You are on page 1of 2

Geomari D.

Gonzales
AT2

Filipino 11
Ginoong Jaymar Luza

Balangkas B
I.

A. Pamagat ng Katha-Toxic
May- akda- Rommel B. Rodriguez
B. Sanggunian o Aklat ng Pinagkuhaanhttp://www.palancaawards.com.ph/2010Toxic-Maikling%20Kwento-2nd
%20prize.php

II.

Buod
Sumakit bigla nag ngipin ni Dave nang may nakagat siyang matigas na
butil sa kinakain niyang kanin. Tumakbo siya agad sa lababo at nagmugmog.
Nakita niya sa salamin na nabiyak na ang ngipin. Tinanong siya ng kanyang
asawa na si Beth kung masakit ba at pinayuhan siya na pupunta sa dentist.
Tinukso siya ni Beth na natatakot lang siya na pumunta sa dentist. Hindi daw
nagkamali si Beth totoong takot daw siya. Nakilala niya si Beth sa
isang art exhibit at madali daw nahulog kanyang loob kay Beth baka rin daw
kakabreak-up pa lang niya noon. Tinigilan ni Beth ang pagtingin sa ngipin ni
Dave dahil may naramdaman siyang gumalaw sa kanyang tiyan. Pinatong ni
Beth ang kamay ni Dave sa kanyang tiyan. Buntis si Beth at Vida raw ang
gustong ipapangalan sa kanilang magiging anak. Bago siya makalakad
pinaalala ni Beth ang kanyang panyo at pinatapon ang basura. Walang mga
disiplina raw ang mga tao sa subdivision na kanilang tinitirhan dahil hindi daw
sumunod sa segregation na regulasyon ng kanilang subdivision. Papunta na
daw sa City Circle si Dave para sa conference sa Maxs tungkol sa muling
pagbukas ng Nuclear Power Plant. Nakita niya ang kanyang ex na si Lisa.
Nagkukwentuhan silang dalawa. Nagbibigay impormasyon ang speaker
tungkol sa mga kapahamakan kung buksan ang power plant. Pagkatapos sa
pagsasalita ng speaker tinawag si Dave ni Lisa at tinanong kung may
itatanong siya sa speaker. Biglang lumindol, Pagkatapos ng lindol tumawag
sa kanya si Beth na manganganak na daw siya at susunod nalang daw sa
Dave sa kanya sa ospital. Nagpaalam siya kay Lisa sinabi na ang kalagayan
ni Beth. Niyakap siya ni Lisa. Paglabas niya sa gate ay pumara siya ng taksi.
Sinabihan niya ang taksi na sa Malvar hospital ang kanyang punta at
pabilisan. Tinanong siya ng driver kung masakit ba ang kanyang ngipin dahil
hinawakan niya ang kanyang pisngi. Hindi siya nagsasalita. Mabilis na mablis
ang takbo ng taksi nang bigla itong huminto dahil may isa pang taksi ang
malapit nilang mabangga. Dahil sa bilis ng paghinto, tumalapon ang kanyang
nabubulok na ngipin.

Geomari D. Gonzales
AT2
III.

Filipino 11
Ginoong Jaymar Luza

Pagsusuri
A. Uring Pampanitikan- Maikling Kwento. Dahil mga maikling kwento lamang
na nanalo sa palanca ang mga pinabasa ni sir. At umikot lang ang kwento kay
Dave, sa asawang niyang buntis na si Beth at Lisa. At ang pangyayari
maiklian lang na hindi tulad sa mga novela.
B. Istilo ng Paglalahad
Nagsalaysay ng pangyayari ang naganap dito na may kaunting flashback
dahil sinalaysay lang ng akda o kinuwento lang ni Dave ang nangyari nung
buntis ang kanyang asawa at manganganak na at may kaunting flashback ng
mga alaala niya sa tatay niya pati nung naging sila ni Lisa atbp.
C. Tayutay
Pinulot ko ang ngiping bulok na nahulog sa upuan at itinapon ito sa
highway habang nagmumurahan ang busina ng mga naabalang
sasakyan. Pagsasatao dahil hindi naman talaga nagmumura ang mga
busina.
Halos wala na palang natitira sa kanyang atay. Pagmamalabis, dahil
may natira pa talaga sa kanyang atay ngunit kaunti nalang ang hindi
naaapektuhan ng kanser niya.
Aksidenteng anak si Vida. Pagpapalit Saklaw o Senekdoke dahil
ang kahulugan ng aksidenteng anak ay hindi inaasahang anak.
D. Sariling Reaksyon:
1. Pananalig o Teoryang Pampanitikan
Realismo at Simbolismo dahil pinapakita ang realidad ng buhay at may
mga simbolo tulad ng ngipin ni dave at iba pang bagay.
2. Pansin at Puna
a. Mga tauhan
Dave- ang pangunahin tauhan, nabubulok ang ngipin niya.
Beth- ang asawa ni Dave na buntis.
Lisa- dating kasintahan ni dave na muli niyang nakita sa conference.
b. Galaw ng pangyayari
Sunod sunod naman ang pangyayari na may flashback.
3. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isipan- Sa aking pananaw ang tinutukoy na Nuclear Power
Plant dito ay yung pinagawa ni Marcos at dapat hindi nila iyon tinuligsa
para sakin dahil sa makakabuti naman ang Power Plant na iyon at
hindi daw totoo ung mga nuclear waste at pinagplanuhan mabuti ni
Marcos yun ayon sa mga nabasa ko dati.
b. Bisa sa Damdamin- Naaawa ako sa tatay ni Dave na namatay sa
kanser.
c. Bisa sa Kaasalan- Wala naman nagbago o nakintal ang kwento sa
kaasalan ko.
d. Bisa sa Lipunan- Magiging tuligsa rin siguro sila sa power plant na
tinukoy dito.

You might also like