You are on page 1of 5

Panlahat na Layunin:

1. Mjs
2. Snu
3. Sny

Tiyak na Layunin:

1. Jde
2. Wjy
3. Wny

I. PANIMULA

A.) Pamagat ng Tula


Ako ang Daigdig
B.) May-akda ng Tula
Alejandro G. Abadilla

II. REPLEKSYON

Sa tulang ito ipinapakita ang pagkakaisa ng katauhan ng


nagsasalita sa daigdig at sa tula. Ang mga salitang ako,daigdig, at
tula ay pinagbabaliktaddahil sila ay pare-pareho at hindi mo
makikilala ang kanilang pagkakaiba. Ditto ipinapakita na ang
nagsasalita ay walang limitasyon kaya wala siyang kamatayan. Ang
kanyang tula ay wala ding limitasyon dahil siya at ang tula ay
iisa.dito ipinapakita ang pag-uulit niya sa kanyang naunang nais
ipahayag na iisa ang nagsasalita, ang daigdig, at ang tula.
Ipinapakita rin ang kagandahan ng kanyang likha sa pagsasabing
siya ay Malaya at matapat sa sarili, kahit ano pang sabihin ng mga
kritiko.pinapakita rin sa tula na nagrerebelde ang manunula sa mga
paghihigpit sa paraan ng pagsulat ng tula. Pinatunayan ito ng
paggamit ng mga salitang damdaming Malaya. Ang buhay na
walang hanggan ay maaaring tumutukoy sa pananatili ng kanyang
sariling estilo sa pagtula. Maging ang pagkakaisa ng kanyang
pagkatao, damdamin at paniniwala sa tula na kanyang daigdig. Ang
huling salita ditto ay “AKO” at pinapakita ditto ang kanyang
pagtitiwala sa pasya niyang lumihis sa nakasanayang estilo ng
panunulat ng tula.

III. PAGSUSURI

A.) Uri ng Tula


Drama
B.) Kaanyuan ng Tula

 Ang TEMA ng tulang “Ako ang Daigdig” ay ang malayang pagsulat ng


isang tula na walang sinusunod na hakbang. Malaya kang ipalabas
ang iyong saloobin sa pamamagitan ng pagsulat ng tula.
 Ang PAKSA nito ay tungkol sa malayang pagpapahayag ng
damdamin. Ang paglabag sa nakasanayang porma ng isang tula.

C.) Uri ng Pananalig na Ginamit

Ang uri na pananalig na ginamit sa tulang ito ay Existensyalismo,


nakung saan bilang tao, ay may karapatan sa sarili nating buhay na
ipahayag ang nasa saloobin natin na hindi dapat tayo ay sunud-sunuran
lamang, na tayo ang bumubuo sa daigdig, tayo ang sarili nating mga
boses. Kailanman ay hindi dapat tayo matakot na isigaw ang dapat ay
nararapat sa atin.

D.) Istilo ng Paglalahad

Masasabi ko talaga na iba ang istilo ng paglalahad ang ginamit sa


tulang ito sapagkat, paulit-ulit-ulit lamang ang mga salita ng tula,
binabaliktad lamang ito. sa umpisa wala akong asyadong maintindihan
ngunit, kalaunan unti-unti ko ring naiintindihan. Sobrang iba ng istilo ng
tulang ito, ang porma, talagang masasabi mong Malaya nga siya.

E.) Sariling Reaksyon

Mga pansin at puna sa:

a.) Tauhan
Sa tula ang sumulat nito ay talagang sumuway sa patakaran
ng paraan ng pagsulat ng tula ngunit pinapahiwatig lamang nito na
dapat tayo ay malaya na ipahayag an gating mga saloobin na
walang sinusunod na anuman.

b.) Galaw ng Pangyayari

Medyo naguguluhan lang ako at naninibago sa pormat at


galaw ng tulang ito sapagkat ngayon lang ako nakabasa nang
ganitong uri ng tula na kung saan walang ibang laman na salita
kundi , ako, daigdig, tula, buhay, na paulit-ulit lamang at
pinagbabaliktad lang. ngunit sa huli’y pag naintindihan mo na hindi
na mahirap.
IV. PANANAW: EXISTENSYALISMO, HUMANISMO

Existensyalismo

V. BISANG PAMPANITIKAN

a.) Bisa sa Isip

Nang mabasa ko ang tulang ito nasabi ko na “ ano bang klaseng


tulang ito, bakit paulit-ulit lang? wala bang ibang salita ang nakita nang
awtor kaya inuulit niya na lamang ?” ngunit nang ilang beses kong
inulit na binasa doon ko napagtanto at naintindihan ang nais na
iparating ng tula at ipahiwatigna kungsaan sa pagkakaintindi ko nais
niya lamang na maging Malaya sa pagsulat ng tula gaya na lamang
nang hindi sinusunod ang patakaran at hakbang sa paggawa ng tula
na ayon sa panitikang pinag-aaralan. Na maaaring gawin ang
anumang kanyang naisin. Sa tulang ito nakita ko ang ugnayan na
nagawa ng manunulat sa pagitan ng tula, daigdig, at sarili.

b.) Bisa sa Damdamin

Dahil rin s atula nailalabas natin ang katotohanan, ito ay maaaring


maging sangkap o gamit para ipaalam sa nakararami ang
katotohanan, ang tunay nating nararamdaman. Nasasabi natin ang
totoo ng walang pag-aalinlangan, ng walang pumipigil. Kaligayahan o
kalungkutan, pag-ibigo galit, pagsang-ayon o pagkontra, ang lahat ng
ito ay Malaya nating maipapakita sa tula. Hindi kailangang
mangambang mawala ito o may magbawal na ito’y mailathala.
c.) Bisa sa Kaasalan

Paminsan-minsan ay nakakaligtaan natin ang mensaheng


nakabaon sa isang tula at nahuhuli lamang an gating atensyon sa
porma at mga salitang ginamit nito. Ang tulang ito ay tila
nagpapahiwatig na sa mga Pilipino na bumangon at huwag
magpapa-api sa mga dayuhang sumakop sa bansa. Malaya
tayong lahat na ilahad ang ating mga saloobin na walang sinisunod
na anuman.

VI. Paglalapat ng mga Salawikain

a.)

You might also like