You are on page 1of 18

Republic of the Philippines

PRESIDENT RAMON MAGSAYSAY STATE UNIVERSITY


(Formerly Ramon Magsaysay Polytechnic College, Western Luzon
Agricultural College, Candelaria School of Fisheries)
Iba, Zambales

College of Teacher Education


SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN
PANITIKAN HINGGIL SA KAHIRAPAN
Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang
halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi. Ang absolutong kahirapan ang kalagayan o
katayuan ng hindi pagkakaroon ng paraan o pamamaraan upang makayanan o makapagdulot
magkaroon ng payak o basikong mga pangangailangang pantao, katulad ng malinis na
tubig o naiinom na tubig, nutrisyon, pangangalagang pangkalusugan, kasuotan, at
tirahan. Ang relatibong kahirapan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng mas kakaunting mga
mapagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa ibang mga tao sa loob ng isang lipunan o
bansa, o kapag inihambing sa mga karaniwang bilang sa buong mundo. Ang suplay ng mga
pagkain na pangangailangan ay maaaring malimitahan ng mga limitasyon sa mga serbisyo ng
pamahalaan gaya ng korupsiyon, ilegal na paglisan ng kapital, mga kondisyonalidad sa utang at
sa pagkaubos ng utak ng mga propesyonal na pang-edukasyon at pangkalausugan.
Ang kahirapan ay higit na matutukoy sa pamamagitan ng paraan ng pamumuhay ng mga
tao sa komunidad kung saan ang isa sa mga buhay at sa antas ng mga inaasahan nila at
tumutukoy rin sa kalagayan na hindi kayang tugunan na mga pangunahing pangangailangan ng
tao tulad ng malinis na tubig, nutrisyon, kalusugan,damit at tirahan at isa ito sa problemang
kinakaharap natin ngayon.
Ang kahirapan bilang isang pangkalahatang suliranin ay isang malalim na sugat na
makikita sa bawat sukat ng kultura at lipunan. Kasama nito ang mga kasapi ng pamayanan na
sadyang may maliit na kita. Kasama rin ang kakulangan ng mga serbisyo katulad ng
edukasyon, pamilihan, pangangailangang pangkalusugan, kawalan ng kakayahan na gumawa
ng mga pagpapasya sa sarili, at ang kawalan ng malinis na tubig, kalinisan at kaayusan, maayos
na kalye, transportasyon at komunikasyon. Mas madali nating maintindihan ang kahulugan at
kahalagahan ng pag- aaral ng “kahirapan” sa pamamagitan ng ilang palatandaan at pagpapatunay
na ang kahirapan ay ating nararanasan sa ngayon.
Ika nga ni Nicholas de Champort, “Society comprises two classes: those who have more
food than appetite and those who have more appetite than food”. May mga taong sadyang
mayroon namang pagkain ngunit di nila ito pinahahalagahan at meron din naming mg taong
nangangailangan at meron din namang mga taong nangangailangan ng pagkain ngunit di sapat
ang kung anong meron para sa sarili nila.
Kung mayroong suliranin na nais malampasan ng bawat tao sa mundo, ito ay ang
problema sa pananalapi. Sino ba naman ang may nais na laging iniisip kung saan kukunin ang
pambayad sa mga gastusin?
Karaniwan na ring eksena ang paghagilap ng pangtustos para sa araw-araw na pagkain ng
pamilya. Idagdag pa ang kinakailangang salapi upang maipagpatuloy ng mga mag-aaral ang
kanilang edukasyon
Narito ang ilang matitinding dahilan ng kahirapan:
1.Korupsyon-Ito ay masasabing isa sa matinding dahilan ng kahirapan dahil ito ay pagnanakaw
ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno. Ito ang pinakamalupit na dahilan ng
paghihirap ng bayan. Ang mga pera na par asana sa kapakanan ng taong bayan ay napupunta
lang sa bulsa ng iilan ng mga may kapangyarihan sa pamahalaan.
2.Imperyalismo-Ito ay isang patakaran na kung saan ang ating bansa ay nasa ilalim sa control ng
ibang bansa. Ito ay nag-iwan at nagdudulot ng masamang impluwensya at kultura sa bansa. Ang
pakikialam ng US sa ating pamahalaan ay isang pagpapaikot upang ang ating gobyerno ay
madiktahan. Sa pamamagitan nito’y mapalakas nila ang kanilang pansariling layunin at
tuluyan nilang ibabaon ang Pilipinas sa kahirapan.
3.Pyudalismo-Ito ay ang pagmamay-ari ng iilang mayayaman sa mga lupaing sakahan. Dahilan
na ang mga nagmamay-ari ng malalaking lupaing sakahan,ngayon ay pagmamay-ari na ng mga
makapangyarihan sa lipunan at gobyerno. Ito ay paraan kung saan ang lupang agrikultura ay
ginagawang industriyal,bahayan at iba pa na sa bandang huli ay ang pagkakaroon ng kakulangan
ng pangunahing local na pagkain.
4. Lumalaking populasyon-Ayon sa Fighting Poverty in Asia and the Pacific, isang website ng
Asian Development Bank(ADB),ang paglaki ng bilang ng populasyon ay nakakadagdag sa dami
ng mahihirap na mamamayan.
Epekto ng kahirapan
•matinding gutom
•pangingibang-bansa
•pagnanakaw ng kayamanan ng iba
•gulo
•pagsasakit ng mga mahihirap, atbp
Ito’y ilan lamang sa nga maaaring maging epekto ng kahirapan. Dahil dito, wala ng katahimikan
sa bawat isa sapagkat gulo na ang mamamayani. Ito kasi ang dahilan ng pag-aaway at
paghihiwalay ng bawat pamilya. Maaaring ang ilan ay makakuha ng masaganang buhay habang
ang halos lahat ng tao ay kailangan pang pagpakasakitan para sa kaligtasan ng buhay. Wala
sanang taong makakaranas ng matinding gutom, kapwa kababayang mangingibang-bansa, at
maging pagnanakaw ng iba, gulo at pagkakasakit ng mga mahihirap kung hindi dahil sa
kahirapan. At sigurado kami na uunlad ang lahat kung wala ang suliraning ito. Ang kabataan ang
higit na naapektuhan sa paghagupit ng kahirapan sa bansa.
Uri ng kahirapan
Hindi natin maipagkakaila na tayong mga Pilipino ay hindi naghihirap. Sapagkat nararanasan na
natin ito ngayon. Ito ay dulot ng kapabayaan at kasamaan ng ating gobyerno at maging sa ating
sarili. Ang ilan sa mga uri ng kahirapan na kadalasang nararanaan ng mga tao ditto sa Pilipinas
ay ang kahirapan pagdating sa pinansyal o pera at kahirapan pagdating sa kalusugan. Ating
saksihan kung ano ang mga ibig sabihin ng mga salitang ito. Marahil,madali lamang natin itong
bigkasin ngunit mahirap gawan ng solusyon. Maaaring nararanasan na ninyo ito ngayon kaya’t
basahing mabuti upang mas lalo pang maintindihan.
a. Ang kahirapang pinansyal-Kapag sinabing kahirapang pinansyal, ito ay tungkol sa pera.
Kapag ikaw ay kinakapos,marahil ikaw ay mahirap. Kagaya na lang ng kakapusan sa
pananamit, pagkain,pantustos sa pag-aaral at iba pa. Nagkakaroon ng kahirapan kagaya nito
sapagkat ito ay dahil sa kulang tayo sa kaalaman,walang mapapasukang
trabaho,walang pinag-aralan at iba pa. Ang pag-aaral tungkol sa problemang ito ay
nagpapakita na mahalaga talaga ang edukasyon at ang relasyon nito ukol sa kita ng
isang pamilya na dapat mayroon sila. Ang pagtatapos sa pag-aaral ay isa sa mga magiging
solusyon ng kahirapang ito.
b. Ang kahirapang pangkalusugan-Ang kahirapang ito ay tumutukoy sa kalusugan ng isang tao.
Madali lang-nating malalaman kung ikaw ay naghihirap o hindi pagdating sa kalusugan.-Kapag
sinasabing ikaw ay malusog marahil ikaw ay mayaman. Kapag-sinabing ikaw ay hindi
malusog at madaling magkasakit marahil ikaw ay-mahirap. Nagkakaroon ng kahirapan kagaya
nito sapagkat karamihan sa atin ngayon ay hindi na alam kung ano ang mga masustansyang
pagkain na puno ng nutrisyon na dapat kainin. May iba naman bumibili ng mga gulay at karne at
pamilihan ng walang kaalam- alam na meron itong preserbatibo at ginagamitan ng mga chemical
na pang-spray upang ito ay mapreserba gaya ng mga gulay, na magiging dahilan ng
pagkakakasalit. Ng dahil rin sa pagkasira ng kalikasan kaya karamihan sa atin ngayon ay hindi
na nakakain ng masarap, presko at masustansyang mga pagkain sapagkat wala nang mapipitas.
Ang iba naman ay dahil sa katamaran na magtanim ng mga gulay at magbungkal sa lupa.
Marami pang mga uri ng kahirapan ang dapat nating pagtuunan ng pansin. Ang nasa itaas at ang
nabanggit kanina ay ilan lamang sa mga halimbawa ng kahirapan na kadalasang dinadanas ng
mga Pilipino ngayon.
Sipi ng TATA SELO
ni: Rogelio Sikat
Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit nang tumaas
ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang
bakuran ng bahay-pamahalaan.
Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangad makalapit sa
istaked.
“Totoo ba, Tata Selo?”
“Binabawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa
noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris
niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng
asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid, ang
kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakaguluhang tao.
“Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiling na wika ng kanyang kahangga, “talagang hindi
ko mapaniwalaan.”
Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang
harapan, di-kalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa
kanya. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa
kanilang ulunan ay nakalutang ang nasasalisod na alikabok.
“Bakit niya babawiin ang aking saka?” tanong ni Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya sa partihan?
Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi ba’t kaya
maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung
anihan?”
Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas.
Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.
“Hindi mo na sana tinaga si kabesa,” anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa
San Roque, na tila isang magilas na pinunong-bayang malayang nakalalakad sa pagitan ng
maraming tao at ng istaked. Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay at nakapamaywang
habang naninigarilyo.
“Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta kung wala
na akong saka?”
Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang kabesa. Ari niya
ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka niya anumang oras.”
Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
“Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang
nagtapon ng sigarilyo at mariing tinakpan pagkatapos. “Alam po ba ninyong dating amin ang
lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng
kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga po hindi nagbibigay ng kahit isang
pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po mababawi, masaka ko man lamang po.
Nakikiusap po ako sa kabesa kangina, “Kung maari akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka,
‘Besa. Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako po nama’y malakas pa.’ Ngunit... Ay!
tinungkod po niya ako nang tinungkod, tingnan po n’yong putok sa aking noo, tingnan po n’yo.”
Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at lumapit
sa isang pulis.
“Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?”
Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid
na na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, o anak-
magbubukid, na maniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata.
Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik.
“Pinutahan niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may sangka.
Pinaalis sa aking saka, ang wika’y tinungkod ako, amang. Nakikiusap ako, sapagkat kung
mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?”
“Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.”
Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.
“Patay po ba?”
Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat.
“Pa’no pa niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong taong
anak ni Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang
umuwi kay Tata Selo. Ginagawang reyna sa pista ng mga magbubukid si Saling nang nakaraang
taon, hindi lamang pumayag si Tata Selo. “Pa’no po niyan si Saling?”
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas.
Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang
hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng diyip na
kinasasakyan ng dalawa upang mahawi ang hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao.
Tumigil ang diyip sa di-kalayaun sa istaked.
“Patay po ba? Saan po ang taga?”
Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpapawisang tao. Itinaas ng may-katabang alkalde ang
dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking hepe.
“Saan po tinamaan?”
“Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing inihagod
hanggang sa kanang punong tainga. “Lagas ang ngipin.”
“Lintik na matanda!”
Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw na ng
batuta ang mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa
kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked.
“Mabibilanggo ka niyan,” anang alkalde pagpasok ni Tata Selo sa kanyang tanggapan.
Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng
mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.\
“Pa’no nga ba’ng nangyari?” kunot-noo at galit na tanong ng alkalde.
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Binabawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko pong umalis doon.
Dati pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang po at naembargo.”
“Alam ko na iyan,” kumukumpas at umiiling na putol ng nagbubugnot na alkalde.
Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw na luha sa
kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.
“Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong magsaka.
Makatwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po.”
“Saan mo tinaga ang kabesa?”
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas sa pilapil.
Alam ko pong pinanood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para
malaman niyang ako po’y talagang malakas pa, na kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano
po, tinawag niya ako at ako po’y lumapit, sinabi niyang makaalis na ako sa aking saka sapagkat
iba na ang magsasaka.”
“Bakit po naman, “Besa?” tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po ako. ‘Bakit po
naman, ‘Besa?’ tanong ko po uli, ‘malakas pa po naman ako, a.’ Nilapitan po niya ako nang
tinungkod.”
“Tinaga mo na n’on,” anang nakamatyag na hepe.
Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin – may mga eskribiyente pang nakapasok doon
– ay nakatuon kay Tata Selo. Nakauyko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri
sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang
kanyang may putik, maalikabok at luyang paa.
“Ang inyong anak, na kina Kasesa raw?” usisa ng alkalde.
Hindi sumagot si Tata Selo.
“Tinatanong ka,” anang hepe.
Lumunok si Tata Selo.
“Umuwi na po si Saling, Presidente.”
“Kailan?”
“Kamakalawa po ng umaga.”
“Di ba’t kinatatulong siya ro’n?”
“Tatlong buwan na po.”
“Bakit siya umuwi?”
Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiyak na napayuko siya.
“May sakit po siya?”
Nang sumapit ang alas-dose – inihudyat iyon ng sunud-sunod na pagtugtog ng kampana sa
simbahan na katapat lamang ng munisipyo – ay umalis ang alkalde upang manghalian. Naiwan si
Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis.
“Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na
nakayuko at din pa tumitinag sa upuan.
“Binabawi po niya ang aking saka,” katwiran ni Tata Selo.
Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag, halos mangudngod si Tata Selo.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing
katwiran ni Tata Selo.
Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig, napaluhod si
Tata Selo, nakakapit sa umipormeng kaki ng hepe.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod...Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod...”
Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.
“Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kat Tsip, e,” sinasabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na
nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.
Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat ang papel na
naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng uwang
iyo’y dapat nang nag-uulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong
nagkakalat ng mga papel sa itaas.
“Dadalhin ka siguro sa kabesera,” anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa matandang
nasa loob ng istaked. “Doon ka siguro ikukulong.”
Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruing sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo.
Sa paligid niya’y may natutuyong tamak-tamak na tubig. Nakaunat ang kanyang maiitim at
hinahalas na paa at nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling,
nakasandal siya sa steel matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa
kanyang kamay, hindi nagagalaw ang sartin ng maiitim na kape at isang losang kanin.
Nilalangaw iyon.
“Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ng tabako at lumapit sa
istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde.
“Patayon na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang marinig ang rehas nguni’t
pinagkiskis niya ang mga palad at tiningnan kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata
Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito.
May mga tao na namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon. Nakapasok
ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid
sabagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay mga taga-poblacion.
Hanggang noon, bawat isa’y nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang
ililibing kinahapunan ang kabesa. Nagtataka at hindi nakapaniwalang nakatingin sila kay Tata
Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na itinatanghal.
Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdakong alas-dos, dumating ang anak
ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na
humagulgol.
Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di nagtagal
at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umaalalay kay Tata Selo. Nabubuwal
sa paglakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente.
Nagyakap ang mag-ama pagkakita.
“Hindi ka na sana naparito, Saling” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka Saling, may
sakit ka!?
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang
buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang dalawang araw. Matigas ang
kanyang namumutlang mukha. Pinaglilipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde
hanggang sa mga nakatinging pulis.
“Umuwi ka na, Saling,” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na...bayaan mo na. Umuwi ka na, anak.
Huwag ka nang magsasabi...”
“Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basang sako, hindi nga halata.”
“Ang anak, dumating daw?”
“Naki-mayor.”
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo
pagakaraang siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinapakaw ang pintong bakal
ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas, mahigpit na humawak doon at habang
nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila huhutukin. Tinawag niya ang mga pulis ngunit paos siya
at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang
mukha sa sementadong lapah. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila
gumigisang sa kanya.
“Tata Selo...Tata Selo...”
Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng may luha niyang mata ang tumatawag sa kanya.
Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.
Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umaabot sa kanya.
“Nando’n, amang, si Saling sa Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang umuwi, umuwi
na kayo. Puntahan mo siya, amang. Umuwi na kayo.” Muling bumagsak ang kanyang mukha sa
lapag. Ang bata’y saglit na nagpaulik-ulik, pagkaraa’y takot na bantulot na sumunod...
Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May
kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si Tata Selo’y wala roon.
Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin sitya sa labas, sa
kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng
araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kangina. Sinasabi ng
bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata
Selo, na ngayo’y hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi.
Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila,
lahat, ay! ang lahat ay kihuan na sa kanila...

Gawain 2:
1. Suriin ng malaliman ang kabuuan ng Tekstong “Tata Selo”,
gumamit ng sariling paraan ng pagsusuri. Bigyang pansin
ang mga linyang magpapalutang sa kung anong panitikan
ang tinatalakay.
2. Suriin ang kahirapang kinakaharap ng bansang Pilipinas at
ang kalagayan ng mga mamamayang Pilipino sa kabila ng
Pandemikong COVID-19.
Panitikan hinggil sa Karapatang Pantao
Bawat indibidwal ay may karapatang dapat tinatamasa. Ang pagkakapantay-pantay ng
tao ay nagmumula sa pagkakaroon ng dignidad. Habang ang pagkakaiba-iba ng talento ay bahagi
ng plano ng diyos sa bawat isa. Ang lahat ng ito ay isinilang na malaya at pantay-pantay sa
karangalan at karapatan. Tayo ay pinagkalooban ng katwiran at budhi na dapat magpalagayan
ang isa’t isa sa diwa ng pagkakapatiran.
Kilala ang Komisyon ng mga Karapatang Pantao sa mga adbokasiya nitong paglabanan
ang karapatang pantao sa panahon ng kagipitan. May iba’t ibang halimbawa ang karapatang
pantao gaya na lamang ng karapatang mamuhay, kalayaan sa pagsasalita at pagkakapantay-
pantay sa harap ng batas, mga panlipunang karapatan, ang karapatang makilahok sa kultura, ang
karapatan sa edukasyon, at marami pang iba. Ilan lamang ito sa mga karapatang pantao na dapat
tinatamasa ng bawait isa sa atin.
Ang karapatang pantao ay isang genre ng panitikan na tumutukoy sa mga isyu ng
panlipunan, samakatuwid ito rin ay nagpapaunlad sa kahalagahan ng karaparang pantao. Ang
layunin ng karapatang pantao ay ang pagsamahin ang pagpapalago ng panitikan kaakibat ng
paggawa ng aksyon sa mga isyu, kung saan ito ay pangunahin at kinakailangang elemento ng
pakikipaglaban sa karapatang pantao. Ang genre ng panitikang ito ay ay hinango sa konsepto ng
“Engaged Literature” ng manunulat at Pilosopong si Jean-Paul Sarte.
Ang karapatang pantao ay nakapukos sa lipunan at naniniwala na ang bawat isa ay may
tungkuling moral, at magkaroon ng kakayahang magpabago sa lipunan. Ito ay hango sa
paniniwalang ang panitikan ay may malawak na kapangyarihan na makapagpabago ng tungkulin
ng isang manunulat sa mambabasa ay makapag impluwensya sa aspetong di lamang sosyal kundi
rin sa sining.
Uri ng Karapatang Pantao
1. Natural Rights- ito ay ang mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipinagkaloob
ng estado.
2. Constitutional Rights- ito ang mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng
estado.
3. Statutory Rights- ito ang mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaring alisin sa
pamamagitan ng panibagong batas.
4. Indibidwal o Personal na Karapatan- ito ay ang mga karapatan nap ag-aari ng mga
indibidwal na tao para sap ag-unlad ng sariling pagkatao at kapakanan. Ang karapatang
ito ay ang sibil o pulitikal na karapatan, ang panlipunan, pangkabuhayan, ay kulturan na
karapatan.
5. Panggrupo o Kolektibong karapatan- ito ang mga karapatang pantao a bumubuo ng
pamayanan upang isulong ang panlipunan. Pangkabuhayan, pangkulturan na pag-unlad sa
pamamagitan ng paggamit ng kanilang likas na kayamanan at pagsulong ng malusog na
kapalikgiran.
Sa pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human
Rights o UDHR) ay nabuo at nilagdaan noong 1948. Ang Pilipinas ay nakalagda sa
deklarasyong ito kaya’t ang instrumenting ito’y dapat ipatupad sa ating bansa.

Talakayin: TATSULOK ng Buklod (Awit)

Tatsulok (Gloc 9)
Totoy bilisan mo, bilisan moa ng takbo
Ilagan ang mga bombing nakatutok sa ulo mo
Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang Ligaw.

Totoy making ka, ‘wag kang magpagabi


Baka mapagkamalan ka’t humandusay dyan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang puno’t dulo
Ng di matapos-tapos ang kaguluhang ito

Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban


Ang kulay ng at tatak ay di s’yang dahilan
Hangga’t marami an gang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lamang sa mayaman

Habang may tatsulok at sila ay nasa tuktok


Di matatapos itong gulo
Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao
At ang dating munting bukid, ngayo’y sementeryo

Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok


Tulad ng dukkha, nailagay mo tuktok
Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan

Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan


At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ay nasa tuktok
Di matatapos itong gulo.
Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay ng at tatak ay di s’yang dahilan
Hangga’t marami an gang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lamang sa mayaman

Habang may tatsulok at sila ay nasa tuktok


Di matatapos itong gulo

Habang may tatsulok at sila ay nasa tuktok

Di matatapos itong gulo

Di matatapos itong gulo

Gawain 3:
Panuto: Basahin at damhin ang bawat linya ng
awit at gumawa ng isang malalimang pagsusuri sa
Tekstong nasa itaas kung ano ang nais nitong
ipahiwatig. Biyang pansin ang Panitikang Hinggil sa
Karapatang Pantao na dapat mapalutang sa diwa ng
tekstong binasa.

PANITIKAN HINGGIL SA ISYUNG PANGKASARIAN

GENDER VS SEX
GENDER-kultural SEX-bayolohikal

KASARIAN AT SEKSUWALIDAD
Isang mahalagang katangian ng bawat tao ay ang kasarian at seksuwalidad. Ngunit angdalawang
konseptong ito ay madalas mapagpalit bagaman ito ay mag kaugnay.

SEX O SEKSUWALIDAD – tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian bilang lalaki


obabae.Ang ating seksuwalidad ay natatalaga sa pamamagitan ng ating Genetic inheritance o ang pinagmulan
ng lahi. Ang ating Genes naman ay nagtataglay ng ating mga biyolohikal nakatangian ay ating mamamana at
naipapasa sa mga salinlahi sa pamamagitan ng pagsusupil.
GENDER O KASARIAN – tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan
hinggil saseksuwalidad. Ang mga ideya natin tungkol sa kasarian ay ating natututuhan mula salipunang ating
kinabibilangan at ginagalawan. Ang seksuwalidad ang tukuyin pinapangkat ang mga tao bilang
“babae” at “lalaki”. Kungkasarian ang ginagamit na termino ay “pambabae” o “panlalaki”
 
ORYENTSYONG SEKSUWALIDAD (SEXUAL ORIENTATION)- tumutukoy sa pisikal at
emosyonal na atraksiyon na nararamdaman ng isang indibidwal para pa sa isa
pangindibitwal para sa isa pang indibidwal.

PAGKAKAKILANLANG PANGKASARIAN (GENDER IDENTITY)- nararamdaman


opinaniniwalaang kasarian ng isang tao, maging akma o hindi sa kanyang seksuwalidad.

MGA PAPEL NA GINAGAMPANAN AYON SA KASARIAN (GENDER ROLES)


Ang kilos, mga Gawain, at pananalita ng bawat indibidwal ay hinuhubog ng lipunan. Ang
mgabahaging ito ay nagmumula sa ating kinagisnang kultura hanggang sa mga taonga
tingnakakasalamuha.

ANG SINASABING “IKATLONG KASARIAN” 


Sila ang mga homoseksuwal kung tawagin. Inilalarawan sila bilang mga indibidwal na
nakakaranas ng ekslusibong atraksyon sa katulad nilang kasarian. “Gay, bakla,beki” ang ibang
tawag sa homoseksuwal.

ANG PAGIGING ISANG HOMOSEKSUWAL


Sa Pilipinas, ang terminong “paglaladlad” ay tumutukoy sap ag papahayag ng isang indibidwal
ng kanyang oryentasyong seksuwal.

TATLONG YUGTO SA PAG LALADLAD


Unang yugto
“Pag-alam sa Sarili” Pagtanggap at pagiging bukassa atraksiyon sa katulat nakasarian.

Ikalawang yugto
“Pag-amin sa ibang tao” Pagsabi sa kapamilya, kaibigan, o katrabaho ngpagiging
isang homoseksuwal

Ikatlong yugto
“Pag-amin sa lipunan” Pamumuhay ng bukas bilangisang LGBT.

LGBT-Lesbian, Gay. Bisexual at Transgender.Homoseksuwal (bakla at tomboy) at ang


Hemisphere ng utak nila ay higit na Malaki kaysa sakaliwa.

KARAPATAN SA PAGPILI NG KASARIAN AT SEKSUWALIDAD


Ang ilang mga karapatang ipinaglabanan ng mga homoseksuwal sa buong mundo ay:-
 
a. Karapatang malayang ipahayag ang kanilang kalooban-
b. Karapatang maikasal nang sibil at mapagkalooban ng mga benipisyong ibinibigay ng
pamahalaan sa mga kasal na heteroseksuwal at sa kanilang mga anak; at-
c. Karapatang mabuhay nang malaya at walang diskriminasyon

PANANAW SA HOMOSEKSUWALIDAD NG MGA PILIPINO


Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa mundo na pinakatumatanggap sa mga LGBT (gay-
friendly nation). Sa isang pandaigdigang pag aaral na kinabibilangan ng 39 na bansa, pang
sampu ang Pilipinas sa 17 bansang tumatanggap sa homoseksuwalidad. Sa kabilang dako, masasabi
na m alaki ang impluwensiya ng Simbahang Romano Katoliko sapananaw ng mga Pilipino laban sa
homoseksuwalidad. Sa pamumuno ng Catholic Bishop’s

Conferences of the Philippies (CBCP), ang Simbahang Katoliko ay aktibo sa pag kontra
sapagbibigay ng mga karapatan sa mga pangkat-LGBT. Ang mga konserbatibong Pilipino, pati
narin ang mga Muslim, ay naniniwala na ang homoseksuwal ay immoral. Ganito rin ang ibangsektang
Romano tulad ng Jesus is Lord Church ni Bro. Eddie Villanueva .

RELIHIYON AT PANANAW NG IBA TUNGKOL SA HOMOSEKSUWALIDAD


May mga pangunahing relihiyon sa mundo ang naninindigang salungat sa kanilang
paniniwalaang pagiging homoseksuwal. Dahil sa ganitong paniniwala, tinutuligsa nila ang
mgahomoseksuwal. Hinuhusgahan nila ang homoseksuwal at naniniwalang ito ay
makasalanan.Sa kabilang dako, mayroong na ring mga lipunang may liberal nap ag iisip at
tinatanggap na rinang kultura ng homoserksuwal.

DESKRIMINASYON BATAY SA KASARIAN


 Ang mga pagkakaiba at hindi pantay-pantay sa pagtrato ng mga kasarian ay makikita sa atinglipunan tulad ng
aspektong poliyikal, pang hanapbuhay atmaging sa tahanan
Sa politika, may pagkakaiba ang mga kasarian sa kapangyarihang political sa pamahalaan,
kumunidad at institusyon.
Sa tahanan, may pag kakaiba rin ang mga gawaing nakaatang s a kanila gaya ngpaggawa ng desisyon
at paghanap ng mapagkukunan ng pangangailangan sa tahanan.
Sa panghanapbuhay, ang pang aabuso ay mas madalas maranasan ng kababaihan athomoseksuwal kaysa sa
mga kalalakihan.

MGA ANYO NG DISKRIMINASYON AYON SA KASARIAN


Hindi pagtanggap sa trabaho
 
Mga pang-iinsulto at pangungutya
 
Hindi pagpapatuloy sa mga establisyemento dahil sa kanilang kasuotan o pagkilos
 
Bullying sa paaralan
 
 
MGA SALIK NA MAIMPLUWENSIYA SA DISKRIMINASYON
 
Mga paaralan, may mga nababalitang nakakaranas ng diskriminasyon at pang-aapi angmga mag-aaral na
homoseksuwal
Pamilya at tahanan, ang bawat miyembro ng pamilya ay may kanya kanyang papel naginagampanan. Sa
ngayon, nagbago na ang papel na ginagampanan ng mga kasarian.
Media, dumarami ang mga LGBT na nagiging kilala sa mga industriya ng pelikula,
telebisyon at fashion. Na kikilala ang kanilang talento sa iba’t i
bang larangan ngunit maymga pagkakataon

MGA KASO NG KRIMEN NA ANG NAGIGING BIKTIMA


Sa Pilipinas ang The Philippine LGBT Hate Crime Watch ay isang samahang binuo ng mgamiyembro ng
LGBT upang masubaybayan ang mga krimen na nangyayari sa mgahomoseksuwal.

MGA EPEKTO NG SAME-SEX MARRIAGE


Ayon sa ilang ga kritiko ng same sex marriage, layunin ng kasal ay ang pagbibigay ng suporta ng
pamahalaan para sa panganganak, bagay na hindi naman nagagawa ng mag kaparehong homoseksuwal. Marami
naniniwala ang relasyon sa pagitan ng mga homoseksuwal ay ioral at akasalanan.Ipinahayag ni Rev. Fr.
Melvin Castro, executive secretary.

ANG PANITIKANG PAMBATA

Ang panitikang pambata ang madalas na nakakaligtaang uri ng panitikan. Nakakaligtaan


dahil kakaunting kritiko ang naglaan ng panahon at isip upang suriin ito. Kadalasan ang pagsusuri
ay nagtatapos lamang sa tanong na kung ang kwento ba ay nagbibigay-aral o hindi sa mga bata.
Hindi sapat ang mga pagsusuri ukol sa panitikang pambata upang makita ang kalagayan nito sa
kasalukuyan. 
Itinuturing ang panitikang pambata bilang batis ng kaalaman at ng kabutihang-asal. Nagiging
instrumento tuloy ng matatanda o ng lipunan ang panitikang pambata upang hubugin ang bata ayon
sa kanilang pamantayan. Sa bawat kwentong binabasa ng mga bata, wala silang kamalaymalay na
naipapasa na sa kanila ang gender roles na kailangan nilang gampanan. Pumapaloob sila sa
sistemang patriyarkal at sa mga de-kahong representasyon ng pagiging babae at lalaki. 
Hanggang kailan iiwasan ng panitikang pambata o ng mga manunulat ang maseselang
paksa tulad ng isyu sa kasarian, ng pagiging gay o lesbian? Ng pagsasama ng dalawang lalaki o
babae? Hanggang kailan bubugbugin ang mga bata ng mga kwentong malayo na sa kanilang
nararanasan? Hanggang kailan ituturing ang panitikang pambata na tagapaghubog sa halip na
tagapagmulat? 

Panitikang Pambata sa KAsalukuyan


Itinuturing bilang batis ng kaalaman o karunungan ang panitikang pambata. Higit sa lahat,
itinuturing itong bukal ng kabutihang asal at wastong pag-uugali. Nagiging instrument tuloy ng
matatanda o ng lipunan ang panitikang pambata upang hubugin ang bata ayon sa kanilang
kagustuhan at pamantayan.
Sa bawat kuwentong binabasa o ipinapabasa sa mga bata, walang kamalay-malay ang
mga bata na naipapasa rin sa kanila ang gender roles na kailangan nilang gampanan sa lipunan.
Pumapaloob na sila sa isang sistemang patriyakla at sa mga de-kahong representasyon o
stereotyping ng pagiging babae at lalaki. Kaya sa halip na ang panitkang pambata ay
magsisilbing tagapagpalaya, ito pa ang nagiging dahilan ng kanilang pagkalugmok sa pagiging
sunod-sunuran., at kawalan ng tiwala sa sariling kakayahan at pag-iisip. Dahil ditto, paulit-ulit
ang pagkakamali-inuulit lang ng mga bata ang pagkakamali ng kanilang mga magulang o ng mga
nakatatanda sa kanila- mga bata silang kumikilos ayon sa kagustuhan ng mga matatanda.
Kakaunti ang mga kuwentong naglalantad sa bata sa mahahalagang isyu na maari nilang
kaharapin sa hinaharap, o sa kanilang pagiging ganap na mamamayan ng bansa.
Ngunit hanggang kalian pa iiwasan ng panitikang pambata o ng mga manunulat ang
maseselang paksa tulad ng isyu sa kasarian, halimbawa, ang tungkol sa pagiging gay o bakla,
lesbian o tomboy, ang pagsasama ng dalawang lalaki o ng babae? Hanggang kalian pa
bubugbugin ang mga bata ng mga babasahing malayung-malayo na sa kanilang nakikita at
naranasan sa kasalukuyan? Hanggang kalian pa ituturing ang panitikang pambata bilang
tagapaghubog sa halip na tagapagmulat?

Pagsusuri sa Kuwentong Nasaan Si Kuya Emil ni Germaine Yia (2000)

Kakaiba ang kuwento dahil sa pagsisikap ng manunulat na mailarawan ang


nararamdaman ng isang batang lalaki na lubhang naninibago sa ikinikilos ng kanyang pinsan na
Kuya Emil. Sa mga simulang pahayag ng kuwento, mahihinuhang tila may espesyal o natatangi
ang pagtingin ng bata sa kanyang Kuya Emil. Mababakas ang matinding hinanakit o selos sa
mga pahayag ng batang lalaki. Suriin ang simula ng kuwento:
Aba, nasaan kaya si Kuya Emil? Dati, siya lagi ang unang sumasalubong sa
amin. Sabik na sabik na akong Makita siya. Dalawang taon kasi kaming hindi nagbakasyon ditto
sa bahay nina Kuya Emil sa Probinsya. At si Kuya Emil ang pinakapaborito kong pinsan. Siya
lang ang gusto kong kalaro maghapon. (2)
Kakaiba ang bata sa kuwento dahil sa kadalasang mas gusto ng bata ang magkaroon ng
mas maraming kalaro dahil sa mas maraming pwedeng laruin kung marami. Natural sa bata ang
bumuo ng idolo mula sa mga nakatatandang miyembro ng pamilya, ngunit ang kagustuhang
makipaglaro sa iisang pinasan sa buong maghapon ay iba na.
Sinimulang hanapin ng bata ang kanyang Kuya Emil sap ag-aakalang ito ay nakidnap.
Masakit para sa bata ang maraming pagbabagong kanyang nakita sa kanyang kuya Emil. Inakala
ng bata na pekeng kuya Emil ang kayang nakita. Dahil ditto, sinimulan niyang hanapin ang
kanyang kuya Emil.
Maraming ginawa ang bata upang malamang totong kuya Emil nga ang kanyang kuya
Emil. Inisprey ng bata ang pabango sa kuha ng kanyang kuya Emil, ngunit sa halip na mahatsing
ito, tulad ng akala ng bata, ay nagustuhan pan ito dahil sa “amoy-pawis at amoy-araw ng
kanyang kuya Emil. Alam din ng bata na hindi man lang tumingin sa babae ang kanyang kuya
Emil. Lagi ring dala-dala ng bata ang retrato nila ng kanyang kuya Emil.
Aktibo ang bata sa kuwento sapagkat siya mismo ang gumawa ng paraan upang bigyang-
solusyon ang kanyang problema. Walang ibang nag-iisip o tumulong sa kanya upang gawin ang
mga bagay na gusto niyang gawin at patunayan. Binigyang ng sariling isip ang bata sa kuwento.
Ngunit isang malaking tanong lamang sa akin ang sensibilidad niya bilang isang bata.
Natural baa ng kanyang naramdaman bilang isang bata sa kanyang Kuya Emil? Ganito rin baa ng
magiging hakbangin ng ibang bata kung sakaling sa kanila mawal ang pinakapaborito nilang
pinsan? Natural bang silipin ng bata ang kanyang pinsan sa banyo? Siguro’y marulmi lamang
ang iniisip ko o kinargahan ko lang ng ibang kahulugan ang mga pahayag sa kuwento.
Ngunit nagging malinaw sa kuwento ang isyu ng sekswalidad ng bata ay dahil sa
ilustrasyon ng kuwento. Sa mga inilipat na ilustrasyon, mapapansin ang mga palagiang
pagsisingit ng ng mga bagay na matutulis o may phallic symbol, tulad ng ruler, antenna ng TV,
suklay, pambomba ng bola, stick ng fishball, toroto, at iba pa. mapapansin din ang guhit ng
pusong nabiyak at ang mga nkapilantik na kamay ng mga barkad ng kuya Emil ng bata sa
kuwento. Hindi maaring ihiwalay ang ilustrasyon ng kuwento sa kuwento mismo. Integral na
bahagi ng kuwento ang ilustrasyon. Sa mga batang hindi pa nakababasa, Malaki ang
ginagampanan ng mga ilustrasyon. Pinupunan ng ilustrasyon ang mga hindi nila
mabasa/maunawaan sa teksto ng kuwento. Ang mga ilustrasyon ay kuwento ring sinusundan ng
bata.
Isang babae ang sumulat ng kuwento, kung kaya masasabing dalisay ang kanyang
layuning ipakita lang ang delimang dinadaanan ng bata kapag nagbago ang pisikal na anyo,
ugali, at iba pa ng kanilang mga iniidolo. Ngunit dahil nga sa ilustrasyon ng kuwento, masasabi
kong may sasang-ayon sa mga unang pahayag ukol sa posibleng maging kasarian ng bata sa
kuwento.pero hindi na ito mahalaga. Ang mahalaga ay nagkaroon ng kalayaan ang bata sa
kuwento na ipahayag/ipakita ang knayang nadarama sa mga pagbabago ng taong mahalaga sa
kanya.ipinakita sa kuwento na sensistibo ang mga bata sa mga pagbabago sa kapaligiran.

Gawain 3:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang
kuwentong may pamagat na “Uuwi na ang Nanay
Kong si Darna” ni Edgar Samar. Sa tulong na
ginawang pagsusuri sa itaas suriin ng malaliman ang
teksto at palutangin ang papel na ginagampanan ng
mga tauhan sa kuwento batay sa Panitikang tinalakay.
Ang pagsusuri ay nasa anyong naratibo.

Uuwi na ang Nanay Kong si Darna


ni Edgar Samar

Tuwang-tuwa si Tatay sa balita niya sa akin. “Uuwi na ang Nanay mo!”


sabi niya habang nasisilip ko na halos ang ngala-ngala niya sa kaniyang
pagtawa. Hindi ko alam kung matutuwa rin ako. Kasi, hindi ko pa naman
talaga nakikita nang totohanan si Nanay.
Alam ko lang ang itsura niya dahil sa mga picture . Lagi siyang may
karga-kargang bata. Nung nakaraang Pasko, nagpadala siya ng picture na
kasama nila si Santa. Isang beses ko pa lang siyang nakausap sa telepono.
Itinanong ko kung ano’ng hiniling kay Santa nung batang buhat-buhat niya.
Tawa lang nang tawa si Nanay. Parang hindi niya naririnig ang sinasabi ko.
Maliit na maliit pa raw ako nung umalis si Nanay papuntang Hong Kong.
Karga-karga nga raw ako ni Nanay nang ihatid siya sa airport ng buong
angkan namin. “Tatay, bakit po ba umalis si Nanay? Tinitigan muna ako ni
Tatay bago siya sumagot. Laging ganoon si Tatay kapag may itinatanong ako
tungkol kay Nanay. “Alam mo anak, kailangan kasi ang tulong ng Nanay mo
sa ibang bansa. Aba, ang galling naman kasi ng Nanay mo.”
Ang Nanay mo kasi, kayang-kayang talunin ang milyon-milyong
mikrobyo sa bahay. Isang pasada lang niya ng wonder walis niya, Swissss!
Patay lahat ng dumi na nagdadala ng sakit.
“Kayang-kaya ring pataubin ng Nanay mo ang gabundok mang
labahin. Sa maghapon, kuskos dito, piga doon. Walang sinabi ang mantsa!
Lilinis at puputing tiyak ang labada.”

“Para po palang si Darna si Nanay, Tay! May power .” Anong parang si


Darna? Si Darna talaga ang Nanay mo, pagmamalaki ni Tatay. “Aba, kahit
sino’y hindi niya inuurungan! Sinumang umiiyak na bata’y tumatahan agad
kapag kaniyang inawitan. Kaya nga gustong-gusto siya ng kaniyang
tinutuluyan at ayaw na siyang paalisin.”
“Pero ‘Tay, kung si Darna po si Nanay, bakit bukas pa siya darating?
Bakit di na lang niya liparin papunta rito sa ‘tin para mabilis?” Napangiti lang
si Tatay. “Liliparin nga niya. Kaso lang, kailangan niyang tawirin ang isang
malawak na dagat bago siya makarating dito sa atin.”

Isang malawak na dagat pa pala ang tatawirin ni Nanay. Hindi kaya


siya maligaw? Hindi tuloy ako makatulog nang gabing iyon. Makilala pa kaya
ako ni Nanay? Aba, ipagmamalaki ko siya sa mga magiging kaklase ko sa
pasukan. Si Darna yata ang Nanay ko!

Naku, umaga na pala! Ang ingay sa labas. Ano raw? Nandiyan na si


Nanay? Aba, hayun nga’t may bumababa sa dyip ni Tatay. Nandito na si
Nanay! Kamukhang-kamukha nga ni Nanay ang babae sa picture . Ang
ganda pala lalo ni Nanay sa totohanan. Ano kayang itsura niya kapag siya na
si Darna? Buhat-buhat ni Tatay ang isang malaking kahon. Hili-hila naman ni
Nanay ang isang malaking bag.
Nahiya akong magpakita kay Nanay pero ‘yung ibang mga tao?mga
tito at tita ko, mga kapitbahay namin?nakapaligid lahat kay Nanay. Alam na
kaya ng lahat ng tao sa bahay na siya si Darna? Saan kaya niya itinago ‘yung
batong agimat niya? Nagpalakpakan ang lahat nang buksan ni Nanay ang
kahon.
Naglabas ng paisa-isang gamit si Nanay mula sa kahon. Iyung pantuyo
raw ng buhok para kay Tiya Lupe. Iyung pantimpla ng kape kina Manang
Letty. Iyung pandurog ng mga prutas kina Manong Ben. Ang dami pang iba.
Ang galling! May madyik lahat ng mga gamit na dala ni Nanay. Meron din
kaya siyang ibibigay na madyik para sa akin?

At siyempre, itong mga librong ito at mga krayola na pangkulay ay


para sa mahal kong anak na si Popoy.” Ako ‘yon! Ako yon! Naalala pala ako
ni Nanay. Wow! Ang gaganda ng pasalubong ni Nanay. Parang nakababasa
siya ng isip. Alam niya na mahilig ako sa libro kahit hindi naman niya ako
tinanong. Kasama kaya iyon sa mgapower niya?
Hindi na talaga ako nakatiis. Kailangan kong magtanong. “Nanay, kayo
po ba talaga si Darna?” Napatingin lahat ng tao sa akin. Napasulyap si Nanay
kay Tatay. Ngumiti lang si Tatay. Ngumiti rin si Nanay at saka ako niyakap
nang mahigpit na mahigpit.

You might also like