You are on page 1of 16

EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA PAG-AARAL

NG MGA MAG-AARAL

Isang reserts report na iniharap sa mga dalubguro


bilang pangangailangan para sa
asignaturang Fil.109

ni

DONALD COGO

KOLEHIYO NG SKSU
KALAMANSIG, SULTAN KUDARAT

ENERO 10, 2014


KABANATA 1

PANIMULA

Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral, kapag ang mga kabataan ay napapagud na sa
kanilang pag-aaral, dalawa ang maari nilang gawin. Una ay ang magpahinga para may lakas sila
upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Ang pangalawa ay maari silang magpatuloy sa
paggawa sa tulong ng kanilang “kaibigan” at “kaagapay” sa lahat ng posebling oras at
pagkakataon.
Ayon kay Bertllo (2011) sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang naiambag ng
teknolohiya. Sa katunayan, itoy isa sa mga pagunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay
nagiging madali, at mabisa kung kaya naman napakaraming mag-aaral ang sumasangguni sa
teknolohiya para sa kanilang pag-aaral.
Ang teknolohiya ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman at libangan sa mga mag-aaral.
Bukod sa telebisyon , cellphone at syempre ang personal kompyuter at ang dala nitong internet.
Masabi natin na napakaraming naitulong ang teknolohiya sa ating buhay, lahat ng sector
sa ating komunidad ay nadama ang kahalagahan ng mga makabagong teknolohiya sa pang araw-
araw na pamumuhay. Tunay nga‘t nabago na ng teknolohiya ang paraan ng buhay ng mga mag-
aaral. Ang mga imposible dati ay kaya ng gawin ngayon, ngunit mayron nga bang disiplina ang
mga mag-aaral upang magamit ng maayos ang mga dala nitong dulot? Lahat ng bagay ay
sumasama kapag nasubrahan at isa sa mga bagay na ito ay ang teknolohiya.

ANG SULIRANIN
1.Ano ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa edad, kasarian, lugar na tinitirahan at
teknolohiyang ginagamit?
2.Anong teknolohiya ang madalas gamitin ng mga mag-aaral?
3.Ano ang kahalagahan ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral?

KAHALAGAHAN
Nahihikayat ang mananaliksik na isagawa ang pag-aaral na ito upang makatulong sa
administrasyon sa wastong paggamit ng teknolohiya.
Magsisilbing daan ito sa mga mag-aaral upang magkaroon ng kaalaman ang mga mag-
aaral sa tamang paggamit ng ibat-ibang teknolohiya.
Makakatulong ito sa mga guro upang malinang at magabayan ang mga mag-aaral sa
wastong paggamit ng teknolohiya.
Makakatulong ito upang magabayan ng mga magulang ang kaniliang mga anak sa
paggamit ng teknolohiya.
Magiging batayan din ng iba pang mananaliksik na naglalayong magssagawa ng may mas
malalimang pag-aaral ukol sa Epekto ng Teknolohoya sa Pag-aaral ng mga mag-aaral.

SAKLAW AT DELIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-
aaral. Ang mga respondent ay ang mga mag-aaral na nasa ibat-ibang kurso sa unang taon ng
Sultan Kudarat State University.

DEPINISYON NG MGA SALITA


Ang mga terminolohiya ay binigyang kahulugan batay sa pag-aaral.
Cellphone ay is asa mga maraming bagay napapabilis ang mga gawaing lalong-lalo na sa
komunikasyon.
Internet ay medium na pakikipagtalastasan at pakikipagpalitan ng impormasyon.
Kopyuter ay isang uri ng teknolohiya na nagbibigay ng mga impormasyon sa
pamamagitan ng internet.
Teknolohiya ay isang napakabagong makina o gadgets na kung tawagin ng iba.
Awtomatik na proseso hindi manu-mano.
Telebisyon ay isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap
ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan.
BALANGKAS NA KONSEPTWAL
Ang teknolohiya ay ang madalas ginagamit ng mga mag-aaral sa kanilang pang araw-
araw na gawain. Naglalarawan ang pag-aaral na ito tungkol sa epekto ng teknolohiya sa pag-
aaral ng mga mag-aaral. Sa madalas na paggamit ng teknolohiya kagaya ng kompyuter,
Cellphone, at telebisyon ay may dalang naidudulot at ito ay ang masama at mabuting epekto sa
pag-aaral ng mga mag-aaral.

ISKEMATIK DAYAGRAM
Malayang baryabol Di-malayang baryabol

KABANATA III
METODOLOHIYA
Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng metodolohiyang ginagamit tungkol sa pag-aaral na
may pamagat na epekto ng teknolohioya sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang isasagawang pag-aaral ay descriptive correlation na pananaliksik. Descriptive upang
mailarawan ang epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Correletional upang
matukoy ang epekto ng tekonolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
MGA RESPONDENT
Ang mga respondent na ginagamit sa pag-aaral ay ang mga mag-aaral na nasa unang taon
ng kursong (BSED), (BEED), (BSIT), (BFT), at (BSF) na may kabuuang bilang na isang
daang(100) na mag-aaral.
POOK NA PAG-AARAL
Isasagawa ang pag-aaral na ito sa paaralan ng Sultan Kudarat State University (SKSU)
kalamansig campus. Ito ay matatagpuan sa kalamansig sultan kudarat.
PAMAMARAAN NG PAGPILI NG SAMPOL
Ang pagpili ng respondent mula sa Sultan Kudarat State University(SKSU) kalamansig
campus ay gagamitan ng randum sampling sapagkat pipiliin lamang ang mga mag-aaral sa
pagsagot ng mga talatanungan.
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Ginamit ng mananaliksik ang talatanungan sa pangangalap ng mga datos upang matukoy
ang epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa paggamit kompyuter, cellphone at
telebisyon.
PAMAMARAAN NG PANGANGALAP NG MGA DATOS
Sumulat ang mga mananaliksik sa campus director ng kahilingan upang magsagawa ng
pag-aaral. Nang makakuha na ng pahintulot ang mananaliksik ay nagsasagawa na ng
pangangalap ng mga datos sa natukoy na mga mag-aaral. Ang talatanungan ay pinapasagutan
isang daang(100) mag-aaral.

ISTADISTIKANG GINAMIT
Ang istadistikang ginamit ay percentage at frequency distribution upang ilarawan ang
propayl ng mga mag-aaral.
Mean ang ginamit sa pagtukoy sa pinakamadalas nilang gamiting teknolohiya sa pag-
aaral ng mga mag-aaral.
PAG-AANALISA NG MGA DATOS
Ang iskeyl at deskripyon na ito ang ginamait upang makuha ang epekto ng teknolohiya sa pag-
aaral ng mga mag-aaral.
ISKEYL DESKRIPSYON
8.6-10_______________________________________mataas na mataas
7.1-8.5_______________________________________mataas
5.6-7.0_______________________________________katamtaman
4.5-5.5_______________________________________di-gaanong mababa
2.6-4.0_______________________________________mababa
1.0-2.5_______________________________________mababang-mababa
KABANATA IV
PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON NG DATOS
Ang kabanatang ito ay presentasyon, analisis at interpretasyon ng datos tungkol sa
Epekto ng Teknolohiya.
PROPAYL NG MGA MAG-AARAL
Ang unang suliranin sa pag-aaral ay ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa Kasarian,
Edad, Lugar na tinitirahan at Teknolohiyang ginagamit. Makikita sa talahanayan I ang nakalap
na datos tungkol sa propayl ng mga mag-aaral ayon sa kasarian.
Sa talahanayan I ay makikita ang mga nakalap na datos tungkol sa propayl ng mga mag-
aaral ayon sa kasarian.
Talahanayan I
Propayl ng mga mag-aaral ayon sa kasarian
Kasarian Bilang ng Mag-aaral Bahagdan (%)
Babae 62 62%

Lalaki 38 38%
Kabuuan 100 100%

Inilahad sa talahanayan I ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa kasarian. Ang bilang ng
babae ay may animnapu`t dalawa(62) na may bahagdan na (62%) at ang bilang naman ng lalaki
ay tatlumpu`t walo(38) na may bahagdan na (38%) batay sa ipinapakita ay may di-pantay na
dami ng bahagdan ang mga respondent. Ayon sa nalikom na datos mas nakakalamang ang
bilang ng mga babae kaysa sa mga lalaki. Ang mga tagasagot ay may kabuuang bilang na (100)
na may kabuuang isang daang porsento(100%).
Ayon sa pag-aaral ni Linn(1980) mas maraming babae ang nakapag-aral kaysa sa lalaki.

Talahanayan I I
Propayl ng mag-aaral ayon sa Edad
Edad Bilang ng Mag-aaral Bahagdan (%)
16 8 8%

17 37 37%

18 23 23%

19 17 17%

20 6 6%

21 3 3%

22 2 2%

23 1 1%

24 1 1%

25 2 2%
Kabuuan 100 100%

Inilahad sa talahanayan II ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa Edad. Ang Edad na (17)
ang may pinakamataas na bilang na may Tatlumpu`t pito(37) na may bahagdan na (37%),
kasunod nito Edad na (18) na may bilang na dalawampu`t tatlo(23) at ang may pinakamababang
bilang ay ang Edad na (22) at (23) na may bilang na isa(1) na may bahagdan na (1%)

Talahanayan 3
Propayl ng mga mag-aaral ayon sa lugar na tinitirahan.
Lugar na tinitirahan Bilang ng Mag-aaral Bahagdan (%)
Poblacion 33 33%

Pag-asa 23 23%

Dumanggas Nuevo 10 10%

Santa clara 9 9%

Obial 6 6%

Baliwasan 3 3%

Sangay 3 3%

Datu Ito 3 3%

Limulan 1 1%

Kabuuan 100 100%


Ipinakita sa talahanayan 3 ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa lugar na tinitirahan.
Ang Poblacion ay may bilang na (33) na may bahagdan na (33%), kasunod nito ay ang Pag-asa
na may bilang na (23) na may bahagdan na (23%) at ang may pinakamababang bilang naman ay
ang Limulan na may isa(1) na may bahagdan na (1%).

Makikita sa talahanayan 4 ang propayl ng mga mag-aara ayon sa teknolohiyang


ginagamit.

Talahanayan 4
Propayl ng mga mag-aaral ayon sa teknolohiyang ginagamit
Teknolohiyang ginagamit Bilang ng Mag-aaral Bahagdan (%)
Cellphone 81 81%

Kompyuter 15 15%

Telebisyon 4 4%

Kabuuan 100 100%

Inilahad sa talahanayan 4 ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa teknolohiyang


ginagamit ng mga mag-aaral. Ang cellphone ay may bilang na walompu`t isa(81) na may
bahagdan na (81%), kasunod nito ay ang kompyuter na may labing lima (15) na may bahagdan
na (15%) at ang may pinakamababang bilang ay ang telebisyon na may apat na bilang na may
bahagdan na (4%). Ayon sa nalikom na datos, inilahad lamang sa talahanayan na ito na mas
maraming mag-aaral ang gumagamit ng cellphone samantala ang telebisyon naman ang may
pinakamababang bilang.
Ayon kay James(1953) ang cellphone ay maraming kahalagahan tulad ng magandang
komunikasyon sa bawat isa.

Talahanayan 5
MGA TANONG Pinakamadala Madalas Paminsan Minsan Hindi-
s -misan ginagamit
1.Ang kompyuter ay nagbibigay 73 20 6 0 1
ng maraming impormasyon.
2.Tumutulong ang kompyuter 58 32 6 4 0
para magkaroon tayo ng
komunikasyon.
3.Nakatulong ang kompyuter sa 53 32 11 4 0
pagunlad ng bansa.
4.Gumagamit ng internet kapag 50 29 13 6 2
naghahanap ng impormasyon.
5.Naglalaro ng videogames sa 20 14 23 22 21
kompyuter.
6.Ang cellphone ay ginagamit 83 15 1 1 0
sa pakikipagkomunikasyon.
7.Napapadali ang 86 12 1 1 0
komunikasyon sa pamamagitan
ng cellphone.
8.Ginagamit ang cellphone sa 75 14 6 3 2
pagtetext sa iyong mahal sa
buhay.
9.Ginagamit ang cellphone sa 4 10 13 19 54
hindi mabuting paraan.
10.Gumagamit ng cellphone 13 9 25 32 21
habang nag-iinternet.
11.Ang telebisyon ang 49 32 11 5 3
pangunahing medium ng
paghahatid ng impormasyon.
12.Maraming panuorin sa 17 30 30 20 3
telebisyon ang hindi
nakapagbibigay ng magandang
asal.
13.Makakakuha tayo ng 78 15 5 2 0
impormasyon sa telebisyon sa
mga pangyayari sa mundo.
14.Ang telebisyon ay ginagamit 60 28 7 5 O
sa telekomunikasyon na sistema
para broadcasting.
15.Ang telebisyon ay libangan. 40 28 20 9 3

Inilahad sa talahanayan 5 na ang cellphone ang may pinakamaraming bilang ng mga


mag-aaral sa pinakamadalas na teknolohiyang ginagamit na may kabuuang bilang na (261) at
kasunod nito ay ang kompyuter na may kabuuang bilang na (254) sa pinakamadalas na ginagamit
at ang panghuli ay ang telebisyon na may kabuuang bilang na (244). Nangangahulugan lamang
ito na mas maraming mag-aaral ang gumagamit ng cellphone ayon sa nakalap na mga datos.
Talahanayan 6
Epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral
Mga teknolohiya Mean Deskripsyon
Cellphone 5.04 Di-gaanong mababa

Kompyuter 5.01 Di-gaanong mababa

Telebisyon 5 Di-gaanong mababa

Inilahad sa talahanayan 6 ang epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ang


cellphone ay may mean na (5.04) na nasa di-gaanong mababa, ang kompyuter ay may mean na
(5.0) na nasa di-gaanong mababa at ang panghuli ay ang telebisyon na may mean na (5) na nasa
di-gaanong mababa. Nangangahulugan na ang epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-
aaral ay di-gaanong mababa.
Nangangahulugan na ang pag-aaral na ito ay di-gaanong mababa ang hindi naniniwala sa
kultura ng ilonggo sa panahon ngayon.

KABANATA V
BUOD, REKOMENDASYON AT KONKLUSYON
Ang kabanatang ito ay naglalarawan ng buod ng pag-aaral, konklusyon, at interpretasyon
tungkol sa epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
BUOD NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay ginagamitan ng Descritive correlational upang ipakita ang epekto
ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
Ang mga respondent ay binubuo ng isang daang(100) mag-aaral mula sa ibat-ibang kurso
sa unang taong panuruang 2013-2014.
Isinasagawa ang pag-aaral na ito sa Sultan Kudarat State University kalamansig campus.
Ginagamit ang percentages at frequency distribution upang ilarawan ang propayl ng mga mag-
aaral. Mean naman ang ginamit sa pagtukoy sa pinakamadalas nilang gamiting teknolohiya sa
pag-aaral ng mga mag-aaral.
Ang pananaliksik na ito ay sumasagot sa mga sumusunod na mga katanungan;
1. Ano ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa kasarian, edad, lugar na tinitirahan at
teknolohiyang ginagamit?
2. Anong teknolohiya ang madalas gamitin ng mga mag-aaral?
3. Ano ang kahalagahan ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral?

HIPOTESIS
Ho2 ayon sa resulta ng isinagawang surbey ang teknolohiya ay di-gaanong nakaapekto
sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

KINALABASAN NG PAG-AARAL
Propayl ng mga mag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay kinabibilangan ng may animnapu`t dalawa(62) na babae at
tatlumpu`t walo na lalaki(38). Ayon naman sa edad ang pinakamataas ay ang may edad na (17)
taong gulang na may bilang na talumpu`t pito(37) at ang pinakamababa naman ay ang edad na
(23) taong gulang na may bilang na isa (1). Ayon naman sa lugar na tinitirahan ang Poblacion
ang may pinakamaraming bilang ng mga mag-aaral na may tatlumpu`t tatlo (33) at ang may
pinkamababang bilang naman ay ang Limulan na may bilang na isa(1). Ayon naman sa
teknolohiyang ginagamit ang cellphone ang may pinakamataas na bilang na may walompu`t isa
(81) at ang telebisyon naman ang may pinakamababang bilang na may apat (4) na mag-aaral.

KONGKLUSYON
Inilahad sa pananaliksik na ito na mas marami ang babae kay sa sa lalaki na nag-aaral.
Marami ang bilang na mga mag-aaral na may edad na (17) taong gulang, mas marami rin ang
bilang ng mga mag-aaral na nakatira sa Poblacion at karamihan sa mga mag-aaral ang
gumagamit ng cellphone.
Ang teknolohiyang ginamit ng mga mag-aaral ay di-gaanong nakaapekto sa kanilang
pag-aaral ayon sa nalikom na datos.
REKOMENDASYON
Ang epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ay nasa di-gaanong mababa.
Dapat pagtuunan pa ng pansin ng mga guro at magulang ang pagtuturo at ang wastong paggamit
ng teknolohiya, upang mas lalo pang madagdagan ang kanilang kaalaman at magabayan ang mga
mag-aaral kung paano at kailan dapat gamitin ang teknolohiya.
SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY
KALAMANSIG CAMPUS

Epekto ng Teknolohiya sa Pag-aaral ng mga Mag-aaral

Pangalan: __________________________________________________Edad: _________

Lugar na tinitirahan: __________________________________________________

Panuto1: I-tsek ang kasarian at teknolohiyang ginagamit.

Kasarian: Lalaki____

Babae____

Teknolohiyang ginagamit:

Kompyuter:_____

Cellphone:______

Telebisyon:_____

Panuto II: Basahin ang mga sumusunod na pahayag batay sa pinakaakma sa inyo at i-tsek ang

mga rating.

5 – pinakamadalas

4 – madalas

3 – paminsan-minsan

2 – minsan

1 – hindi ginagamit

Mga tanong 5 4 3 2 1
1.Ang kompyuter ay nagbibigay ng maraming impormasyon.
2.Tumutulong ang kompyuter para magkaroon tayo ng
komunikasyon.
3.Nakatulong ang kompyuter sa pag-unlad ng bansa.
4.Gumagamit ng internet kapag naghahanap ng impormasyon.
5.Naglalaro ng video games sa kompyuter.
6.Ang cellphone ay ginagamit sa pakikipagkomunikasyon.
7.Napapadali ang komunikasyon sa pamamagitan ng cellphone.
8.Ginagamit ang cellphone sa pagtetext mo sa iyong mahal sa
buhay.
9.Ginagamit ang cellphone sa hindi mabuting paraan.
10.Gumagamit ng cellphone habang nag-iinternet.
11.Ang telebisyon ang pangunahing medium ng paghahatid ng
impormasyon.
12.Maraming panuorin sa telebisyon ang hindi nakapagbibigay ng
magandang asal.
13.Makakakuha tayo ng impormasyon sa telebisyon tungkol sa mga
pangyayari sa mundo.
14.Ang telebisyon ay ginagamit sa telekomunikasyon na sistema
para broadcasting.
15.Ang telebisyon ay libangan.

You might also like