You are on page 1of 9

MGA PAKSANG TATALAKAYIN

A. Mga Uri ng Taludturan


1. Tradisyunal
2. Malayang Taludturan
3. Blangko Berso
B. Mga Ponemang Suprasegmental
1. Diin
2. Tono/Intonasyon
3. Hinto/Antala

A. PAGTUKLAS:

Basahin ng buong damdamin:

Sa Aking mga Kabata


ni Dr. Jose Rizal
  
Kapagka ang baya'y sadyang umiibig
sa kanyang salitang kaloob ng langit,
sanlang kalayaan, nasa ring masapit
katulad ng ibong nasa himpapawid.
 
Pagka't ang salita'y isang kahatulan
sa bayan sa nayo't mga kaharian,
at ang isang tao'y katulad kabagay
ng alinmang likha noong kalayaan.
 
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
mahigit sa hayop at malansang isda,
kaya ang marapat pagyamaning kusa
na tulad ng inang tunay na nagpala.
 
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,
sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
sapagkat ang Poong maalam tumingin
ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
 
Ang salita nati'y tulad din sa iba
na may alpabeto at sariling letra,
na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
ang lunday sa lawa noong dakong una.
 
                           Calamba, 1869
Ako ang daigdig ni Alejandro G. Abadilla
I II III IV
ako ako ako ako
ang daigdig ang daigdig ng tula ang damdaming ang daigdig
malaya sa tula
ako ako
ang tula ang tula ng daigdig ako ako
ang larawang ang daigdig
ako ako buhay ng tula
ang daigdig ang malayang ako
ang tula matapat sa sarili ako ako
sa aking daigdig ang buhay ang daigdig
ako ng tula na walang hanggan
ang daigdig ako
ng tula ako ako ang tula
ang tula ang tula ang damdamin
ng daigdig sa daigdig ang larawan daigdig
ang buhay tula
ako ako
ang walang maliw na ako ang daigdig damdamin ako
ang walang kamatayang ako ng tula larawan
ang tula ng daigdig buhay
ako tula
ako

PAGHAHAMBING:
1. Ano ang inyong napansin sa paraan ng pagkakasulat ng dalawang tula?
2. Anong katangian ng tula ang nakita ninyo sa mga ito? Ipaliwanag.
3. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang mga tulang ito?

MGA MAHAHALAGANG TANONG:


1. Paano mas nagiging masining at kahali-halina sa mambabasa at tagapakinig ang isang tula?
2. Paano napahahalagahan ang uri ng taludturan ng isang tula?
3. Paano nakatutulong ang kaalaman sa ponemang suprasegmental sa pang-araw-araw na
pamumuha ng tao?

INAASAHANG PRODUKTO/PAGGANAP:
Pagsulat ng tula gamit ang isa sa mga uri ng taludturan.
Sabayang Pagbasa ng isang napiling tula.
MGA KRAYTIRYA SA PAGMAMARKA:
Mamarkahan ang isinulat na tula batay sa sumusunod na kraytirya:

Taglay ang mga elemento ng tula - - - 20%


Wastong gramatika - - - - - 10%
Napapanahon ang paksa - - - - 25%
Tumutugon sa layunin - - - - - 30%
Hindi bababa sa tatlong saknong- - - - 15%

B. PAGLINANG:

 Pagbasa sa tulang “Ang Manok kong Bulik” ni Jose Corazon de Jesus. Ihambing ito sa tulang
“Ako ang Daigdig” ni Alejandro G. Abadilla ayon sa: A. sukat B. Tugma C. Paksa
Ang Manok Kong Bulik
Jose Corazon de Jesus

Linggo ng umaga. Ang nayo'y tahimik,


ang maraming dampa'y naro't nakapinid
liban na sa ibong maagang umawit
ay wala ka man lang marinig sa bukid...
Di-kaginsa-ginsa'y aking naulinig
ang pagtitilaok ng manok kong bulik,
ako'y napabangon at aking naisip:
Pintakasi ngayon! May sabong sa Pasig!

Gadali pa halos ang taas ng Araw


sa likod ng gintong bundok ng Silangan
ay kinuha ko na sa kanyang kulungan
ang manok kong bulik na sadyang panlaban...
Kay-kisig na bulik! At aking hinusay
bawa't balahibong nasira ang hanay,
ang palong ay aking hinimas ng laway,
binughan ng aso nang upang tumapang!

Muling nagtilaok nang napakahaba


at saka gumiri nang lalong magara,
kumkukutok-kutok pa't kumahig sa lupa,
napalatak ako nang hindi kawasa...
Ang aking puhunang sampung piso yata'y
nabilang ko tuloy sa malaking tuwa!
"Sampung pisong husto" ang aking nawika!
"kapagka nanalo'y doble na mamaya!"

Nang aalis ako't handa nang talaga,


siyang pagkagising ng aking asawa;
sinabi sa aking iwanan ko siya
ng maipamaryang dalawang piseta,
ang sagot ko nama'y mangutang ka muna't
sa pagbabalik ko ay babayaran ta...
Nguni, di pumayag, ako'y lumayas na't
baka ang baom ko ay makulangan pa!

Sumakay sa tram'ya na patungong Pasig,


na taglay ang tuwang walang kahulilip!
Hinhimas-himas ang manok kong bulik
at inaantig ko ang lakas ng bagwis!
Nang ako'y dumating sa Pasig kong nais
di naman nalaon ay aking sinapit
ang lumang sabungan; tao'y nagsisikip!

Nakiupo ako't nakikiumpuk-umpok


sa hany ng mga taong tanga'y manok,
ang aking katabi'y agad kong hinimok
na kami'y nagkahig upang magkasubok;
nagkayari kaming sa labang susunod,
mga manok nami'y siyang magsasalpok,
kaya ako noon sa tuwa ng loob
ang panalo'y tila salat ko na halos!

Nang kami'y naron na sa sadyang bitawan,


ang sigawa'y halos hindi magkamayaw!
Ang dala kong kuwalta, todo sa pustaha't
pati kusing yata'y ipinag-ubusan...
"Sa pula! Sa pula!" ang doo'y hiyawan;
"Sa bulik! Sa bulik!" ang dito'y tawagin,
may logro ang diyes sa aking kalaban
at may doblado pa akong napakinggan.

Ang tari ay aming hinubdan ng katad


at ang talim nito'y kumisap na kagyat;
iniaro ko na ang manok kong hawak
saka ibinaba nang lubhang banayad...
nagpandali na po sa gitna ng galak
ang bulik at pulang kapwa malakas,
nang magkasalpok na sa dakong itaas
ang pula'y natari't bituka'y lumabas!

"Panalo na ako!" ang aking nasambit,


ang kagalakan ko'y walang kahulilip
nguni't sa hindi ko malaman kung bakit
ay biglang tumakbo ang manok kong bulik
at hagad bg pula'y sa sulok sumiksik
na nangungupeteng sa karuwaga'y labis...
Kaya, sa nangyari ako ay nanlamig
at pinagpusan pa ng gamunggong pawis...

Nang aking kunin na ang manok kong duwag,


ngalingali ko nang sa lupa'y ihampas,
biro baga itong wala namang sugat
ay siyang tumakbo nang wala sa oras!
Ang sambalilo ko'y nalabnot ko't sukat
at ako'y nanggigil sa sariling palad,
hiyawan ng tao'y hindi magkamulat
at parang tiyupe ang manok kong hawak!

At ako'y umuwing malatang-malata,


malamig ang tulo ng pawis sa mukha,
nang aking sapitin ang sira kong dampa
sa aming palayok tutong man ay wala...
Mainit ang ulo't walang patumangga
sa aking asawa'y nasabi kong bigla;
"O! anak ang tupa! ako ay sinama,
dahil sa kanina'y namuwisit kang lubha!"

Sa nangyayaring ito'y isang bagay lamang


ang sa pagkatalo'y aking natutuhan,
bawa't pagkabigo ay aral sa buhay
at tinandaan kong sabong ay ilagan,
iyang mga taong lagi sa sabungan
todo kung pumusta't todo kung humapay,
alin sa dalawa ang kahihinatnan:
Mamatay sa gutom o kaya'y magnakaw!
INPUT NG GURO:

URI NG TALUDTURAN

1. Tradisyonal-may sukat at tugma. Magkasintunog ang mga huling pantig sa bawat taludtod at may
tiyak na bilang ang mga pantig.

2. Malayang Taludturan-walang sukat at walang tugma.

3. Blangko Berso-may sukat ngunit walang tugma.Karaniwang sukat ay lalabindalawang pantig.Bagamat


wala itong tugmaan,taglay nito ang kaluluwa ng tula na ipinapahayag sa marikit na pananalita na angkop
sa isang tula.

C. PAGPAPALALIM
1. Suriin ang iba’t ibang pagpapakahulugan ng mga salita sa sumusunod na usapan.

gan
BRENT: Ma ang nabiling damit ni Janna.
da

da?
JEM: Ma
gan

ARLENE: Hindi si Clara ang kumain ng inihanda mong pagkain.

DARWIN: Hindi, si Clara ang kumain ng inihanda mong pagkain

FAITH: Maraming /pakộ/ sa bahay nina Hailey. Maaari tayong


humingi.

RAMIDEL: Balita ko ginagawa ang kanilang bahay. Mag-ingat tayo


baka maraming /pa.ko/ na nakakalat doon.

Talakayan:
a. Tungkol saan ang pinag-uusapan nina Brent at Jem? Ano ang ibig ipakahulugan ni
Jem sa kanyang naging tugon kay Brent?

b. Magkatulad ba ang ibig sabihin ni Arlene at Darwin sa kanilang pahayag? Ipaliwanag


ang sagot.

c. Ilahad kung ano ang dalawang magkatulad na baybay na ginamit sa usapan.


MGA PONEMANG SUPRASEGMENTAL

Ponema - ang pinakamaliit na unit ng makabuluhang tunog.


1 Ang pag-aaral ng ponema ay binubuo ng segmental at suprasegmental.
2
Segmental = ay ang tunay na tunog at ang bawat tunog ay
kinakatawanan ng isang titik sa ating alpabeto.
Suprasegmental = ay ang pag-aaral ng diin (Stress), tono
(tune), haba (lengthening) at hinto
(Juncture).
 
Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag
o ng nagsasalita sa pamamagitan ng mga ponemang suprasegmental o ng mga haba, diin, tono
at hinto sa pagbibigkas at pagsasalita.
 
1.       Haba
* ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat
pantig.
* maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.
* mga halimbawa ng salita:
bu.kas = nangangahulugang susunod na araw
bukas = hindi sarado
2.       Diin
*tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang binibigkas.
*maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
*Mga halimbawa ng salita:
BU:hay = kapalaran ng tao
bu:HAY = humihinga pa
LA:mang = natatangi
la:MANG = nakahihigit; nangunguna
3.       Tono
* nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap
* Tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono.
* maaaring gamitin ang blg. 1 sa mababa, blg. 2 sa katamtaman at blg. 3 sa mataas.
* halimbawa ng salita:
Kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay
talaga = 213, pag-aalinlangan
talaga = 231, pagpapatibay
4.       Hinto
*ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe.
*maaring gumamit ng simbolo kuwit( , ), dalawang guhit na pahilis ( // ) o gitling ( - )
* mga halimbawa ng salita:
Hindi, siya ang kababata ko.
Hindi siya ang kababata ko.
 

D. PAGLALAPAT
1. Magbalik-aral sa mga kraytiryang gagamitin sa pagtataya sa inaasahang produkto/pagganap
(Pagsulat ng tulagamit ang isa sa mga uri ng taludturan).
Pamantayan:
a. May layuning: Nakasusulat ng isang tula na pumupuri sa kabayanihan ng mga guro.
b. Lagyan ng angkop na pamagat.
c. Bubuuin ng tatlo o higit pang saknong, apat na taludtod sa bawat saknong.
d. Gumamit ng isa sa tatlong uri ng taludturan (Tradisyonal, Malaya, Blangko Berso)
e. Maging malinis sa pagsulat.

2. Pumili ng isang tula sa ginawa ng inyong pangkat at magtanghal ng isang sabayang pagbasa.

You might also like