You are on page 1of 4

1. Pangatwiranan ang pamagat.Bakit naisulat? Anong teorya?

Tayong mga Maria Magdalena. Isang maikling kwento na isinulat ni


Fanny A. Garcia na nakapagtanggap ng ikatlong gantimpala sa dibisyon
ng Filipino (maikling kwento), 1983 Palanca Awards.
Nagpapakita din ng kwentong ito ang mga kasamaang nag-uugat
sa kahirapan ng bayan. Ang biktima sa kwentong ito, si Hilda (o si "Ne"),
ay napunta sa prostitusyon dahil nais niyang makakita ng madaming
pera para makatulong sa kanyang inay at makapag-aral sa kolehiyo.
Madalas napupunta ang mga despiradong babae sa mga trabaho na
ito at sa mga sitwasyon na kung saan “wala nang ibang
mapupuntahan/mapapasukan”. At kahit sa kasalukuyan, nangyayari pa
din sa madaming dalagang babae ang mga dinaanan ni Hilda. Hindi
mawawala ang industriya na magpapabuhay dito.
Teoryang Feminismo
• Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at
kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo
sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay
ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

2. Sino ang awtor?


Si Fanny A. Garcia ay kilala bilang isang manunulat ng mga
maikling kwento at mga skripto. Siya ang kauna-unahang nakapagtapos
sa progranmang Malikhaing Pagsusulat sa antas "materado" at
"doktorado" sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Sa kasalukuyan, siya ay
nagtuturo at nagmamahalang tagapangulo ng Departamento ng
Filipino sa Pamantasang De La Salle.
Ang ilan sa mga gawa niya ay nakatanggap ng mga parangal
tulad ng Carlos Palanca award at ang National Book award. Ang iilan sa
mga gawa niyang libro ay: Sandaang Damit ,

Was born in, what was then, Malabon, Rizal, now Malabon City. She
is a teacher, writer (fictionist, essayist, scriptwriter), editor, researcher and
translator. She graduated from the University of the Philippines with a
master’s degree, and a Ph.D. in Creative Writing.
Garcia is a multi-awarded writer in the Carlos Palanca Memorial
Awards for Literature in the short story, essay, script, and children’s story
categories. Her work was nominated for Best Story and Best Screenplay for
the film Saan Darating ang Umaga? (Viva Films, Inc.,1983). Her books
include Sandaang Damit at Iba Pang Kuwento, Apartment 3-A Mariposa
St. Pitong Teleplay (co-editor), Apat na Screenplay (co-editor), Erick
Slumbook: Paglalakay Kasama ang Anak Kong Autistic. (2005 National
Book Award, Autobiography/Biography Category, Manila Critics’ Circle
and 2005 Book Awardee, Fr. Miguel Febres Research Award, De La Salle
University-Manila) and Family Album: Mga Piling Personal na
Sanaysay/Salaysa.
Her short stories and essays are frequently anthologized in high
school and college textbooks. Some have been translated into English
and Russian. Garcia is a Professor at the Department of Filipino, De La
Salle University-Manila and resides in Diliman, Quezon City.

3. Ano ang pinakapaborito mong pangayayari?


Ang pinakagusto kung pangyayari ay ‘yong sa kakalasan ng kuwento at ito
ang talatang : Gusto ko sanang maging praktikal katulad ng madalas na
sabihin ni Mother. Sige, sabi ko sa sarili ko, magtiis muna ako sa trabaho mo,
mag-ipon ka muna para sa isang munting negosyo---sari-sari store, o traysikel
o dyip. O kaya’y pangmatrikula sa pagmomodista o pagkukulot. Pero,
talaga hindi na ko matahimik sa trabahong ito. Pag nasa kama ‘ko, naiisip
ko si Nanay, si Linda. Sa bandang huli’y nagsayaw na lamang ako. Pero sa
gitna ng nagkikislapang disco lights,nakikita ko ang mukha ni Nanay, ang
mukha ni Linda. Malakas ang disco music pero mas malakas sa utak ko ang
sinabi ni Nanay” Hindi baleng mahirap tayo, kahit pa magutom, basta
marangal lang.” Ang sinabi ni Linda,”Malalaos ang bawat puta, pero
mananatiling sariwa ang Uncle’s Tom.”

4. Aral sa buhay.
 ” Hindi baleng mahirap tayo, kahit pa magutom, basta marangal lang.”
o ” Hindi baleng mahirap tayo, kahit pa minsan ay magutom, basta
marangal lang at may tiyaga upang maabot ang pangarap na
marangal pa rin.”
 ”Malalaos ang bawat puta, pero mananatiling sariwa ang Uncle’s Tom.”

Lantad at nabanggit na subalit makahulugan, malaman at tunay na


kapupulutan ng aral… ikaw, ako, nasasaatin kung anong dapat pagnilayan
sa dalawang pangungusap na yan!
5. Ikonekta sa tunay na buhay o pangyayari.
Naalala ko noon bago ako makarating dito sa Mindanao ay mayroon
akong mga unang naging kaibigan, kakilala at kahalubilo. Isa na dito
si…itatago ko na lamang sya sa pangalang Ate Bing. Noon bago ako
magsekondarya naging tindera muna ako sa pinagwoworkingan kong
bahay at ako mismo ang namamahala matapos ituro sa akin kung paano
ang mga gagawin. Ang puwesto ng tindahan ay sa harap ng apartment na
pinauupahan ng sa amo ko rin. Tatlong kwarto ito kasunod ang pwesto ng
tindahan. Sa unang kwarto ay pamilya na inuukupahan ng halos lima o higit
pang pamilya. Sa pangalawa naalala ko pa ay may kambal na mga bata,
umalis rin, may magkapatid na parehong may asawa na taga-Manila at
umalis rin, at panghuli ay ang isang pamilya buhat sa Manila na may ari ng
mga karnehan raw sa Manila ang huli kong naabutan. At yon nga ang
panghuling kwarto katabi ng tindahan ko ang kay na ate Bing. Di ko nais
mag-usisa subalit dahil halos isang taon kaming nagkakausap,
nagkakasama at nagbibiruan nagkaroon ng pagkukuwento sa mga buhuay
buhay ng bawat isa mga naging costumer at mga umuupa sa apartment
na iyon. May matalik na kaibigan si Ate Bing, subalit ito’y ‘di nakatira sa
apartment dahil may maganda itong bahay kasunod sa amin. Di ko
maalala ang kanyang pangalan pero siya ang nakapagkuwento sa akin ng
tungkol kay ate Bing. Masiyahin kasi si ate Bing, maingay, malinis sa bahay ,
maging sa sarili kaya nga ata maputi si ate e at talagang masinop. Subalit
matagal ko na ring naobserbahan na bakit parang medyo itim ang kanyang
mga labi kapag walang lipstick. Pula ang mata , parang palengkera at
laging nambubugbog ng kaisa-isang anak na kanyang kasama.
Ayon sa kuwento isa siyang raw babaeng bayaran na nagtatrabaho
noon sa isang club(di kona matandaan anong club yon), pero bago yon ay
lumuwas sya mula sa kanyang probinsya at bata pa sya noon, nabuntis
ngunit ‘di pinanagutan ng ama, kaya’t napilitang magtrabaho sa ganoon.
Sa huli kaya sila napadpad sa apartment ng amo ko ay nakakilala sya sa
club ng lalaking nanagot sa kanya at maging sa anak niya at minahal nga
sila , subalit ito’y sa ibang bansa nagtatrabaho kung kaya’t minsanan lang
umuwi noon si kuya Jay. Kaya siguro minsan kapag ‘di niya makontak ang
lalive in o walang pera ay ang ang kanyang anak ang pinagbubuntungan
ng galit. Subalit sabi niya’y disiplina iyon para maging mabuting anak daw si
… pero sa aking palagay may miminsang tinitingnan niya ang anak niyang
dahilan ng pagkasira ng kanyang buhay. Subalit ‘di natin masisisi kung bakit
ganoon ang tingin niya sa pangyayari ng kanyang buhay bagkus
ipinapanalangin ko na lamang silang mag-ina.
Bakas man sa mata ni ate Bing ang labis na kalungkutan sa kanyang
nakaraan pilit naman niyang inaayos ang buhay niya kahit mahirap.
Magkaiba man ang istorya ng bida sa kuwento pareho rin nakaranas
ng ganoong klase ng buhay at tunay ngang may ganitong mga pangyayari
sa lipunan na ating ginagalawan.

You might also like