You are on page 1of 5

ANG PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

I. PAGSULAT NG TRADISYUNAL AT MAKABAGONG TULA AT AWIT


Ano nga ba ang kahulugan ng tula? Ang tula o poem ay isang anyo ng panitikan kung saan binubuo ito
ng taludtod o verse at saknong o stanza sa wikang Ingles.

Ito ay nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, o ginagawa ng isang tao sa pamamagitan ng paggamit ng


mga maririkit na salita.

Mga elemento ng tula

Makikita rin na ang tula ay nagbibigay diin sa mga sumusunod na elemento:

 Sukat – ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig o syllalbe ng bawat taludtod na bumubuo sa isang
saknong.
 Saknong – ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya o
taludtod.
 Tugma – sinasabing may tugma ang isang tula kung ang huling pantig ng huling salita ng bawat
taludtod ay magkasing-tunog.
 Kariktan – kailangang magtaglay ng maririkit o magagandang salita ang isang tula upang
mapukaw ang damdamin at kaisipan ng mga mambabasa.
 Talinhaga – ito ay isang sangkap ng tula kung saan ang mga salita ay may itinatagong
kahulugan.

Ayon nga sa isang kilalang manunulat na si Edgar Allan Poe: ang tula ay masasabing ang maaliw-aliw na
paglikha ng namumukod na kagandahan (Poetry is the rhythmical creation of beauty in words).

Mga halimbawa ng tula


-para sa guro
-para sa kaibigan
-para sa pangarap
-para sa sarili
-para sa pag-ibig
-para magulang
-para sa ina
-para sa kalikasan
TRADISYUNAL NA TULA
 Ang tradisyunal na tula sa ay mga pahayag na kadalasang nagtataglay ng sukat at tugma sa bawat
taludtod, o mga salita at paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, matayutay, at masining bukod sa
pagiging madamdamin.
 Ang sukat ay bilang ng mga pantig sa bawat taludtod, samantalang ang tugma ay pagkakasintunugan
ng mga huling pantig sa bawat taludtod  ng saknong.
 May aliw-iw at indayog kung bigkasin ang tulang Tagalog dahil sa tinataglay nitong katutubong tugma.
Magkakasintunog ang huling salita ng taludturan. Karaniwan nang gamitin ang wawaluhin at
lalabindalawahin ng pantig ang sukat.
 Mayroon itong malalim na kahulugan.
 Tradisyunal na Uri ng Tula sa Pilipinas
 SALAWIKAIN
 Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay o nagpapanuto ng magagandang asal o
gabay sa pamumuhay, sa asal, sa pakikipagkapwa.
 Ang layunin ng salawikain ay ang pagsasabi ng katotohanang hindi mapasusubalian na naging bahagi
nan g ating tradisyong Pilipino na ang karamihan ay mula sa ibang bansa at ang iba nama’y mula pa
sa ating mga ninuno na nagpalipat-lipat sa mga labi ng mga salinlahi.
 HALIMBAWA:
 Ang sa iba’y ginawa mo, Siya ring gagawin sa iyo.
 Ang buhay ay gayon lamang sa ugali’t kalakaran,
    Ganti-ganti katwiran: Magbayad ang may utang sa        pinagkakautangan
 Ayaw ng patulak, gusto’y laging pakabig,
     Kung baga sa manok kahig lang ng kahig.
 Ang akala’y nakamura, namahalan pala.

AMBAHAN
 Ang ambahan ay isang katutubong tula na nililikha ng mga Mangyan, particular ang mga Hanunuo at
Buhid na matatagpuan sa mga bayan ng Bulalacao at Mansalay sa Oriental Mindoro at sa San Jose
naman sa Occidental Mindoro. Ang mga grupong ito ng mga Mangyan ay may sariling sistema ng
pagsulat na ginagamit na nila bago pa man dumating ang mga Kastila. Ang ambahan ay may sukat na
pitong pantig sa bawat taludtod maliban sa unang taludtod na maaaring higit o kulang sa pitong pantig
dahil may mga pagkakataong ang nagsasalita ay maaaring may mahaba o maigsing pangalan. Ang
unang linya sa ambahan ang nagpapakilala sa kung sino ang nagsasalita.

HALIMBAWA :

 AMBAHAN
 Kawayan sa Marigit
 Pag tanaw ko, palapit
 Labong pa siyang kay liit
 Nang daanan ko pabalik
 Siksikan ang tinik
 Mainam nang pansahig!
 Buli sa may kaingin
 Noong siya pa’y musmusin
 Hindi ko pinapansin
 Nang gumulang, pagsapit
 Tanggi ko ang lumain

Sariwa kong kukuninBayong kong lalalain

Lagi kong sasakbitin!

O liyag, aking hirang

Kanina nang lumisan

Galing sa ‘king dingdingan

Palay na inanihan

Akin lang iniwanan

Hinangad kong katuwang

Di basta palay lamang


Sa lakad sa ilog man

Maging sa kaparangan

Kaakbay ko saan man

 Kaabay sa higaan!

OYAYI
 Ang oyayi ay isang uri ng tula o awit na para sa mga bata, ginagamit ito ng kanilang mga magulang
upang libangin sila at turuan, ginagamit din ito para sa pagpapatulog sa kanila.

Ang hele o oyayi ay isang uri ng tula o awiting pampapawi na para sa mga bata o kahit sa mga matatanda. Ang
layunin ng hele ay magkakaiba. Kadalasang ginagamit ito ng mga ina sa kanilang mga anak upang libangin sila at
[1]
turuan. Ginagamit din ito para sa papatulog sa kanila.  Sa ibang lipunan, ginagamit ito upang ipasa ang mga
kaalamang pang-kalinangan o tradisyon. Karagdagan pa nito, kadalasang ginagamit ang hele para sa pag-unlad
ng kasanayang pakikipagtalastasan, hudyat ng hangad ng damdamin, pagpapanatili ng walang kahati pansin
[2]
ng sanggol, paghina ng pagpukaw ng mga sanggol, at pag-sasaayos ng mga gawi.  Dahil ginagamit ito sa
pagpapatulog sa mga sanggol, ang musika ay kadalasang payak at paulit-ulit. Matatagpuan ang mga hele sa
[
maraming mga bansa, at mayroon na noong pang lumang panahon.

MAKABAGONG TULA
Tulang Modernista - Isa ring uri ng tula at malayang paraan ng pagsulat o walang sukat. At ito ay
nakabatay sa modernisasyon o makabagong panahon. Wala ito masyadong matatalinhagang
salita. Halimbawa ng tulang Modernista ay ang Erotika 4 ni Alejandro G. Abadilla (1965)
 

Sa tradisyunal, kailangang may sukat at tugma samantalang sa malayang taludturan ay hindi kailangan ng
sukat at tugma. Malaya kang ilagay ang mga salita ng hindi inaalala ang sukat at tugma ng ginagawa
mong tula. Tulang Modernista - Isa ring uri ng tula at malayang paraan ng pagsulat o walang sukat.
At ito ay nakabatay sa modernisasyon o makabagong panahon. Wala ito masyadong
matatalinhagang salita..

Ako ang Daigdig ni Alejandro Abadilla

I
ako
ang daigdig

ako
ang tula

ako
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig
ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig

II
ako
ang daigdig ng tula
ako
ang tula ng daigdig

ako ang malayang ako


matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tula
ako
ang tula
sa daidig

ako
ang daigdig
ng tula
ako

III
ako
ang damdaming
malaya

ako
ang larawang
buhay

ako
ang buhay
na walang hanggan

ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay

damdamin
larawan
buhay
tula
IV
ako
ang daigdig
sa tula

ako
ang tula
sa daigdig

ako
ang daigdig

ako
ang tula

daigdig
tula
     ako....
ako

II. EBULOSYON NG SAYAW.. NOON AT NGAYON


Ang sayaw ay isang sining na binubuo ng piling magkakasunod na galaw ng tao ng mayroong pakay. Ang galaw na
ito ay masining at may tinutukoy, at ito ay kinikilala bilang sayaw ng mga mananayaw at mga tagamasid sa loob ng
isang partikular na kultura.Ang sayaw ay maaring maikategorya at mailarawan batay sa kaniyang koryograpiya,
Koleksyon at pagkakasunod-sunod ng mga galaw o batay sa panahon at kasaysayan nito o lugar na pinagmulan.
Isang mahalagang pagkakaiba ay mailalarawan sa pagitan ng konteksto ng theatrical at participatory na sayaw.

Bagama't ang dalawang kategoryang ito ay hindi palaging magkahiwalay; ang mga ito ay may espesyal na gamit,
maski sosyal,seremonyal, pampaligsahan,sekswal,pang-militar at banal/maliturgiya. Ang ibang disiplina sa
paggalaw ng tao ay paminsang sinabi na pagsayaw tulad ng kalidad, kabilang ang  martial arts,gymnastics,  figure
skating, synchronized swimming at marami pang ibang uri ng pampalakasan.

Hindi na iba para sa ating mga Pilipino ang pag-sayaw dahil ito’y parte na ng ating kultura’t tradisyon. Mayroon
sa Luzon ang mga sayaw tulad ng Idaw at Banga, sa Visayas naman ay ang mga sayaw tulad ng Tinikling at
Maglalatik, at sa Mindanao nama’y mga sayaw tulad ng Singkil at Pangalay. Lahat ng mga nabanggit ay mga
maitatawag na “kultural” at “tradisyonal” na mga sayaw – mga katutubong uri ng sayaw. Ngunit sa mga
panahong ngayon, may mga bago’t modernong mga uri ng sayaw na lumalaganap sa Pilipinas at pati na rin sa
buong mundo, sa pamamagitan ng internet – partikular na tinutukoy, ang Youtube.

III. URI NG PANANAMIT SA IBA’T IBANG HENERASYON

IV. ANG PAGKATAO SA KULTURANG POPULAR

V. ANG PAGSULAT NG PANITIKAN SA KASALUKUYAN

VI. ANG BAGO AT EKSPERIMENTAL SA KASALUKUYANG PANITIKAN

You might also like