You are on page 1of 13

TEKNOLOHIKAL NA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS SA CAVITE

SENIOR HIGHSCHOOL

Epekto ng Social Media sa isip ng

Kabataang Pilipino sa

Infant Jesus Colleges Cavite

Ilao, Joshua C.

Magallanes, Erlyn Ruth P.

Oktubre 2016
I. INTRODUKSYON

Sa henerasyon na ating kinabibilangan ngayon, mabilis na ang pag-unlad ng

teknolohiya hindi lamang sa ating bansa gayun na rin sa iba pang parte ng

mundo at dahil dito, maraming tao ngayon ang nagiging aktibo na sa Social

Media. Pero, ano nga ba ang Social Media?

Ayon sa Wikipedia, ang Social media ay isang computer-mediated technology

na hinahayaan ang mga indibidwal, mga kumpanya, NGOs at iba pang mga

organisasyon na lumikha at magbahagi ng impormasyon, mga ideya, mga

interes sa karera, at iba pang mga paraan ng pagpapahayag sa pamamagitan

ng virtual community at mga network. Kadalasang ginagamit dito ay mga

smartphones, computers, tablet at laptop kung saan ang indibidwal ay

maaaring ibahagi, makilikha, makipagtalastasan, at manipulahin o baguhin

ang nilalaman ng isang impormasyon sa kahit saang lugar at kung kailan man

nila naisin. Ilan sa mga pinakasikat na social media website ay Facebook,

WhatsApp, Tumblr, Instagram, Twitter, Baidu Tieba, Pinterest, LinkedIn, Gab,

Google+, YouTube, Viber at Snapchat at ito ay may higit sa 100,000,000

rehistradong gumagamit sa buong mundo.

Ang Social media ay naiiba mula sa dyaryo at Traditional Electronic Media

(tulad ng TV) dahil ito ay isang dialogic transmission system (many sources to
many recievers) di tulad ng TV na mayrooong Monologic Transmission Model

(one source to many receivers) at dyaryo na inihahatid sa maraming mga

tagasuskribi.

Base sa isang pag-oobserba, mayroong positibo at negatibong epekto ang

paggamit ng social media. Ito ay maaaring makatulong upang mapabuti ang

pakiramdam ng isang indibidwal sa pamamagitan ng paglabas ng saloobin sa

social media, maaaring maging isang epektibong kasangkapan sa negosyo,

pandagdag kaalaman, pagkuha ng balita at ganun na rin pagdating sa politika.

Ngunit, kasabay nito ang mga alalahanin tungkol sa mabibigat na isyu ng

cyberbullying, online harassment at "trolling".

Ayon sa (Deped) o Department of Education, kailangan ng mga kabataan na

matutunan ang tamang paggamit ng mga Social media upang maiwasan ang

peligrong maaring maganap tulad ng Cyber bullying, Cybersex at Child

pornography.

Ipinahayag rin ni Dr Bernadette Arcena ng St. Lukes Hospital, na nawawala

ang quality time ng mga bata at nagkakaroon din ng communication gap ang

mga ito. Dahilan sa pagbaba ng kanilang marka lalo na sa mga kabataang


madalas na nagbubukas o gumagamit nito. Isa itong dahilan ng pagkawala ng

tutok nila sa pag-aaral.

Ayon naman kay Nielsen, ang mga gumagamit ng Social Media ay naglalaan ng

mas maraming oras sa paggamit ng Social Media sites kaysa sa iba pang uri ng

site.

Karamihan ng mga tao ngayon alam, partikular na ang mga kabataan, ay

kilala na ang social media at halos lahat tayo ay gumagamit na nito mapa bata

man o matanda, estudyante o guro, mga politiko at marami pang iba.

Syempre, malaki ang nagiging epekto nito hindi lamang sa ating aspetong

pinansyal at oras kundi maging sa pagiisip ng isang indibidwal at kung sa

matatanda nga ay may epekto ito, paano pa ang mga kabataang mas madalas

gumamit ng Social Media. Nais naming maging bukas ang isipan ng bawat isa

kung kayat ginamit namin ang paksang ito kung saan itoy talamak na sa

lahat.

Bilang isang kabataang Pinoy na nag-aaral sa Pilipinas at gumagamit ng Social

Media, nais naming masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1.) Ano ang epekto ng paggamit ng Social Media sa isip ng mga kabataan?
2.) Sa paanong para naipapakita ang epekto nito sa atin?
3.) Totoo bang nakakaapekto ang Social Media sa ating isip?

II. METODOLOHIYA

Dahil sa kinakailangan ng maraming kabataan upang masagot ang

katanungan, ang ginamit sa pananaliksik na ito ay Descriptve Methodology o

deskriptibong metodolohiya kung saan kami ay gumagamit ng Survey

Questionnare upang makakuha ng datos.

Sa aming pananaliksik, 20 na respondante ang aming hiningian ng kasagutan

sa buong kabataang mag-aaral ng Infant Jesus Colleges Cavite. 5 respondante

kada baitang sa paaralang ito ang aming kinuha. 5 respondante galing sa mga

mag-aaral ng ika-7 baitang, gayun din sa ika-8 baitang, 5 respondante din sa

ika-9 na baitang at ika-10 baitang. Ang paaralan ng Infant Jesus Colleges

Cavite ay matatagpuan sa Salawag Dasmarias na madaling puntahan at ang

administrasyon dito ay pumayag na dito namin isagawa sapagkat nais rin niya

na maging bukas ang isipan ng kanyang mga estudyante sa paggamit ng Social

Media. Hindi lamang iyon, lahat ng mga kabataang nag-aaral dito ay

gumagamit ng Social Media. Ang nasabing pagkalap ng datos ay

naisakatuparan noong ika-6 ng Oktubre 2016 (araw ng huwebes) pagtapos ng

kanilang mga klase upang magkaroon sila ng maraming oras sa pagsasagot.


III. RESULTA

Narito ang resulta sa naganap na pagsusurbey:

Mga gumagamit ng Social Media.

G. 7 G. 8 G. 9 G. 10
Oo 5 4 5 5
Medyo 1
Hindi
Figure 1

Makikita sa figure 1 na walang sumagot ng hindi kung kayat masasabi natin

na walang kabataan ang hindi nakakagamit ng Social Media. Karamihan na sa

kabataan ngayn ay mulat na sa social media, kakaunti nalang ang may di

alam dito kung ikukumpara sa bilang ng mga kabataang may ideya tungkol

dito.

Mga ginagamit na Social Medias.

G. 7 G. 8 G. 9 G. 10
Facebook 5 5 5 5
Instagram 2 1 4
Plurk
Naver 1
Pinterest
Blogspot 1
Tumblr 1 1
Twitter 3 2 2
Figure 2
Makikita sa Figure 2 na pagdating ng ika-8 baitang, higit sa 1 social media site

ang ginagamit ng kabataan. Ang social media kasi ay nagsisilbing daan o

koneksyon para sa mga tao upang makausap ang mga tao na malalayo sa

kanila. Ito din ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga pangyayari sa

ibat-ibang lugar katulad na lamang ng suspensyon ng klase.

Ilang oras gumagamit.

G. 7 G. 8 G. 9 G. 10
1 oras 1 1
2 3 oras 2 3 2 1
4 8 oras 2 2 2 2
9 - pataas 1 1
Figure 3

Makiktia sa Figure 3 na pagtungtong pa lamang nila sa ika-7 baitang ay

umaabot na ang karamihan sa kanila ng isang oras sa paggamit ng Social

Media at pagdating ng ika-8 baitang, higit sa na isa ang inilalaan nilang oras

sa paggamit nito at itoy marahil silay naglilibang lang at nagpapalipas ng

oras.

G. 7 G. 8 G. 9 G. 10
Pagkuha ng 2 5 4 4

Impormasyon
Komunikasyon 5 5 4 5
Paglabas ng 2 3

Saloobin
Paglilibang 5 5 4 5
Pakikibalita 1 3 2 2
Figure 4

Maraming estudyante sa IJCC ang mayroong kamag-anak sa ibang bansa at

ayon na rin sa kanila, ginagamit nila ang social media para sa pakikipag

komunikasyon sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan. At madami rin sa

kanilang naglilibang lang dahil sa walng maggawa at walang ibang

paglilibangan.

G.7 G.8 G.9 G.10


1 2 3 4 5 1 2 3 4 5 1 2 3 4 5 1 2 3 4 5
1.Naapektuhan 5 1 4 1 3 1 3 1 1
ako sa mga posts
na nakikita ko sa
social media.
2.Nagpapahayag 4 1 1 3 1 4 1 1 2 1 1
ako ng saloobin ko
sa social media.
3. Nagpapahayag 2 3 3 1 1 2 2 1 2 3
ako ng aking
saloobin o
opinyon sa mga
post na taliwas sa
aking
pinaniniwalaan.
4. Guamgaya ako 4 1 3 2 1 4 2 1 2
ng mga istilo sa
pananamit na
nakikita ko sa
social media.
5. Nagagaya ko 1 4 2 2 1 1 1 3 2 1 2
ang mga salita na
nababasa o
napapakinggan ko
sa social media.
6. Mahalaga 1 4 2 2 1 1 1 2 1 1 2 2
saakin ang
magsocial media
sa loo ng isang
araw.
7. Nakakaramdam 2 2 1 2 3 3 2 2 2 1
ako ng inis kapag
naaabala ang
paggamit ko ng
social media sa
kadahilanan na
akoy inuutusan,
ginugulo ng mga
kasama o kayay
mabagal ang
internet.
8. Nababago ang 1 4 2 3 2 2 1 2 2 1
aking pananaw sa
mga bagay na
pinaniniwalaan ko
kapag nakita kong
marami ang di
sang-ayon dito sa
social media.
9. Nababago ang 1 4 2 3 1 2 2 1 3 1
aking pananaw sa
mga bagay na di
ko pinaniniwalaan
kapag nakita kong
marami ang
sumasang ayon
dito sa social
media.
10. Sa social 5 2 3 1 4 1 2 2
media lamang ako
nakikibalita ukol
sa mga pangyayari
sa aking
kapaligiran.
Figure 5

Makikita sa figure 5 na karamihan sa kanila ay bahagyang sumasang-ayon sa

mga nabanggit na tanong at kakaunti lamang ang lubhang sumasangayon sa

mga ito. Kadahilanan nadin ng pagiging mulat sa mundo at sa mundo ng

social media.

IV. DISKUSYON
Ipinapakita lamang sa nakalap na datos na malaki ang epekto ng Social Media

sa pag-iisip ng isang indibidwal. May iba sa atin na naapektuhan ng mga

nakikita at nababasang posts dito at minsan pa ngay sa sobrang epekto nito

ay nagpapahayag din tayo ng saloobin ukol dito. Hindi lamang iyon, makikita

sa ating emosyon ang epekto ng Social Media. Maaring ang iba satiy naiinis,

natutuwa o humahanga base sa kanyang nakikita dito at nakakaapekto ito sa

paraan ng ating pagkilos o pananalita dahil ang iba satiy kinukuha o

ginagamit ang mga bagay na nakikitat nababasa nila sa Social Media. Social

media, marami na ang may alam nito mapa matanda man o bata ay may alam

na dito. Marami ang nakukuhang impormasyon dito at sa gusto man natin o

hindi, madami ng tao ang nakadepende dito. Ayon sa aming pananaliksik

karamihan sa mga estudyante sa eskwelahang IJCC sa Salawag ay may alam

nito. Karamaihan din sa kanila ay gumagamit at aktibo dito. Napag-alaman din

namin na ang iba sa mga mag-aaral nito ay madami ang ginagamit na social

media. May ibat-ibang oras din sila ng pag gamit nito at ang rason nila dito ay

para makapaglibang, makakuha ng impormasyon at iba pa. Maraming

magagandang impormasyon o kaalaman ang pwedeng makuha dito ngunit

marami ding mga mali o masamng impormasyon ang maaring makalap ng mga

tao dito. Karamihan sa mga estudyante ay gumagamit ng Facebook, Instagram

at twitter. Ito kasi ay ang pinaka gamitin o pinka sikat para sa mga taong

gumagamit lang ng social media upang maka konekta o maging aktibo sa mga

pangyayare sa bansa o sa ibang lugar. Tunay nga na sa pananaliksik na ito,


napatunayan na malaki ang epekto ng Social Media sa pag-iisip ng kabataang

Pilipino sa Infant Jesus Colleges Cavite.

Sanggunian

https://en.wikipedia.org/wiki/Social_media

http://www.gmanetwork.com/news/story/228933/news/ulatfilipino/labis-na-

oras-sa-facebook-may-masamang-epekto-raw-sa-pag-aaral

http://dzrd981.sonshineradio.com/2016/04/deped-naglabas-na-ng-manual-

para-sa-tamang-paggamit-ng-mga-kabataan-ng-social-media/

SURVEY FORM

Name: Age:

Grade/Section: Gender:

SURVEY

1. Gumagamit ka ba ng social media?

Oo Medyo Hindi

2. Anong social media ang ginagamit mo?

Facebook Instagram Plurk Naver Pinterest Blogspot

Tumblr Twitter

3. Gano ka katagal gumamit ng social media sa loob ng isang araw?


(1)Isang oras (2 3)Dalawa hanggang tatlong oras (4 8)Apat

hanggang walong oras. (9 and above) Siyam hanggang pataas

4. Anong dahilan bakit ka gumagamit?

Sa pagkuha ng impormasyon Komunikasyon Paglalabas ng

saloobin Paglilibang Pakikibalita

RATE 1 - 5

1 = Hindi sumasang-ayon 3 = Sumsang-ayon 5 = Lubhang sumasang-ayon

2 = Bahagyang Sumasang-ayon 4 = Higit na sumasang-ayon

1 2 3 4 5
Naapektuhan ako sa mga posts na nakikita ko sa social media.
Nagpapahayag ako ng saloobin ko sa social media.
Nagpapahayag ako ng aking saloobin o opinyon sa mga post na

taliwas sa aking pinaniniwalaan.


Guamgaya ako ng mga istilo sa pananamit na nakikita ko sa social

media.
Nagagaya ko ang mga salita na nababasa o napapakinggan ko sa

social media.
Mahalaga saakin ang magsocial media sa loo ng isang araw.
Nakakaramdam ako ng inis kapag naaabala ang paggamit ko ng

social media sa kadahilanan na akoy inuutusan, ginugulo ng mga

kasama o kayay mabagal ang internet.


Nababago ang aking pananaw sa mga bagay na pinaniniwalaan ko

kapag nakita kong marami ang di sang-ayon dito sa social media.


Nababago ang aking pananaw sa mga bagay na di ko

pinaniniwalaan kapag nakita kong marami ang sumasang ayon

dito sa social media.


Sa social media lamang ako nakikibalita ukol sa mga pangyayari
sa aking kapaligiran.

You might also like