You are on page 1of 7

Sestina ni Totoy Palaboy

Ni Lea B. De Galicia

Busabos na musmos, sa buhay ay hikahos,


Hindi intensyong mabuo, ang ina’y nakagapos.
Simpatyang hinihingi dagling napalitan ng poot
Puring iniingatan, sinalaula ng mga salot.
Iniwan sa simbahan, Totoy ang ngalan
Palaboy sa lansangan, sinusuka ng lipunan.

Napulot ng sindikato’t, naging kilalang tirador sa lipunan


Walang sinasanto maski mga biktimang naghihikahos
Kilabot ng purok, nakapaskil kung saan ang ngalan.
Nag binata ang bida, ninais makawala sa tanikalang nakagapos,
Makaalis sa pugad ng mga bininyagang salot.
Oh kay hirap maging mahirap! walang laman ang tiyan kundi poot.

Nagbakasakaling mahanap ang inang punô ng pagkapoot,


Nakaka abang na kalagayan, tinalikuran ng pamilya’t lipunan.
Naghanap ng kalinga ang Totoy na hindi na salot
Pinilit baguhin ang nakagisnan kahit pa’y hikahos
Nagpakalayo-layo upang mawala’ng bansag na nakagapos.
Hilumin sugat ng nakaraan, kasabay ng paglimot sa ngalan

Mapunan ang nararamdaman, Paraluman ang ngalan


Nagbabadyang kasiyahan, pinangunahan ng takot at poot
Pilit umuusig nakabaong pising nakagapos
Mahanap na pagsintang tinakwil ng lipunan
Hindi lubos na liligaya. Sarili’y hanapin kahit hikahos
Kusang darating kahit sa kulo’t salot

Traydor na damdamin ang pinaka salot


Lalapit sa may taas; samo’t dalangin tinawag na lahat ng ngalan
Hindi mapantayang pighati, kalooba’y hikahos
Lulugo-lugong namamaluktot, mag-isang umiimbot ng poot
Tanggapin ang sarili, tugunan mga pagkukulang ng lipunan
Bilanggo noon at ngayon, saang espasyo maaaring magapos?

Pinundasyong pag-ibig na patuloy na nakagapos


Hindi matatapos, ituring mang salot.
Singhap na di marinig ng pipi’t bulag na lipunan
Makasalanang kamunduhan, pagdukot sa kamusmusan, nasa iisang ngalan
Tanging hakot, makalaya sa naghihilom na poot
Lupaypay na katawan sa bayang naghihikahos

Panaghoy ni Totoy ay pagtahol ng hindi salot


Umiinog sa sentrong imahe’y naagnas na tanawin ng lipunan
Buksan ang mga mata’t makibaka. Hindi na tayo pa gagapos.

VILANELLE
Kabakahin silang Nang-aapi
Ikubli ang takot, kaisa ng lupon
Huwag kang lumayo sangkot ka sa gulo
Buhay at kamatayan ay magkadugtong

Lumaban nang patas bulok ay ikahon


Puso’y nakahanda sa anumang peligro
Ikubli ang takot, kaisa ng lupon

Ang pagtaliwas ay patuloy na iahon


Ang kamalian ay hayagang iwasto
Buhay at kamatayan ay magkadugtong

Masisisi mo ba kanilang sitwasyon?


Pagtanggap at pagkilala sinasamo
Ikubli ang takot, kaisa ng lupon

Biyayang nais maamot sa panahon


Ay hindi malayo at hindi Malabo
Buhay at kamatayan ay magkadugtong

Buong araw ay pagtangis ang pabaon


Patuloy lalaban at hindi susuko
Ikubli ang takot kaisa ng lupon
Buhay at kamatayan ay magkadugtong
MU: Mag-isang Umiibig

Ang pag-ibig mo sa akin ay tila bola,


Pag natapos paglaruan, wala ng halaga.
Tila nga’y isa rin akong relo,
Binabalikan lang pag naiinip na’t wala sa wisyo.

Alam mo bang isa ka sa mga paborito kong kanta,


Umuukilkil sa ‘king sistema, parang sirang plaka.
Hindi ko nga alam kung hindi kaba napapagod,
Pana’y kasi ang pagtakbo mo sa isipan ko.

Kay gandang pagmasdan,


Mga ngiti mong ‘di mapantayan.
Ang bigote mong pormado,
Minsa’y may kulangot pang natitiyempo.
Tanggap ko lahat ng kamalian mo,
Sana mapansin mo rin aking sakripisyo.

Masaya na ako sa kakarampot na atensyon,


Matanaw ka sa malayo, buo na araw ko.
Kahit ano pang pagkaing ibigay mo,
Tanggapin mo sana’t ito’y pinag-ipunan ko.

Huwag mo lang sana ipadama mga pagkukulang ko,


Dahil hindi huwad ang damdamin ko sa’yo.
Sana’y hindi lang hanggang pagsulat itong pag-ibig ko,
Balang araw mababasa mo rin mga likhang nasa kwaderno.
Wag mo sanang kutyain pag-ibig na handog sa’yo
Pakaingatan sapagkat ito ay totoo.

Pagsabay sa Pag-inog
Isinulat ni: Lea B. De Galicia

Maaliwas kung pagmamasdan


Pagmasdan dalawang panahon sa larawan
Larawang naghahati sa ngayon at nakaraan
Nakaraang pilit tinatalikdan
Tinatalikdan sakripisyong namayani
Namayaning hulog ng kabayanihan

Pundasyong matayog na nakatindig


Nakatindig sa lupang tigib
Tigib ng pagtangis, pasakit at hinagpis
Hinagpis ng pamanang hapis
Hapis na kinukubli ng edipisyo
Edipisyong binasag ganda ng kapitolyo.

Sinabayan nga ba ang pag-inog?


Pag-inog na gasgas na umaalimbuyog
Alimbuyog na sinasamantala ng kapitalista
Kapitalistang hindi papayag kapag wala sila.
Silang naghaharing-uri'y hilig manamantala
Manamantala kahit may naaapakan pa.

Dugo sa pader o kalsada?

~Masikip, madilim, mabaho


Panaghoy sa alimbuyog ng alabok
Waring pagtangis niya'y hayok
Inaalipusta ng tutang bulok.

~Pakinggan kanilang daing


Dugong nakawaksi sa loob
Hinatulan silang salot
Tila isang bangungot.

~Diniktahan pag-inog ng mundo


Pintang di mapantayan kahit nino
Haplos na nakakapagpalambot
Kaibutura'y nangingilabot

~Pamamalakad hindi para sa masa


Masalimuot,
Masama,
Masahol pa sa sistema
Sistema kung saan mas matimbang
Dugong nasa pader kaysa kalsada.
Ilusyon

~Ilihis waring tukso


Pag-inog yaong mundo
Manipulahin pulso
Iagos pagsinta mo.

~Maniwala ka sinta,
Hindi ka binobola
Ikaw lang aking mutya
Saksi ang mga tala

-Wag mo sanang kutyain


Hinahandog kong buhay
Buhay na walang hanggan
Binuwis hanggang hukay

You might also like