You are on page 1of 2

Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa Pag-aaral at Pagkatuto ng mga Mag aaral

ng Ika-labing dalawang baitang sa Tvl ng San Francisco High school

Rasyunal
Sa panahon ngayon, na oobserbahan natin ang pagpatuloy na pagyabong ng teknolohiya.
Dahil dito, mas napadali ang akses sa maraming impormasyon sa maikling sandali kung
Kaya’t maraming mga paaralan ang sumakop sa paggamit ng mga ito. Sinasabing ang mga
Inobasyon na ito ay nagbibigay benepisyo sa mga estudyante at tumutulong sa kanila ipag-
Patibay ang ideya nakahango sa pag-aaral nina Ripley (n.d) sa paksang Visual Aids, kung saan
Ay higit raw na nakakatulong ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa paaralan.

Kanyang pinagpatibay ang pahayag na ito sa kanyang pagsabi na ang nakaraang


pamamaraan
Ng pagtuturo ayobsolete na dahil hindi na ito nababagay sa kasalukuyang kapaligiran ng isang
Silid-aralan kung saan ay tumataas na ang kompetisyon, Bagkus,pag-aaralan sa pananaliksik
Na ito ang teoryang may kinalaman sa koneksyon ng pagkatuto at pag-gamit ng teknolohiya,
At kung paano ito nakaapekto sa paraan ng pagtala proseso ng impormasyon ng isang estudiyante.

Ayon naman kay Henry Thoreau (d.1862) sinasabi niya na ang pagpatuloy na pagpalawak
ng teknolohiya ay walang katapusan,

Ayon kay D.Chandler (2020) ang teknolohiya ay may positibo


At negatibong epekto sa sosyalidad. Sinasabi niya na ang pakikipag komunikasyon gamit ang
teknolohiya ay isa sa makabagong paraan upang mapadali ang ugnayan ng bawat isa, Ngunit ito ay
nakakapagpababa din sa kakayahan ng isang katauhan upang malinang ang kanyang personal na
pakikipag komunikasyon sa kapwa.

Ayon kay S. kumar et.al., (2007) Posible nga ba para sa isang kabataan at mag-aaral ang
buhay na walang internet, Mobile phones (para sa pakikipag text), at iba pang makabagong teknolohiya.
Ang kabataan at mag-aaral sa panahon ngayon ay may bagong uri ng pamumuhay gamit ang
makabagong teknolohiya. Ang bagong henerasyon ay gaya ng pagbabago ng panahon, mas gusto nila
ang Madali at komportableng buhay, na walang iniisip na problema. Para sa kanila ang pinaka
magandang pagbabago para kanilang henerasyon.

Layunin
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tukuyin ang mga epekto ng paggamit ng makabagong
teknolohiya sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa ika-12 na baitang ng San Francisco High School. Nais ng
pag-aaral na ito na magbigay ng kaalaman sa mga mag-aaral kung ano ang negatibo at positibong epekto
nito at magbigay ng bagong impormasyon na maaaring maging batayan para sa mga susunod na
mananaliksik.
Metodolohiya
Ang mga mananaliksik ay gagamit ng kwantitatibong pamamaraan sa pagsasagawa
ng pag-aaral na ito, Ang gagamitin namang instrumento ay sarbey upang makuha ang
hinahangad at angkop na datos

Mga Inaasahang Resulta


Ang inaasahang resulta ng pananaliksik na ito ay nakabatay sa resulta ng mga
pananaliksik na may kinalaman sa paksa. Batay sa naging pag-aaral ni D.Chandler (2020) ang
paggamit ng makabagong teknolohiya ay may positibo at negatibong epekto sa mga gumagamit
nito sa pagganap ng mga mag aaral.

Listahan ng mga Sanggunian

Choco Sama 2020: Course Hero: Ang Teknolohiya. Nakuha mula sa


https://www.academia.edu/35804238/Ang_Teknolohiya_ay_isa_sa_pinakaimportanteng_mapag

Ralph Jacob Monteposo 2020: Epekto ng Makabagong Teknolohiya. Nakuha mula sa


https://www.coursehero.com/u/file/148617998/Halimbawa-NG-Isang-Konseptong-Papel-PDFpdf/?
justUnlocked=1

You might also like