You are on page 1of 9

KAHIRAPAN

 Sakit ng lipunan na hanggang sa kasalukuyan ay hindi


nalulunasan.
 Kawalan ng pag-aaring materyal o salapi na maaaring
gamitin upang magkaroon ng maayos o kaiga-igayang pamumuhay.

Dalawang Kategorya ng Kahirapan


1. Ganap na Kahirapan

Itinutukoy ang mga sitwasyon na ang isang indibidwal ay napagkakaitan ng mga payak o
basikong pangangailangan pantao.

Mga Halimbawa:
 Maiinom na tubig
 Maayos na kasuotan
 Maginhawang tirahan
 Pangangalagang pangkalusugan

2. Relatibong Kahirapan

Inilalarawan ng sitwasyon o pagkakataong ang tao ay may di sapat na salapi kung


ihahambing sa ibang tao sa kapaligiran.
Ang mapagkukunan ay naaapektuhan ng mga balakid tulad ng:
- lantarang pagnanakaw o korapsyon sa gobyerno
- hindi makatwirang kondisyon ng pagpapautang ng gobyerno

Dalawang Teorya ng Kahirapan


1. Indibidwalistikong Pananaw
Ang kahirapan ay isinisisi sa indibidwal na kakayahan na pagbangon sa kahirapan.
a. Katamaran
b. Kawalan ng sapat na edukasyon
c. Kamangmangan
d. Mababang pagtingin sa sarili
2. Istruktural na Pananaw
Ang pagkakasadlak sa kahirapan ay bunsod ng sistemang pang-ekonomiya na lalong
pinaiigting ng kakulangan sa kanilang kita.
a. Katamaran
b. Kawalan ng sapat na edukasyon
c. Kamangmangan
d. Mababang pagtingin sa sarili
Dahil sa pagiging dinamiko ng bawat indibidwal, hindi nila ipinagkikibit-balikat lamang ang
kahirapan, bagkus ay humahanap sila ng pamahalaan upang makaahon sa madilim na kinasasadlakan.

Inisyatibo ng Pamahalaan
Kaugnay ng kahirapan ay ang mga inisyatibo ng pamahalaan upang bigyan ito ng lunas o
pansamatalang solusyon

Conditional Cash Transfer


• Sistemang ginagamit hindi lamang sa Pilipinas upang makatulong maibsan pansamantala
ang kahirapan.

Female Secondary School Assistance Project


Bolsa Familia (Bolsa Escola)
Chile Solidario
Juntos
Pantawid Pamilyang Pilipino Program
• Pinangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development
• Binibigyan ng conditional cash grants ang mga pamilyang labis ang kairapan upang
paunlarin ang kanilang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon particular ang nasa edad 0-14
(“Pantawid Pamilyang Pilipino Program)
MGA PAG-AARAL
• Sa bansang Turkey, lumabas na ang kasarian, edukasyon, uri ng hanap-buhay, at
istruktura ng sambahayan ay may estadistikang makabuluhang dating sa pagiging
mahirap.
-Yoldrim, Bakir, at Savas (2018)
• Tinatayang 8 milyong bata ang nagtatrabaho. Ang suliranin ng mga mag-aaral sa
kanilang pagkatuto ay maaaring iugnay sa kahirapan at child labor.
-Taylor (2017)

5 Malalaking Sangkap ng Kahirapan


1. Kawalan ng kaalaman
2. Sakit
3. Kawalang Pagpapahalaga
4. Hindi mapagkakatiwalaan at
5. Pagiging palaasa
-Dr. Bartle Phil (n.d), isinalin ni Vitan III. Dionisio
Note: Ayon sa kanya, ang solusyon sa pangkalahatang suliranin sa kahirapa ay pang pangkalahatang
solusyon sa pag-alis ng mga sangkap ng kahirapan

Malnutrisyon
Note: Isa sa mga suliraning kinakaharap ng bansa
• Bunga ng kawalan ng sapat na sustansya ng pagkaing kinakain at kahirapan na
maipamahagi ang mga nararapat na pagkain sa buong populasyon.
• Kawalan ng kaalaman ng tao sa kailangan nilang nutrisyon
Note: Patuloy na nagsasagawa ng mga inisyatibo upang mapataas ang antas ng kaalaman ng tao sa
tamang nutrisyon.

Feeding Program
• Inisyatibo ng pamahalaan upang mapababa ang kaso ng malnutrisyon
• Mataas na antas na kawalan ng trabaho sa Pilipinas -nakaaapekto kung bakit ang
sustansyang kailangan ng isang pamilya sa kanilang kinakain ay hindi sapat
• Mataas na presyo ng bilihin sa mercado – nakaaapekto sa pagtaas ng presyo ng bilihin
• Biktima ng kalamidad – nagiging biktima rin ng malnutrisyon
(http://kalusugan.ph/malnutrisyon, n.d.)
Kagutuman at Manutrisyon
• Pinakababahalang banta sa kalusugang pandaigdig
Malnutrisyon
• May pinakamalaking ambag sa kamatayan ng mga bata na makikita sa kalahati
ng kaso nito
World Health Organization (The Starvelings, 2011)

Usaping Pangkalusugan
HIV
Note: Isa sa mga suliraning kinakaharap ng bansa
• Espektro ng kondisyon na sanhi ng inpeksyon ng HIV
• Walang ibang makikitang sintomas sa taong may inpeksyon maliban sa simpleng
trangkaso.
• Sa pagkalat ng inpeksyon, higit na sinasalakay ang immune system na nagdudulot ng
pagkakaroon ng:
o Tuberculosis
o Opportunistic Infections
o Tumor

Note: Bibihirang dumapo sa mga tao na may maayos na immune system.

Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS)


• Inspeksyon sa pinakahuling estado ng HIV
• Inaasahang pagbaba ng timbang

Pinagmumulan
1. Pakikipagtalik na walang proteksyon (anal at oral);
2. Kontaminadong paraan nang pagsasalin ng dugo;
3. Hypodermic na karayom;
4. Mula sa ina tungo sa anak sa panahon ng pagbubuntis;
5. Pagpapasuso

Hindi Nagsasalin ng HIV sa Ibang Tao


1. Laway
2. Luha
Mga Paraan Upang Maiwasan
1. Ligtas na pakikipagtalik;
2. Programa para sa pagpapalitan ng karayom;
3. Paggamot;
4. Pagbibigay ng antiretroviral medication sa batang ipinagbubuntis

Mga Paraan Upang Maiwasan


1. Ligtas na pakikipagtalik;
2. Programa para sa pagpapalitan ng karayom;
3. Paggamot;
4. Pagbibigay ng antiretroviral medication;
Makakatulong sa pagbagal ng pagkalat ng sakit upang magkaroon ng inaasahang
normal na pamumuhay ang bata.
Ayon sa Dapartment of Health (DoH) ay umabot sa 871 ang natuklasang bagong kaso ng HIV
• 131 nasa nauunang estado na ng inpeksyon
• Sinabi ng HIV/AIDS Registry of the Philippines (HARP) na ang tala ng HIV noong
nakaraang taon ay 848.
Bahagdan ng may inpeksyon ayon sa HARP
• 96 lalaki (average na edad na 27)
• Pakikipagtalik ang pangunahing paraan ng pagsasalin ng sakit
Ang kaso ng HIV sa gobyerno ay umabot ng 52,280 simula 1984.
• 2,511 ang namatay
(Hernandez, 2018)
• 2006 - 36.7 milyong katao ang may HIV na nagresulta sa kamatayan ng nasa isang
milyon
• Naguugat ng diskriminasyon at epektong pang-ekonomiya
Note: Bunga ng maling edukasyon o kakulangan sa kaalaman hinggil sa sakit na ito ay ang
paniniwala na ang tao ay maaaring mahawa kahit sa ordinaryong pakikipag-usap lamang.

Kontrobersiya sa posisyon ng simbahan na tutulan ang paggamit ng condom bilang


proteksyon sa pakikipagtalik.

Mga Usapin ng Pabahay


Note: Kawalan ng maayos na tahanan ng isang pamilya

Hindi madaling solusyunan dahil sa:


• Kawalan ng inisyatibo buhat sa pamahalaan;
• Kawalan ng disiplina ng mga maralita
Note: Sumasalamin sa mukha ng kahirapan na hindi madaling solusyunan dahil sa kawalan ng inisyatibo
buhat sa pamahalaan, kawalan ng disiplina ng mga maralita na magsagawa ng paraan upang maiahon
ang kanilang mga sarili sa totoong kahirapan

Ayon sa Global Homeless Statistics


• 44 na bahagdan ng mga Pilipino ang walang maayos na tirahan sa Metro Manila
Note: Bagamat may inisyatibo ang pamahalaan, sinasabing hindi parin sapat ang pagbibigay ng
masisilungan sapagkat ang kailangan ay disenteng tahanan na may angkop na mapagkukunan ng
pangunahing pangangailangan.

Konsultasyon/Pagsangguni
Ayon sa Chairman ng House Committee on Housing and Urban Development, mahalaga
ang pagsangguni sa mga benepisyaryo upang hindi masayang ang pondo ng pamahalaan.
-Moratillo (2017)
Note: Ayon kay Benitez sa ulat ni Moratillo, ang paghiigpit sa pagsasakatuparan ng kanilang oversight na
tungkulin ay kailangan upang makasigurado na hindi nauuwi sa wala ang ponding inilalalaan sa pabahay
sa ilalim ng pambansang pondo o national budget.

National Housing Authority


• Ahensya ng pamahalaan na namamahala sa mga inisyatibong pabahay ng pamahalaan
• Binuo noong ika-31 ng Hulyo, 1975
• Pagmamay-ari ng pamahalaan at kontroladong korporasyon sa ilalim ng Housing and
Urban Development Coordinating Council

Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay)


• Nagtungo ang mga kasapi sa Malacañang Action Center upang magsumete ng
aplikasyon sa titulong mababang presyo ng pabahay ng gobyerno
• Napag-alaman na mayroong Senate Resolution
-Nagpapahintulot sa NHA na magkaroon ng realokasyon ng pabahay para sa mga
kapulisan, sundalo, bumbero, at mga kawani ng kulungan.
Note: Hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga militar at kapulisan na magparaya na lamang sa mga
pamilya ng kadamay upang aaiwasan ang sigalot.

• Kinuha ng mga kasapi ang 6000 kabahayan sa anim na housing sites ng NHA nang
nakaraang taon

Resolution No. 8
• Nagpapahintulot sa NHA na magbigay ng grant sa iba pang kwalipikadong benepisyaryo
para sa mga tahanan na hindi pa naipamamahagi at mga tahanang tinanggihan ng mga
naunang benepisyaryo sa hanay ng Armed Forces of the Philippines, Philippines Bational
Police, Bureau of Fire Protection, at Bureau of Jail Management and Penology at Bureau
of Corrections.
Note: Hindi lamang miyembro ng Kadamay ang nagsumite ng aplikasyon kundi maging ang mga
walang tahanan sa Maynila, Caloocan, at Quezon City.

You might also like