You are on page 1of 19

Panunuring

pampanitikan ng
pilipinas
(fil 207)
‘Ako ang Daigdig’
Alejandro g. Abadilla

2
Alejandro G. Abadilla
‘AGA’
Ama ng Modernistang Pagtula sa Tagalog

3
Si Alejandro G. Abadilla (A·le·hán·dro A·ba·díl·ya) ang
kinikilalang “Ama ng Modernistang Pagtula sa Tagalog.” Bukod sa
pagiging makata, isa rin siyáng nobelista at kritikong pampanitikan.
Sa kaniyang mga akda, hinamon at sinalungat ni Abadilla ang
kahong paggamit ng tugma at sukat sa tula at ang labis na romantisismo
sa panitikang Tagalog. Isa siyá sa mga tagapagtatag ng Kapisanang
Panitikan, at editor-tagapaglathala ng magasin nitóng Panitikan upang
isulong ang pagpapaunlad ng panitikang Tagalog. Itinuturing ang tula
niyang ”Ako ang Daigdig” na hudyat ng pagsilang ng Modernistang
pagtula sa Tagalog bukod sa lumikha ito ng malaking kontrobersiya sa
nilalaman at sa anyong may malayang taludturan.

4
Ang kaniyang mga aklat ng tula ay Ako ang Daigdig at Iba Pang
Tula (1955), Piniling mga Tula ni AGA (1965), at Tanagabadilla (1964,
1965); ang kaniyang mga nobela ay Singganda ng Buhay (1947)
at Pagkamulat ni Magdalena (1958). Siyá ang editor ng mga
antolohiyang Parnasong Tagalog, ang unang pagtitipon sa isang aklat ng
mga pangunahing tula ng mga makatang Tagalog mula 1800 hanggang
1940s, Mga Kuwentong Ginto (1936, kasama si Clodualdo del Mundo
Sr.), Ang Maikling Kathang Tagalog (1954, kasama si Federico Sebastian
at A. D. G. Mariano), at Maikling Katha ng 20 Pangunahing Awtor (1957,
kasáma si Ponciano B. P. Pineda).

5
Nagsimula siyáng makilála bilang kontrobersiyal na manunulat
noong buksan niya ang isang kolum sa pamimilì ng mahuhusay na
maikling kuwento at tula. Pinamagatan niya ang kolum na Talaang
Bughaw at minarkahan sa pamamagitan ng isa hanggang tatlong
asterisko ang ipinalalagay niyang husay ng isang nalathalang akda.
Maraming nagalit na katandaan at popular na manunulat dahil malimit
na mababà ang kanilang markang asterisk.

6
Isinilang siyá sa Salinas, Cavite noong 10 Marso
1906 sa isang simpleng pamilya. Nagtapos siyá sa Mababang
Paaralan ng Baryo Sapa at sa Mataas na Paaralan ng Cavite.
Nakamit niya ang titulong Batsilyer sa Sining ng Pilosopiya
mula sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1931. Nagsilbi
siyáng konsehal sa munisipyo ng Salinas hanggang 1934, at
pagkaraan ay naglako ng seguro para sa Philippine-American
Life Insurance. Nagkaroon siyá ng walong anak sa asawang si
Cristina Zingalava. Pumanaw siyá noong 26 Agosto 1969.

7
I II
ako ako
ang daigdig ang daigdig ng tula
ako
ako ang tula ng daigdig
ang tula
ako ang malayang ako
ako matapat sa sarili
ang daigdig sa aking daigdig
ng tula ng tula
ang tula
ng daigdig ako
ang tula
ako sa daidig
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako ako
ang tula ng daigdig ang daigdig
ng tula
ako
8
III
ako
ang damdaming IV
malaya ako
ang daigdig
ako sa tula
ang larawang
buhay ako
ang tula
ako sa daigdig
ang buhay
na walang hanggan ako
ang daigdig
ako
ang damdamin ako
ang larawan ang tula
ang buhay
daigdig
damdamin tula
larawan ako....
buhay
tula
ako 9
Noong una, hindi tinanggap ng mga
kritiko ang tulang ito dahil naiiba sa
tradisyonal na paraan ng pagsulat ng at paulit
ulit ang mga ginamit n salita.
Sa kalaunan naman ay tinanggap rin at
hinirang ang tulang ito na isa pinakasikat na
tula sa kaniyang panahon.

10
PAGSUSURI
֍ Ang kayarian ng tula ay nasa MALAYANG
TALUDTURAN dahil walang sinunod na sukat at
tugma sa bawat taludtod
֍ Ang tulang ito ay nakapaloob sa apat (4) na saknong
֍ Tulang naglalarawan - nagpapahayag ng
pagpapahalaga o pagkamuhi ang makata

11
֍ Ang mga talinghagang ginamit na tayutay ay
metapora
Ang "metapora" ay tiyakan o tuwirang
paghahambing. Hindi na ito gumagamit ng mga
salitang (tulad, wangis, tila, parang at iba pa).
Tahasan inihambing ng manunulat ang tula at
daigdig sa kaniyang sarili, sa pamamagitan ng
pagsasabing siya ang tula at daigdig.

12
Ang mga teoryang ginamit ay:
֍ Arkitaypal, kung saan gumamit ang may-akda ng mga
simbolo at ang mga simbolismong napapaloob sa akda
ay magkaugnaysa isa’t isa.
֍ Eksistensyalismo, ang layunin ng may-akda ay ipakita
na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para
sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili sa mundo na siyang kanyang ginawa sa hindi
pagsunod sa pamantayan sa pagsuat ng tula.

13
֎ May konsepto ng tula na tingatawag na Poetic
License kung saan ito ay ang karapatan ngmakatang
umiwas sa talatag ng mga pamantayan at/o mga
tuntunin upang magkaroon ng ibang bias o epekto.
֎ Ayon sa Pamamaraan ay masagisag ang ginamit ng
makata at mga simbolo o pahiwatig sa
pagpapakahulugan ng kanyang akda.

14
Simbolo
֎ AKO- Ang tumutukoy sa makata makata
֎ TULA-Isang uri ng sining at panitikan na kilala sa
malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at
estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit
ng tayutay.
֎ DAIGDIG- mundong kinabibilangan ng tao.

15
Ipinakita ng tulang ito na maaaring walang sukat at
tugma ang isang tula at maaaring maging malaya ang mga
Pilipino sa pagsulat ng diwang gusto nating malaman ng
mga tao tulad ng kaniyang ginawa. Malaya niyang
ipinahayag ang kaniyang saloobin ng walang sinisunod na
pamantayan.

16
Sa linyang ‘Ako ang tula ng daigdig’, sinasabi ni
Abadilla na bawat isa sa ating, bilang tao, ay may
karapatan sa sarili nating buhay, na tayo ang bumubuo sa
daigdig, tayo ang sariling nating mga boses.Sa pamagat
pa lamang ay nagpapakita na ito ng pagiging masigasig
ng awtor na ipaglaban ang kalayaan hindi lamang ng
panitikan kundi ng ating mga sarili. Bawat isa sa atin ay
ang daigdig na nagpapa-ikot nito. Kalian man ay hindi
dapat tayo matakot na isigaw ang dapat ay nararapat sa
atin.

17
Bisa sa isip
Ang dulot nito sa akin ng akin itong nabasa ay
malaya kang gawin ang gusto mo kahit walang
pamantayan.
Bisa sa Damdamin
Ang tulong nito ay naturo sa akin na magtiwala
lamang sa gawa mo lalo kung galing ito sa puso mo.
Bisa sa Kaasalan
matutong ipaglaban ang karapat lalo na kung ito ay
nasa tama.

18
19

You might also like