sabi nila”kung walang kurap,walng
mahirap”. Mga kadahilanan ng kahirapan:

Korupsyon

Ayon sa Ito ay masasabing isa sa matinding dahilan ng kahirapan dahil ito ay


pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno. Ito ang
pinakamalupit na dahilan ng paghihirap ng bayan. Ang mga pera na par asana sa
kapakanan ng taong bayan ay napupunta lang sa bulsa ng iilan ng mga may
kapangyarihan sa pamahalaan.

Imperyalismo

Ito ay isang patakaran na kung saan ang ating bansa ay nasa ilalim sa control ng
ibang bansa. Ito ay nag-iwan at nagdudulot ng masamang impluwensya at kultura sa
bansa. Ang pakikialam ng US sa ating pamahalaan ay isang pagpapaikot upang ang
ating gobyerno ay madiktahan. Sa pamamagitan nito’y mapalakas nila ang kanilang
pansariling layunin at tuluyan nilang ibabaon ang Pilipinas sa kahirapan.

Pyudalismo

Ito ay ang pagmamay-ari ng iilang mayayaman sa mga lupaing sakahan. Dahilan


na ang mga nagmamay-ari ng malalaking lupaing sakahan,ngayon ay pagmamay-ari na
ng mga makapangyarihan sa lipunan at gobyerno. Ito ay paraan kung saan ang lupang
agrikultura ay ginagawang industriyal,bahayan at iba pa na sa bandang huli ay ang
pagkakaroon ng kakulangan ng pangunahing local na pagkain.

Lumalaking populasyon
Ayon sa Fighting Poverty in Asia and the Pacific (2000), isang website ng Asian
Development Bank (ADB),ang paglaki ng bilang ng populasyon ay nakakadagdag sa
dami ng mahihirap na mamamayan.

Epekto ng kahirapan

•Matinding gutom

•Pangingibang-bansa

•Pagnanakaw ng kayamanan ng iba

•Gulo

•Pagsasakit ng mga mahihirap, atbp

Ito’y ilan lamang sa nga maaaring maging epekto ng kahirapan. Dahil dito, wala
ng katahimikan sa bawat isa sapagkat gulo na ang mamamayani. Ito kasi ang dahilan
ng pag-aaway at paghihiwalay ng bawat pamilya. Maaaring ang ilan ay makakuha ng
masaganang buhay habang ang halos lahat ng tao ay kailangan pang pagpakasakitan
para sa kaligtasan ng buhay. Wala sanang taong makakaranas ng matinding gutom,
kapwa kababayang mangingibang-bansa, at maging pagnanakaw ng iba, gulo at
pagkakasakit ng mga mahihirap kung hindi dahil sa kahirapan. At sigurado kami na
uunlad ang lahat kung wala ang suliraning ito.Ang kabataan ang higit na naapektuhan
sa paghagupit ng kahirapan sa bansa.

Uri ng kahirapan

Hindi natin maipagkakaila na tayong mga Pilipino ay hindi naghihirap. Sapagkat


nararanasan na natin ito ngayon. Ito ay dulot ng kapabayaan at kasamaan ng ating
gobyerno at maging sa ating sarili. Ang ilan sa mga uri ng kahirapan na kadalasang
nararanaan ng mga tao ditto sa Pilipinas ay ang kahirapan pagdating sa pinansyal o
pera at kahirapan pagdating sa kalusugan. Ating saksihan kung ano ang mga ibig
sabihin ng mga salitang ito. Marahil,madali lamang natin itong bigkasin ngunit mahirap
gawan ng solusyon. Maaaring nararanasan na ninyo ito ngayon kaya’t basahing mabuti
upang mas lalo pang maintindihan.

a. Ang kahirapang pinansyal


Kapag sinabing kahirapang pinansyal, ito ay tungkol sa pera. Kapag ikaw
ay kinakapos,marahil ikaw ay mahirap. Kagaya na lang ng kakapusan sa
pananamit,pagkain,pantustos sa pag-aaral at iba pa. Nagkakaroon ng kahirapan
kagaya nito sapagkat ito ay dahil sa kulang tayo sa kaalaman,walang
mapapasukang trabaho,walang pinag-aralan at iba pa. Ang pag-aaral tungkol sa
problemang ito ay nagpapakita na mahalaga talaga ang edukasyon at ang
relasyon nito ukol sa kita ng isang pamilya na dapat mayroon sila. Ang
pagtatapos sa pag-aaral ay isa sa mga magiging solusyon ng kahirapang ito.

b. Ang kahirapang pangkalusugan


Ang kahirapang ito ay tumutukoy sa kalusugan ng isang tao. Madali lang
nating malalaman kung ikaw ay naghihirap o hindi pagdating sa kalusugan.
Kapag sinasabing ikaw ay malusog marahil ikaw ay mayaman. Kapag sinabing
ikaw ay hindi malusog at madaling magkasakit marahil ikaw ay mahirap.
Nagkakaroon ng kahirapan kagaya nito sapagkat karamihan sa atin ngayon ay
hindi na alam kung ano ang mga masustansyang pagkain na puno ng nutrisyon
na dapat kainin.

May iba naman bumibili ng mga gulay at karne at pamilihan ng walang


kaalam- alam na meron itong preserbatibo at ginagamitan ng mga chemical na
pang-spray upang ito ay mapreserba gaya ng mga gulay, na magiging dahilan ng
pagkakakasalit. Ng dahil rin sa pagkasira ng kalikasan kaya karamihan sa atin
ngayon ay hindi na nakakain ng masarap, presko at masustansyang mga
pagkain sapagkat wala nang mapipitas. Ang iba naman ay dahil sa katamaran na
magtanim ng mga gulay at magbungkal sa lupa.
Marami pang mga uri ng kahirapan ang dapat nating pagtuunan ng
pansin. Ang nasa itaas at ang nabanggit kanina ay ilan lamang sa mga
halimbawa ng kahirapan na kadalasang dinadanas ng mga Pilipino ngayon.
Kahulugan

Ang kahirapan ay nangangahulugang isang kakulangan ng pangunahing


pangangailangan ng tao katulad ng pananami, kanlungan at pagkain. Ito ay
maaaring dahil sa kawalan ng pera at maaari ring dahil sa hindi pagkapantay-
pantay sa pamamahagi ng kayamanan. Halos lahat ng tao dito sa pilipinas ay
naghihirap at kaunti lamang ang nagawang pigilan ito. Ngunit, ano nga ba ang
pangunahing sanhi ng patuloy na pagtaas ng antas ng kahirapan? Ano ba ang
maaaring maging epekto ng kahirapan?

Ito’y ilan lamang sa mga tanong na maaaring mabuo sa ating isipan.


Malalaman lamang natin ang mga sagot nito sa ibang bahagi ng amgin
pananaliksik. Ipagpatuloy muna natin kung ano ang kahulugan ng kahirapan.Sa
panahon ngayon, dapat nating pagtuunan ng pansin an gating kahirapan. Ito ay
ang pinakamalaking problema na dapat nating gawan ng aksyon upang
masolusyunan.

Sa kasalukuyan, ng dahil sa kahirapan libu-libong mga Pilipino ang


nangingibang-bansa upang humanap ng higit na magandang pagkakataon. Hindi
lamang sa amerika nagtungo ang marami nating mga kababayan; maraming
manggagawang Pilipino ang nagtungo sa Saudi Arabia, euroapa, at sa iba pang
bansa sa kanluran kung saan malaki anh sahod. Sadyang hndi maipagkakaila na
ang bansa natin ay tuluyang naghihirap sapagkat ang suliraning “brain drain” ay
ganap na laganap sa ating bansa. Ang ating mahuhusay na guro, doctor, nars at
iba pang mga propesyunal na sa halip na sa ting inang bayan ialay ang kanilang
talino , galing at husay ay napakikinabangan ng ibang mga nasyon. Ang
sapilitang pangingibang bayan ng mga Pilipino upang maghanap ng ikakabuhay
ay naging parte na ng kultura. Ang karamihan ditto ay ang mga kababaihan. Dala
ng labis na kahirapan ay itoa ang naging siyang tugon upang ang mga Pilipino ay
makaraos sa araw-araw na pamumuhay.

Ang araling ito ay makapagbibigay sa atin ng mga kasagutan sa mga


problemang kinakaharap n gating bansa at isa na nga rito ang “kahirapan” na isa
sa pinakamalaking problema na dapat nating masolusyunan, sapagkat kapag
nabigyan ito ng solusyon, ito ay may medaling salita magkakaroon ng pag-unlad
sa ating bansa na gusto naman ng nakakarami.
Ang pag-aaral na ito ay makapalalawak din n gating mga kaalaman
tungkol sa kahirapan at marami rin itong maitulong bilang gabay sa ating pag-
unlad. Dito rin natin mapag-aralan ang mga isyu at problema na makakaapekto
sa atin sa mga mahihirap n lubos na naghihirap dahil sa taas ng mga bilihin.

Kailangan natin itong malaman sapagkat tayo rin ang unang-unang


maapektuhan ng lubos sapagkat tayo ay sakop ng bansang pilipinas na kung
patuloy siyang naghihirap ano pa kaya’y ang mga anak niya na umaasa lamang
sa kanya. Ang paghanap sa kahirapan ay atin ring matutuhan dito sa
talahanyana ito,at maaari rin nating mas malaman amg problema ng kahirapan
at maaari rin natin malaman ang mga posibilidadna maging kasagutan sa isyu na
ito.

Patuloy ang kahirapan sa pilipinas dahil marami sa mga tao ay kulang sa


edukasyon. Ang pag-aaral tungkol sa problemang ito ay nagpapakita ng kahalagahang
relasyon sa pagitan ng edukasyon at kita ng isang pamiya na dapat mayroon sila.
Hindi pagkapantay-pantay ng oportunidad ng bawat indibidwal ay sa isa sa mga
dahilan ng kahirapan. Kung ating obserbahan ang bilang ng mga walang trabaho ay
mas marami kaysa sa mga taong may trabaho.
Kalamidad at kawalan ng pag-asa ay isa din sa mga dahilan ng kahirapan.
Katulad na lamang ng nangyari sa ating kababayang naapektuhan ng bagyong ondoy
at iba pang bagyong sumira sa pamumuhay ng ating mga kababayan. Ang kanilang
mga ari-arian ay nawasak at nawala sa iglap dahil sa nasabing bagyo.

Dahil sa mga bunga ng mga pangyayaring ito na naging dulot ng paghihirap ng


ilang tao, napagdesisyunan naming irekomenda at magpahayag ng ilang maaaring
solusyon ng kahirapan, ang pagkakaroon ng alituntunin kung ano ang maaaring gawin.
Isa na dito ay ang pag-alis ng tinatawag na “recession’. Makakatulong rin sa paglutas
ng kahiapan ang pagkakaroon ng programa sa pagsasanay sa trabaho,pag-alis ng
pagpili ng tao para sa pagsasanay sa trabaho, pag-alok ng trabaho sa mga walang
trabaho, pagputol sa pagpapataw ng tax at iba pa,ngunit bilang mga mag-aaral ang
masasabi lang naming sa mga kabataang Pilipino at sa mga kapwa mag-aaral naming
ay, “tapusin ninyo ang inyong pag-aaral para matapos na rin ang kahirapan at para
uunlad an gating bayan”.

II. BUOD AT KONKLUSYON

Sa kabuuang pananaliksik na ito pagkatapos ng mga masusing pag-aaral na


aming ginawa, masasabi namin na ang kahirapan ay isang napakalaking problema n
gating bansa ngayon. Ito ay nagdudulot ng mga mararaming masasamang epekto.
Ngunit kagaya ng sinabi namin, ito rin ay may kaakibat na solusyun. Ang kulang lamang
ay gawa.

Ang problemang ito ay dapat nating pagtuunan ng pansin lalo na sa mga


kabataang Pilipino na siyang may malaking tungkuling gampanan ito. Dapat nating
panindigan ang mga panulat ni rizal kaulad na lang ng panulat nyang ito, “ang kabataan
ay ang pag-asa ng bayan”. Tayo ay dapat naniwala na kung gaano kalawak ang daigdig
ay ganoon din kalawak ang pag-asang matatamo ang mga mihiin sa buhay. Laging
tandaan na di tayo lagging nasa ilalim. Lagi nating isaisip na mag-aral tayong mabuti
upang di tayo lagging kakain ng lugaw. Ang kahirapan ay gawin nating mga mithiin
natin sa buhay.

Ang kahirapan ay hindi hadlang sa pag-aaral. Ang kailangan lamang ay ibayong


kasipagan. Ito ang dapat nating inihasik sa ating sariling kaisipan upang maging
katiyak-tiyak na magkaroon ng magandaag kinabukasan. Ito ay dapat nating ipunla sa
ating puso. Gawin natin ang lahat ng ating magagawa para sa ating bansa. Bilang mag-
aaral, alam natin kung ano ang ating magagawa para sa araw ng bukas, tayo rin ay
makatulong sa kagalingan at kaunlaran ng bansa. Pero,bakit kaya may mga mahihirap?
Bakit di nalang lahat ay mayaman? Totoong lahat tayo ay yumaman sa buhay. Kaya
lang, nananaig pa rin sa ang kaparaanan. Ang pagyaman ay suwerteng dumarating sa
tulong ng sikap,sipag at tiyaga. Medaling makamit ang yaman magtiyaga, magsipag ka
lamang;madali ang yaman,ang mahalaga ay nagpapakabuti.

Mahalaga ang papel ng edukasyon para sa mga Pilipino. Ang edukasyon ang
isang mbisang paraan para maiahon ang sarili at ang pamilya sa mas mabuting
kalagayan. Sa pamamagitan ng edukasyon, nakakatapos ang tao ng sang propesyon at
maaaring magkaroon ngisang magandang trabaho. Maraming kabutihan ang isang
taong may edukasyon sa pilipinas. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na
maghanapbuhay at magamit ang wastong kaalaman hinggil sa kanyang natutunan

Ang pagkakaroon ng sapat na edukasyon ay lubhang napakahalaga para sa


lahat. Ang edukasyon ay maituturing na isang karapatan ng isang indibidwal.
Kadalasan,nasusukat ang kaunlaran ng isang bansa sa dami ng kanyang
mamamayang may kakayahang magbasa at sumulat.Nagbabago ang patakaran ng
mga bansa hinggil sa edukasyon. Ito ay upang umangkop sa mga pagbabagong
nagaganap saan mang panig ng daigdig ang edukasyon ay may napakalaking
implikasyon sa potensyal ng isang bansa upang ito ay yumabong at sumulong.

Ang edukasyon ay isang napakahalagang salik sa pag-unlad ng isang indibidwal


at ng bansang kanyang kinabibilangan. Maaari na ngang sabihing ang kaunlaran ng
isang bansa ay nakabatay sa kalidad ng edukasyon kanyang ipinamalas. Dahil sa
katotohanang ito,ang lahat halos ng mga bansang asyano ay nagbibigay ng malaking
importansya sa edukasyon ng kanilang mamamayan.Ang bahagdan ng populasyong
marunong bumasa at sumulat ay may malaking implikasyon sa kaunlaran ng bansa.
Kahit pa sabihing mahirap ang kalagayan sa ating bansa kung ang isang indibidwal
naman nakapag-aral ng sapat, malaki ang kanyang pag-asang umunlad at makaahon
sa buhay.

Sa pangkalahatan, ang edukasyon sa kontemporaryong panahon ang


pinakamahagang lagakan ng pag-asa para sa mg umuusbong na bansa sa asya,
kabilang ang Pilipinas. Dito nakasaad ang malalim na mithiing mapanatili, maisulong at
makabuo ng isang makatarungan at kasiya-siyang lipunan.

III. SANGGUNIAN
“Society comprises two classes: those who have more food than appetite, and those
who have more appetite than food.” - Chamfort (1760-1790)

UGAT NG KAHIRAPAN SA PILIPINAS (2016)


https://bawalangmahirap.wordpress.com/2016/07/29/ugat-ng-kahirapan-sa-pilipinas/

Mga Sanhi at Bunga ng Kahirapan sa Pilipinas ni: Gregorio (2016)

Ang kahirapan Bilang Pangkalahatang Suliranin (2011)

http://cec.vcn.bc.ca/mpfc/modules/emp-pvtt.htm

Fighting Poverty in Asia and the Pacific (2000)

https://news.abs-cbn.com/feedback/01/15/10/re-maaaring-solusyon-sa-problema-ng-
pilipinas-tungkol-sa-kahirapan Maaaring solusyon sa problema ng Pilipinas tungkol sa
kahirapan (2010)

You might also like