You are on page 1of 9

Ano ang kaibahan

ng tabloid sa komiks?
Sino sa inyo ang may FB o Twitter?
Bakit gumagamit kayo nito?
Ano ang maitutulong nito sa inyo?
Ano pa ang meron sa social media?
Ano ang pagkakaintindi ninyo sa
salitang social media?
“Social Media sa Panahon ng Pandemya”
ni: Mary Rose B. Brugada
Kasabay ng pag-unlad at pagbabago ng ating
panahon ay ang pagbabago rin ng mga nakaugalian
na ng kabataan ngayon. Ang kabataan sa
kasalukuyan ay nabubuhay na sa mundo ng social
media. Halos lahat ay mayroon ng social media
accounts gaya ng facebook, twitter at instagram lalo
na ngayong panahon ng pandemya kung saan
ipinagbabawal ang pagtitipon at paggala. Dahil dito
madali ng malalaman ng nitezens ang mga
kaganapan sa buhay ng isang tao. Bukod sa tatlong
social media accounts na nabanggit ay trending din
ngayon ang pagkakaroon ng youtube account.
Lalong dumami ang mga vlogger na naghahangad na
mang-aliw at magpasaya sa atin araw-araw. Dumami
rin ang mga online gamer lalo na sa sikat na larong
ML o mobile legends. Halos lahat yata ng kabataan
ngayon ay nahuhumaling sa larong ito sa internet.
Bukod sa mga unang nabanggit malaki rin ang ambag
ng social media sa buhay ng mga mag-aaral, lalo na
ngayong panahon ng pandemya na kung saan
ipinagbabawal ang “face to face learning”. Sa tulong ng
google ay maaari na nilang malaman ang iba’t ibang
impormasyong makatutulong sa kanilang pag-aaral.
Maaari ring magkaroon ng online class sa tulong ng
iba’t ibang aplikasyon sa internet gaya ng messenger
room, google meet, zoom, webex at marami pang iba.
Malaking tulong din ang messenger sa madaliang
pagpapadala ng mensahe, lalo na’t mayroon itong
“gc” o groupchat.
Talaga nga namang napakalaki ng ambag ng social
media sa buhay ng tao. Ngunit kasabay ng
paggamit nito ay ang pagpapakita ng netiquette o
tamang pag-uugali sa paggamit ng social media.
Maging maingat sa mga salitang pino-post o
binibitiwan lalo na kapag masama ang iyong loob.
Wika nga nila “think before you click.”
2. Pagsasanay/Aktibidad

A. Pumili ng lingo/termino na ginagamit sa mundo ng


multimedia mula sa binasang sanaysay.

B. Matapos maidikit ang mga Lingo/termino mula sa


binasa, bigyan kahulugan ang mga ito batay na rin sa
binasang sanaysay.
3. Mga Batayang Tanong

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa


iyong sagutang papel.
1. Ano ang mabuting epekto ng social media sa
kabataan? Bakit?
2. Ano naman ang masamang epekto nito?
Ipaliwanag.
3. Ano ang maipapayo mo sa kabataan na
gumagamit ng social media?
4. Paano mo maiingatan ang iyong sarili sa
paggamit ng social media?
4. Bumuo ng isang maikling sanaysay
na may gamit ng iba’t-ibang lingo/termino.
(Batayan sa Pagbibigay ng Iskor sa Rubrik)
a. Organisasyon ng ideya 5 puntos
b. Kawastuhan ng mga kaisipan 5 puntos
c. Orihinalidad 5 puntos
KABUUHAN 15 PUNTOS

5- Napakahusay 3- Katamtaman 1 – Sadyang Di mahusay


4- Mahusay 2- Di mahusay
Maraming Salamat po
HANNAH FRANCIS M. JAYME
Guro sa Filipino 8

You might also like