You are on page 1of 10

FIL 166

KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG-AARAL NG

WIKA (MTH 1:30-2:30)

KAUGNAYAN SA PAGABABAGO NG KURIKULUM


AT WIKA SA EDUKASYON
WRITTEN REPORT

Ipinasa kay PROP. LOVE I. BATOON


Departamento ng Filipino

Kolehiyo ng Agham Panlipunan at

Humanidades Mindanao State University

Fatima, Lungsod Heneral Santos

TRICEE MAY ARNADO


VANESSA MISEL
2021

INTRODUKSYON
Makabuluhan pa ba ang Wikang Filipino?
Sa mga panahong ito, laganap ang maling paniniwala na wala nang gaanong
kabuluhan ang ating wika sa pag-aaral ng kabataan. Ayon sa pananaw na ito, tanging
Ingles ang magpapaibayo ng kakayahan ng bansana lumahok sa paligsahan ng mga
ekonomiya.Suriin natin nang mabuti ang argumentong ito. May ilang nagsasabi na ang
pagtuturo lamang sa wikang Ingles ang magpapalakas ng abilidad ng ating mga
manggagawa at propesyonal na makapagtrabaho sa ibang bansa. Higit na magiging
atraktibo sila sa mga kompanyang banyaga maging dito sa ating bayan o sa ibayong
dagat
Dahil sa ating bentahe sa Ingles, higit na makakamtan natin ang kaalaman sa
agham at teknolohiya na nanggagaling sa mga kanluraning bansa.Hindi natin
tinututulan ang mga katwirang ito. Talagang mahalaga ang pagkabihasa sa wikang
Ingles. Ngunit hindi dahilan upang pabayaan ang mabuti at malawakang pagtuturo ng
wikang Filipino. Sapagkat kung ang buong sambayanan ay higit ang pag-unawa sa
wikang pambansa, ang kakayahang ito ay isang puwersang magbubuklod sa kanila
bilang isang nasyon. Sa kompetisyon ng mga bansa, lalo na sa kompetitibong karakter
ng globalisasyon, higit na mahalaga ang pagkakaisa ng mga mamamayan. Paano tayo
magwawagi sa kompetisyon kung hindi tayo nagkakaisa? At paano tayo magkakaisa
kung hindi tayo nagkakaintindihan?
Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malayang bansa.
Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakainindihan ang lahat
ng tao. Iba't-ibang wika sabawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng
isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino
ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang sariling
wika? Ito ba ang sinasabing mahalaga at mahal raw ng mga mamamayan ang sariling
wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang
ideya, at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino
na dahilan na ikahiya ang sariling wika. Kung mahalaga talaga sa mga Pilipino ang
Wikang Pambansa ay gagamitin ito kahit kailan at saan man magpunta.
Kahit na sa anumang anyo, sa pamamagitan ng pagsusulat o pagsasalita, ang
wika ang pinakamabisang paraan upang maihatid ang mga kaisipan at mapanatili sa
madaling hakbang ang kasaysayan at mga tala ng mga sinaunang Pilipino. Sa ganitong
pagkakataon, malalaman ng mgakasalukuyang mamamayan ang mga hakbangin na
ginawa noong unang panahon upang maipatuloy ito sa mabuting paraan at maiwasan
ang mga hindi magagandang pangyayari noon. Ito ang magsisilbing lakas upang
maisakatuparan ang mga naudlot na pangarap noong simula pa.
Sa araw-araw na gawain ng tao, lumilitaw ang pakikipagtalastasan o pakikipag-
ugnayan sa kanyang kapwa. Halimbawa, sa loob ng klasrum ang pagpapaliwanag ng
guro ng mga leksyun habang nakikinig ang mga estudyante at pagkatapos ay
magkaroon ng interaksyon batay sa paksa na kung saan ang guro ay magtatanong at
ang mag-aaral ay sasagot. Ito’y isang pakikipagtalastasan. Gayundin naman sa
lansangan o sa palengke, ang transaksyon na nagaganap sa mga mamimili o sa mga
nagtatanong upang magkaroon ng ugnayan, ito ay isang paraan ng
pakikipagtalastasan.Sa tanggapan o sa opisina ng mga empleyado at kung may mga
kliyente silang kakausapin, ito ay isang pakikipagtalastasan. Ito ang nagpapatunay na
ang pakikipagtalastasan ay isang gawaing pang-araw-araw.
Ang pagsalita ay ginagawa upang maipahayag ang mga ideya at kaisipan sa
kapwa sa ibat-ibang kadahilanan, maaaring nagsasalita o nagsusulat upang
maiparating ang mahalagang impormasyon at mensaheng nais nating ibahagi upang
hindi magsisi ang mga tagapagpahayag kung sakaling hindi natin naiparating gamit ang
nag-iisang wikang pambansa ang wikang Filipino na siyang sumasalamin sa pagiging
isang tunay na Pilipino.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa mga mag-aaral ay ito ay isang
mahalagang salik sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos at angkop na
paggamit ng wika, nagkakaroon ang gumagamit nito ng kakayahang kumuha at
makapagbahagi ng kaalaman, ng mga mithini at nararamdaman.
Sa bawat aspekto ng pag-aral ng tao ay ginagamitan ito ng wika kapag
nagpapalitan ng mga sikreto sa pagitan ng malalapit na kaibigan, kapag sumasagot sa
klase o nagsusulat ng iba't ibang term paper, sa mga oras ng review para sa eksamen,
lahat ay gumagamit ng wika. Dito nakasalalay ang epektibong pagkatuto at
matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao.Ngunit gaya nga ng nabanggit
kanina, kailangang hasain ang wika sa isang kaukulang lebel upang magamit ito nang
maayos. Kaya naman may mga kurso tayo sa grammar o balarila, at sa literature o
panitikan. Sa pamamagitan ng mga kursong ito, lumalawak ang pag-unawa ng mga
mag-aaral tungkol sa paggamit ng iba't ibang mga salita upang makamit nila ang
kanilang mga nais gawin.May matibay na relasyon ang pagbabasa at pagsusulat,
sapagkat hindi maaaring umiral ang isa kung wala ang isa pa. Habang umuunlad ang
ating kakayahan sa pagbabasa ay inaasahang umuunlad di nang ating kakayahan sa
pagsusulat. Ginagamit rin ang wikang Filipino upang mas lalo pang nagbubuklod buklod
ang bawat isa sa ating bansa.
Dumako naman tayo sa pangunahing punto dito kung ano ano ang mga suliranin
o isyu ng Wika sa edukasyon:
Mayroong apat na maling pagkukuro, pag-aakala o mga pala-palagay hinggil sa
paggamit ng Filpino sa pagtuturo:
Una, pabayaan munang umunlad ang Filipino bago ito gamitin sa pag- tuturo.
Pangalawa, marami pang kakulangan ang wikang pambansa kung kaya’t hindi pa
maaaring gawing wikang panturo ito. Pangatlo, maraming salitang In- gles na walang
katumbas sa wikang Filipino, at pang-apat, kulang pa ng mga batayang-aklat sa Filipino
kung kaya’t mahihirapan ang mga guro at mga mag- aaral.
Kinakailangang pag-ukulan ng masinsinang pansin ang mga tinurang maling
paghahaka sa pamamagitan ng mga karampatang katanungan.
Tungkol sa una: papaano uunlad ang wikang Filipino kung hindi ito gagamitin?
Sa pangalawa, papaanong mapagpupunan ang kakulangan ng sariling wika
kung hindi ito pauunlarin at payayabungin sa pamamagitan ng paggamit?
Sa pangat- lo, papaano magkakaroon ng mga katumbas na kataga sa Filipino
ang mga salitang Ingles kung hindi lilikha at bubuo sa pamamagitan ng paggamit?
At sa pang-apat, papaano makakasulat ng mga batayang- aklat sa Filipino kung
hindi magpapakadalubhasa muna sa paggamit ng wika sa pagsulat at pagtuturo?
Aug pagpapaunlad ng Filipino ay sa pamamagitan ng paggamit lamang. Ito’y
alinsunod sa pakiwari ng mga dalubwika na hindi uunlad ang alinmang wika kung hindi
ito gagamitin. Dahil dito, ang pakiwaring pabayaan munang umunlad ang wikang
Filipino bago ito gamitin ay isang uri ng pag-iwas sa tungkuling makibahagi sa
pagpapaunlad ng ating wika. Ang tanging dahilan kung bakit maraming salitang Ingles
ang wala pang katapat o katumbas na salitang Filipino ay sapagkat sa loob rig matagal
na panahon ay itinigil ang pag- gamit nito. Ginamit at ginagamit pa rin ang wikang
Ingles, kung kaya’t ito ang puspusang umunlad. Hindi kataka-taka na sa ngayon ay
magaling at matatas ang mga Pilipino sa paggamit ng Ingles, samantalang nangangapa
naman sa paggamit rig Filipino lalung-lalo na sa pagtuturo.
Samakatuwid, ang mismong karanasan na rin ng mga Piiipino ang siyang
nakapagpapatotoo na ang pagpapaunlad rig sariling wika ay sa pamamagitan rig
paggamit lamang nito. Habang ginagamit ito ay lalo namang yumayabong at lumalawak
ang kaniyang talasalitaan. Habang sinisikap na maipahayag ang bagong karanasang
pag-iisip sa sariling wika, makatutuklas, oiakabubuo at makalilikha rig mga bagong
kataga na siyang kakatawan sa mga bagong diwang angat sa mga bagong karanasang
pag-iisip.
Kaya nabuhay at lumalago ang wika sa pamamagitan ng pag-aaruga, pag- didilig,
at pagsusumikap na gamitin ito. Ang wikang Filipino ay hindi nilikha para sa Pilipino.
Siya mismo ang lumikha at patnloy na lumilikha nito upang umunlad. Kinakailangang
ipagpatuloy ang paglikha at pagbuo rig mga salitang magpapayaman at magpapalawak
sa wikang ito at magpapalut ang sa kahenyuhan rig liping kayumanggi.
Anu-ano ang mga suliranin sa Wika ng edukasyon ?
Mahihinuha mula sa mga tinurang maling pagkukuro tungkol sa paggamit ng
Filipino sa pagtuturo na ang inabigat na suliranin ay welding iba kundi ang filipino
mismo na naging mga bilanggo ng mga maling pala-palagay kung kaya’t nanatiling
suliranin ang pagtuturo nito. Kaakibat ng mga ito ang mga saloobing sosyolohikal at
sikolohikal na angat din sa kasaysayan at kalinangan rig Pilipinas. Halimbawa,
nagkaroon ng makadayuhang pag-iisip o pag-iisip kolonyal dahil sa pagsakop ng mga
Kastila sa loob ng mahigit na tatlong daang taon, at ng mga Amerikano sa loob ng
limampung taon. Nagkaroon ng in/eriorify com- plex o pagkamababang damdamin
sapagkat laging inihahambing ang sarili sa mga dayuhan na malayo na ang nararating,
hindi lamang sa larangan ng kalinangan kundi sa ekonomiya at wika rin.
Upang lubos na maunawaan ito, kinakailangan ang isang pagpapaliwanag sa
pamamagitan ng isang paglalarawang-diwa;
Isang araw ay umulan nang malakas at dahil sa walang hiimpay na
pagpatak ng ulan, tumaas nang gayon na lamang ang tubig sa balon, at lalo
namang natuwa ang palaka sapagkat lalong luinalaki at lumalalim ang inaangkin
niyang tubig doon. Hindi nagluwat at napuno ang balon hanggang umapaw at
umawas ang tubig sa labas nito. Gayon na lamang ang pagkarnangha at
pagkatulala ng palaka naiig niakita niya na sa labas ng balon ay mayroon palang
mas malaki at mas tnalinaw pang katawan rig tubig--ang ilog at ang karagatan.
Ayon kay Dr. Florentino T. Timbreza, Kung bibigyan ringg matamang pagkukuru-
kuro, ang mabigat na suliranin tungkol sa paggamit rig Filipino sa edukasyon (hindi
lamang sa parte ng guro kundi sa parte eg mga mag-aaral din) ay nahahalintulad sa
likas na karanasan ng palaka sa loob ng balon. Sapul-mula’y Ingles ang siyang
kinagisnang wikang panturo sa mga paaralan, lalung-lalo na sa mga dalubhasaan at
pamantasan. In- gles ang kinagisnang wika ng mga itinuturing na magagaling,
marurunong, mayayaman, at mga edukado o may pinag-aralan.
Dahil dito, naniniwala ang karamihan na Ingles lamang ang pinakamagaling at
pinakamahusay. Ito ang dahilan kung bakit nawili ang marami sa Ingles at to rin ang
humubog sa makadayuhang panlasa at pag-iisip rig mga Pilipino. Itinuring ang Filipino
bilang isang wika ng mga mangmang, ng mga hindi nakapag-aral at ng mga mahihirap.
Sa maling pananalita, ikinahihiya ang Filipino at nandodoon ang pag-aatubili na gamitin
ito sapagkat mayroong pag- katakot ang gumagamit nito na baka isiping siya ay
mangmang at hindi nag-aral.
Bukod pa dito, ang mga Pilipino ay isinilang at lumaki sa iba’t ibang lugar o sulok
ng Pilipinas at ito ay naging sanhi ng kanyang pagkamulat sa mga iba- ibang wikain. Ito
ang tanging dahilan kung bakit nahulma ng makasariling paniniwala (tulad eg palaka sa
loob rig balon) ang mga Pilipino na wala nang mas magaling pa kaysa sa kinagisnang
wikain, maging ito man ay Cebuano, llonggo, Bisaya o Ilokano.
Ang damdaming ito ay siyang humubog sa rehiyunalistikong saloobin
(regionalistic ottinide) ng mga Pilipino. At ang naging mapait na bunga nito ay ang
katotohanang higit na minamagaling ang matawag na Muslim, llonggo, Cebuano, o
llokano kaysa sa matawag na isang Filipino. Ang mga Filipino ay mga biktima ng re
hiyunalismo o kaniya-kaniyang saloobin, ng kolonyalismo o makadayuhan sa pag-iisip,
ng isang kalinangan na waring ipinataw ng mga dayuhang kolonista. Ito ang dahilan
kung bakit may pagkakahati-hati, pagkakahiwa-hiwalay at pagkakawatak- watak.
Subalit bakit nananatiling biktima at hindi kumalas mula sa kaniyang pagkakabilanggo
ang mpa Pilipino at balangkasin ang sariling kalinangan at kasaysayan.
Ayon kay Dr. Ouito, tungkulin ng mga intelektuwal ang kumalas sa kalinangan ng
kongkistador sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng sariling kalinangan. Malaki ang
pananagutan ng mga katutubong intelektuwal sapagkat sa kanila nakasalalay ang
pagbangon ng isang sariling kalinangan o kultura. Ang kaniyang mungkahi ay nararapat
isulat muli ang kasaysayan ng Pilipinas sa pananaw-Filipino. Ang dekolonisasyon ay
isang mapagpalayang lakas ng pag-iisip at mabisang pwersa na nagbibigay lakas
upang kumalas mula sa mga hadlang pagkalinangan na siyang nagpapahiwalay at
namamagitan sa sangkapilipinunan.
Ito ang pinakamahalaga ngunitpinaka mahirap na hamon ng dekolonisasyon.
Bawat Pilipino ay bilanggo ng kaniyang kinagisnang paniniwala, kaugalian, at
kalinangan, kung kaya't ang kaniyang pangkaraniwang pangangatuwiran at pakikitungo
sa kanyang kapwa-Pilipino ay ibinabatay sa itinuturo ng kaniyang kinamulatang
kaugalian, o sa kinagisnan niyang hugis ng pag-iisip at uri ng wikain ng kinabibilangan
niyang pamayanan. Kaya ito ang sanhi ng di-pagkakasundo at di-pagkakaunawaan
higgil sa paggamit ng Filipino sa pagtuturo.
Ang tanging layunin ng dekolonisasyon ay ang pagpalaya sa mga Pilipino mula
sa kanilang paniniwala na hindi kapakipakinabang at magiging sagabal sa pagkakaroon
ng sangkabansaang pagkakaunawuan at pagkakapatiran. Ito’y isang paraan ng
pagkalas mula satanikala ng tradisyon at kolonyalismo na naging balakid sa pag-unlad
ng pagkakaisa at pag- bubuklud-buklod ng sangkapilipinuhan. Ang inilunsad ng
Kagawaran ng Kasaysayan at mga Piling Aralin ng Pamantasan rig De La Salle tungkol
sa pag- gamit ng Filipino sa pagtuturo ng kasaysayan ay isa nang pagsasakatuparan sa
diwa ng dekolonisasyon.
KAUGNAY SA MGA PAGBABAGO NG KURIKULUM / WIKA SA EDUKASYON
(MTB-MLE K-12)

​ Ang edukasyon sa Pilipinas ay pinamamahalaan ng pagkatuto lamang ng mga Ingles


at Filipino na asignatura. Mas binibigyang pansin ang pagkatuto sa nasabing mga wika
dahil ito ay mas nagagamit sa mga transaksiyon sa komersiyo at pangkabuhayan. Ang
wikang Ingles din ay mas binibigyang pansin at kahalagahan dahil sa ito ang nagagamit
nating upang makipag-usap sa ating mga kalapit bansa, maging sa mundo rin. Ang
wikang Filipino naman ay may sapat na pagpapahalaga sa ating pag-aaral dahil ito ang
ating pambansang wika. Nagagamit ang mga wikang ito sa mga asignaturang Agham,
at Matematika o Sipnayan. Kaya’t mas binibigyang halaga ang dalawang wikang ito sa
ating Edukasyon (Garbes, 2012)
​ Sa kabuuan ng bansang Pilipinas, mayroon tayong 171 na dayalekto na nabubuhay
at ginagamit pa ng mamayang Pilipino (Garbes, 2012). Ngunit ito ay unti unting
nawawalan ng halagasa bagong henerasyon dahil sa mas pinipili ng mga bagong
henerasyon ang paggamit ng wikang Ingles at Filipino. Nagsimulang mas lantarang
gamitin ang Ingles at Filipino noong ilahad ng kasalukuyang konstitusyon ang nasabing
mga wika bilang opisyal na wika ng Pilipinas (Garbes, 2012).
​ Ang pagkakalunsad ng programang K-12 ng Kagawaran ng Edukasyon noong 2012
ay naghudyat ng pagbabago sa Sistema ng Edukasyon ng bansang Pilipinas.
Nadagdagan ng 2 taon ang pag-aaral, na dati ay 10 taon lamang bago mag kolehiyo.
Hindilang iyon, inilunsad din ang MTB-MLE o Mother Tongue Based – Multilingual
Education, na para sa mga kabataang Pilipino na nag aaral sa elementarya.
​ Ang mananaliksik ay nagsagawa ng pag-aaral tungkol sakung ano ba ng magandang
naidudulot ng MTB-MLE sa Pilipinas, partikular na sa mga kabataang Pilipino na
nakararanas ng kurikulum ng K-12, na siya namang nakatatanggap karanasan ukol sa
pagtuturo gamit ang MTB-MLE.
Layuning ng Pag-aaral
​ Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na matukoy ang mga mabuting epekto ng
paggamit ng estilo sa pagtuturo na MTB-MLE na kaakibat ng kurikulum ng DepEd na K-
12, sa mga kabataang Pilipino na nakararanas ng nasabing estilo ng pagtuturo.
Kasama din dito ang pagtukoy kung epektibo ba ang paraan ng pagtuturo na ito para sa
mga kabataang Pilipino.
​ ​ Kaakibat ng layunin na ito, nilalayon rin ng pag-aaral na ito na ipaalam sa mga
kapwa Pilipino kung ano ba ang mabuting epekto ng MTB-MLE sa mga kabataang
Pilipino. Kasama rin nito ang pag-engganyo sa mga kapwa Pilipino na tangkilikin ang
paraan ng patuturo na ito, at kaugnay rin ang epekto nito na maaring magamit itong
paraan upang mailigtas ang pagkawala ng mga dayalekto sa pagkakagamit sa ating
bansa.
Matutulungan nitong mabuhay at maisalba ang mga dayalektona unti-unti nang
nawawala.
Maikling kasaysayan:

​ Ang MTB-MLE ay unang inilunsad sa Pilipinas bilang pagtupad sa Kurikulum ng K-12,


na ipinatupad noong 2012. Ang administrasyon ni dating Pangulong Benigno Simeon
Cojuangco Aquino III ang siyang nagpatupad ng pagbabago na ito sa Sistema ng
edukasyon sa Pilipinas. Ito ay inaasahang maipatupad sa lahat ng paaralan sa Pilipinas,
partikular na sa mga batang may nag-aaral sa Kindergarten at unang tatlong taon sa
elementarya.
​ Ang mga kagamitan,at pagtuturo kailangang gamitin sa estilo ng pagtuturo na ito ay
dapat nakabase sa “Mother Tongue” ng kanilang kinabibilangang rehiyon. Sa kabuuan,
may labindalawang “Mother Tongue” na inaprubahan ng DepEd upang ituro sa mga
kabataang Pilipino, na depende sa kanilang rehiyon. Ito ay ang mga sumusunod: Iloko,
Pangasinan, Kapampangan, Tagalog, Bikol, Waray, Hiligaynon, Cebuano, Maranao,
Chavacano, Maguindanaon, at Tausug. Ngunit sakasalukuyan, may idinagdag ang
DepEd na pito pang “Mother Tongue”: Ibanag, Ivatan, Zambal, Aklanon, Kiniray-a,
Yakan, at Surigaonon.
Kahulugan ng termino:
Dayalekto - ng tawag sa lenggwahe ng isang partikular na lugar.
Mother Tongue- kilala rin sa tawag na Lingua Franca o unang wika.
MTB-MLE – mas kilala din sa tawag na “Mother Tongue Based – Multilingual
Education” ay paraan ng pagtuturo kung saan unang binibigyang pansin ang pagiging
bihasa ng mag-aaral, partikular na sa kindergarten at unang tatlong taon ng
Elementarya, sa paggamit ng kanilang Lingua Franca o unang wika (dayalekto).

​ Ang sakop lamang ng pag-aaral na ito ay ang mabuting epekto ng MTB-MLE sa mga
kabataang Pilipino mula kindergarten at unang tatlong taon ng elementarya.
Nakapaloob din sa pag-aaral na ito ang posibleng dahilan at eksplanasyon sa mga
mabuting epekto ng MTB-MLE sa mga kabataang Pilipino.
Mother Tongue
​ Mother tongue ang kailangang gamitin ng mga kabataang Pilipino mula kindergarten
hanggang unang tatlong taon ng kanilang pag-aaral. Ngunit ano nga ba ang mother
tongue? Ang Mother Tongue ay tinatawag ding Lingua Franca ng karamihan. Ito ang
unang wika ng na ginamit ng isang indibidwal o tao. May mga eksperto ring
nagsasabi na ang mother tongue ay ang wikang ginagamit ng magulang ng isang
indibidwal. Ngunit babase tayo sa unang kahulugang aking tinuran. Halimbawa,
ipagpalagay natin na may isang batang nakatira sa La Union, ang kanyang unang
wikang ginamit ay Ilokano, kaya’t maipapalagay natin ang kanyang Mother Tongue ay
Ilokano. May mga pagkakataon din na kinokonsidera bilang mother tongue ng isang
indibidwal ang dayalekto ng lugar na kanyang kapanganakan. Halimbawa, may isang
batang ipinanganak saBulacan, kaya’t ang kikilalaning mother tongue ng bata ay
Tagalog, dahil Tagalog ang pangunahing dayalekto sa Bulacan. Ang
ginamit na batayan ng Kagawaran ng Edukasyon ay ang partikular na dayalekto ng
lugar na kinabibilangan ng bata.
Bilingualismo at Multilingualismo
​ Ang susi sa pagpapatupad ng MTB-MLE ay ang mga magiging epekto nito sa mga
batang makakaranas ng ganitong paraan ng pagtuturo. Ngunit ano nga ba ang
Bilingualismo o Multilingualismo? Ito ay ang kakayahan ng isang indibidwal natagumpay
na matutunan at magamit ang dalawa o higit pang wika. Napatunayan sa maraming
pag-aaral ang mabuting epekto nito sa mga indibidwal na nakagagawa nito. Sa aspeto
ng pakikipag talastasan, matututo ang isang indibidwal na makipag talastasan sa
maraming tao, na may kinalaman sa kanyang ikalawang wika. Magkakaroon ang
indibidwal ng maraming kaibigan, pagkakaintindi sa ibang kultura, pagkakaroon ng
malawak na perspektibo sa mga bagay bagay, pagtaas ng tiwala sa sarili at iba pang
may kinalaman sa komunikasyon. Sa perspektibo naman ng kalusugan, partikular na sa
utak, nahahasa ang pag-iisip ng mga indibidwal na multilingual, nagiging mas matalino,
maaari ring dahilan ng pagbawas ng posibilidad na magkaroon ng sakit na Alzheimer’s
Disease at lahat ng benepisyo na maaaring makuha ng isang indibidwal na may
kinalaman sa pag-iisp at utak. May mga benepisyo din ang pagiging
multilingual sa akademiko at propesiyonal na perspektibo. Ilan dito ay ang pagkakaroon
ng mas maraming oportunidad sa mga trabaho na may kinalaman ang komunikasyon,
at mas higit pang pagkakatuto. Ang benepisyong makukuha sa pagiging
multilingual/bilingual ay ang nais makamit ng gobyerno para sa mga kabataang Pilipino.
Sanggunian

MGA SULIRANIN AT IBA PANG MGA BALAKID SA PAGGAMIT NG FILIPINO SA


PAGTUTURO
https://ejournals.ph/article.php?id=7717
Oct. 10, 2016, Mother Tongue-based learning makes lessons more interactive and
easier for students, Republic of the Philippines: Department of Education, March 26,
2017,
<www.deped.gov.ph/press-releases/mother-tongue-based-learning-makes-
lessons-more-interactive-and-easier-for-students>
May 3, 2014, Mother Tongue Based - Multilingual Education (MTB-MLE) in
Philippines, March 26, 2017,
<https://www.slideshare.net/sVcdALe/mother-tongue-based-of-multilingual-
education-mtbmle>
Mercola, Dr. K.C., January 14, 2016, The Brain Benefits of Being Bilingual, March 26,
2017,
<http://articles.mercola.com/sites/articles/archive/2016/01/14/brain-benefits-
being-bilingual.aspx>
Paradowski, M.B., The Benefits of Multilingualism, Institute of Applied Linguistics,
University of Warsaw, March 26, 2017,
<http://www.multilingualliving.com/2010/05/01/the-benefits-of-multilingualism/>

You might also like