You are on page 1of 15

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Ang ebolusyon ng teknolohiya ay higit binago ang lipunan. Isang walang

katapusang bilang ng tao sa buong mundo ang gumagamit ng modernong teknolohiya, sa

mga pinaka-malalim na pagbabago nito sa nakalipas na dekada ay ang malawakang lakit

na paglaganap ng impormasyon at komunikasyon. (UNICEF 2011). Sa paglago ng

teknolohiya ay siya na mang pagbago hindi lamang ng mundo kundi sa araw-araw na

buhay ng kabataan.

Sa pahayag ni Dehmler (2009), isinaad niya na ang mga kabataan ngayon ay

lumalaki sa isang interconnected o networked world. Sila ay walang ulirat na konektado

sa modernong teknolohiya na kung saan ay ginagamit nila ang mga ito sa inaasahan at

hindi inaasahang paraan at pagkakataon. Ang mga kabataan sa buong mundo ay lumalaki

sa isang mundo kung saan ang internet, cellphones, text messaging, telebisyon, video

games, at iba pang mga teknolohiya ay nangingibabaw para sa kanilang komunikasyon at

sa pangaraw-araw na aktibidad. Sila ay sumasailalim sa isang mundong puno ng

impormasyon (Livazovic, 2011).

Habang ang teknolohiya ay madalas na inilarawan bilang pinakamahalagang

impluwensiya sa lipunan, ito ay nananatiling isang paksa na kung saan ito ay ginagawan

ng maliit na pag-aaral. Bilang ang teknolohiya ay kinikilalang isang importanteng bahagi


ng ating lipunan, ang pag-aaral na ito ay nais siyasatin ang epekto nito sa kabataan

partikular na sa kanilang pag-aaral. Kaunlarang teknolohikal ay isa sa mga

pinakamahalagang kadahilanan ng signipikong pagbabago sa kanilang pagganap sa

kanilang pag-aaral. Dahil sa napakalaking pag-unlad ng teknolohiya, panahon na ngayon

na kung saan maaari na nating tawagin na Age of Technology o Panahon ng

Teknolohiya. Gamit ang layunin ng paglilingkod sa panlipunan, pang-edukasyon, at

trabaho sa mundo, ang teknolohiya ay gumaganap bilang pinaka-kailangan at

pinakaimportanteng instrumento sa pangaraw-araw na gawain. Tanda ng labis na

paglaganap ng teknolohiya sa mundo ay ang pagpuna nito sa karaniwang gawain ng mga

kabataan. Binago ng modernong teknolohiya ang pamamaraan ng mga kabataang

makihalubilo at matuto, rason kung bakit isinasagawa ang pag-aaral na ito na kung saan

ang mga guro, magulang ay dapat isaalang-alang.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng impresyon hinggil sa epekto ng

lubusang pag-asa sa makabagong teknolohiya at sa lubusang paggamit ng mga mag-aaral

ng Senior High School at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

a. Ano ang mga pakay nila sa paggamit ng makabagong teknolohiya?


b. Gaano kalala ang nararanasang epekto ng mga mag-aaral?
c. Ano ang mga negatibong epekto ng lubusang paggamit ng teknolohiya sa mga

mag-aaral ng Senior High School?

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ay lubos na naniniwala na ang pag-aaral na ito ay

mahalaga lalot higit sa kapakanan at ikabubuti ng mga mag-aaral lalo nat ang

teknolohiya ay isa malaking bahagi ng buhay ng mga kabataan, Ito ay magsisilbing

hakbang upang malaman ang tunay na kalagayan, hinuha at mga opinyon ng mga mag-

aaral mula sa Departamento ng Senior High School ukol sa relasyon ng kanilang estado

ng kanilang pag-aaral at ang paggamit nila ng makabagong teknolohiya.

Ito ay may kabuluhan sa komunidad partikular sa mga sumusunod:

Mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay isang benepisyo para sa mga mag aaral

sapagkat sila ay magkakaroon ng kaalaman ukol sa epekto ng lubusang pag-asa at

paggamit ng makabagong teknolohiya.

Mga guro. Ang pananaliksik na ito ay mapapakinabangan ng mga guro dahil sa

kung ano mang impormasyon ang matamo ng mga mananaliksik, ay siya ring gabay ng

mga guro sa pagpaalala sa mga mag-aaral na unahin ang pag-aaral kaysa sa paggamit ng

teknolohiya.

Mga magulang. Ang mga datos na makukuha ay isang malaking pakinabang sa

mga magulang ng mga mag-aaral sapagkat sila ay may gabay sa kung may dapat ba

nilang limitahan sa paggamit ng gadyets ang kanilang mga anak o gabay sa pagbigay ng

payo sa mga ito ukol sa pagbalanse ng pag-aaral at paggamit ng mga electronic devices.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsuri sa epekto sa mga mag-aaral ng

Departamento ng Senior High School ukol sa lubusang pagasa at paggamit ng

makabagong teknolohiya. Saklaw nito ang mga mag-aaral sa Senior High School.

Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral sa ika-labing isa taon ng

Senior High School ng Western Mindanao State University. Naniniwala ang mga

mananaliksik na dapat ay bigyang pansin ang ganitong paksa upang mas mapatibay ang

pundasyon ng mga mag-aaral sa Departamento ng Senior High School lalo nat ito ay

ang huling hakbang patungong kolehiyo.


KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1 Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayos sa disenyo ng pamamaraang


deskriptib- analitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin ng mga
mananaliksik sa pag-aaral na ito ang kaalaman at pananaw ng mga mag-aaral ng
kursong Arkitektura hinggil sa epekto ng sistemang 60% passing rate basis.

2 Mga Resondnte

Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa


kursong Arkitektura mula una hanggang ikalimang taon sa kasalukuyang semester
ng Pambangsang Pamantasan ng Batangas.

Ang mga respondente ay mayroong apat na grupo: sampu (10) sa unang


taon, sampu (10) sa ikalawang taon, sampu (10) sa ikatlong taon, sampu (10) sa
ikaapat na taon at sampu sa iklimang taon. Samakatuwid mayroong pantay na
paghahati ng mga respondente batay sa taon. Gumamit din ang mga mananaliksik
ng random sampling upang magkaroon ng pantay na representasyon ang bawat
grupo.

3 Instrumentong Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang


mga mananaliksik ay naghanda ng sarbey-kwestyoner upang malaman ang epekto
ng sistemang 60% passing rate basis sa mga mag-aaral ng Arkitektura sa
Pambansang Pamantasan ng Batangas.

Upang lalong madagdagan ang kaalaman ng mga mananaliksik ay nag-


interbyu sila ng isang dalubhasa tungkol sa nasabing paksa ng pamanahong papel.
Gayundin, nangalap sila ng impormasyon sa ibat ibang mag-aaral mula sa ibat
ibang unibersidad.

Para sa lalong pagpapabuti ng pag-aaral ay minabuti rin ng mga


mananaliksik na magalap ng impormasyon sa ibat ibang hanguan sa aklatan tulad
ng mga libro, journal, pahayagan, at iba pa.

4 Tritment ng mga Datos

Dahil ang pamanahong-papel na ito ay panimulang pag-aaral lamang at


hindi isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri, ay walang ginawang
pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks
na istatistika. Tanging pagtatally at pagkuha ng porsyento lamang ang
kinakailangang gawin ng mga mananaliksi.
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at

impormasyon:

Mga gadgets na ginagamit ng mga mag-aaral


35

30

25

20

Mga gadgets na
15
ginagamit

10

Ipinapakita sa grap 1 ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kung anong

gadget ang kanilang kadalasang gamitin. Sampu (10) ang sumagot ng


laptop/computer; walo (8) ang gumagamit ng tablets at tatlumput dalawa

(32).ang gumagamit ng smartphones.


Sa grap na ito makikita na halos lahat ng mag-aaral ay gumagamit ng

smartphones. Marahil sa kadahilanang ito ay maliit at madaling dalhin.

Kakaunti lamang ang nagbabad ng kanilang oras sa laptop/computers at

mabibilang lamang ang gumagamit ng tablet.

Bilang ng oras sa paggamit ng mga gadgets

Hindi lalampas ng 30
minuto
Isang oras
Dalawang oras
Tatlo hanggang limang
oras
Anim na oras at
mahigit

Ipin

apakita sa grap 2 ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kung ilang oras silang

gumagamit ng gadgets. Isa (1) ang sumagot ng hindi lalampas sa 30 minutos; dalawa (2)

ang gumagamit ng gadget ng isang oras, apat (4) ang gumagamit ng ng gadget ng

dalawang oras, labing-tatlo (13) ang sa tatlo haggang limang oras, at tatlumpu (30) ang sa

anim na oras at mahigit.


Sa grap na ito malinaw na malinaw na lampas sa kalahati ang

gumagamit ng gadget sa loob ng anim na oras at mahigit. Ating masasabi na

ang mga mag-aaral ay mahilig sa paggamit nito. Kakaunti lamang ang

nagtatagal na gumamit nito ng isang oras pababa.

Ipinapakita sa grap 3 ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kung ano ang

kanilang pakay sa paggamit nito; siyam (9) ang sumagot ng komunikasyon, dalawamput

isa (21) ang sumagot ng libangan, apat (4) ang sa pananaliksik at labing-anim (16) ang

sumagot ng pampatay oras.

Mga Pakay sa Paggamit ng Gadgets

Komunikasyon
Libangan
Pananaliksik
Pampatay oras

Base sa grap, ating maipapalagay na ang pangunahing dahilan ng mga

mag-aaral sa paggamit ng gadgets ay gusto nilang maglibang, matuwa at ang

iba ay walang magawa, kayat sila ay gumagamit nito. Limit lamang ang

nananaliksik o gustong matuto gamit ang mga ito.


Ipinapakita sa grap 4 ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kung

Nakakaapekto ba ang lubusang paggamit ng gadgets sa pag-aaral, pagtulog, pagkain,

gawain kasama ang pamilya. Apatnaput anim (46) ang sumagot ng oo at apat (4) ang

sumagot ng hindi.

Nakakaapekto ba ito sa iyong pag-aaral, pagtulog, pagkain, gawain kasama ang iyong pamilya?

Oo
Hindi

Ating masasabi na halos lahat ng mag-aaral ay naapektuhan dahil sa

kanilang paggamit ng gadgets.

Ipinapakita sa grap 5 ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kung anong

mga negatibong epekto ang kanilang madalas na nararanasan ukol sa kanilang pag-aaral ;

tatlo (3) ang nakakaranas ng kulang sa tulog, sampu (10) ang

nagkakaroon ng mahinang komprehensyon, dalawamput isa (21) ay

nagiging tamad, pito (7) ang nagkakaroon ng kulang sa

konsentrasyon, at siyam (9) ang nagiging makakalimutin.


Mga epekto ng lubusang paggamit ng teknolohiya sa mga mag-aaral

Kulang sa tulog Pagkaroon ng


mahinang
komprehensyon
Pagiging tamad Kulang sa
konsentrasyon
Pagiging makalimutin

Base sa grap na ito, ating masasabi na ang pagiging tamad ang

pangunahing negatibong epekto ng lubusang paggamit ng teknolohiya sa

pag-aaral ng isang Grade 11 student. Nakakalungkot na ito ay matinding

salik sa pagkakaroon ng mababang grado. Dito na nagsisimula lahat,

pagiging tamad, kasunod ay hindi paggawa ng takdang-aralin, hindi pag-aral

tuwing may pagsusulit at tuloy tuloy pa. Isa ring pangunahing negatibong

epekto ay pagkakaroon ng mahinang komprehensyon. Napag-aralan na ng

ibang mananaliksik na nakakaapekto sa kognitibong kakayahan ng isang tao

ang lubusang paggamit ng teknolohiya. Hindi lamang, pagkaroon ng

mahinang komprehensyon ang kadalasang nararansan ng mag-aaral kundi

ang pagiging makakalimutin. Madalas man ito balewalain ng iba, ngunit

nagreresulta ito sa matinding kondisyon. Ang digital dementia, na napag-


aralan ng ibang mananaliksik, ay hindi kilalang sakit na nakukuha sa

matagal na paggamit ng teknolohiya.

You might also like