You are on page 1of 1

Jomyl Amador Petracorta Hunyo 14, 2021

BSED Filipino 3-1 Ars Poetica

Ang Pagtula ay Pagsayaw

Mananayaw rin ang isang Manunula


Kanyang mga indak ay mula sa danas ng madla
Iisa man ang ritmo o magkakaiba,
Mahalagang di mailigaw, matang bumabasa

Pitik ng mga daliri


Pilantik ng bawat titik
Tapak ng mga paa
Giya ng buong masa

Esensyal na mapagalaw
Sa bisa ng sayaw
Mga taong natutulog;
Gisingin sa saliw ng tugtog

Sa bawat daling pagsasayaw


May hirap na dapat mangibabaw
Sa iniikutang pagsubok
May solusyon na dapat maarok

Ang pagsayaw ay pagtula


Ang manunula ay mananayaw
Magkaiba mang ihinihiyaw ang talinghaga,
Pareho dapat na hindi umaayaw

You might also like