You are on page 1of 10

1896 – SALIGANG BATAS NG BIAK-NA-BATO

Wikang Tagalog ang magiging Wikang Opisyal ng Pilipinas.

SALIGANG BATAS NG 1935 (Artikulo XIV, Seksiyon 3)


Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na
Katutubong Wika. Hanggang hindi naitatadhana ang iba ng batas, Ingles at Kastila
ang Wikang Opisyal.

1936 Oktubre 27 – BATAS KOMONWELT BLG. 184


Pagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP)
Pag-aaral ng mga diyalekto sa bansa para “magpaunlad at magpatibay ng isang
pambansang wikang batay sa umiiral na wika.”

1937 Disyembre 30 – KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 134


Napili ng Surian ng Wikang Pambansa ang Tagalog bilang batayan.
1940 Abril 1 – Iniutos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa Ikaapat na Taon sa
lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan
Paglilimbag ng Balarila at A Tagalog-English Vocabulary

1940 Hunyo 7 – BATAS KOMONWELT BLG.570


Nagtadhana na mula Hunyo 4, 1946, ang Wikang Pambansa ay isa sa mga wikang
opisyal ng bansa.

1940 – ABAKADA
Binuo ni Lope K. Santos ang Abakada na may 20 titik: a, b, k, d, e, g, h, i, l, m, n,
ng, o, p, r, s, t, u, w, y.

1941-1946 – SEMINAR
Upang matupad ang mithing Pambansang Wikang Filipino, sari-saring seminar
ang idinaos noong panunungkulan ni Lope K. Santos sa SWP.
1942 Pebrero 17 – ORDINANSANG MILITAR BLG. 13
Inihayag ng Komisyong Tagapagpaganap ng Filipinas na Nihonggo at Tagalog
ang Wikang Opisyal ng Pilipinas.

1946 Hunyo 4 – BATAS KOMONWELT BLG. 570


Ang Wikang Pambansa at Wikang Opisyal tinawag na Wikang Pambansang
Pilipino.

1950 – PANUNUMPA
Binuo ang Panatang Makabayan

1956 – PAMBANSANG AWIT


Isinalin mula wikang Ingles ay naging Kastila tungo sa Wikang Pilipino.
1959 – KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 7
Ang Wikang Pambansa ay tatawaging PILIPINO, pag-iwas sa mahabang
katawagan na Wikang Pambansang Pilipino o Wikang Pambansa batay sa
Tagalog, na nilagdaan ni Kalihim Jose Romero noong ika-12 ng Agosto.

1967 Oktubre 4 – PAGPAPANGALAN


Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na lahat ng
gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan sa Pilipino.

1968 Marso – PAGSULAT


Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas ang isang kautusang lahat ng
pamuhatan ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa
Pilipino.

1971 Oktubre 4 – Pinagtibay ng Surian ng Wikang Pambansa


Pinayamang alpabeto na may 31 titik:
a, b, c, ch, d, e, f, g, h, i, j, k, l, ll, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z.
Nagkaroon ng Repormang Ortograpiko
Alpabetong Filipino na may 28 titik: a, b, c, d, e, f, g, h, i, j, k, l, m, n, ñ, ng, o, p,
q, r, s, t, u, v, w, x, y, z.

SALIGANG BATAS NG 1973 (Artikulo XIV, Seksiyon 3)


Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang
at pormal na adapsyon ng isang panlahat na Wikang Pambansa na tatawaging
Filipino.

1974 Hunyo 19 – KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 25


Pagpapatupad ng Edukasyong Bilinggwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan na
nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura.

1986
(1) Pumapel ang SWP sa paghahanda ng salin ng Saligang Batas.
(2) CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng 9 na yunit ng Filipino sa
pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng
mga kurso sa Filipino 1, 2 at 3.
1987 – KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 117 (Artikulo XIV,
Seksiyon 6)
Mula Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ay napalitan ito ng Linangan ng mga
Wika sa Pilipinas (LWP)
Nilagdaan ito ng Pangulong Corazon C. Aquino

1987 – FILIPINO
Tinanggap ang katutubong titik ‘F’ at ginawang Filipino ang Pilipino, bilang
Wikang Pambansa alinsunod sa konstitusyon. Ginamit din ito bilang Wikang
Panturo sa lahat ng antas kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang
edukasyong Bilinggwal.

SALIGANG BATAS NG 1987 (Artikulo XIV, Seksiyon 7)


Wikang Opisyal ay Filipino at Ingles.
1988 Agosto 25 – KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 335
Paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng
Filipino. Pinagtibay rin ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa
pamumuno ni Pangulong Corazon Aquino.

1989 Setyembre – KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 84


Nag-aatas na lahat ng opisyal ng DECS na isakatuparan ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 335, na nag-uutos na gamitin ang Filipino sa lahat ng
komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.

1990 Marso 19 – KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 21


Nagtatagubulin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas sa panunumpa ng katapatan
sa Saligang Batas at bayan natin.

1991 Agosto 14 – BATAS REPUBLIKA 7104


Mula Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) ay pinalitan ito ng Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF)
KWF – Nagsasagawa ng mga fora, palihan at kumperensiya; nagsasalin ng mga
teksto at dokumento tungo sa Filipino; at naglilimbag ng mga diksyunaryo,
manwal, gabay at koleksyon ng mga panitikan.

KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 335


Filipino ang gagamiting opisyal para komunikasyon ayon sa KWF.

1996 - CHED Memorandum Blg. 59


Nagtatadhana ng 9 na yunit na pangangailangan sa Filipino; (1) FILIPINO 1 –
Sining ng Pakikipagtalastasan, (2) FILIPINO 2 – Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t
ibang Disiplina at (3) FILIPINO 3 – Retorika.

1997 – PROKLAMA BLG. 1041


Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos na nagtatakda na ang buwan
ng Agosto, taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino.
2001 – ISTANDARDISASYON AT INTELEKTUWALISASYON
Pagpapayaman ng Wikang Filipino gamit ang pagtutumbas at pagsasalin.
Nailimbag ang 2001 REVISYON NG ALFABETO AT PATNUBAY SA
ISPELING NG WIKANG FILIPINO.

2003 - ATAS TAGAPAGPAGANAP BLG. 210


Ibinalik ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Ingles bilang pangunahing
wikang panturo sa mga asignaturang English, Mathematics at Science.
Samantalang ang Filipino ay ituturo lamang sa Filipino at Araling Panlipunan.

2006 – 2001 REVISYON NG ALFABETO AT PATNUBAY SA ISPELING


NG WIKANG FILIPINO
Nagpalabas ang DepEd ng memorandum sa pansamantalang pagpapatigil sa
revision.

2007 – BATAYAN SA PASULAT


Inilabas ng KWF ang burador ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa.
2008 – BATAYAN SA PASULAT
Inilabas ng KWF ang gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa.

CMO no. 20, s. 2013


Ibaba ang General Education subjects ng Filipino sa Senior High School mula
kolehiyo.

CMO no. 57, s. 2017


Pagbibigay ng siyam (9) na yunit sa Filipino sa kolehiyo at mga pamantasan.

CMO no. 4, s. 2018


Pagbibigay ng siyam (9) na yunit ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo bilang
bahagi ng General Education Curriculum.

You might also like