You are on page 1of 13

Kahalagahan ng Sosyal Medya at Gadyets para sa Online Class ng

mga Mag-aaral ng Kursong BSOA 1-2 ng Aklan State University

Banga-Campus

By:
Angel Grace Cosepe
Deseere Dalida
Ellen Joy Dionisio
Funn Cuadrante
Jocelyn De Mateo
Jolina Cipriano
Karen Alfaro
Kathlene Jule Dela Cruz
Rency Joy Fulgencio
Tyrone Paul Cual
Donel Cuadoro
KABANATA 1
Panimula ng Pag-aaral

Ang sosyal medya at gadgets ay isa sa mga pangunahing


kailangan nga mga mag-aaral sa panahon ngayon. Ito ay malaking ambag
sa pag-aaral ng mga estudyante atsakomunikasyon.Halimbawa na lamang
nito ay kung liban ang isang mag-aaral, maaari siyanggumamit ng social
media upang magtanong sa kanyang mga kaklase kung ano ang dapatgawin
sa bawat asignatura.Ang sosyal medya ay isang uri ng plataporma kung
saan maaring makipagkuminikasyon ,mangalap ng impormasyon o mag bahagi
sa iba ng hindi nagkikita.

Ilan sa halimbawa nito ay ang Facebook kung saan nagkakaroon


ng ugnayan ang mag-aaral at guroupang magpalitan ng
impormasyon,ideya ,assignatura at mahahalagang anunsyo. Isa
panghalimbawa ay ang Google dito ay maaari kang mag hanap ideya at
impormasyon tungkol saiyong proyekto,takdang aralin, pananaliksik at
iba pa.Samantalang ang gadgets naman ay isang gamit pang-teknolohiya
na makakatulong upang ang mag-aaral ay maging aktibo at makibahagi sa
online class.

Samakatuwid, ang social media at gadgets ay nagpapatibay ng


komunikasyon ng bawat tao. Ito ay mayroong mabuting naidudulot sa mga
mag-aaral. Naipapahayag natin sa social media ang ating mga saloobin
ngunit dapat din natin laging tandaan na may limitasyon sa paggamit ng
social media at gadgets.Dapat rin bigyang halaga ang mga mahahalagang
bagay sapagkat hindi lamang sa teknolohiya umiikot ang buhay.
LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pagg-aaral na ito ay malaman ang kahalagahan


ng sosyal medya at gadgetspara sa online class ng mga mag-aaral ng
Kursong BSOA 1-2 ng Aklan State University-BangaCampus.Gayundin
nilalayon ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na mga
katanungan.
1. Ano ang kahalagahan ng sosyal medya at gadgets sa online class ayon
sa kanilang pananaw?
2.Mabatid kung paano makakatulong ang sosyal medya at gadgets sa pag
-aaral ng mag-aaral.

KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Malayang Baryabol Di malayang Baryabol

Kahalagahan ng Sosyal Mag-aaral ng Kursong


Medya at Gadyets BSOA 1-2

SAKLAW AT LIMITASYON
Isinagawa namin ang pananaliksik na ito upang malaman ang
kahalagahan ng sosyalmedia at gadyet para sa online class ng mga mag-
aaral mula sa kursong BSOA 1-2. Ito ay isinagawa sa Aklan State
University 'Main campus, ' Banga, Aklan.
TEORETEKAL NA BALANGKAS

Teoryang Constructivism
Ayon kay Senapati(2012),ang teoryang constructivism ay pag
sabay sa pagbabago ng mundo ,ito ay tila isang spiral na magsisimula sa
nakaraan patungo sa kasalukuyan. Kasama samga pinupunto ng nasabing
teorya ang ilan sa mga kagamitan na may kinalaman sa paggamitng
teknolohiya na lubos na nakakatulong sa pag kamit ng mithiin ng
pananaliksik na malamanang epekto ng teknolohiya sa pagkatuto ng mga
mag-aaral.

KAHALAGAHAN NG PAG - AARAL

Sa mga dumadaang makabagong teknololohiya, dumarami na rin


angkahalagahan na naiaambag nito sa pang araw-araw na pamumuhay. Ang
social media atgadgets ay hindi maikakaila na produkto ng makabagong
teknolohiya, ang mga ito aynagkakaroon ng epekto sa paghubog sa ugali
at kaisipan ng bawat tao. Ito ay nagdudulot namagpalakas o magpahina
sa mga positibong pananaw ng bawat mag- aaral.Naniniwala angmga
mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay mahalaga at makakatulong sa
mga sumusunod:
◾Guro

◾Mag-aaral
◾Magulang
◾Mananaliksik
◾Paaralan

KAHULUGAN NG MGA KATAWAGAN


Social Media - ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan
sa mga tao na kung saan silaay lumilikha, nagbabahagi at
nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na
komunidad at mga network.

Gadyet - ay isang uri ng kagamitan tulad ng isang makina na


may partikular na gamit. Ito ay kadalasang iniuugnay sa teknolohiya ng
makabagong panahon na kinagigiliwan ng mga tao lalo na ng mga kabataan.

Respondente - sila ang pinakapangunahing pinagkukunan ng


impormasyon ng mga mananaliksik o tinatawag na primary sources of
information.

Facebook- ay isang libreng social network na nagbibigay-daan


sa mga gumagamit ng magkaugnay na makipag-ugnay at magbahagi ng
nilalaman sa internet.

Google- multinasyunal na kumpanya na nagdadalubhasa sa mga


serbisyo at produktong nauugnay sa software,internet,mga elektronikong
aparato at iba pang mga teknolohiya.

Online Class- ay isang plataporma ng pag-aaral sa pamamagitan


ng paggamit ng internet

Online learning- ito ay tumutukoy sa edukasyon na naihahatid sa


pamamagitan ng internet sa halip na sa isang pisikal na silid-aralan.
Kabanata 2

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Naglalaman ang kabanatang ito tungkol sa mga kaugnay na

pagsusuri at literatura na batay sa mga pag-aaral na kung saan ay ang

" Kahalagahan ng Sosyal Medya para sa Online Class ng mga Mag-aaral ng

Kursong BSOA 1-2 ng Aklan State University Banga Campus". Kasunod nito

ang pagbalangkas ng may katuturan upang matalakay ang mga ito. Ang

sosyal medya ay maituturing na isang produkto ng makabagong

teknolohiya kaya naman isa ito sa maituturing na sandata sa pagkatuto

ng isang tao lalo pa at nakakaranas ang buong mundo ng pandemyang

dulot ng COVID-19. Kaya ang sosyal medya ay mahalaga sa ating pag-

aaral ngayon.

Ayon kay Bergonia (2020), teknolohiya ang isang mabisang

paraan at solusyon upang magpatuloy ang paghahanap buhay ng mga tao at

pag-aaral ng mga estudyante sa gitna ng pandemya. Dahil sa pag-iwas sa

face to face at pagtupad ng social distancing ng mga tao, sa

pamamagitan ng internet, kompyuter o maging sa cellphone man ay ligtas

at malayang nakakapag-usap ang mga tao. Sila rin ay nakakapag-oonline

sa pagtitinda ng mga produkto, meeting o webinar para sa mga empleyado

at online distance learning para sa mga estudyante.

Ayon kay Centeno De Jesus (2020), ang pag aaral sa online ay

may mga benepisyong katulad ng pagkakaroon ng disiplina ng mga

estudyante sa pagbabalanse ng kanilang pag-aaral, paggawa sa mga


gawaing bahay at pagkakaroon ng oras para maglaro sa kanilang mga

gadyet. Dagdag pa rito, dahil sa online class mas maagang natutunan ng

mga estudyante kung paano umangkop sa isang bagong sitwasyon na

makakatulong sa kanila sa pagharap sa reyalidad kapag sila ay

nakapagtrabaho na. Bukod doon, online class ay naging epektibo sa mga

mamamayan at manggagawa sa kasulukuyang siglo na dapat

gamitin ang mga hanay ng mga kapaki-pakinabang pagtuto o pagsasanay,

at mga kritikal na mga kasanayan sa pag-iisip na may kaugnayan sa

impormasyon, medya, at teknolohiya. Ang gantong klaseng pag-aaral ay

mabisa para sa mga estudyanteng nag-aaral habang nagtratrabaho, may

anak, at mga hindi nakapagpatuloy ng kanilang pag-aaral (Xu & Jaggars

2013).

Ayon naman kay Nazarlou (2020), sa kaniyang ginawang pag-

aaral sa kahit mayroong malaking impluwensiya sa edukasyon ang e-

learning o online class ay hindi pa rin ito perprektong pang-

edukasyon at mayroon paring hatid na problema sa mga estudyante at

guro.

Para naman kay Alyssa Sadorra (2019), sa kaniyang pag-aaral

sa "Kahalagahan ng Online Class sa Edukasyon". Isa ang Facebook na

nakatutulong sa pag aaral dahil dito nagkakaroon ng komunikasyon upang

maipabatid ang bawat importanteng gawain at sadya sa isang tao na

naglalaman ng mahahalagang impormasyon. Sumunod naman ang Google ang


pinakamahalagang parte ng social media kung saan mo dito mahahanap ang

mga impormasyon na iyong kinakailangan sa mga reports, research,

assignments, projects, at iba pa. Sa social media napataas ang kalidad

ng edukasyon magpahangang ngayon.

Sa panahon ngayon, laganap ang iba’t ibang paraan ng paggamit

ng social media. Hindi natin maiiwasan na gumamit ng internet dahil

tayo ay namumuhay sa modernong panahon kung saan laganap ang mga

makabagong teknolohiya at di rin natin maikakaila ang laki ng naiambag

nito sa ating lahat lalo na sa mga estudyante. Mahalaga ang sosyal

medya sa mga mag aaral dahil ito ay laging maasahan at marami itong

naiitutulong at napapadali nito ang mga Gawain ng mga mag aaral. Sa

tulong nito ay napapadali ang pagkuha ng mga impormasyon na kailangan

nila para sa kanilang mga asignatura at mga pananaliksik. Maari namin

itong pampalipas oras at libangan upang maibsan lahat ng pagod dulot

ng akademiks. Nagsisilbi itong laruan na nagpapaligaya sa isang bata

ngunit sa isang banda ay maari rin itong makasama sa atin lalo na

kapag napasobra ang ating paggamit. Panlalabo at pananakit ng mata ang

isa sa epekto nito dahil sa radyasyon na nito. Kasama rin sa listahan

ang pag ka lulong sa paggamit ng social media sabi nga nila “Lahat ng

sobra ay nakakasama” gayundin sa paggamit ng teknolohiya. Dapat ay

marunong tayong makontrol sa paggamit, disiplina sa sarili at pagiging

responsable sa kung anong dapat i klik. Syempre kung meron itong

masamang epekto, meron din itong magandang epektong dulot. Lalong lalo

na pag dating sa pagaaral. Ang Internet ay isang paraan para sa isang

mas mahusay na bukas dahil maaari kang maghanap para sa isang mas
mahusay na mga pamamaraan at alituntunin para sa iyo na magkaroon ng

isang mas mahusay na hinaharap. Nadadagdagan rin ng internet ang ating

kaalaman tungkol sa mga bagay at salita na di natin alam at

naiintindihan. Iisipin ng iba na sagabal ang teknolohiya o paggamit ng

social media sa ating pagunlad ngunit hindi, sa totoo lamang ay malaki

itong tulong para mas mapadali ang ating pagaaral. ( Ivima Jack 2018).
Kabanata 3

Disensyo at Paraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa kahalagahan ng sosyal


medya at gadyet para sa online class ng mga mag-aaral ng kursong BSOA
1-2 ng Aklan State University "Main Campus" Banga Aklan. Ang mga
mananaliksik ay gagamit ng diskriptibong pananaliksik (close ended
questions) upang makakalap ng datos sa mga respondente. Naniniwala ang
mga mananaliksik na ang disenyong ito ay ang pinaka angkop na gamitin
sa pagkat mas madaling kumuha ng mga kinakailangang datos mula sa mga
respondente.

Lugar ng Pananaliksik

Ang paaralan ng Aklan State University na matatagpuan sa


Banga Aklan ay napiling lugar upang isagawa ang pananaliksik tungkol
sa Kahalagahan ng Sosyal Medya at Gadyet sa online class ng mga mag-
aaral ng kursong BSOA1-2 ng Aklan State University Banga Campus. Ang
mag-aaral ng Aklan State University na kumukuha ng kursong Bachelor of
Science in Office Administration ay mismong nakatuon sa pananaliksik
at ang pangunahing tagatugon nito ay ang mag-aaral ng BSOA 1-2 sa
pananaliksik na ito.

Tagatugon

Ang mga tagatugon sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-


aaral ng Aklan State University, "Main Campus" Banga Aklan, sa
ikalawang seksyon sa ika-unang taon ng taonang aralan 2020-2021 ng
kursong Bachelor of Science in Office Administration (BSOA 1-2). Ang
mga napiling tagatugon ay binubuo ng tatlumpu"t tatlo (33) na mag-
aaral, dalawampu"t syam (29) na babae at apat (4) na lalaki.

Instrumento ng Pananaliksik

 Ang mga mananaliksik ay kumuha ng impormasyon at sangguni upang


makakalap ng mga kaugnay na pag-aaral sa napiling akda.
 Pangagalap ng datos
Ang mga mananaliksik ay nangalap ng impormasyon upang mas
maunawaan at matiyak ang kalidad iprepresentang impormasyon. Ang
ginamit na paraan ng mga mananaliksik upang makapangalap ay ang
ilang pag- aaral galing sa internet patungkol sa paksa.
Upang masiguro ang impormasyong nakalap, nagsagawa ng pagsusuri
ang mga mananaliksik at bumase sa ilang naisagawa na pag- aaral
tungkol sa paksa.

Data Analysis

Para malaman ang kabuuang porsyento na sinagot ng mga kalahok, sinuri


namin ang mga datos sa pamamagitan ng pormula.

x x

P= ------ x N o %= ------ x N
Y Y

Na ang:

P= porsyento

x= kabuuang bilang ng mga sagot

Y= bilang ng mga tanong

N= bilang ng kalahok

Para malaman ang lahat ng porsyento na sinagot ng mga kalahok, sinuri


sa pamamagitan ng pormula.

P= ------ x N

Na ang:

P= porsyento

f= lahat ng kabuuan

y= bilang ng mga tanong

N= bilang ng kalahok

Istatistikal na Metodo

Para suriin ang mga datos na nakuha, ang mga sumusunod na istatistikal
ay gagamitin.

 Ang Mean Percentage Score ay gagamitin para malaman ang propayl


ng mga taga-tugon, upang maanalisa ang nga datos.
 Lahat ng istatistikal na pamamaraan ay naproseso gamit ang
Statistical Package for Social Sciences (SPSS) Software.

Tritment ng mga Datos

Ang pamanahong papel na ito ay nagsisilbing gabay upang


mapagtuunan ng atensyon ang mga isyung hindi gaanong nabibigyang
pansin ng lipunan. Dito nakapaloob ang mga detalye na tungkol sa
problema nakinakaharap ng bawa't estudyante sa ngayong panahon. Ang
pangangalap ng impormasyon na ginawa ay pinag-aralang mabuti para
makakuha ng lubos na kasagutan, basehan at opinyon sa pamamagitan ng
mga pinagtagpi-tagping ideya ng mga mananaliksik. Mabalis itong
naisagawa dahil sa mga sapat na datos at pagtutulungan. Ito ay
mabusising pinag-aralan bilang isang panimulang pagpasok sa mga isyu
na pinag-aaralan at maging matagumpay ang pananaliksik na ginawa.

Sangggunian

Bergonia, D. (2020). Teknolohiya sa gitna ng pandemya.

Jack, I. (2018). Kontribusyon ng Social Media/Internet sa buhay ng nga mag-aaral. WordPress.com.

Sadorra, A. (2019). Kahalagahan ng Social Media sa Edukasyon.

Xu & Jaggars (2013). Dayuhang Literatura Online Class.

You might also like