You are on page 1of 11

“COLON” Katha ni Rogelio Braga

Pagsusuri ng Nobela

Lit 105 – Maikling Kwento at Nobelang Filipino


Gonzales, Jomarc Cedrick T.
BSED-III Filipino
Desyembre 26, 2020

I. A. PAMAGAT NG KATHA at MAY-AKDA


“COLON”
Ni Rogelio Braga

Mandudula, mananaysay, at kwentista si Rogelio Braga. Anim sa kanyang mga dula ang naitanghaal na
sa taunang Virgin Labfest ng Cultural Center of the Philippines. Fellow siya para sa nobela ng UP National
Writers Workshop noong 2014. Ginawaran ng Literary Excellence Award ng Unibersidad ng Santo Tomas
noong 2000, nagkaroon ng nominasyon sa Gawad Buhay ng PHILSTAGE para sa kanyang dula at parangal
mula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature para sa kanyang katha. Nailathala ang Sa
Pagdating ng Barbaro at Iba Pang Mga Dula (Ateneo de Naga Unibersity Press, 2014) na koleksiyon ng ilan sa
kanyang mga dula sa isang yugto. Kasalukuyan siyang guro ng Humanidades at Kasaysayan sa Mapua Institute
of Technology sa Itramuros at Panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ang nobelang Colon ay naisulat dahil
sa tulong at inspirasyon ng ilang mga kaibigan at mga taong malapit sa kanyang puso. Nang dahil sa bakasyon
sa trabaho na ibinigay sa kanya noon kaya niya naisulat itong nobelang ito sa Cebu.

B. SANGGUNIAN
Braga, R.,(2015). Colon. Quezon City, Philippines, Balangiga Press.
II. BUOD
Si Blesilda ay naniniwala na ang nakaraan ay hindi na importante sa kanyang pagkatao at ang mahalaga ay
ang ngayon, bukas at ang hinaharap. Sapagkat siya ay isang ampon. Inampon siya ng mag-asawang hindi
magkaroon ng anak, sina Nanay Ipang at Tatay Lando. Simula pagkabata ay alaman na ni Blesilda na siya ay
ampon. Dahil dito, siya ay laging dinadalaw ng isang panaginip na siya ay may papatayin na tao sa hinaharap.
Lubos nyang iniisip kung bakit dinadalaw siya ng panaginip na ito, naniniwala siya na baka ito ay parte ng
kanyang nakaraan. Ang panaginip na ito ay lagi niyang kinikwento sa kanyang matalik na kaibigang si Justin.
Si Justin ay mapanaliksik na tao, kaya lagi niyang sinasabi na dapat harapin at alamin ni Blesilda ang kanyang
nakaraan para mabuo na ang kanyang pagkatao. Lingid sa kaalaman ni Blesilda na alam si Justin ang buo nyang
pagkatao. Ito at nadiskubre nya dahil sa kanyang tesis na pumatatungkol sa mga Moro, Ilaga, at mga Pilipino.
Hindi nagtagal, namatay ang mga kinikilalang magulang ni Blesilda sa isang aksidente. Hindi maintindihan
ni Blesilda kung bakit hindi siya makaramdam ng pagkalungkot o pagkaulila. Nang dahil ditto ay minadali niya
ang lamay at gusto na agad niya ipalibing ang kanyang mga kinikilalang magulang. Ngunit, isang hindi
inaasahang bisita ang dumalaw sa huling araw sa lamay ng tumayong mga magulang ni Blesilda. Isang matanda
na bitbit ang isang lihim sa pagkatao ni Blesilda na magdadala sa kanya mula sa kumportableng buhay na call
center executive sa Maynila patungo sa masalimuot na mga lansangan ng Cebu, sa kabukiran ng Manili sa
North Cotabato, at sa kasagsagan ng digmaan sa Mindanao noong panahon ni Marcos.
Makalipas ang ilang buwan ay namatay si Justin. Ayon sa imbestigasyon ay sadyang pinatay si Justin dahil
tinapyas ang tengga nito at ito ay nawawala. May huling habilin si Justin kay Blesilda na hanapin at alamin ang
nakaraan at sinabi kay Blesilda, “Isa kang Moro, mag-ingat ka sa mga Pilipino.” Lubos na nagtaka sa Blesilda
dahil siya ay isang Pilipino, hindi Moro. Ibinigay ng Ina ni Justin kay Blesilda ang tesis ni Justin dahil, nais daw
ni Justin na basahin ito ni Blesilda. Nang binasa niya ang tesis ni Justin ay ito ay naglalaman ng mga bagay at
pangyayari na tungkol sa mga gubyerno, Ilaga, at Moro. Naisip niya na ito ay napakahalaga sapagkat maraming
bagay ang nadiskubre ni Justin. Ito rin ang dahilan kung bakit pinatay si Justin.
Ilang araw pagkatapos namatay si Justin ay ibinalita ng kasambahay ni Blesilda na may mga lalaking
naghahanap sa kanya at tila may hinahanap ito sa bahay nila. Inisip ni Blesilda na ang hinahanap ng mga lalaki
ay ang tesis ni Justin at ang mga lalaking ito ay ang mga Ilaga. Sapagkat ayon ayon sa tesis ni Justin ay ang
mga Ilaga ay pumapatay at kinukuha ang kabilang tenga, simulo ng kanilang katapangan. Dahil dito ay
nagbakasyon si Blesilda sa Cebu at inaalam ang buong pagkatao niya.
Maraming nakilala si Blesilda sa Cebu. Nalaman din niya ang buong katotohan sa pagkatao niya, na siya
pala ay isang Moro. Ngunit ayaw niyang maging Moro, gusto nyang mamatay bilang isang Pilipino. Maraming
taong namatay sa mga bagay na kanyang natuklasan. Nais niyang maghiganti ngunit, nagibabaw pa rin sa kanya
ang pag-iisip at puso na ang pagpapatawad at pagpapaubaya sa Diyos ang pinaka-magandang paghihiganti.

III. PAGSUSURI

A. URI NG PANITIKAN
Ang akdang “Colon” ni Rogelio Braga ay isang NOBELA sapagkat ito ay naglalayong
gumising sa diwa at damdamin, Nananawagan sa guniguni at talino, Mapukawang damdamin ng
mambabasa, Magbigay ng aral tungkol sa pagunlad ng buhay at lipunan,Nagsisilbing daan tungo
a pagbabago sa sarili at lipunan. Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na
naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin
ng katunggali sa kabila, isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring
magkasunod at magkakaugnay. Umiikot ayon sa karanasan ng tao sa kanyang sarili at sa
kanyang buhay.

B. ISTILO NG PAGLALAHAD
Ang nobelang “Colon” ni Rogelio Braga ay gumagamit ng istilong Sikwensyal upang
isalaysay ang kwento ng buhy ni Blesilda at sa lipunang ginagalawan nito. Ang pamamaraang ito
ay kinapapalooban ng mga serye ng pangyayaring magkakaugnay sa isa’t isa na humahantong sa
isang pangyayari na siyang pinakapaksa ng akda.

C. TAYUTAY
 Pagtutulad / Simili
 Ang pag-ibig ay tila isa ring pananakop at ang mangingibig, isang dakilang
mananakop.
Ito ay isang pagtutulad (Simile) sapagkat gumagamit ng katagang "tila"na
nagbabadyang maghambing. Di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang
bagay. Ang pag-ibig ay inihalintulad sa isang pananakop.
 Pero ngayon, nadadalas ang pagdalaw sa akin ng panaginip na ito, parang
multo na sinusundan ako saan man ako magtago.
Ito ay isang pagtutulad (Simile) sapagkat gumagamit ng katagang
"parang"na nagbabadyang maghambing. Paghahambing sa dalawang magkaibang
tao, bagay, pangyayari at iba pa. Ang pagdalaw ng panaginip ay inihalintulad sa
isang multo.
 Habang nakatarak ang kutsilyo sa leeg niya ginalaw ko ito nang ginalaw
hanggang sa mangisay siya na parang manok na ginilitan.
Ito ay isang pagtutulad (Simile) sapagkat gumagamit ng katagang
"parang"na nagbabadyang maghambing. Paghahambing sa dalawang magkaibang
tao, bagay, pangyayari at iba pa. Ang paraan ng pagpatay ay inihalintulad sa isang
manok sa gigilitan.
 Pagtanggi
 Hindi ako mahilig na makipagbarkada sa mga tao sa office, lalo na sa mga
taga-Operations.
Ito ay isang pagtanggi (Litotes) sapagkat gumagamit ng katagang "hindi"
na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na
pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin. Ito ay nangagahulugan na
itinatanggi ni Blesilda na siya ay palakaibigan.
 Tanong Retorikal
 Bakit umaalis ang lahat ng taong malapit sa akin?
 Bakit sila namamatay nang walang pamamaalam?
 Bakit palaging nagtatapos siya sa nag-aasó na bangkay?
Ito ay isang Tanong Retorikal (Rhetorical Question) sapagkat gumagamit
ng katagang "Bakit" na nagbabadyang magtanong. Ito ay hindi naghihintay ng
kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan. Wala itong inaasahang
sagot kung saan ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe.
D. SARILING REAKASIYON
1. PANANALIG PAMAPANITIKAN/TEORYA
Teoryang Bayograpikal
Ang layunin ng Teoryang Bayograpikal ay ipamalas ang karanasan o
kasagsagan sa buhay ng pangunahing tauhan at maging ang iba pang tauhan.
Ipinahihiwatig sa akdang ito ang mga bahagi sa buhay ng mga tauhan na siya
niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka”
na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa
mundo. Sa kwento, ang halimbawa nito ay ang pagsasalaysay ng buhay nina
Blesilda, Justin, Aldo, at iba pa.

Teoryang Historikal
Ang layunin ng Teoryang Historikal ay ipakita ang karanasan ng isang lipi
ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog.
Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng
mundo. Sa kwento, ang halimbawa nito ay ang ginawang tesis ni Justin na
naglalaman ng mga mahahalagang pangyayari sa nakaraan o kasaysayan ng mga
Moro, Ilaga, at katiwaliaan sa Gobyerno.

Teoryang Realismo
Ang layunin ng Teoryang Realismo ay ipakita ang mga karanasan at
nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay
hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng
may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat. Sa kwento, Ang
halimbawa nito ay ang buhay ni Blesilda. Masasalamin sa kwento ang reyalidad
ng buhay. Ang nakaraan ay dapat harapin, sapagkat ito ay hindi natatakasan. Ang
mundong ating ginagalawan ay puno ng pasakit ngunit nasa ating mga kamay
parin ang desisyon upang maging masaya.
2. MGA PANSIN AT PUNA
a. MGA TAUHAN
i. Blesilda Canugan- Ipinanganak na isang Moro, ngunit pinalaking isang
Pilipino. Isang Call Center Agent at kaibigan ni Justin.
ii. Justin- Isang mananaliksik na nagnanais makilalang Historyador. Matalik
na kaibigan ni Blesilda. Manager ng HR Department.
iii. Aldo Kagame- Isang bagger sa isang Gaisano Main sa Colon. Siya ang
nakapulot ng laptop ni Justin at may hawak ng kopya ng tesis ni Justin.
Siya rin ang tumulong kay Blesilda upang makaligtas sa mga Ilaga.
iv. Igmedio Samaniego- Isang propesor sa University of San Carlos sa Cebu.
Isang Ilaga na pumatay kay Justin, Aldo, at Aida.
v. Naheeda / Ida- Ang apong nagdadalang tao ni Lolo Cali. Kaibigan ni
Blesilda.
vi. Lolo Cali- Isang matandang tindero. May ari ng inuupahang bahay ni
Blesilda sa Colon. Isang Moro. Guro sa Wao. Kauna-unahang Moro na
nakatanggap ng scholarship sa National Integratin Commission.
vii. Nanay Ipang- Guro sa isang Pribadong Paaralan sa Pasay. Umampon at
tumatayong ina ni Blesilda. Asawa ni Tatay Lando
viii. Tatay Lando- Isang Abogado. Tumatayong ama ni Blesilda. Asawa ni
Nanay Ipang.
ix. Mrs. Cebron- Ina ni Justin. Siya ang nagbigay ng tesis ni Justin kay
Blesilda.
x. Miyong- Isang Ilaga. Ama ni Aldo at syang pumatay sa kakambal nitong
si Ato. Matandang lalaki na nakakadena sa kubo.
xi. Nang Veron- Ina ni Aldo at Ato. Asawa ni Miyong.
xii. Panganay na kapatid ni Aldo- Ang unang anak ni Nang Veron at
Miyong at syang nag-aalaga sa kanila.
xiii. Ato- Kakambal ni Aldo na pinatay ng sariling Ama.
xiv. Mga Kapatid ni Aldo- Nakatira sa United States, ang nagdesisyon upang
ikadena at ikulong si Miyong sa gitna ng kagubatan.
xv. Elena – Kasambahay / katulong ni Blesilda sa bahay.
xvi. Akbar- Matalinong estudyante. Paboritong mag-aaral ni lolo Cali sa Wao.
xvii. Sister Thaddeus- Nagtuturo ng Theology sa Unibersidad ng Santo
Tomas.
xviii. Gng. Roquino- Propesor ng Panitikang Filipino.
xix. Rashid Hadji-Omar- Ang taong ininterbyu ni Justin para sa kanyang
tesis.
xx. Ingrid- Mestisang Bulakenya. Kaibigan ni Ida.
xxi. Tiyahin ni Blesilda- Totoong kadugo ni Blesilda. Kapatid ng kanyang
tunay na ina. Ang matandang babaeng dumalaw sa burol ng kang mga
kinikilalang magulang.
xxii. Manero- Kilalang matapang na Ilaga.
xxiii. Commander Toothpick- Lider ng mga Ilaga. Kilalang Feliciano Luces.
xxiv. President Marcos- Presidente ng Pilipinas, nagpatupad ng Matial Law.
xxv. SPO Dionisio- Humahawak sa kaso ni Justin.
xxvi. Mga Ilaga- Mga Pilipinong kalaban ng mga Muslim.
xxvii. Mga Moro- Christian Settlers. Kalaban ng mga Ilaga.
xxviii. Lumad- Hindi Kristiyano at hindi rin Moro.

b. TAGPUAN
i. Unibersidad ng Santo Tomas- Paaralan na pinasukan ni Blesilda noong
kolehiyo.
ii. Unibersidad ng San Carlos- Eskwelahan kung saan propesor si Igmedio
Samaniego
iii. UP Diliman- Paaralan kung saan nag-aral ng kolehiyo si Naheeda.
iv. Starbucks sa Greenbelt- Tambayan at kapehan ng magkaibigang si
Justin at Blesilda.
v. Cafe Breton sa Greenbelt- Paburitong restoran ng magkaibigang si Justin
at Blesilda.
vi. Manili- Isang barangay sa Carmen, North Cotabato, Mindanao. Dito
naganap ang massacare sa mga Moro.
vii. Cebu- Lugar kung saan makikita ang Sinulog Festival. Makikita rito ang
ang iba’t ibang klase ng tao, tulad ng mga Moro, Ilaga, at iba pa.
viii. Colon- Isang lansangan na sanga-sanga ang kalsada. Marami ritong
madurukot at Holdaper. Lugar kung saan tatagpuin ni Blesilda si Aldo.
ix. Bo’s Coffee-Ito ang lugar na magiging tagpuan nina Blesilda at Aldo sa
unang nilang pagkikita.
x. Wao-
xi. Chowking- Ang harap na simbahan ng mga muslim. Lugar kung saan nya
nakilala ang kanyang tunay tiyahin.
xii. McDonald’s- Lugar na pinaghintayan ni Blesilda sa mga Muslim.
xiii. Jollibee- Lugar kung saan patungo sina Lolo Cali upang takasan ang mga
Ilaga.

xiv. KFC- Dito namahinga at kumain sina Blesilda patungo sa Negros.


xv. Sanciangko- Likod ng San Carlos.
xvi. Pikit, Pagalungan, Barira- Lugar ng mga rebelde na pinutahan ni Justin.
xvii. Negros- Dito nakatira ang pamilya ni Aldo. Ito rin ang lugar na
napagdesisyunan nilang pagtaguan.

c. GALAW NG PANGYAYARI
Sa nobelang ito ay tunay namang naging maayos ang galaw ng mga
pangyayari at mayroong iisang kakintalan. Malinaw na nailahad ang mga
kaisipang nais na ilahad sa mga mambabasa at naging mabisa ang pagganap ng
mga tauhan na naghatid ng mabubuting aral sa buhay tulad ng “Sa pagpapatawad
lamang nagsisimula ang kagalingan ng puso, kapayapaan at muling kaayusan ng
buhay natin.” Naging kapana-panabik sa mga mambabasa ang naging daloy ng
kwento. Sapagkat ipinakita dito ng malinaw na ang pagtakas ay hindi kasagutan
sa kundi ang pagharap sa nakaraan ang susi upang makilala natin ang ating sarili.
3. BISANG PAMPANITIKAN
a. BISA SA ISIP
Pinalutang sa kuwento ang konsepto na maaring magmagkasundo,
magkaroon ng kapayapaan at katiwasayan ang mga Moro, Ilaga, Lumad, at mga
Pilipino. Ibig-ipakahulgan na ang pagkakaiba-iba nating mga tao ay maaaring
hindi humantong sa karahasan, away o kaguluhan.

b. BISA SA DAMDAMIN
Mababanaag ang labis na kalungkutan ni Blesilda sa mga mahal niya sa
buhay dahil halos lahat ng mga taong itinuturing niyang mahalaga sa kanyang
buhay ay lumilisan sa bundong ibabaw. Madarama rin ang lubos na kabaitan niya
sapagkat mas pinili niyang ipagsa-Diyos at magpatawad kaysa maghiganti sa mga
taong dahilan ng kanyang kalungkutan.

c. BISA SA KAASALAN
Makikita rin sa akdang “Colon” ang pagsusuri ng mga identidad ng mga
sakop na kultura, at ang pagiging malaya nila sa kalikasan ng kanilang uri:
Pilipino, Moro, maging ang mga Lumad. Sa mga lahing ito, bilang mga taong
nagbibigay respeto sa isa’t isa na hindi alintangan ang nakaraan. Bagkus ay
natutuo at tumanaw sa nakaraan at piniling magkaroon ng katiwasayan ang
bansang ginagalawan.

d. BISA SA LIPUNAN
Ipinapakita ng kwentong ito na ang bawat lipunan ay may iba’t ibang
kultura. May kaaya-ayang kultura at mayroon din namang hindi katanggap-
tanggap na kultura, lalo’t higit kung ito’y nagiging hadlang sa ating kagustuhan.
Ngunit sa akdang ito ay makikita na ang naging kaugalian o kultura ng bawat
lipunan ay maaaring magbago tungo sa kaunlaran at kaayusan. Pagmamahalan
ang susi upang masolusyonan ang kaibahan ng bawat kaugaliaan ng iba’t ibang
lipunan.

Talasanggunian
Braga, R.,(2015). Colon. Quezon City, Philippines, Balangiga Press.

You might also like