You are on page 1of 6

Sibonga Community College

Papel Pananaliksik

Filipino 2

ANG KAHIRAPAN SA BANSANG PILIPINAS

Inihanda ni:

Cristel Cedeño

BEED-1

Ipinasa kay:

Gng. Manuelita Arcel

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Talaan ng Nilalaman
i. Panimula 1

I. Suliranin at Kaligiran 2

A. Rasyonal

B. Layunin

II. Batayang Teoretikal 3

III. Batayang Konseptwal 4

IV. Resulta ng Pag-aaral 5

V. Konklusyon 6

VI. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 7

VII. Rekomendasyon 8

VIII. Pasasalamat 9

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Panimula
- Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o
tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng Kahirapan”, tama sila, at tama rin naman
ang mga taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Ang Kahirapan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng
kakaunting mga mapagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa ibang mga tao sa loob ng isang lipunan sa
bansa o kapag inihambing sa mga karaniwang bilang sa buong mundo. Ang suplay ng mga pangangailangan ay
maaaring malimitan ng mga limitasyon sa mga serbisyo ng pamahalaan gaya ng korupsyon, illegal na paglisan ng
kapital, mga kondisyonal na pang edukasyon pangangailangan. Ang Kahirapan ay ang kalagayan ng
pagkakaroon ng kakaunting mga mapagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa ibang mga tao sa
loob ng isang lipunan sa bansa o kapag inihambing sa mga karaniwang bilang sa buong mundo. Ang
suplay ng mga pangangailangan ay maaaring malimitan ng mga limitasyon sa mga serbisyo ng
pamahalaan gaya ng korupsyon, illegal na paglisan ng kapital, mga kondisyonal na pang edukasyon at
pangangailangan.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I. Suliranin at Kaligiran

KAHIRAPAN

- Ang pag-aaral ay nakatoon sa problema ng ating bansa na kung saan ang mga tao ay tamad na
magtrabaho.Sa panahong ito marami ang Pilipino na tamad magtrabaho. Ang kahirapan ang isa sa mga
mabibigat ng problema ng ating bansa. Kahirapan ang dahilan ng problema ng tao sa mundo! Sa
ngayon ang buong mundo ay humaharap sa malaking problema ng kani-kanilang bansa. Pag
may problema ang isang bansa damay na din pati ang mga mamamayan. Lalong-lalu na kung
ikaw ay nabibilang sa mga bansang pinakamahihirap lalu na dito sa Asya. Mahirap isipin na
ngayong natin nararamdaman ang pangdaigdigang pagsubok sa ating mga buhay. Mahirap ng
makahanap ng trabaho dahil sa ngayon nagkakatanggalan na dahil wala ng mapasahod ang mga
kompanyang kaunti nalang ay lulubog na. Dito sa Pilipinas marami ng mga kompanya ang
nagsasara at pati narin ang mga foreign investor ay natatakot na mag invest dito sa Pilipinas.
Paano na ang ating bansa kung wala ng mga banyaga upang umangat ang ekonomiya ng ating
bansa. At isa pa hindi pa man nagkakaroon ng financial crisis sa buong mundo hirap na ang
buhay ng mga tao dito sa Pilipinas lalu pa kaya ngayon.

A. Rasyonal

-Napili ko ang paksa na ito dahil sa kadahilanan kung bakit naghihirap ang mga tao
ngayon, ay sa pagiging tamad ng mga Pilipino kaya hindi natin masisi ang iba kung hindi ang
ating sarili na napaka iresponsable o ang kawala ng paninindigan. Kaya dapat matutunan nating
ang pagiging responsable sa ating sarili na magsikap tayo para tayo mabuhay, na maghanap
tayo ng trabaho para hindi tayo mahihirapan sa ating buhay.
B. Layunin

- Ang nais malaman ng pag-aaral na ito ay upang alamin ang sanhi at bunga ng kahirapan sa
ating bansa. Nakakatulong din ito upang magising sa katotohanan ang mga taong tamad na magtrabaho.
Ang paksa o ibig na matamo sa pananaliksik ng napiling paksa ay tinutukoy dito tungkol sa
kahirapan, na kung saan dapat tayong magsikap sa ating sarili dahil bilang isang tao dapat
tayong mabuhay sa mundong ito at isa lang tayong instrumento sa Dios at ang ating buhay ay
isa lang hiram natin ito sa Dios dapat ang pagbuhay natin sa mundong ito ay dapat hindi natin
pagsasayangin ang panahon, dapat tayong magsikap.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

II. Batayang Teoretikal

ANG KAHIRAPAN SA BANSANG PILIPINAS

Nakakasabay man ang Pilipinas sa pag unlad ng ibang bansa pagdating sa teknolohiya at iba
pang mgamodernong bahagi ng ating pamumuhay sa araw araw ay hindi rin ito sapat na
dahilan para masabing tayo ay isang maunlad na bansa. Ayon sa Survey, marami pa rin sa ating
mga Pilipino ang nagsasabingsila ay mahirap, kahit pa ginagawa ng gobyerno ang kanilang
tungkulin upang mabawasan ito. Sino ngaba ang dapat sisihin sa paghihirap ng ating
mamamayan? Ang gobyerno nga ba, o tayo? Ang kahirapanang isa sa mga mabibigat ng
problema ng ating bansa.Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng
bansa, pero sila nga ba ang maykasalanan o tayong mga Pilipino na tamad?Tama sila, at tama
rin naman ang mga taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Sinasabi ngkaramihan,
kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo,
maramingtrabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino.

Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin panilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi
ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat natrabaho at kumita ng isang daang piso sa isang
araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin natayo ay tamad, pinakadahilan ng
kahirapan.

Ang pagiging tamad ay dapat matuto tayong magsikap dahil ang buhay ng tao napakahalaga at
dapat magtuto tayong magsikap sa ating buhay, dahil ang taong nakaupo nalang sa isang tabi at
manghingi ng limos ay hindi natin masabi na ang tao ay habang buhay na ring magninigay sa
mga taong nanglilimos sa kanila. Ang bawat isa sa atin ay may sariling mga pangangailangan sa
kanilang sarili. At ang buhay ay dapat natin ito alagaan dahil kung hindi ka magsikap talagang
hindi tayo manunuhay sa mindong ito, kahit may buhay pa tayo ay dapat tayong magsikap para
kung ano ang gusto natin meron tayong mabibigay sa ating sarili. Kaysa manglimos tayo sa
ibang tao para matustusan ang ating sarili. Para sa akin hindi yon tama, kaya dapat nating
pahalagahan.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

III. Methodology Commented [C1]:

Batay sa naisagawang resulta ng pag-aaral na ito, ginagamitan ng deskriptibong pananaliksik upang


makakuha ng mga mahahalagang datos at naniniwala ako na angkop ang disenyong ito para sa paksang
ito, sapagkat mas mapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente. Ang
kadahilanan sa paghihirap ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, O ang kawalan ng
paninindigan. Kung magiging responsable lamang ang mga magulang ng mga batang kalye ay
malamang walang pakalat-kalat na bata ngayon sa lansangan, walang bata na nanghihingi na
limos, at walang kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na bata ang makikita natin.

INPUT PROSESO AWTPUT

Kahirapan - Pananaliksik gamit ang internet.

- Mababawasan ang
bilang ng mga taong naghihirap.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

IV. Resulta ng Pag-aaral


Ang kinalalabasan ng pag-aaral na ito, ay upang mapabatid sa mga taong tamad na magtrabaho kung
ano ang magiging kinahinatnan nito sa kanila.At kung ano ang epekto nito sa ating bansa. At upang
magawan ng ibat-ibang solusyon para sa problema. Dahil na rin sa kahirapan, kadalasang napagkakaitan
ang mga mahihirap ng oportunidad para makapag-aral. Karapatan nga raw ang edukasyon pero sa bansa
nating ito, mas pinipili pa rin ng ibang mga bata na tumulong sa kani-kanilang mga magulang upang may
makain sila araw-araw. Ang paglobo ng populasyon sa Pilipinas ay isang malaking problemang matagal
ng kinakaharap ng gobyerno ng Pilipinas. Isang problemang hindi mahanap-hanapan ng solusyon. Dahil
sa sobrang kasakiman ng ilang mga Pilipino, mas pinipili nila ang ipagbili ang kanilang mga sarili sa mga
taong may kapangyarihan. Minsan hindi na nakukuntento ang ibang tao sa mga biyayang natatanggap
nila at sa sobrang gusto nilang yumamaan o umakyat sa itaas, kadalasan ay nandadamay at humahatak
sila ng ibang tao pababa. Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na ang Pilipinas ang isa sa may
pinakakurap na gobyerno sa mundo kung kayat hindi komportable ang ibang bansa na mamuhunan o
tumulong sa bansa dahil kadalasan ay ibinubulsa lamang ito ng mga politiko. Ang pagpapahalaga sa
pag-aaral ay napakaimportante sa isang tao dahil dito nakasalalay ang ating kinabukasan upang
maabot ang layunin sa ating buhay. Kailangan natin ito, dahil makakatulong ang paghahalaga sa
pag-aaral upang makahanap tayo ng magandang trabaho at para hindi rin tayo naghirap. Para
din malaman natin ang mga bagay-bagay mula sa simula hanggang sa katapusan ng ating
buhay.

V. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Base sa aking pananaliksik sa panahon natin ngayon, ay maraming naghihirap kaysa mga
mayaman. Mas malaking porsyento ang mga naghihirap kaysa mga mayaman kahit nasa
Maynila at ibang barangay ay talagang mga taong walang hindi naghihirap pero kung nagsikap
ka lang at dapat pinahalagahan natin ang pag-aaral, wala talagang naghihirap ngayon kung
binigyan natin ito ng halaga. Hindi tayo mahihirapan na humanap ng trabaho dahil nakapag-
arala tayo.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

VI. Konklusyon
Ang kabuuang ng pag-aaral na ito pagkatapos ng mga masusing pag-aaral na aming ginawa, masasabing
ang kahirapan ay isang napakalaking prolema ng ating bansa ngayon. Ito ay nagdudulot ng mga
maraming masasamang epekto. Ngunit kagaya ng sabi ko, ito rin ay may kaakit na solusyon. Ang kulang
lamang ay gawa ng tao. Ang problemang ito ay dapat nating pagtuunan ng pansin lalo na sa mga
kabataang Pilipino na siyang may malaking tungkuling gampanan ito. Marami sa atin ang naghihirap
dahil sa kawalan ng trabaho o hanapbuhay na nagiging sanhi rin ng pagiging uneducated ng isang
estudyante o kabataan.Ang kahirapan ang pangunahing dahilan kung bakit mahirap paring maituturing
ang ating bansa.Ang iba ay nangungutang na lang upang makakain sa arw-arw.Kaya hindi kataka-taka na
marami ang lumulubog sa utang na labis nagpapahirap sa mga mahihirap.May mga programa naman
ang gobyerno sa kahirapan pero kaunti lang nakikinabang.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
VII. Rekomendasyon
Mahalaga ang papel ng edukasyon para sa mga Pilipino. Ang edukasyon ang isang mabisang paraan para
maiahon ang sarili at ang pamilya sa mas mabuting kalagayan. Sa pamamagitan ng edukasyon,
nakakatapos ang tao ng sang propesyon at maaaring magkaroon ngisang magandang trabaho.
Maraming kabutihan ang isang taong may edukasyon sa pilipinas. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na
maghanapbuhay at magamit ang wastong kaalaman hinggil sa kanyang natutunan. Ang pagkakaroon ng
sapat na edukasyon ay lubhang napakahalaga para sa lahat. Ang edukasyon ay maituturing na isang
karapatan ng isang indibidwal. Kadalasan, nasusukat ang kaunlaran ng isang bansa sa dami ng kanyang
mamamayang may kakayahang magbasa at sumulat. Nagbabago ang patakaran ng mga bansa hinggil sa
edukasyon.

VIII. Pasasalamat

Ako nagpapaabot ng pasasalamat sa mgasumusunod para sa maluwalhating pagsasagawa ng pag-aaral


na ito. Sa Poong Maykapal, sa pagbibigay sa mga mananaliksik ng determinasyon upang isakatuparan
ang pag-aaral at pagbibigay ng kaalaman nakanilang ginamit sa kanilang pag-aaral. Sa pagdinig sa
kanilang dalangin lalung-lalo na sa sandaling sila ay pinanghihinaan na ng pag-asang matapos ito ngayon
sa itinakdang panahon. Sa mga magulang ng mananaliksik, na nagbibigay ng moral at pinansyalna
suporta at nagsilbi nilang inspirasyon. Sa tagpayo, Gng. Manuelita Arcel sa pagbibigay ng mga ideya at
payosa paggagawa at pagrerebisa ng pag-aaral. Sa kaklase ko na si Lovely Lyn Gabison sa pag-encode
nito at kay Kuya Hermilo Fernandez na laging kasama ko sa paggawa ko ng papel pananaliksik.

You might also like