You are on page 1of 4

Sinasabing ang kakulangang sa protina (protein-deficiency) ang pangunahing kaso ng malnutrisyon sa

Pilipinas. At tinatayang umaabot sa tatlong milyon ang dumaranas nito. Dahil dito, laganap ang
kakulangan sa timbang at pagiging bansot ng mga kabataan sa mga lugar na talamak ang kaso ng
malnutrisyon. Ayon sa FNRI, ang pagkabansot (stunted growth) ay problemang matagal nang
kinahaharap ng bansa at sadyang nakaaalarma, mula sa 16% rate ng pagkabansot sa mga kabataan
noong 2011, dumoble ito sa 33% rate sa sumunod na taon. Ayon naman sa World Health Organization,
28 na milyong Pilipino ang nanganganib na dumanas ng malnutrisyon, dahil pa rin sa hindi maipaabot ng
husto ang kinakailangang nutrisyon sa buong ng populasyon.

TAG-GUTOM SA PILIPINAS nina Ibay, Jam Nicole at Marcelo, Mark Jemuel ...

https://niks577.wordpress.com › ...

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pagpag

Pero hindi ganyan ang nangyayari. Nakakaligtaan ng gobyerno ang dapat sana’y ipagkaloob na serbisyo
para sa mga kawawang mamamayan. Hindi natutupad ang dapat sana’y ipagkaloob na kaginhawahan sa
taumbayan na madalas ipangako noong panahon na nangangampanya pa lamang. Walang maipakitang
pruweba na binabawasan ang bigat ng pasanin ng buhay. Marami ang patuloy na naghihigpit ng sinturon.

Walang tigil sa pagtaas ang mga presyong petrolyo at kabuntot nito ang pagtaas ng mga pangunahing
bilihin. Kamakalawa ay nagtaas na naman ng presyo ng gasolina at ang masakit nagbabanta ang mga
organisasyon ng mga tsuper na magtataas sila ng pamasahe.

Read more at https://www.philstar.com/opinyon/2006/05/09/335752/editoryal-150-matinding-kalaban-


ang-gutom#BIgcirJ7JrOEUQke.99
Bakit? Isang tanong na mahirap sagutin. Bakit ganito? Bakit ganyan? Bakit may mayaman? Bakit may
mahirap?

Paano? Isa pang katanungan na mahirap tugunan. Paano gaganda ang buhay ng mga tao? Paano na lang
kung sagad na sa kahirapan ang buhay ng tao? Paano na tayo mabubuhay? Paano na tayo kakain ng
tatlong beses sa isang araw?

Hay buhay.. May mga tao na kinakaya ang hamon ng buhay kahit sila ay nahihirapan. Isa sa kanilang
paraan ay ang paghahanap ng "pagpag" or tirang pagkain sa mga fast-food chains.. ayon sa Wikipedia
"Ang pagpag ay isang katawagang Tagalog para sa mga tirang pagkaing itinapon ng mga restawran o
kainan sa basurahan o sa tambakan ng basura na hinahalungkat o kinakalakal para kainin. Karaniwang
itong hinuhugusan at muling niluluto upang kainin. Itinitinda rin ito sa ilang mga karinderya sa mas
murang mga halaga. Hinango ang katawagang pagpag sa karaniwang kahulugan nito sa Tagalog — ang
pagpag bilang ang pag-alis ng isang bagay sa pamamagitan ng pagyugyog. Ang tirang pagkain ay
tinatanggalan ng mga maduduming elemento sa pamamagitan ng pagpagpag kung kaya't tinawag itong
pagpag. Nagbuhat mula sa mga tunay na hamon ng kagutuman na nagdulot mula sa labis na kahirapan.

Para sa mga kabataan..

Karapatan ng mga bata ang magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at aktibong katawan. Pero paano
kung namulat sila sa panis at tirang pagkain ng kanilang mundo?

Ako bilang isang kabataan na sinasabing pag asa ng bayan ayon kay Gat Jose Rizal ay naniniwala na
karapatan ng bawat isa ang makakain ng nasa tama. Ngunit sa panahon ngayon na nilalamon na tayo ng
kahirapan, paano na tayo at ang kabataan na makamit ang kanilang mga mithiin sa buhay kung sa tuwing
didilat ang kanilang mga mata ay kumakalam ang kanilang tiyan sa gutom. Ako ay humahanga sa mga
kabataang maparaan, tulad na lang ng paghahanap ng tinatawag na "pagpag" upang maibsan ang
kumakalam na sikmura. Oo madumi, oo nakakadiri pero isa itong hakabang upang makatulong sa pag
abot ng ating mga pangarap. Ha? Bakit? Paano? Ako ay naniniwala na kinakailangang may laman ang
tiyan ng isang tao upang makapag isip ng maayos. Paano na lamang siyang makapagiisip ng maayos kung
kumakalam ang kanyang sikmura?

Kids here run around with a slipper missing, their bare foot black and scabbed from the rough, dirty
ground. But this is the least of their problems. They are all-smiles, some are missing teeth, as they
huddle around the static-stricken television screen, awaiting their favorite noontime cartoon show as
their mothers line up outside what seems to be a sari-sari store, looking forward to buying plastic bags
filled with some sort of fried chicken that you get from your favorite go-to fast food joint.

“We call this Pagpag”, says Ate Rose in the local dialect. “Every night, trucks come here to dump different
kinds of trash: paper, plastic cups, Styrofoam containers, and also, food waste. First, all the non-edible
items are separated from the edible ones and set aside for recycling. Then, the edible items are brought
here to be sorted out by the elders to be turned into pagpag the next day.”

*Totoong ang pagpapakulo o pag-iinit ng pagkain ay pumapatay ng mikrobyo pero hindi pa rin mabuti sa
katawan ang mga pagpag, ayon kay Dra. Rebecca Abiog-Castro na isang nutrition specialist sa mga bata.

Idinagdag ni Castro na maaaring makuha sa pagkaing pagpag ang mga sakit na Hepatitis A, typhoid,
diarrhea at cholera.

Nakikipag-unahan sina Dayang at Angela sa napakaraming langaw sa paghahanap sa basurahan ng mga


itinapong pagkain ng mga taong nakaaangat ang pamumuhay.
Kahit ganito ang sitwasyon, sinabi ni Dayang na masaya siya sa ginagawa niyang araw-araw na pagkalkal
ng basura upang makakita ng mga tira-tirang pagkain.

Kahit galing sa basurahan at marumi na, masarap pa rin para kina Dayang ang napulot na pagpag. Mas
masarap pa raw kaysa sa mga binibiling isda at ibang binibiling pagkain at kahit na marumi, tiwala silang
hindi makakasama sa kanilang kalusugan ang pagkaing pagpag.

"Kasi pinakukuluan naman po ‘yun ng mabuti," ani Aling Lourdes.

Sana po umahon po kami sa kahirapan. Kasi po nahihirapan na rin po ako mamasura eh. Sana po may
tumulong sa amin na ano grasya, sana po may dumating sa amin na pagkain o kaya po, o kaya po
pantulong po," umiiyak na hiling ng bata.

http://www.seasite.niu.edu/trans/tagalog/new_articles/pagkaing_pagpag_itinanghal_ng_pr.htm

Langhap sarap. Tila nasa langit bawat lasap sa chicken joy ng mga fast food chains. Madalas tayong
umorder ng chicken joy sapagkat ito nagsisilbing ngiti sa ating mga labi dahil sa sarap na hatid. Mahal
man pagsisikapang bilhin matikman lang ang inaasam..

You might also like