You are on page 1of 12

SALIKSIK TUNGKOL SA

KALAGAYAN NG WIKA SA
KASALUKUYANG PANAHON.
INTRODUKSIYON
Marami ang nahihirapan sa paggamit ng purong Filipino lalo na pagdating sa pag-angkop ng mga teknikal na ideya
at salitang hiram mula sa Ingles. Bagaman umuunlad ang wikang Filipino sa pagdami ng mga akdang nasusulat
dito, nananatili pa ring problema ang istandardisasyon nito at ang pangingibabaw ng wikang Ingles na lumalabas
maging sa paggamit ng Taglish o paghalo ng Filipino at Ingles.

Isang problema pa rin ang paraan ng pagsulat ng mga salitang Ingles sa Filipino. Inilabas ng Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF) noong 2001 ang Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino na nagsasabing “kung ano
ang baybay, siya ring sulat.” Kaya isusulat ang salitang Ingles gaya ng “magnetic” sa “magnetik,” ang “” sa
“ekwipment,” at ang “census” bilang “sensus.”

Nilinaw ni Dr. Lakandupil Garcia, propesor sa Filipino ng De La Salle University-Dasmariñas, ang paggamit sa
binagong alpabeto sa talakayang “2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino:
Paglilinaw at Paglalapat” sa Elizabeth Seton School-South, Cavite noong 2002. Sa artikulong makikita sa kanyang
sinabi na nakasaad sa rebisyon ang maluwag na paggamit ng apat sa walong titik na dagdag (C, F, J, Ñ, Q, V, X, at
Z). Maaaring gamitin ang mga letrang F, J, V at Z sa mga karaniwang salita habang limitado pa rin sa mga salitang
teknikal, kultural at tanging pangalan ang nalalabing apat na letra.

Ngunit tila hindi pa rin ito sapat sa paglinang ng iisang pamantayan sa wikang Filipino upang maging ganap na
pambansang wika ito. Para sa iba, walang kaganapan at linaw ang pamantayan.
Sa mga problemang kinakaharap ng wikang Filipino, napapatanong tuloy ang marami kung dapat nga bang gawing
lingua franca ito ng mga Pilipino. May mga nagnanais na gamitin na lamang ang Ingles dahil naniniwala silang
higit itong maunlad at angkop na midyum ng pakikipag-ugnayan lalo na sa panahon ng globalisasyon at
information technology.

Noong 2004, itinakda ng Pangulong Macapagal-Arroyo ang pagbabalik sa paggamit ng Ingles bilang midyum ng
pagtuturo. Sa kanyang pasinayang talumpati noong nasabing taon, sinabi niyang nakatutulong sa mga Pilipino ang
kagalingan sa pagsasalita ng Ingles, bukod pa sa pagiging mabisa umano nito sa pagkatuto ng mga estudyante.

Pinabulaanan naman ito ni Nadera. Aniya, mali ang paniniwala na tanging wikang Ingles lamang ang nagsisilbing
susi sa kaunlarang pang-ekonomiya.

“Higit nating kailangan ng wikang makapagbubuklod sa ating lahat at hindi solusyon dito ang paggamit ng Ingles.
Mas dapat pagtuunan ng pansin ang paggamit ng Filipino dahil ito ang mas naiintindihan, partikular na ang mga
masa sa bansa,” ani Nadera. “Ang mga edukado lamang ang siyang higit na nakakaintindi ng Ingles, at isinusulong
nila ito para mapanatili ang kapangyarihan.”

Ikinumpara naman ni Nadera ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas sa kalagayan ng mga maliliit ngunit mauunlad
na bansa tulad ng Thailand at Japan. Ayon sa kanya, hindi umaasa ang mga ito sa dayuhang wika upang makamit
ang kaunlaran.
Tunay na isang hamon sa wikang Filipino ang makasabay sa mga pagbabagong dulot ng modernisasyon para hindi
ito matabunan ng mga dayuhang wika sa sariling bayan. Gaya ng sinabi ni Nadera, “sana masimulan muna ang
pagkakaisa sa istandardisasyon. Tapos popularisasyon naman. Dapat pambansa muna. Sana pandaigdigan din
balang araw.” R. J. A. Asuncion at R. R. T. Calbay
KAHALAGAHAN NG PAG AARAL
NITO.
KAHALAGAHAN NG PAG AARAL
WIKA SA MGA GURO.
Mahalagang pag aralang mabuti ng mga guro ang wika natin upang maituro ito ng maayos sa
mga kabataan,
MGA MAGAARAL
Mahalagang pag aralang mabuti ang kalagayan ng wika sa panahon natin ngayon upang hindi
makaligtaan ng mga kabataan ang ating sariling wika dahilan sa mga lumalaganap na ibat
ibang lengguwahe sa bansa.
KOMUNIDAD.
KABATAAN
Kabataan ang pinakasentro ng pag aaral na ito dahil marami sa kanila ang nakakalimot na sa
tamang paggamit ng ating wika.
Kabataan ang pag asa ng bayan kaya nararapat lang na pagtuonan natin sila ng pansin
Base sa

You might also like