You are on page 1of 24

Isang Pamanahong Papel

na ipinasa nina:

EVANGILYN MARTINEZ
NOEMI NAW-IT
at
AILENE PACLEB

February 2017
KABANATA I:
Introduksyon
PANIMULA
Malaking papel ang ginagampanan ng social
media sa ating buhay at pang-araw-araw na gawain.
Malaking tulong ang nagawa nito sa aspetong social ng
ating buhay. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ang
bawat isa ng pagkakataong maibahagi ang kanilang mga
ideya, komento at mga saloobin ukol sa mga paksang
napapanahong pinag-uusapan. Ito ay nagsisilbing tulay o
isang paraan ng pakikipagkomunikasyon sa ating kapwa
sa ating pamayanan at maging sa kahit anung sulok ng
mundo na naabot ng teknolohiyang ito..
Ang Social media ay informational sa pagkat maari
ka ritong makalikom ng mga datos at mga kasagutan mga
katanungan sa ibat’t ibang klase ng paksa. Ang Social
media ang nagiging tulay para mapagbuklod buklod ang
mga taong magkakaiba man ang kulay at lokasyon ngunit
nagkakaisa sa isang paniniwala, damdamin at pananaw sa
mga napapanahong mga paksa

Naging papular na sa ating mga Pilipino ang social


media lalong lalo na sa mga kabataan. Tinangkilik natin
ang teknolohiyang ito at ginagamit sa araw-araw. Ang mga
social media sites na gaya ng facebook, instagram, twitter
at iba pa ay may mahalagang papel na ginagampanan sa
pakikipag ugnayan sa ating kapwa.
A. Kaligirang Pangkasaysayan
Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng
pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha,
nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga
ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay
itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga
aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na
pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at
pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.

Bukod dito, ang social media ay may interactive


platform na kung saan ang isang indibidwal at mga komunidad
ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang
nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa
isang matibay at malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa
pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at mga
indibidwal.
Mahalagang isaalang-alang na marami sa mga
gumagamit ng internet ang patuloy na gumugugol ng oras para
bisitahin ang maraming mga site ng social media kaysa sa
anumang iba pang uri ng site. Sa panahon ngayon, hindi na
bago sa atin ang katotohanang malaki ang naiaambag ng social
media sa ikauunlad ng anumang aspeto ng buhay ng isang tao.

Ang pangunahing benepisyo ng social media ay ang


kakayahan nito na magbigay ng pagkakataon sa gumagamit na
makipag-ugnayan sa maraming tao malapit man o malayo sa
iyo.Nangangahulugan ito na maaari kang mailantad sa isang
mas malayo, mas malawak na hanay ng mga opinyon. Bilang
karagdagan, magagawa mong ibahagi ang iyong opinyon sa
mas maraming mga tao kahit saan mang bahagi ng mundo.
Dito ay maaari mo ring limitahan ang mga tao na mayroong
parehong opinyon at paniniwala sa iyo at limitahan ang mga
taong gusto mong makatransaksyon.
Ang social media ay isang mainam na paraan na
makatutulong sa iyo na makahanap ng mga customer. Maaari
rin itong makatulong sa iyo na kumonekta sa iba pang mga
negosyo at negosyante. Maaari kang gumawa ng isang profile
sa LinkedIn para mas lumawak ang iyong koneksyon at
magkaroon ka ng pagkakataon na makabuo ng malawak na
koneksyon na magbubukas ng maraming oportunidad para sa
iyo at ito rin ay nagpapahintulot sa iyo na kumonekta sa mga
negosyo at mga propesyonal doon. Mahalagang isaalang-alang
na ang paggawa ng mga koneksyon ngayon ay magbibigay
daan sa iyo na makinabang sa mga hindi inaasahang paraan,
kaya tanggapin ang mga kahilingan mula sa mga kagalang-
galang na mga propesyonal sa mga social media.
Sa panahon ngayon, ang mga maliliit na negosyo ay
karaniwang hindi kayang magbayad ng malaki para sa mga
marketing campaigns. Ang social media ay nagbibigay sa iyo
ng pagkakataon upang bumuo ng buzz nang hindi
gumagasta ng malaking pera. Ito ay nagiging mas mahalaga
para sa mga maliliit na negosyo na ipakita ang kanilang mga
produkto at serbisyo sa mga palabas sa kalakalan upang
bumuo ng “foot traffic” sa kanilang mga trade show booth
display. Sa makatuwid, malaki ang naitutulong ng social
media sa ikauunlad ng iyong negosyo at sa iba mo pang
personal na interes.
B. Konseptong Balangkas
Ang mananaliksik ay gumamit ng mga kagamitan
upang maisagawa ang pananaliksik. Ang mga mag-aaral ay
kinailangan para maging respondent sa pamamagitan ng
pagsagot ng mga katanungan.
Input Proseso Awtput
Mga mag-aaral Pagbibigay ng mga Pagtatala at pagtatabula
(Epekto ng Social talatanungan at mga ng mga nakuhan datos
Media) gawaing pagsubok sa mula sa mga respondent
mga respondent

Moderator
Mga Mananaliksik
(Nagsasagawa ng pag-aaral at
nag dedesisyon sa konklusyon
ng pag-aaral ukol sa mga datos
na nakalap)
C. Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon alamin ang mga epekto


ng social media sa performance rate ng mga estudyante sa
Senior High School sa QSU_LHS at masagutan ang mga
katanungan na gaya ng mga sumusunod:

1. Ano ang propayl ng mga tagatugon batay sa kanilang


1.1. Edad?
1.2. Gulang?
1.3. Kasarian?
1.4. Relihyon?
1.5. Pangkat Etnikong Kinabibilangan?
2. Ano ang epekto ng Social Media sa kanilang pag-
aaral?

3. Ang Pagkakaiba ng epekto ng Social Media ayon sa


kanilang profayl!

3.1. Edad
3.2. Gualng
3.3. Kasarian
3.4. Relihyon
3.5. Pangkat Etnikong Kinabibilangan
D. Layunin ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang maipamahagi
sa lahat ang mga kaalamang sinasakop ng paksa. Layunin din
ng pananaliksik na ito na itama ang mga maling pananaw ng
mga estudyante’t mga guro sa mga epekto ng social media sa
pag-aaral at kanilang performance sa akademikong aspeto.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Para sa mga mag-aaral, para malaman nila ang maga


mabiti’t hindi mabuting epekto ng social media sa kanilang
pag-aaral at buhay. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing
patnubay sa kanila upang kanilang mabago o di kaya’y
mapaunlad ang kanikanilang pananaw at paggamit ng wasto
at nararapat sa Social media bilang instrumento sa
pagpapadali ng mga gawain at pagpap-unlad sa sarili.ka
Para sa mga Magulang, inaasahang ang pag-aaral na
ito ay maging daan upang mas lalo silang makatulong sa
pagbubukas ng kamalayan ng kanilang mga anak.

Para sa mga Guro, ang pag-aaral na ito ay inaasahang


maging kanilang dahilan upang mas mabuksan ang kanilang
mga pang unawa at pag intindi sa mga mabuti at di mabuting
epekto ng Social media sa Akademikong performance ng
kanilang mga mag-aaral.
Para sa Tagapangasiwa ng Paaralan, ang resulta o
kinalabasan ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa
pagpapaunlan ng pamantasan sa moral ng mga estudyante sa
pamamagitan ng pag sasagawa ng mga programa at mga seminar
na nauukol dito upang lalo pang malinang nga mga mag-aaral
ang kanikanilang mga talent at aspetong social at mabawasan ang
mga negatibong epekto nito sa kanilang pag-aaral.

Para sa mga Mananaliksik, inaasahang ang pag-aaral na


ito’y maging inspirasyon na pupukaw sa kanilang pansin upang
maging isang huwara’t kapakipakinabang na kasapi ng lipunan.
Sa pag-aaral rin na ito’y inaasahan na maraming matututunan
ang mga mananaliksik na maari nilang ibahagi sa kanilang mga
kamag-aral na magiging dahilan ng pagkatuto ng hindi lang isa
kundi ng karamihan sa kanila. Ito rin ay maari nilang pag basehan
sa mga susunod nilang mga pananaliksik.
E. Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga positibo at


negatibong epekto ng Social Media sa pag-aaral ng mga mag-
aaral ng QSU-LHS Senior High School 2017-2018, ngunit
nalilimitahan lamang ang pag-aaral na ito at ang mga datos ay
kukunin laman sa mga respondent na napapahanay lamang sa
kategoryang nabanggit. Ang lahat na may kinalaman nguit
hindi nasasaklaw ay ipasasawalang bahala at hindi
ikukunsedera sa pag pormula ng konklusyon ng pag-aaral na
ito.
F. Depinisyon ng mga Terminolohiya
Istratehiya- Ang tawag sa mga kagamitan at gawaing
ginagagamit sa bawat hakbang ng pagtuturo ng isang paksang
aralin.

Questionaire – Taalatanungan

Pamamaraan- Ito ay paraan ng pagtuturo na humahamon sa


kakayahan ng mga mag-aaral. Gumaganyak ito sa mga mag-
aaral sa pasasakatuparan ng pag-aaral. Pamamaraan ng
Pagtuturo- Ito ang tawag sa isang sistematiko at epektibong
pagtuturo sa mga aralin.

Respondent – ito ang mga kalahok siyang nagbibigay ng mga


impormasyon at mga opinion ukol sa paksa ng pag-aaral an
ito.
Random o Pamamaraang Random – ito ang paraan na
kung saan ang mga lahat maging mag-aaral man o guro
sa naturang saklaw ng pag-aaral ay maaring maging
isang respondent nang hildi pili na pagmumulan ng datos sa
pag-aaral.

Social Media - ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-


ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha,
nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga
ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay
itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga
aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na
pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at
pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-
AARAL AT LITERATURA

A. Banyagang Pag-aaral
Impluwensiya ng Social Media sa Teenagers
(Influence of Social Media on Teenagers)
Ni: Suren Ramasubbu
B. Lokal Pag-aaral

Ang Epekto Ng Social Media Sa Mag-Aaral At Edukasyon


ni: Lyra O.Pascual

Mga Epekto ng Social Networking Sites sa mga Mag-aaral


Ni: Janice M. Castillo
KABANATA III: METODOLOHIYA NG
PANANALIKSIK

Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang


ginamit sa pag-aaral at paglalarawan sa mga hakbang na
isasakatuparan sa pagsusuri sa Epekto ng Social Media sa pag-
aaral ng mga estudyante sa Senior High School sa QSU_LHS
Diffun, Quirino.
Pamamaraang Gagamitin

Discriptive na pananaliksik na may halong Analitika ang


pamamarang napiling pamamaraan ng mga mananaliksik sa
pag-aaral na ito. Mag-bibigay ang mga mananaliksik ng mga
talatanungan sa mga di piling respondent upang kanilang
masagutan at hihingin din ang kanilang mga opinion na may
mga kinalaman sa aming paksang tinatalakay. Ang paglilikom
ng mga datos ay maaari ding isang tuwirang talastasan sa
pamamagitan ng pagtatanong mismo ng mananaliksik sa
isang kalahok ng mga tanong na kaparehas din ng nasa
talatanungan na aming pinapasagutan. Ang mga sagot ng
mga respondent ay isasaayos ng mga mananaliksik sa
pamamgitan ng pagtatala, pagtatabula at aanalisahin upang
maging batayan sa pag-gawa at pagdedesisyon sa konklusyon
ng pag-aaral na ito.
Paraan ng Pagpili ng Kalahok
Ang paraan ng pag pili ng mga kalahok ay Random-
isang paraan kung saan lahat ng tao sa na nasasaklaw ng pag-
aaral na ito ay maaring makapagbigay ng datos na
kakailanganin sa pag-aaral na ito

Deskripsyon ng mga Respondente


Ang mga kalahok ay maaring lalaki o babae. Siya ay
maaring estudyante o guro sa Senior High School sa QSU-LHS
Diffun, Quirino

Instrumento
Sa pag-aaral na ito, gumamit kami ng mga journal o
mga artikulo at ilang pag-aaral mula sa internet o sa mga silid
aklatan at iilang mga libro patungkol dito.
Paraan ng Pagsasagawa

Ginamit sa pag-aaral ang mga sumusunod na paraan:

1. Naghanap sa internet ng ibat-ibang artikulo ayon sa paksa.


2. Nilikom ang mga artikulo at binasa ng maigi hanggat sa makakuha ng
mga mahahalagahang impormasyon at mas pinatibay pa ito.
3. Nilimitahan ang saklaw ng paksa at gumawa ng istorya simula sa
pinagmulan ng idea mula sa nagdaang panahon hanggang sa
kasalukuyang panahon.
4. Nagsagawa ng ilang mga katanungang ayon sa paksa.
5. Inilahad ang importansya ng pananaliksik na ito.
6. Binigyang diin ang idea upang mas lalo pa itong tumibay sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga kahulugan na ginamit sa
pananaliksik na ito.
7. Naghanap pa ng ibat-ibang impormasyon ukol sa kahalagahan ng
ideang ito mula sa ibang lugar o bansa na nakaapekto sa bansang
pilipinas.
8. Dinagdagan ang mga impormasyong nakalap mula sa iba’t-ibang
artikulo ng mga impormasyong galing sa sariling pagkaunawa sa paksa
Paraan ng Pangomgolekta ng Datos

Pananaliksik na Pamamaraan ang pamamaraang aming


ginamit sa pag-aaral na ito. Pangongolekta ng datos sa
pamamagitan ng tuwirang pasalitang interaksyon ng
kumakapanayam sa mga kinanakapanayam at itinatala sa
nakahandang tseklist upang mabalangkas ang instrumento
ng pagtatanong. Gagamamit din ang mga mananaliksik ng
mga Palatanungan (Questinaire) na binuo para lamang sa
pag-aaral na ito.

You might also like