You are on page 1of 1

Magandang hapon po sa ating lahat at sa ating butihing guro!

Sa ating pang araw araw ano nga ba ang ating ginagamit? Na kung saan dito sa aking tatalakayin
na patungkol sa social media ay maibabagi ang mahahalagang naidudulot nito saatin, lalo na sa
henerasyon natin ngayon na kung saan palawak ng palawak ang ating kaisipan dulot ng social
media Ito ba ay nagagamit natin sa tama o mali o mas nag eenjoy tayong ubusin ang ating oras
sa paggamit nito.
Kagandahan ng social media una ginagamit itong pangkuha ng impormasyon. Impormasyon
patungkol sa mga balita o nangyayare sa ating ginagalawan na kung saan nakakatulong din sa
mga taong nasa opisina at malayong kabihasnan. Pangalawa sa pamamagitan ng social media
nakakatulong ito makipag komunikasyon sa malayong lugar, kaya mong mag face to face, chat o
text sa iyong mga kaibigan o mga minamahal sa buhay na tila bang katabi mo lang ang iyong
minamahal kahit na ito ay malayo nagiging mabilis din ang ating pakikipagkomunikasyon .
Pangatlo ang social media ay mahalaga sa lipunan dahil dito pwede ka ng mag apply o
maghanap ng trabaho. Pang apat dahil dito mas napapalawak ang ating kaalaman natotoo
tayong maging mulat at pati sa mga nakakatanda nakikiuso nadin dahil sa social media
maraming naiimpluwensiyahan at alam naman nating lahat na ang social media ang
pangunahing ginagamit di lang kabataan kundi pang professionals na tao pang karaniwan, bata
man o matanda may puso man o wala.
Sa bandang huli mayroon din itong hindi nakakabuti lalo na sa pag aabuso neto. Nagagamit ba
natin ng maayos ang social media? Mas binibigyan pa ba natin halaga ang mga bagay na di
naman dapat? Ikaw bilang isang gumamagamit ng social media nagagamit mo ba ito ng tama o
mas binibigyan mo ng importansiya ang paggamit nito ng sobra , may kasabihan nga tayo
nakakasama ang sobra . Dahilan ng paglimot natin sa mga larong pinoy gaya ng tumbalata,
tagu-taguan, luksong tinik na ngayon napaltan na ng mga online games na patok sa mga
kabataan ngayon. Nagiging tamad din mag aral ang mga kabataan ngayon dahil sa social media
imbes na gumawa ng takdang aralin, project o pakikipag usap sa mga magulang mas inuuna pa
nila ang mag post sa facebook, magshare, makipag chat at video call at higit sa lahat mag
mobile legends o rules of survival dito rin nag uumpisa ang pagkakaroon ng mga bagsak na
grado, pagpupuyat at hindi pagkain sa tamang oras, lingid sa ating kaalaman na ang pag gamit
ng social media ay nakakasama . Saiyong palagay tama ba na pabayaan mo ang iyong sarili?
Kung gayon kapatid buksan mo ang iyong mga mata, pusoy palawakin , gisingin ang katawang
matagal ng lulong.
Paano ba naging mabuti ang social media saatin? Sa pamamagitan ba ng social media
nakakatulong ito? Bagkus namulat tayo ngayon sa makabagong systemang ginagalawan natin
na gusto nating maging uso na para bang masabing ‘in’ tayo o para masabing kabilang tayo. Oo
tayo, ikaw ang paggamit ng social media ay may limitasyon na dapat nating iapply sa ating sarili
laging tandaan ingatan at payabungin natin ang ating sarili.

You might also like