You are on page 1of 10

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBAT IBANG

TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

KONSEPTONG PAPEL

‘‘EPEKTO NG PAGGAMIT NG GADYETS SA


MGA MAG-AARAL NG GRADE 11-FOODTECH
SA JUAN VILLABLANCA MEMORIAL HIGH
SCHOOL”

IPINASA NI: IPINASA KAY:

THRESIA SHANE P. TANOLA CHERRY MAE D. ESPELITA


EPEKTO NG PAGGAMIT NG GADYETS SA MGA MAG-AARAL

NG GRADE 11-FOODTECH SA JUAN VILLABLANCA MEMORIAL HIGH

SCHOOL

INTRODUKSIYON

RATIONALE

Sa pagdaan ng panahon, parami nang parami at palawak nang palawak ang

mga naiimbentong mga makabagong teknolohiya para sa mga makabagong

henerasyon.Ang teknolohiya o aghimuan ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa

mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at

proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng

tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.

Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na

ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham.

Gayonman, isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang naimbento

katuladng gulong.

Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya

bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano

pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at

kung anumang maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang

pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito. Isa na dito ay

ang mga gadyets. Sa pag usbong ng mga ito. Masasabing nakakatulong ito sa tao

kagaya ng mga mag-aaral at sa kalauna’y masasabing ito’y ay nakakasama.

Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang mga kabataan ay

napapagod na sa kanilang pag-aaral, dalawa ang maari nilang gawin. Una ay ang

magpahinga para malakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Ang
pangalawa ay maari silang magpatuloy sa paggawa sa tulong ng kanilang kaibigan at

kaagapay sa lahat ng posibleng oras at pagkakataon.

Ayon kay Bertillo (2011) sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang naiambag

ng teknolohiya. Sa katunayan ito ay ito ay isa sa mga pangunahing paraan kung bakit

ang pag-aaral ay nagiging madali at mabisa kung kaya naman napakamaraming mag-

aaralang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral.

Ang gadyets ay isang maliit na gamit pang teknolohiya, isang bagay na madaling

gamitin at nakakatuwang teknolohiya, at maituturing na mamahalin kapag ang gadyet

ay maraming gamit. Masasabing ang gadyets ay higit na nakakatulong sa mag-aaral

sakanilang pag aaral. Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabataan

ay napagod na sa kanilang pag-aaral, sa pagre-rebyu na ilang halimbawa sa kanilang

pagsu-sulit, may mga maaari na sila ngayong pagpilian sa dami ng mga makabagong

kagamitan ngayon.Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang gadyets ay

nakakabuti o nakakasama sa mga mag-aaral. Marami ang naniniwala na ang gadyets

ay may masamang epekto sa pag-aaral, pero marami rin ang pabor sa pag unlad ng

gadgets dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pag-aaral nila.

REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa pag-aaral ni S. Wilson, sa kanyang artikulo na The Influence of Technology

on College Students sinasabi niya na ang kailangan ng tao sa paggamit ng teknolohiya

ayang disiplina. Ang bawat henerasyon ay may ibat-ibang disiplina batay na rin sa

kanilang kinagisnan na komunidad.

Ayon kina Coomes and Debard (2004), at Howe at Strauss (2003), sinasabi

nilana ang disiplina ng tao ay ang pinaghalong environmental factor at social factor

kagayang impluwensya ng pamilya, ng media, ng relihiyon, ng mga kaibigan, ng pag-

aaral at ng politika. Ang disiplina ay mahalaga para sa mga mag-aaral lalo na sa mga

kolehiyo kung paano sila makitungo sa kanilang kapaligiran. Ngayon, ang mga mag-

aaral ng kolehiyo ay mayroon ng makabagong teknolohiya gaya ng cellphones, Ipod,

Mp3 players, at online social networks gaya ng facebook, twitter, instagram. Ang mga

napapanood naman nila sa telebisyon at mga laro sa kompyuter ay maaaringmakapag


pabago sa uri ng kanilang pag-iisip. Ang mga ito ay maymalaking impluwensya sa

academic performance nila sa loob ng klase.

(Howe,Markiewicz at Strauss, 2008). Ayon kay Arend (2005), sinasabi niya na

isa sa paniniwala ng mga estudyante naang pag-aaral ay isang pag-aaksaya lamang ng

kanilang oras, kung kaya’t ang iba sa kanila ay mas pinipili nalang na gumamit ng

gadyets at ubusin ang oras sa mga walang kwenta bagay.

Ayon sa pag-aaral ni Sadler (2007) kadalasan maririnig natin sa mga mag-aaral

ngayon na sinasabi kung gaano sila nagpuyat sa paggawa ng mga aralin at kung gaano

sila kaaga gumising para pumasok. Sinasabi nila ito upang maipagmalaki sa iba kung

ano ang kanilang nagawa. Ang mga mag-aaral ngayon ay kayang pagsabayin ang

pagtetext at pag-aaral, iba na talaga ang mga kaugalian ng mga estudyante

ngayon.Wala na silang sapat na disiplina sa paggamit ng kanilang oras at kung paano

ito mawawaldas nang may katuturan.

Gemmill at Peterson (2006), sila ay nagtanong sa mga mag-aaral kung gaano

kalaki ang nagagamit nilang oras para sa paggamit ng makabagong teknolohiya at kung

malaki ba ang naidudulot nitong stress base sa kanilang nagawang pag-aaral, halos

29%na kanilang oras ay nagagamit sa teknolohiya at may malaking parte din ito sa

stress nanararanasan ng mga estudyante.

Lloyd, Dean at Copper (2007) ay nagsagawa ng pag-aaral ukol sa parte ng

media sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Napag-alaman nila na mayroon itong malaking

impluwensya sa pamamaraan ng pakikitungo ng mga mag-aaral sa kanilang kaibigan,

kamag-aral, at guro. Sa paglakad ng panahon ay nagkaroon na tayo ng tinatawag na

globalisasyon, at patuloy na umaangat at umuunlad ang ating teknolohiya. At sa mabilis

na pagsulong ng teknolohiya ay masasabing nakasasabay na tayo sa kaunlaran at

makabagong teknolohiyang mauunlad na bansa.

Sa kasalukuyang panahon ay sinasabing computer age na tayo dahil lahat ng

larangan ay halos computer na ang ginagamit. Sa mga opisinang gobyerno, pribadong

opisina, sa mga eskwelahan at maging sa pamamahay man ay gumagamit na ng

computer sa kanilang pakikipag-transaksyon. Kung walang personal computer ay may

mga makabagong cellphone na nagsisilbing gamit sa ibat ibang uri ng pakikipag-


transaksyon. Sinasabi pa nga sa mga datos na ang Pilipinas ang siyang cellphone

capital of the world dahil ultimong mahihirap na pamilyang Pilipino ay nakagagamit

nang cellphone.

Ang mabilis ba na pag-unlad sa larangan ng teknolohiya ay nakakatulong ba o

hindi, lalo na sa larangan ng edukasyon sa ating bansa? Lahat ng uri ng pagunlad

maging sa teknolohiya ay may kaakibat na positibo at negatibong dulot sa ating

pamumuhay,maging sa larangan ng edukasyon. Sa larangan ng edukasyon, ang

mabilis na pagunlad ng teknolohiya ay malaking tulong ang naibibigay hindi lamang sa

mga guro kundi lalo’t higit sa mga mag aaral.

Bago pa man ipatupad ng mga kinauukulan o ng gobyerno ang pag-unlad ng

teknolohiya ay binusisi at pinag aralan munang mabuti kung ito ba ay makatutulong

ohindi. Kanilang hinimayin ang mga positibo at negatibong dulot nito at kung

nakalalamang ang positibo ay kanilang aaprubahan at ipatutupad nang naayon sa

umiiralna batas ng ating bansa, partikular sa edukasyon

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

1. Ano ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa

a. Edad

b. Kasarian

2. Anong gadyets ang madalas gamitin ng mag-aaral?

3. Ano ang kahalagahan ng gadyets sa pag-aaral ng mga mag-aaral?

4. Paano makatutulong sa pag-aaral ng estudyante ang paggamit ng gadyets?

5. Paano makakaapekto sa pag-aaral ng mag-aaral ang paggamit ng gadyets?

6. Paano napapadali ng mga gadyets ang komunikasyon sa pag-aaral ng mag-aaral?


LAYUNIN

Ang pangkalahatang layunin ng mga mananaliksik ay malaman kung paano

nakakaapekto ang paggamit ng gadyets sa mga mag-aaral. At kung paano

makakatulong at makakasama ang mga ito.

Ang ilan pang layunin ng pananaliksik ay ang mga sumusunod:

1. Matutukoy ang gadyets na madalas gamitin ng mag-aaral.

2. Matutukoy ang kahalagahan ng gadyets sa pag-aaral ng mag-aaral

3. Mababatid kung paano makatutulong sa pag-aaral ng mag-aaral ang paggamit ng

gadyets.

4. Mababatid ang mabubuti at masasamang epekto sa pag-aaral ng mag-aaral ang

paggamitng gadyets.

5. Matutukoy kung paano napapadali ng mga gadyets ang komunikasyon sa pag-aaral

ngMag-aaral.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Para sa mga estudyante:

Nahihikayat ang mananaliksik na isagawa ang pag-aaral na ito upang

makatulong sa administrasyon sa wastong paggamit ng gadyets.Magsisilbing daan ito

sa mga mag-aaral upang magkaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral sa tamang

paggamit ng gadyets.

Para sa mga guro:

Makakatulong ito sa mga guro upang malinang at magabayan ang mga mag-

aaral sa wastong paggamit ng gadyets

.Para sa mga mananaliksilk:

Nahihikayat ang mananaliksik na isagawa ang pag-aaral na ito upang

makatulong sa administrasyon sa wastong paggamit ng gadyets.Magiging batayan din


ng iba pang mananaliksik na naglalayong magsasagawa ng may mas malalimang pag-

aaral ukol sa Epekto ng Gadyets sa mga mag-aaral

BATAYANG KONSEPTWAL

Ang mga gadyets ang madalas ginagamit ng mga mag-aaral sa kanilang

pangaraw-araw na gawain. Naglalarawan ang pag-aaral na ito tungkol sa epekto ng

gadyets sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Sa madalas na paggamit ng gadyets kagaya

ng Cellphone,Computer, Tablet at Laptop ay may dalang naidudulot at ito ay ang

epekto sa mag-aaral.

PINAGBATAYAN PROSESO KINALALABASAN


NG PAG-AARAL
A. Matutukoy ang
gadyets na madalas
gamitin ng mag-
aaral.
B. Matutukoy ang
A. Pagsasagawa ng
kahalagahan ng
sarbey
gadyets sa pag-aaral
ng mag-aaral
B. Pagkonsulta sa mga
C. Mababatid kung
naunang pag-aaral o
paano makatutulong
thesis
sapag-aaral ng mag-
C. Pagpunta sa mga
Epekto ng gadyets sa mga aaral ang paggamit
silid aklatan
mag-aaral ng gadyets.
D. Pagsangguni sa mga
D. Mababatid ang
media Paggamit ng
mabubuti at
Internet
masasamang epekto
sa pag-aaral ng mag-
aaralang paggamit
ng gadyets.
E. Matutukoy kung
paano napapadali ng
mga gadyets ang
komunikasyons a

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa Epekto ng gadyets sa pag-aaral ng mga

estudyante. Kumuha ang mga mananaliksik ng 30 respondente mula sa iba’t-ibang


seksyon ng ika-labing isang taon sa senyor hayskul ng Juan Villablanca Memorial High

School. Ang unang mga respondente ay magmumula sa lupon ng mga mag-aaral

samataas na seksyon. Ang susunod na lupon ay manggagaling sa gitnang seksyon, at

ang huli ay manggagaling naman sa mababang seksyon.

TERMINOLOHIYANG GINAMIT

Ang mga sumusunod ay ang mga terminolohiyang ginamit dito sa pag-aaral.

Cellphone- ay isa sa mga maraming bagay na napapabilis ang mga Gawain lalong-lalo

na sa komunikasyon.

Computer- ay isang uri ng gadyet na nagbibigay ng mga impormasyon sa

pamamagitan ng internet.

Internet- ay medium na pakikipagtalastasan at pakikipagpalitan ng impormasyon.

Teknolohiya- ay isang napakabagong makina o gadgets na kung tawagin ng iba

ayawtomatik na proseso hindi manu-mano.

Agham at Inhinyeriya- ay kapwa ang proseso sa pagtamo ng kaalaman at

angOrganisadong bahagi ng kaalaman na natamo sa pamamagitan ng pamamaraang

nito.

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng metodolohiyang ginamit para sa pag-

aaral.Ito ay naglululan ng disenyo ng pag-aaral, lugar kung saan isinagawa ang pag-
aaral, mgahalimbawang teknik na ginamit ng mga mananaliksik, instrumentasyon at

pangangalapng datos pati ang istatistikong sinulat.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang aming isinasagawang pag-aaral ay descriptive correlation na pananaliksik.

Descriptive correlation ang ginamit namin upang mailarawan ang epekto ng gadyets

samga mag-aaral. Correletional upang matukoy ang matukoy ang epekto ng Gadyets

sa pag-aaral ng mga estudyante.

MGA RESPONDENTE

Ang mga mananaliksik ay pumili ng sampung estudyante sa ibat ibang seksyon

sa Juan Villablanca Memorial High School na nasa ika-labing isang baitang na

nagsilbing respondente na sumagot sa serbey ng mga mananaliksik, sa kabuuan ang

bilang ng mga respondente ay 30. Ang pagpili ng respondente mula sa Juan Villablanca

Meorial High School ay gagamitan ng random sampling sapagkat pili lamang ang mga

estudyanteng na bibigyan ng katanungan para sumagot sa mga tanong

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay ginawa at binuo ng mga estudyante ng Grade 11

Food tech Students ng Juan Villablanca Memorial High School. Ginamit ng

mananaliksik ang talatanungan o kwestyuner na sasagutan, gumamit din ang mga

mananaliksik ng mga aklat upang matukoy ang kahalagaan ng gadyets sa ating

lipunan. Ang mga mananaliksik ay nagpunta sa Internet at mga silid aklatan sa pagkuha

ng mga araling may kinalaman sa pagkupas at pagbago-bago ng henerasyon ng

teknolohiya. Kumuha naman ang mananaliksik ng ibang estudyante na kapaloob sa

aming respondente at pinasagutan ang mga tanong nanakasaad sa sarbey

ISTATISTIKAL NA GINAMIT

Ang istatistikal na ginamit ay percentage at freguency distribution upang ilarawan

ang propayl ng mga mag aaral. Ginamit ang percentage technique upang makita ang
kinalabasan ng gagawing pagsusuri batay sa mga sagot ng respondente. Ginagamit din

ito upang makuha ang pangkalahatang bahagdan ng bilang ng magkakamukhang mga

sagot sa isang particular na tanong. Mean ang ginamit sa pagtukoy sa pinakamadalas

nilang gamiting teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral

You might also like