You are on page 1of 35

ELEMENTO

NG ISANG
TULA
TULA- isang akdang pampanitikang
naglalarawan ng buhay, hinango sa
guniguni, pinararating sa ating
damdamin, at ipinahahayag sa
pananlitang may angking aliw-iw.
Mga Elemento ng Tula
SUKAT
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng
bawat taludtod na bumubuo sa isang
saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa
paraan ng pagbasa. halimbawa: isda – is
da – ito ay may dalawang pantig is da ko
sa Ma ri ve les – 8 pantig.
Lalabindalawahin –

hal.
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad.

Sa bait at muni, sa hatol ay salat


Lalabingwaluhin –

hal.
Tumutubong mga palay,gulay at maraming
mga bagay.

Naroon din sa loobang may bakod pang


kahoy na malabay
lalabing-animin –

hal.
Sari-saring bungangkahoy, hinog na at
matatamis.

Ang naroon sa loobang may bakod pa a


paligid
Ang mga tulang mgay lalabingdalawa at
labingwalo ay may sesura o hati na
nangangahulugang saglit na paghinto ng
pagbasa o pagbigkas sa bawat ikaanim na
pantig.
Halimbawa:

Ang taong magawi / sa ligaya’t aliw Mahina ang


puso’t / lubhang maramdamin
Tinanong ko siya / ng tungkol sa aking / mga
panaginip
Pagdaka’y tumugon / ang panaginip ko’y / Pag-
ibig, Pag-ibig!
Noong panahon ng Hapon, may tulang dinala
rito ang mga Hapones. Ito ang tinatawag na
Haiku , na may limang pantig lamang sa loob
ng isang saknong at Tanaga na may pitong
pantig sa loob ng isang saknong.
SAKNONG
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang
tula na may dalawa o maraming linya
(taludtod). \
2 linya - couplet 8 linya - octave
6 linya - sestet 5 linya – quintet

3 linya - tercet 7 linya - septet


4 linya - quatrain
Ang couplets , tercets at quatrains ang madalas na
TUGMA
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng
mga akda sa tuluyan. Sinasa -bing may tugma
ang tula kapag ang huling pantig ng huling
salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog.
Lubha itong nakaga- ganda sa pagbigkas ng
tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin
nitong himig o indayog.
MGA URI NG TUGMA
Tugma sa patinig (Ganap)
hal.
Mahirap sumay a
Ang taong may sal a

hal.
Kapagka ang tao sa saya’y nagaw i Minsa’y
nalilimot ang wastong ugal i
Para masabing may tugma sa patinig, dapat
pare-pareho ang patinig sa loob ng isang
saknong o dalawang magkasu- nod o salitan.

hal.
aaaa
abab
aabb
Tugma sa katinig (Di-ganap)

a. unang lipon – b,k,d,g,p,s,t


hal.
Malungkot balikan ang taong lumipa s Nang
siya sa sinta ay kinapos-pala d
b. ikalawang lipon – l,m,n,,ng,r,w,y

hal.
Sapupo ang noo ng kaliwang kama y
Ni hindi matingnan ang sikat ng ara w
b. ikalawang lipon – l,m,n,,ng,r,w,y

hal.
Sapupo ang noo ng kaliwang kama y
Ni hindi matingnan ang sikat ng ara w
KARIKTAN
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na
salita upang masiyahan ang mambabasa gayon
din mapukaw ang damdamin at kawilihan.

Halimbawa:
maganda – marikit
mahirap - dukha o maralita
TALINHAGA
Magandang basahin ang tulang di tiyakang
tumutukoy sa bagay na binabanggit. Ito’y
isang sangkap ng tula na may kinalaman sa
natatagong kahulugan ng tula.
Hal:
nag-agaw buhay
nagbababnat ng buto
MALAYANG
TALUDTURAN
Isang tula na isinulat nang walang sinusunod
na patakaran kung hindi ang anumang naisin
ng sumusulat.

Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ni


Alejandro G. Abadilla
AKO ANG DAIGDIG
Ako ang daigdig ni Alejandro G. Abadilla
I
ako
ang daigdig

ako
ang tula

ako
ang daigdig
ang tula

ako
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig

ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig
II
ako
ang daigdig ng tula

ako
ang tula ng daigdig

ako
ang malayang ako
matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tula

ako
ang tula
sa daigdig

ako
ang daigdig
ng tula

ako
III
ako
ang damdaming
malaya

ako
ang larawang
buhay

ako
ang buhay
na walang hanggan

ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay

damdamin
larawan
buhay
tula
ako
IV
ako
ang daigdig
sa tula

ako
ang daigdig
ng tula

ako
ang daigdig

ako
ang tula

daigdig
tula

ako
TRADISYONAL
NA TULA
Ito ay isang anyo ng tula na may
sukat,tugma at mga salitang may
malalim na kahulugan.
BLANGKO
BERSO
tulang may sukat bagamat walang
tugma.

You might also like