You are on page 1of 62

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

ISANG PANANALIKSIK SA

KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG
BARANGAY OBRERO, LUNGSOD NG QUEZON

Ipinasa kay
G. NARCISO L. CABANILLA

Bilang bahagi ng kahingian sa asignaturang


Readings in Philippine History
GEED 10033

Ipinasa nina
Cruz, Xarles Adrian A.
Bechayda, Charmaine Joyce S.
Carrido, Keith Lovely S.
Ortiz, Shazny T.
Santillan, Gezeme L.
Tarroquin, Angelica

BS PSYCHOLOGY 1-4

1
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Talaan ng Nilalaman

Maikling Kasaysayan ng lungsod ng Quezon …………………………………………………… 4

Kasaysayan ng Barangay Obrero ………………………………………………………………... 4

Pag-unlad ng Barangay Obrero ……………………………………………………………. 9

Paninirahan sa Barangay (Noon at Ngayon) ………………………………………………. 9

Barangay Profile ……………………………………………………………………………….. 11

Geograpikal na Lokasyon ……………………………………………………………………… 15

Mga Opisyales ng Barangay …………………………………………………………………… 15

Barangay Organizational Structure ………………………………………………………. 16

Mga Naunang Namuno …………………………………………………………………... 16

Saklaw ng Barangay …………………………………………………………………………… 17

Pisikal na Katangian ……………………………………………………………………... 17

Institusiyong Pangrelihiyon …………………………………………………………….... 17

Uri ng Pampublikong Transportasyon ………………………………………………….... 17

Mga Pasilidad ng Barangay …………………………………………………………….... 18

Pamamahala sa Basura ………………………………………………………………..….. 19

Kapayapaan at Kaayusan …………………………………………………………….…... 20

Pangkalusugan …………………………………………………………………………… 21

Demograpiya ………………………………………………………………………………….... 22

Populasyon …………………………………………………………………………….…. 22

Edukasyon ………………………………………………………………………………... 23

Mga Sasakyan at Kagamitan ng Barangay …………………………………………………….. 24

Mga Grupong Sektoral at mga Organisasyon ng Barangay …………………………................ 25

Mga Subdivisions, Townhouses at Condominiums …………………………………………….. 26

2
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Mga Tiyak o Tukoy na Palautatan ng Barangay …………………………….….……………… 27

Mga Parangal at Pagkilala ng Barangay ……………………………………………………….. 27

Mga Nakapanayam ………………………………………………………………….…….…… 28

Mga Natuklasan ………………………………………………………………………………... 48

Konklusyon …………………………………………………………………………………….. 49

Mga Limitasyon sa Pag-aaral …………………………………………………………………... 50

Rekomendasyon ………………………………………………………………………………... 51

Mga Katanungan sa Nakapanayam …………………………………………………………….. 52

3
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

MAIKLING KASAYSAYAN NG QUEZON CITY

Ang lungsod ng Quezon ay kilala bilang “City of the Star”.Ito ang dating naging kabisera

ng Pilipinas.

Taong 1938, napagdesisyunan ngdating Pangulong Manuel L. Quezon na bumuo ng

panibagong lungsod na maaaring ipalit sa Maynila bilang kabisera ng bansang Pilipinas,

sakadahilanang dumarami na ang bilang ng mga taosa Maynila. Isa pang dahilan ay malapit ito

sa tabing-dagat kung saan magiging madali para samga dayuhan ang bombahin ito. Ang lungsod

ay malayo lamangsa Look ng Maynila(Manila Bay) ng 15 kilometro. Tinawagan niPangulong

Quezon si William E. Parsons, isang Amerikanong arkitekto at taga-plano, at ang tumulong sa

pagpili sa Dilim Estate na pagmamay-ari ng pamilyang Tuason bilang lugar para sa planong

bagong kabisera.

KASAYSYAN NG BARANGAY OBRERO

Ayon sa mga dokumenong pangkasaysayan, ang barrio Obrero ay isa sa kauna-unahang

housing project ng dating Pangulong Manuel L. Quezon para sa mga nagtatrabaho sa gobyerno

at ibang mga manggagawa, tinawag itong Project 1, Diliman area. Taong 1975, hinati ito at

tinawag na sub-city Kamuning na kinabibilangan ng mga lugar Obrero, Roxas, Laging Handa, at

iba pa na sa kasalukuyan ay tinatawag na Area 19. Naitatag ang Barangay Obrero noong Hunyo

25, 1975.

Katangi-tanging Kaganapang Pangkasaysayan

Sampaloc Avenue ang unang pangalan ng Tomas Morato Avenue, noong taong

1939.Ang datingPangulong Quezon ang nagtanim ng kauna-unahang mga “Sampaloc

4
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Trees”kasama sina Don Alejandro Roces at Don Tomas Morato – na itinalaga ng nasabing

Pangulo bilang unang alkalde ng lungsod ng Quezon mula taong 1939 hanggang 1942.

Taong 1965 nang ipasa sa Kongreso ang batas na magpapalit sa pangalan ng“Sampaloc

Avenue”bilang“Tomas Morato Avenue,”bilang pagkilala sa unang alkalde ng lungsod

ngQuezon. Ipinalipat rinsa kalyeng ito ang mga opisyal ng lungsod kung saan din nakatira ang

nasabing Alkalde. Ang konsehal ng lungsod ay nagpasa ng resolusyon na magtayo ng

monumento ni Tomas Morato sa Barangay Obrero sa intersekyon ng Timog Avenue at Tomas

Morato Avenue.

Kilala rin ang Barangay Obrero bilang Scout Area dahil ang ilan sa mga kalye na sakop

nito ay ipinangalan para magbigay karalangan sa 20 Boy Scouts, 2 veteran scouts, at 2 chaperons

na nasawi sa trahedya ng bumagsakna eroplano, na patungo sa 11th Jamboree sa bansang Greece

noong Hulyo 28, 1963. Ilan sa mga ito ay ang Scout Tuason, Chuatoco, Santiago, Tobias, Ojeda,

Fr. Martinez at Marathon.Makikita ang kanilang monumento sa ibaba ng monumento ni Don

Tomas Moratona matatagpuan sa interseksyon ng Timog Avenue at Tomas Morato Avenue kung

saan ito nakatayo.

Matatagpuan rin sa Barangay Obrero ang Don Alejandro Roces, Sr. Science-Technology

High School na nagsilbi bilang istasyon ng pulis, Kempetai garrison noong panahon ng

pananakop ng mga Hapon, at munisipyo ng lungsod matapos ng ikalawang digmaang

pandaigdig.

5
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

(Larawan mula sa Traveler on Foot:

https://traveleronfoot.wordpress.com/2011/11/01/tomas-morato-avenue/)

6
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Don Alejandro Roces Sr.

Isa sa mga pinakatanyag na pangalan sa Barangay Obrero ay ang pangalang Don

Alejandro Roces Sr. Si Roces ay kilalang tagapaglathala sa Pilipinas, at siya ang itinuturing na

“Ama ng Makabagong Pagpapahayag sa Pilipinas.”

Taong 1916 nang binili niya ang arawang

pahayagang gumagamit ng wikang kastila mula kay Don

Martin Ocampo, ang “La Vanguardia.”Matapos nito ay

nagkaroon din ng pahayagang “El Renacimiento.” Ang

nasabing pahayagan ay lathalain na pinamatnugutan ni

Teodoro M. Kalaw, ngunit ito ay nagsara noong 1923

dahil sa kaso ng paninirang-puri sa isang Amerikanong

nagngangalang Dean Worcester. Kasabay ng “La

Vanguardia,” binili rin ni Roces ang“Tagalog Taliba”

mula kay Don Martin Ocampo. Noong 1925 naman ay itinatag niya ang “English Tribune,”na

dating pinamatnugutan ni Carlos P. Romulo.

Kilala ang tatlong pahayagan na inilunsad ni Roces bilang T-V-T para sa lahat ng mga uri

ng mambabasa. Ang “Tagalog Taliba” para sa mga mambabasa ng wikang Tagalog, ang “La

Vanguardia” para sa mga tagapagtangkilik ng wikang Kastila, at ang “English Tribune” na para

sa mga sumisipi ng kopyang nasa wikang Ingles. Sa panahong ito, naging malaking katunggali

niya ang DMHM sa larangan ng palathalang pamamahayag. Ito ay pagmamay-ari ng mga

Elizalde na binubuo ng mga pahayagang “El Debate” (nasa wikang Kastila), “Mabuhay” (nasa

wikang Tagalog) at “The Philippine Herald” (nasa wikang Ingles).

7
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Gumawa rin ng pangalan ang anak ni Don Alejandro Roces Sr. na si Ramon Roces sa

larangan ng paglilimbag. Siya ang naglunsad ng mga magasing

“Liwayway,”“Bannawag,”“Hiligaynon,” at “Bisaya.” Ang “Liwayway” ang kilala at sinasabing

pinakamatandang magasin sa Pilipinas na nagsimula noong 1922. Maaalalang kinumpiska ng

mga Hapones ang nasabing pahayagan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang gamitin sa

kanilang propaganda. Pinamahalaan din ito ng mga Amerikano ngunit naibalik ito kay Ramon

Roces noong 1946.

Pagpapangalan sa mga Kalye sa Barangay

Ang ilan sa mga kalye sa Barangay Obrero ay ipinangalan sa

mga Pilipinong nasawi sa 11th World Scout Jamboree noong 1963.

Ang mga scouts na ipinangalan sa ilang mga kalye sa Barangay ay

ang mga sumusunod:

First class scout Benecio Suarez Tobias

Star Scout Wilfredo Mendoza Santiago

Pathfinder Henry Cabrera Chuatoco

Star Scout Ascario Ampíl Tuason, Jr.

Pathfinder Filamér Santos Reyes

Contingent Assistant Scoutmaster Florante Lirio Ojeda

Contingent Chaplain Fr. Jose Agcaoili Martinez, S.J.

8
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Mayroon ding kalye na ipinangalan sa lugar kung saan ginanap ang 11th World Scout

Jamboree at kung saan patungo ang mga miyembro ng fallen BSP contingent, ang Marathon St.

(Marathon, Greece).

Pag-unlad ng Barangay Obrero

Ayon kay G. Ramon Señeres, mapuno at mabato ang kalagayan ng barangay Obrero

noon.Naging patag lamang ito noong naihalal bilang Pangulo si Ferdinand Marcos. Nagawa

niyang makapagpatayo ng mga pagawaan o pabrika para sa mga manggawang nakatira rito.

Ayon naman kay G. Generoso Salmorin, mas maganda na ang pamumuhay ngayon dahil

noon ay puno ng talahiban ang lugar at mayroon pang masangsang na amoy, samantalang

ngayon ay malinis na ito at puno ng mga kabahayan, gusali at establisyimento. Marami na rin

ang opotunidad pagdating sa trabaho ngayon lalo pa’t patuloy na nagpapatayo ng mga gusali sa

Barangay Obrero.

Paninirahan saBarangay (Noon at Ngayon)

Ang mga tao ngayon ay “social life” ang laging inaasikaso lalong-lalo na ang mga bata

na laging nakatutok sa telepono o teknolohiya, hindi gaya noon na naglalaro sila sa labas ng

kanilang bahay o sa kalye, ayon kay G. Ramon Señeres. Karaniwan sa kanilang mga nilalaro ay

holen-holen, basketbol, sipa, tumbang preso, at iba pang mga tradisyunal na laro o larong Pinoy.

Dagdag pa niya, masaya rin noon dahil mayroong Morayta Stadium na libre at bukas para sa

lahat hindi tulad ngayon na may bayad na ito.Hindi rin naman talagang nagbago ang istruktura

nito bagkus ay inayos lamang ito at pinaganda.Ayon dinsa kaniya, ang pag-aaral noon ay libre

hindi gaya nitong mga nakaraang taon na may bayad ang pag-aaral.

9
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Alinsunod kay Ginoong Señeres, mas masaya at sagana ang buhay noon dahil sa isang

piso ay maituturing ka nang mayaman at marami ka ring mabibili gaya ng bigas, isda, at gulay,

na kung saan ay napupuno ang kanilang mga dalang bayong, iba sa panahon ngayon na tinapay

lamang ang kayang bilhin sa isang piso. Sinang-ayunan din ito ni G. Generoso Salmorin na

sinabing sa panahon ngayon, kahit 500 piso ay hindi sasapat. Ibinahagi rin nitong mas nais ang

pamumuhay noon dahil marami ang trabaho na kahit sumahod ng sampung (10) piso ay sapat na

para sa gastusin.

Bukod pa roon, mas maganda ang pangangasiwa ng pinakaunang namuno sa barangay

Obrero dahil ang kanilang punong barangay ay marunong makihalubilo sa mga mamamayan

niya. Iniikot rin ng huli ang buong lugar upang matiyak na ang lahat ay sumusunod sa patakaran.

Samantalang ang mga sumunod rito ay salungat sa unang pinuno sapagkat ang mga tanod ay

umaalis at bumibitiw sa tungkulin. Datapuwa’t ganoon, binanggit ni G. Siñeres na

maihahalintulad sa unang namuno ang kasalukuyang punong barangay dahil nagagawa rin nitong

makihalubilo sa ibang mamamayan. Sinabi rin niyang maganda ang pamumuhay ngayon kaysa

noon dahil nabawasan ang krimen, pagnanakaw, pagpatay, at mga nalululong sailigal nadroga.

10
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

11
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

12
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

13
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

14
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

GEOGRAPIKAL NA LOKASYON

MGA OPISYALES NG BARANGAY

Punong Barangay – Jose Segundo

Kalihim ng Barangay – Jobell Cabales

Tagaingat-yaman ng Barangay – Pilar Bautista

Admin ng Barangay – Archimedes Pascual

SK Chairman – Michael John Macapagal

Kagawad – Jessie Segundo

Kagawad – John Paul Cruz

Kagawad – Randy Dela Cruz

Kagawd – Valentin Apostol

Kagawad – Jan Kunn Cabalonga

Kagawad – Armand Tolentino

Kagawad – Milagros Luna

15
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

BARANGAY OBRERO ORGANIZATIONAL STRUCTURE

Mga Naunang Namuno

Ayon kay G. Randy de la Cruz, ang nakikilala nitong dating naging punong barangay ng

Barangay Obrero ay sina Kapitan Torres, Kapitan Boy Reyes, Kapitan Marcielo San Pedro, at

ang kasalukuyang punong barangay na si Kapitan Jose Segundo na anim (6) na taon nang

namamahala bilang Kapitan.

16
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

SAKLAW NG BARANGAY

Pisikal na Katangian

Ang Barangay Obrero ay binubuo ng 25.010 ektarya.Mapapansin dito na magkahiwalay

ang lugarng mga “may kaya” o maunlad sa buhay. Habang nakahiwalay naman ang mga

“indigent people” o mga taong nakatira sa“indigent/squatters area.”

Institusyong Panrelihiyon

1. Barangay Obrero Chapel – ito ang nag-iisang institusyong panrelihiyon mayroon ang

Barangay Obrero. Katabi rin nito ang “Multi-purpose Hall” ng barangay.

Uri ng Pampublikong Transportasyon

Jeepney, E-trike, at tricycle ang mga pampublikong sasakyang matatagpuan saBarangay

Obrero. Ngunit walang TODA ang nasabing barangay para sa mga tricycle.

E-Trike

17
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Mga Pasilidad sa Barangay

 Old Barangay Hall

(Larawan mula kay Mila Abalos Luna)

 Malañgen Barangay Hall

18
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

 Multi-purpose Hall

 Basketball/Tennis Courts

Pamamahala sa Basura

Ayon sa panayam sa kasalukuyang Barangay Administrator na si G. Archimedes Pascual,

ang “Waste Management”ng Barangay Obrero ay isa sa mga ginagawan nila ng paraan,

dahilmahirap ang sitwasyon pagdating sa mga “indigent area”– kung saan naninirahan ang mga

taong hindi maunlad ang pamumuhay, sapagkat ang kanilang mga basura ay hindi nila

magawang maitapon ng maayos o ibukod ang mga ito sa nabubulok at hindi nabubulok.Ayon

kay G. Pascual, alam ng nga mamamayan kung paano gawin ang “Waste Segregation” dahil

hindi sila nagkulang sa pagsasagawa ng mga pantas-aral o “seminar”at programa ukol dito. Ang

isa sa paraan na ginagawa ng barangay ay ang pagpapaikot ng ambulansya tuwing umaga upang

magpahayag sa publiko ng mga impormasyon hinggil dito. Dagdag pa niya,tuwing Lunes at

19
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Biyernes ang pagtatapon ng mga hindi nabubulok at tuwing Miyerkules naman ang para sa

“recyclable materials.” Nililinis din ang mga kanal at creek at pinuputol ang mga sanga ng puno

kapag ito ay mapanganib nasa boltahe ng kuryente tuwing Sabado at Linggo sa tulong ng mga

mamamayan ng barangay, mga street sweepers, mga tanod, at mga kagawad.

Kapayapaan at Kaayusan

Mayroong tinatawag naViolence Against Women and Their Children o VAWC ang

barangay Obrero. Layunin nitong maisaayos ang alitan sa pagitan ng magkabilang panig na may

relasyon sa isa’t-isa gaya ng mag-asawa, “live-in partner,” magkapamilya, at iba pa, sa

pamamagitan ng paggabay at pagsuporta habang ang mga ito’y nag-uusap ng masinsinan. Ayon

kay Gng. Corazon Oiga, isang VAWC Officer, ang dalawang partido pa rin ang magdedesisyon

nang magiging resulta ng kanilang pag-uusap, ang tanging magagawa lamang nila bilang

“VAWC Officer” ay maggabay, sumuporta, makinig, at itala ang naganap na pag-uusap.

Isyu sa mga menor-de-edad na lumalabag sa batas, pagmamaltrato ng/sa pamilya,

paghihiwalay ng mag-asawa, at pangangalunya, ang mga kasong sakop ng VAWC. Natatapos

ang tunggalian sapagitan nang naghain ng kaso at akusado sapamamagitan ng isang kasunduan

matapos ang pakikipagkasundo sa isa’t-isa. Ngunit,sa oras na nabigo silang lutasin ang kanilang

problema, maaari nila itong idulog sa hukuman. Kapagdakang magpaabot ang magkabilang

panig sa hukuman partikular na sa pampamilyang hukuman, hindi na maaari pang makialam ang

“VAWC Officer” sa kaso sapagkat ang unang nabanggit na ang magpapatuloy nito. Magbibigay

ang barangay ng sertipiko ukol dito sa hukuman na mayroong lagda ng punong barangay.

Ayon kay Gng. Oiga, ang pinakamabigat na kasong kaniyang pinangasiwaan ay ang

“division of property” ng mag-asawang nais nang maghiwalay.Hindi naging maayos ang resulta

20
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

nang pag-uusap ng dalawa kung kaya’t kinailangan nila itong ilapit sa hukuman.Ang isa pa’y

ang pagtataksil ng asawang lalaki sa kaniyang maybahay nang paulit-ulit. Nagkaroon na nang

kasunduan sa pagitan ng nabanggit na hindi na mauulit pa ang nagawang kasalanan subalit hindi

ito natupad kaya’t idinulog ito ng maybahay sa pampamilyang hukuman.

Kadalasang ang mga kababaihan ang naghahain ng reklamo sa Barangay Obrero

partikular na ang mga kababaihang humihingi ng suporta para sa pagpapalaki o pag-papaaral ng

kanilang anak/mga anak. Mayroon din namang tungkol sa hidwaan ng mag-asawa na nauuwi sa

pisikal na sakitan.

Maliban saVAWC, mayroon ding BPSO ang naturang barangay na nagpapanatili ng

kaayusan at katahimikan nito. Kasama sa kasong hawak ng mga ito ang kaso sa pagnanakaw at

mga nalulong sa iligal na droga.Marami rito ang mga nasa kulungan na at mayroon ding mga

nadakip na dumayo lamang sa Barangay Obrero. Ayon sa Kagawad na si G. Randy De la Cruz,

kapag ang mga ito ay nahatulan ng “Section 11” maaari silang magpiyansa na kung saan ay

nagkakahalaga ng Php200,000 “cash bag.”Maaari ring kumuha ng “surety bond,”kung saan ang

kabuuang “cash bag” na kanilang babayaran ay mababawasan ng dalawampung (20) bahagdan.

Pangkalusugan

Sa usaping pangkalusugan, naglalaan ng Php300, 000 ang Barangay Obrero mula sa

kanilang kabuuang 14 milyong pondo. Mayroon silang proyektong “Patak Polio” para sa mga

bata at bakuna para sa “Anti-Pneumonia” naman ang sa mga matatanda. Pantas-aral o seminar

naman ang kanilang inilulunsad para sa mga buntis lalo na sa mga kabataang maagang

nagbubuntis.

21
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Mayroon din silang Dental and Medical Mission para sa mga may problema sa ngipin. At

tuwing panahon ng tag-init (summer) naman ang para sa pagpapatuli ng mga kalalakihan nang sa

gayon ay mahaba ang araw ng kanilang pagpapahinga.

Samantala, sinabi ni G. De la Cruz na wala pa silang kasong naitatala na may kaugnayan

sa kalusugang pangkaisipan o Mental Health.

DEMOGRAPIYA

Populasyon

Ayon sa 92015 NSO Census, ang Barangay Obrero ay may tinatayang 8,269 bilang ng

mamamayan, 1,378 sambahayan, at 2,755 pamilya. Ayon sa Biometric (2016), 3,750 sa mga ito

ay rehistradong manghahalal, samantalng 27 naman ang mula sa presinto (2015). Ang paghahalal

ng barangay ay isinasagawa sa 100N A. Roces Sr. Science-Technology High

School.Animnapung bahagdan (60%) sa kabuuang bilang ng populasyon ay kabilang sa mga

mahihirap o salat sa buhay habang ang natitirang apatnapung bahagdan (40%) ay para sa mga

mamamayang maunlad ang pamumuhay.

Ayon sa 2015 NSO Census, ang grupo ng edad na may pinakamataas na populasyon sa

Barangay Obrero ay 20 hanggang 24, na may 935 na indibidwal. Samantala, ang may

pinakamababang grupo base sa edad ay 75 hanggang 79, na may 54 na indibidwal.

Ang populasyon ng Barangay Obrero ay lumago mula 7,675 noong 1990 hanggang

maging 8,269 noong 2015.

22
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Census date Population Growth rate

1990 May 1 7,675 –

1995 Sep 1 7,746 0.17%

2000 May 1 8,108 0.98%

2007 Aug 1 8,338 0.39%

2010 May 1 8,031 -1.36%

2015 Aug 1 8,269 0.56%

Edukasyon

1. Don Alejandro Roces Sr. Science –Technology High School – dati itong paaralan na

mayroon lamang “2-year course” o ang tinatawag na “Vocational courses” subalit

ngayon ay mayroon na itong pampaaralang sekondarya o “secondary/high school.”

2. St. Joseph Learning Center – Our Lady of Grace

3. Yakap Daycare Center

23
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Mga Sasakyan at Kagamitan ng Barangay

1. Ambulance

2. Foton

3. APV

4. Barangay Service

24
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Maliban sa mga sasakyang nabanggit, mayroon ding iba pang kagamitan ang Barangay

Obrero na maaaring gamitin sa sakuna gaya ng sunog. Mayroong inilagay na“fire extinguisher”

ang Konseho ng barangay sa bawat kalsada upang mabilis na mapupuksa ang sunog sa kanilang

magkaroon sila nito.

Mayroon ding ikinabit na mga “Closed-circuit Television” o CCTV na makatutulong sa

barangay sa paglutas ng kriminalidad na nangyayari rito.

MGA GRUPONG SEKTORAL AT MGA ORGANISASYON SA BARANGAY

 Senior Citizen Association of Barangay Obrero (SCABO)

 Samahan ng mga Solo Parent

 Samahan ng mga Nanay

 Diwang Lahi

 South 17 Neighborhood Association Inc. (SSNAI)

 Samahan ng Kapatiran sa Rolling Road


25
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

 Pamilya Ko To

 Samahan ng Kababaihan ng South 17

 BUKAS PALAD sa Kapwa Inc.

 Barangay Obrero PWD

 Makabayan Organization

MGA SUBDIVISIONS, TOWNHOUSES, AT CONDOMINIUMS

1. 68 Roces Eaton Property (Private)

2. Meranti Hotel

3. DMCI Condominium

26
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

MGA TIYAK O TUKOY NA PALAUTATAN NG BARANGAY

Ang Barangay Obrero ay kasalukuyan pa lamang na nagpaplano at naghahanda para sa

pagtukoy ng tiyak na bilang ng populasyon ng barangay na saklaw ang kasarian, edad, Persons

With Disability (PWD), may trabaho (pampubliko o pamribado), walang trabaho, at may sariling

negosyo. Ang kanilang huling tala ay noong taong 2016 pa na hindi rin nakasaad ang bawat

nabanggit bagkus ang kabuuang bilang ng mamamayan lamang. Subalit ayon kay

BarangayKagawad Randy De la Cruz, mailulunsad nila ang pagsusuri o pagtukoy sa palautatan

ng kanilang barangay sa darating na taong 2021.

LISTAHAN NG MGA NATIONAL AT CITY ROADS

 Roces Avenue

MGA PARANGAL AT PAGKILALA SA BARANGAY

 SAFEST COMMUNITY AND BARANGAY (Category-C) June 17-24, 2018 – QCPD

27
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

MGA NAKAPANAYAM

PANGALAN: Archimedes Pascual

EDAD: 37 taong gulang

POSISYON: Barangay Administrator (Tagapangasiwa)

Si G. Archimedes Pascual o Archie, ay ang isa sanakapanayam ng mga mananaliksik

patungkolsa tunguhin, mga pasilidad, at mga programa ng Barangay Obrero. Simula sa kanyang

kapanganakan, ang Obrero na ang kaniyang nakagisnang tahanan. Dalawang (2) taon pa lamang

siyang tumatayong “Barangay Administrator” ngunit marami na ang kaniyang mga naging

kaalaman at karanasan sa nasabing barangay.

Ayon sa kaniya, ang pinagtutuunang tunguhin ng Barangay Obrero ay ang pagiging

“drug-free” nito dahil patungkol rin sa iligal na droga ang pangunahingproblemang kanilang

kinakaharap, sumunod ang kahirapan. Kung mapapansin ay mayroong

malalakingestablisyemento rito ngunit hindi lahat ay may maayosna kalagayan. Animnapung

28
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

(60) bahagdan sabahagi ng barangay ay nagsisiksikan sa“indigent/squatters area” na kanila

kung tawagin, habang apatnapung (40) bahagdan naman ang sakop ng mga may maunlad na

pamumuhay.

Mayroong dalawang (2) pasilidad ang Barangay Obrero: ang barangay “Malangen Hall”

at ang Old Barangay Hall. Ang Old Barangay Hall ay “multi-purpose” at bukas sa lahat. Lahat

ng aktibidad o mga palatuntunan ay maaaring isagawa sa nasabing bulwagan ng Old Barangay.

Maging ang mga nasalanta at naapektuhan ng anumang kalamidad ay maaaring gumamit nito at

magsilbing “evacuation center.”Masasabing ang nabanggit na ang pinakamalaking pasilidad sa

BarangayObrero sapagkat maliit lamang ito kung ikukumpara sa ibang barangay na malaki at

mayroong maraming pasilidad.

Ang kalimitang programa ng Barangay Obrero ay nanggagaling salungsod, magmumula

muna ito sa Department of Interior and Local Government (DILG), idadaan sa lungsod na sakop

ang barangay, at ang barangay ang magsasagawa. Isa sa mga palatuntunan nito ang “community-

based rehabilitation program” para sa mga “drug surrenderees.” Nagsasagawa ng

“counseling” para sa huli, dito makapagpapasya kung maaari na silang makabalik sa komunidad

o kinakailangan pang ipagpatuloy ang rehabilitasyon. Mayroon ding tinatawag na“drug

dependency evaluation” kung saan dito malalaman kung high risk o low risk ang taong gumamit

ng droga. Naglalaman ito ng tatlong kategorya, maaaringfor rehabilitation, for mental, o for

community. Sinusuri ito ng mga doktor na nanggaling sa lungsod. Ang isa pang programa ay

para sa“fire preparedness.” Naglagay ng mga“fire extinguisher”sa bawat lansangan na

maaaring gamitin sakaling magkaroon ng sunog. Nagsagawarin ng pantas-aral o “seminar” para

rito upang malaman ng mga tao kung paano ito gamitin. May nakalaan ding susi sa mga taong

marunong nang gumamit nito.

29
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Nabanggit din ang pagpapatupad ng mga Livelihood Programs tulad ng paggawa ng mga

sabon. Kalaunan ay gumawa rin sila sa espensyal para sa mga drug surrenderees, dito naman ay

gumagawa sila ng mga basket na gawa sa mgarecycled materials tulad ng lumang dyaryo at

“straw.” Sa kabilang banda, sa OldBarangay Hall sa Obrero kadalasang nag-zuzumba ang mga

matatanda na kung saan maaaring magamit ng lahat basta’t magbibigay ng sulat. Importantesa

kanila ang mga ganitong aktibidades ng mga matatanda upang mas mapangalagaan nila ang

kanilang pangangatawan sa pamamagitan ng pag-eehersiso. Sa usaping disaster

preparedness,nasabi niyang mayroon nang nakalaan na pondo para sa mga kakailanganin na

radio, chainsaw, fire extinguishers, lalo sa paggawa ng mga pantas-aralpara sa paghahanda sa

kalamidad tulad ng earthquake.

Inihayag ni Ginoong Pascual ang Short Term and Long Term Development Plansng

Barangay Obrero. Sinabi niya na pagdating sa short term ay wala silang gaanong inilatag dahil

masbinibigyan nilang importansya ang long termna naglalayon ng paghahanda sa sakunaat peace

and order sa komunidad lalo na ang pagpapakabit ng CCTVsa bawat daan dahil malaking tulong

ito sa pagsugpo ng krimen. Ngayong 2020 ay muli silang magpapakabit ng 60 CCTVs parasa

seguridad ng mga tao.Binanggit niya na sinimulan nila itong gawin noong 2013 kasabay ng pag-

upo ng kapitan. Simula noon nakikita na nila ang progreso dahil mas napapadali ang kanilang

paghulisa kung sino at saan nakatira ang mga gumagawa ng krimen.

Sa kabilang dako, ang iilang “landmarks”na nabanggit ng Barangay Administrator ay

ang Don Alejandro Roces Ssr. Science- Technology High School, dahil ito ang pinakamalapit at

isa sa mga eskwelahang “high-standard”ang pagtuturo, lalo na pagdating sa kursong vocational

na noon ay nagiging tulay ng mga tao sa paglipad sa ibang bansa tulad ng Saudi Arabia na may

30
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

higit na pangangailangan sa steeled power, dahil sa paraalang ito ay maaari nang magtrabaho

pagnatapos ang sekondarya.

Samantala, kasama rin sa kasaysayan ng barangay na dati itong tahanan ng mga

manggagawa (laborers= obrero), mga karpintero at iba pang manggagawa na kailangan ng man

power ang nakatira dito. Inilarawan niya na walang mga illegal settlers ditto noon ngunit ngayon

ay marami na, lalo na sa mga tinatayuan ng mga bagong condominiums na mahirap talaga ang

pagpapaalis sa kanila. Malinis at maluwag rin ang mga daan, iyan ang iilan sa mga salitang

naglalarawan sa estado ng barangay noon, ngayon ay masikip na ito dahil sa mga bagong

gawang mga bahay at condominiums, dinagdag rin niya na masaya at masagana ang pamumuhay

ng mga tao sa kanilang barangay noon.

31
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

PANGALAN: Pilar Bautista

EDAD: 57 taong gulang

POSISYON: Tagaingat-Yaman ng Barangay

Anim (6)na taon nang naninilbihan ang limampu’t pitong (57) taong gulang na si Gng.

Pilar Bautista bilang tagaingat-yaman ng Brgy. Obrero. Ayon sa kanya, ang pinaglalaanan ng

pondo ng nasabing barangay ay ang bayad sa telepono, kuryente, gasolina ng mga sasakyan, mga

proyekto nila tulad ng Barangay Children Protection Program (BCPP) na tungkol sa mga bata,

Gender and Development (GAD), at BRRM para sa mga kalamidad na nararanasan. Limang

porsyento (5%) ng pondo ay nilalaan sa huli.

Sa kasalukuyan ay wala pang programa ang barangay para sa tulong pinansyal sa mga

mag-aaral nito, ngunit mayroon silang ibinibigay na tulong pinansyal para sa mga “Senior

Citizen” ng kanilang barangay na nagkasakit, nasa ospital, o kung namatayan.

32
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Ayon kay Ginang Bautista, para sa taong 2020, mayroon silang pondo na labing-apat (14)

na milyon. Kinakailangang maipamahagi nang tama ang pondo at hindi maaaring lumagpas sa

nakalaang pondo ang paggasta. Upang mabigyan ng pondo, mayroon mga ipinapasang mga ulat

ang barangay sa Accounting at Commission on Audit (COA). Ang COA ang nagsusuri kung

tama at makatarungan ba ang pag-aayos nila ng pondo.

33
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

PANGALAN: Corazon Oiga

EDAD: 72 taong gulang

POSISYON: Violence against Women and Their Children (VAWC) Officer

Ayon kay Gng.Corazon Oiga, ang Violence against Women and Their Children

(VAWC)ay patungkol sa ugnayan sa pagitan ng dalawang partido na maaaring mag-asawa, "live-

in partner," magkamag-anak, at iba pa. Kabilang sa mga kasong tinatalakay rito ay: isyu sa

menor de edad na lumalabag sa batas, pagmamaltrato ng/sa pamilya, paghihiwalay ng mag-

asawa, at pangangaliwa.

34
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Mayroong tatlong mabibigat na kaso ang naipaabot sa hukuman (1917 o 1918). Kapag

hindi naging maayos ang resulta ng pag-uusap ng dalawang partido sa harap ng VAWC officer,

ang kasong inihain ay maaaring idulog sa hukuman. Kapagdakang naidulog na ang kaso sa

hukuman, hindi na maaaring makialam pa ang “VAWC officer” o ang naturang barangay. Ang

hukuman nalamang ang hahawak nito at magpapatuloy sa pag-aayos ng gulo. Ang barangay ay

magpapadala na lamang ng sertipiko patungkol sa kaso na siyang nilagdaan ng punong barangay.

Isa sa mga kasong ito ay ang pagbabahaginan ng ari-arian ng mag-asawang nais

maghiwalay. Hindi ito nagawang ayusin sa tanggapan ng barangay kung kaya't inihayag ito sa

hukuman.Isa pang kaso ay ang pangangalunya ng lalaking asawa. Una nang nagkaroon ng

kasunduan sa pagitan ng mag-asawa na hindi na ito muling mauulit, subalit natuklasan ng

maybahay na hindi pa rin tumigil ang kaniyang asawa, kung kaya't dumulog na ito sa hukuman,

partikular na sa pampamilyang hukuman.

Karamihan sa mga naghahain ng kaso ay mga kababaihan.Karamihan rin sa mga ito ay

tungkol sa paghingi ng suporta para sa kanilang/kanilang mga anak.May iba naman na tungkol sa

hidwaan ng mag-asawa na nauwi sa pisikal na sakitan ang isyu.

Binibigyan ng “VAWC officer” ang dalawang partido ng pagkakataon para makapag-

usap at maayos ang alitansa pagitan nila. Ngunit hindi ang unang nabanggit ang magdedesisyon

bagkus ang dalawang partido lamang. Ang pinakatungkulin lamang nila ay suportahan at

gabayan ang huli, making, at itala ang naganap na pag-ussap.

35
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

PANGALAN: Randy De la Cruz

EDAD: 46 taong gulang

POSISYON: Barangay Kagawad

Si Kagawad Randy De la Cruz ay may gulang na apatnapu't anim (46), magdadalawang

taon nang naninilbihan sa Barangay Obrero bilang Kagawad magmula noong siya'y umupo sa

puwesto nakaraang Hulyo (2018).

Bago pa man maging Kagawad si Ginoong De la Cruz, nanilbihan na ito sa Barangay

Kamuning bilang BSDO at sa Barangay Obrero rin bilang "barangay administrator" taong 2016

hanggang 2018.
36
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Samantala, ang kanilang Kapitan naman ay nagsimula sa pagiging tanod ng Barangay

Obrero. Sumunod ang kaniyang tatlong (3) termino sa pagiging Kagawad na kung bibilangin ang

taon ay umaabot ito sa 12. At ang panghuli, ang kaniyang kasalukuyang ranggo na Kapitan ng

Barangay, kung saan siya ngayo'y nasa ikalawang (2) termino, na humigit-kumulang anim (6) na

taon.

Sa kabilang banda, ayon kay Kagawad De la Cruz, ang Barangay Obrero ay kasama sa

unang proyektong pabahay ng dating alkalde ng lungsod Quezon, na kung saan ito ay tinawag na

"Project 1." Tinawag na Obrero ang barangay dahil dito nakatira ang halos lahat ng mga

manggagawa.

Kinuha naman ang mga pangalan ng lansangan sa mga magigiting na 11th Jamboree na

kanila kung tawagin. Sa kasamaang palad, nasawi ang mga ito matapos bumagsak ang

eroplanong kanilang sinasakyan papunta sa bansang Greece.

Sa ngayon, wala pang kaukulang bilang ng mga lalaki at babae ang naturang barangay.

Wala rin silang saklaw ng dami ng tao sa bawat edad. Ayon kay Kagawad, nasa pagpaplano at

paghahanda pa lamang sila at maisasakatuparan pa nila ito sa taong 2021.

Sa kabilang dako, binanggit ni G. De la Cruz na ang usapin sa "parking" ang isa sa

pangunahing problema ng kanilang barangay lalo na nang maipatayo ang DMCI. Binubuo kasi

ang huli ng 750 units at kung kalahati sa mga ito ay walang "parking," sila ay kadalasang sa gilid

ng kalsada na lamang pumaparada. Dagdag pa niya, dahil utos ng Pangulong Rodrigo Roa

Duterte na alisin ang sagabal sa mga kalsada, kanila itong tinutugon. Kasama sa mga inaalis ang

mga nakaharang na sasakyan at mga iligal na pagpaparada nito, dahil ayon sa kaniya ang mga

kalsada lalo na ang mga bangketa ay para sa tao at hindi sa sasakyan.

37
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Ang pinakaunang dahilan naman ng pagkakaroon trapiko sa Barangay Obrero ay ang

hindi pagsunod ng mga tao sa batas trapiko. Pangalawa, ang mga nakaharang sa kalsada at mga

gusali o tindahang sinakop na ang kalsada dahilan upang lumiit ang ispasyo.

Samantala, tinatawag na Mabuhay Lanes ang pangunahing daan sa nasabing barangay na

pinangungunahan ng Scout Tobias, Scout Chuatoko, at Roces Venue.

Maliban sa pagkakaroon ng Violence Against Women and Their Children o tinatawag na

VAWC ng Barangay Obrero, mayroon din silang BPSO, kung saan ito ang nagpapanatili ng

kaayusan at katahimikan sa barangay. Napakarami ng kasong hawak ng mga ito kasama na ang

kaso sa pagnanakaw at pagkakalulong sa iligal na droga. Marami na rin silang naikukulong na

may ganitong kaso, hindi lamang mga residente ng kanilang barangay bagkus mga mamamayan

din ng ibang barangay. Nakikipag-ugnayan din sila sa mga pulis sa paglutas ng problema at

maging ang mga residente ng Barangay Obrero ay nakikipagtulungan sa pamamagitan ng

pagtawag at pagbibigay ng pangalan ng mga nasa "Watch List" sa kanila.

Pinapatawan ng parusa ang mga may kaso sa iligal na droga ng tinatawag na section 5 at

section 11. Sa section 5, hindi maaaring magpiyansa ang nagkasala. Pagdating naman sa section

11, maaari kang magpiyansa na nagkakahalaga ng 200, 000 cash bag. Maaari ka ring kumuha ng

"surety bond," kung saan ang iyong babayaran ay mababawasan ng 20 bahagdan.

Sa kabilang banda, ayon kay Kagawad De la Cruz, wala silang bombero sa kanilang

barangay subalit mayroon naman silang inilatag na "fire extinguisher" sa bawat lansangan upang

mas mapabilis ang pagpuksa ng apoy sakali mang magkaroon ng sunog. Mayroon ding

ambulansya ang barangay upang agad na tumugon sa hindi inaaasahang pangyayari.

38
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Sa usapin ng mga gusaling nakapaloob sa Barangay Obrero, binanggit ni Kagawad ang

DMCI. Gayundin ang pribadong "subdivision" na mayroon sila, ang Number 68 Roces Eaton

Property.

Sa usaping pangkalusugan naman, mayroong proyektong "Patak Polio" ang barangay

para sa mga bata at bakuna para sa "Anti-Pneumonia" naman ang sa mga matatanda. Seminar

naman ang inilunsad para sa mga buntis. Samantalang nagkaroon ng Dental and Medical Mission

para sa mga may problema pagdating sa ngipin. At tuwing "summer" ginaganap ang proyekto

para sa pagpapatuli ng mga kalalakihan.

Sinabi rin ni G. De la Cruz na wala pa naman silang naitatalong kaso patungkol sa

kalusugang pangkaisipan (mental health).

Ayon sa huli, mayroong 14 milyong pondo ang kanilang barangay, maliit kung

ikukumpara sa iba. Naglalaan sila ng Php300, 000 sa kanilang kagawarang pangkalusugan. May

ibinibigay din sila sa VAWC at BPC. Aniya, bumibili din sila ng "closed-circuit television" o

CCTV upang mas mapabilis ang pagsugpo ng kriminalidad sa kanilang barangay.

Pagdating sa usapin ng Tokhang, batay kay Kagawad, nakikipagtulungan sila sa paglipol

ng mga sangkot sa iligal na droga. Mayroong 186 "surrenderees" ang Barangay Obrero noong

kasagsagan ng tokhang. Nagkaroon ng "drug testing" para sa mga ito at dumaan din sila sa

"counseling." Bukod pa roon, nagbigay din ang barangay ng "Livelihood Program."

Mayroon sa mga ito ang "grumaduate" o natanggal na sa "Watch List" matapos bumuti

ang kalagayan, tumigil sa ipinagbabawal na droga at tumino. Subalit hindi na maaaring bumalik

pa o mapunta muli sa "Watch List" dahil mahihirapan na itong makaalis.

39
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Sa kabilang dako, sinabi ni G. De la Cruz na karamihan sa mga sasakyan sa Barangay

Obrero ay pampribado. Kakaunti lamang ang "tricycle" na mayroon sila sapagkat wala silang

TODA para sa mga ito. Ang mga jeep naman na dumadaan sa kanila ay sa Roces Avenue na

lamang dahil ginawang "one-way" ang daanan mula "Tomas Morato hanggang "Marathon" na

dating dinadaanan ng dyip upang mabawasan ang trapiko.

Samantala, binanggit ni Kagawad ang mga dating namuno sa Barangay Obrero. Ang

nauna ay si Kapitan Torres, sumunod si Kapitan Boy Reyes. Pagkatapos nito ay si Kapitan

Marcelo San Pedro hanggang sa dumating kay Kapitan Jose Segundo, ang kasalukuyang Kapitan

ng nasabing barangay.

40
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

PANGALAN: Generoso Salmorin

EDAD: 70 taong gulang

TAON BILANG RESIDENTE NG BARANGAY OBRERO: 56

Kasaysayan

Si G. Generoso Salmorin ay residente na ng Barangay Obrero magmula pa noong 14

anyos pa lamang siya noong 1964. Ayon sa kaniya, tinawag daw noong “Little Tondo” ang

Barangay Obrero dahil sa magulo rito at mayroong hindi kaaya-ayang amoy. Mabaho rito noon

dahil ginagawang dumihan ang mga damuhan noon. Mayroon ding mga magugulong residente,

at umaabot pa sa punto na pinapana sila ng mga kapulisan. Napansin ni Ginoong Salmorin na

41
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

mas marami ang nanirahan noon kung ikukumpara sa kasalukuyan. Nabanggit niya ang barangay

na Laging Handa at East Avenue, kung saan wala pa ritong mga bahay at puro talahiban pa

lamang. Ang mga bukid noon sa Barangay Obrero ay kapansin-pansin na tinayuan na ng mga

kabahayan at mga establisyemento.

Hindi alam niG. Salmorin ang dahilan kung bakit Obrero ang pangalan ng kanilang

barangay, ngunit alam niya na maraming manggagawa rito noon. Unti-unti lamang itong

nabawasan dahil may mga nagsasarang trabaho.

Pamumuhay sa Barangay

Mula noong hanggang ngayon, junk shop pa rin ang kabuhayan ni G. Salmorin. Ang

pinagkaiba lamang ay mas marami na ang kabataang sumasabak sa ganitong hanapbuhay.

Marami raw ang mga paniniwala at relihiyon sa Barangay Obrero, ngunit mapapansin na

karamihan ay mga Katoliko. May mga pagkakataon pa na ipapasara ang kalsada para lamang

magdaos ng misa. Bukod doon, may mga “Born Again Christians” din na nagpupunta sa kanila.

Napuna nitongmas mahirap ang pamumuhay ngayon kaysa noon. Dahil noong panahon ng

panunungkulan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, ang halagang dalawampung (20) piso ay

sapat na. Samantalang ngayon ang halagang 500 piso ay kaunti lamang at minsan ay kulang pa.

Mas gusto rin nito ang pamumuhay noon kaysa sa kasalukuyan, dahil noon ay hindi sila

masyadong namomroblema. Marami noon ang mga trabaho na bukas at kahit kumita ng

sampung (10) piso ay sapat na at sa ganitong halaga ay napagkakasya na ito sa mga gastusin.

Batas Militar (o Martial Law) at EDSA People Power Revolution

Sa usaping Martial Law na idineklara noong 1972, hati ang pananaw ni G. Salmorin.

Alam ng huli na marami ang nagsasabing hindi maganda ang Martial Law, ngunit nauunawaan

rin nitong may mga magandang itong naidulot. Hindi lamang sang-ayon si G. Salmorin sa mga

42
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

pagpapaputok o pang-aabuso ng mga sundalo. Kahit ganoon, masasabi nitong matagumpay pa

rin ang Martial Law.

Sa panahong ito, mayroon ding “nagra-rally” sa loob ng Barangay Obrero. Kahit si G.

Generoso ay napapasama rin dito. Ang layunin ng kanilang pagkilos ay para mabuwag na ang

pagiging diktador ng dating Pangulong Marcos. Nabanggit rin nito ang pagiging “tuta” ng hulisa

bansang United States (US)na kung saan nasusunod ang mga kagustuhan nila. Marami noon ang

mga “nagra-rally” at nagpapahayag ngunit nakikita rin mismo ni G. Salmorin na marami ang

kinukulong at hinuhuli ng mga militar.

Residente na rin si G. Salmorin ng Barangay Obrero noong nangyari ang EDSA People

Power Revolution noong Pebrero 1986. Ayon sa kaniya, mayroong mga residente sa nasabing

barangay ang nakiisa rito. Subalit dagdag niya na mas maganda ang panahon kung saan

naihalalna Pangulo si Marcos kaysa noong naging Pangulo na si Corazon Aquino.

Pamamahala ng Barangay

Batay kay G. Salmorin, wala pang kapitan noon. Mas maganda ang pamamahala ng

barangay Obrero ngayon dahil wala na ang takot hindi gaya nang dati. Masasabing mas ligtas

ang mga residente ngayon dahil noon ay may mga patayang nagaganap.

Pagdating sa benepisyong dapat na matanggap mula sa Barangay gaya ng

“pension,”walang natatanggap si G. Salmorin sa tagal ng paninirahan nito dito gayundin ang iba

pa niyang mga kasamahan.

Salarangan naman ng edukasyon, hindi tulad noon, marami na ang libre sa ngayon tulad

na lamang ng mga kagamitan, uniporme, at kahit allowance na binibigay sa mga mag-aaral sa

paaralan.

43
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Pamumuhay sa Indigent Area

Batay kay Ginoong Salmorin, wala itong kaalaman kung paano nagkakaroon ng

“ownership”sa lupa ang isang tao sa kanilang barangay. Dati pa lamang ay nakatira na sila sa

“indigent/squatters area.” Taong 1981 o 1982 nang gibain ang kanilang mga tirahan at inilipat

sila sa Bulacan. Ngunit bumabalik pa rin ang hulisa Maynila sa kadahilanang narito ang kanilang

hanapbuhay. Sinabi rin nito na sana bago sila paalisin, ay bigyan man lamang sila ng puhunan

upang makapagsimula ng bagong pagkakakitaan sa kanilang lilipatan. Nagkaroon muli ng usapin

patungkol sa kanilang“relocation” subalit wala pang lugar na dapat nilang malipatan.

Ang lugar kung saan nakatayo ang dikit-dikit na bahay nina G. Salmorin at ng kaniyang

mga kasamahan ay dating kalsada. Hindi ito ibinigay sa kanila ng gobyerno at pansamantala

lamang ang kanilang paninirahan dito, depende sa kung ano ang plano ng nabanggit. Magmula

1964 ay dito na sila naninirahan, at alam nito na kahit kailan ay maaari silang paalisin. Dahil

kahit ipaglaban nila ang lugar, pag-aari pa rin ito ng pamahalaan. Mayroong nangako sa kanila

na tutulungan silanoong eleksyon ngunit natalo ito kaya’t wala ring nangyari. Marami na ring

nangako sa kanila ngunit hindi rin natupad. Kung bibigyan ng pagkakataong mailipat sila G.

Salmorin sa ibang lugar ay papayag ang mga ito basta’t mayroong maibibigay sa kanilang

hanapbuhay o pagkakakitaan.

44
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

PANGALAN: Ramon Señeres

EDAD: 61 taong gulang

TAON BILANG RESIDENTE NG BARANGAY OBRERO: 61

Kasaysayan

Ayon kay G. Ramon Señeres, siya ay residente ng Barangay Obrero mula nang siya’y

ipinanganak. Ang kanyang buong angkan ay nakatira sa Obrero mula pa sa kaniyang pagkabata

hanggang ngayon na siya ay may sarili na ring pamilya. Sa kanyang perspektibo, hindi niya alam

ang dahilan kung bakit Obrero ang tawag sa kanilang barangay ngunit sa kaniyang pagkaka-

alam, noong panahon ng administrasyon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, nagbigay ito

nang tinatawag na “masagana 99” kung saan nagbuo ito ng mga barangay at mga munisipyo.

Inilarawan ni G. Señeres ang kapaligiran noon. Ayon sa kanya, ang mga kalye noon ay mabato,

45
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

hindi patag, at maraming puno. Aniya, gumanda raw ang Brgy.Obrero nang si dating Pangulong

Marcos ang namuno.Sa kanyang opinyon, ang pamahalaan ng huli at ng kasalukuyang Pangulo

na si Rodrigo Roa Duterte ay ang pinakamahusay na namahala at nakatulong sa pag-ayos ng

barangay.

Pamumuhay sa Barangay

Ayon din kay G. Señeres, walang partikular na trabaho ang kilala sa Barangay Obrero.

Ngunit, sinabi niyang marami ring magnanakaw at snatcher sa paligid noong siya ay bata pa

lamang. Sa kasalukuyan, masasabi nitong dahil na rin sa magandang lokal na pamahalaan, ay

bumaba ang “crime rate” sa naturang barangay tulad ng mga pumapatay, “illicit drug

users,”“snatchers,” at marami pang iba.

Pagdating sa paniniwala at relihiyon, ang tanging nasabi niya lamang ay hindi

magkakapareho ang mga kaparaanan kung paano magdasal ang mga mamamayan ngunit sa

kabila nito sinabi ni G. Señeres na ang Diyos kalian man ay hindi magbabago. Ayon ditto, ang

Diyos ang siyang tanging nakakapagbago ng buhay ng tao. Mula sa pahayag ng Ginoo,

mapapansin ang kaniyang matinding pananampalataya sa nakatataas sa lahat.

Kung ikukumpara naman ang mga katangian ng mga mamamayan mula noon at ngayon,

masasabi niyang mabuti ang mga tao sa Obrero, ang kaibahan lamang ay mas lumawak ang

“social life” ng mga tao. Ngunit kung papipiliin, mas gusto niya ang pamumuhay noon kumpara

sa ngayon, sa kadahilanang mas simple at mas mura ang mga pangangailangan noon. Nabanggit

rin niyang mas masaya noon, dahil noon ay hindi pa uso ang “cellphone” at mga “social media”

kung kaya mas madali ang “social life” noon. Bukod pa roon, personal na nag-uusap ang mga tao

noon at nakikihalubilo sa isa’t isa.

Batas Militar (o Martial Law)

46
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Noong panahon ng Batas Militar, si G. Ramon ay nasa gulang na 13 -18. Inilarawan niya

ang mga kaganapan noon bilang tahimik matapos ipinatupad ng dating Pangulong Marcos ang

batas. Ang mga mamamayan ay nagsisibalikan sakanilang mga tahanan dahil ayon sa kanya,

pagsapit ng alas-sais ng gabi, inaasahan ang lahat mapa-bata man o matanda nasa loob na ng

kani-kanilang tahanan, at pag hindi ay huhulihin at bibigyan ng kaukulang parusa. Sumali noon

sa pagpoprotesta ang menor-de-edad pang si G. Señeres. Aniya, hindi niya lubos alam ang

dahilan ng pagpoprotesta ngunit sa kanya, ito ay ang paraan para mapabagsak si Pangulong

Marcos.

Pamamahala ng Barangay

Nang tanungin ng mga mananaliksik si G. Señeres tungkol sa pamumuno sa kanilang

barangay, ang Barangay Obrero, sinabi niyang marami siyang masasabi sahindi naging maayos

na pamamahala ng mga namumuno pero kung tutuusin ay “ok” lang naman aniya ito. Masasabi

niyang mas mahusay ang Kapitan ng barangay noon kaysa ngayon. Sa kanyang napansin, sa

kasalukuyang pamamahala, marami nang mga opisyales ng barangay tulad ng mga barangay

tanod ang bumibitiw sa kanilang tungkulin na sa tingin niya ay dahil sa kakulangan sa sinasahod.

Kaya sa kanyang opinion, mas magaling at mas mahusay manuno ang dating kapitan.

Ayon sa kanya, kung maaari nga lamang na ang dating kapitan pa rin ang mamumuno sa ngayon

subalit ito’y namayapa na. Inilarawan niya ang kapitan noon bilang masipag dahil umiikot ito sa

buong barangay upang mapanatiling payapa ang lugar at pagsabihan ang mga mamamayan na

bumalik na ng kanilang tahanan at matulog na pagsumapit ang ika-10 ng gabi. Gayunpaman,

masasabi niyang matino pa rin ang mga opisyales ng Barangay Obrero ngayon at kahit

papaano’y may mga pagkakatulad ito sa pamamahala noon.

47
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

MGA NATUKLASAN

Sa pag-aaral na isinagawa sa Barangay Obrero, lumalabas na walang “heritage houses”

sa lugar sa kabila ng pagiging pangunahing proyekto nito na naitatag sa pagbuo ng bagong

lungsod ng dating Pangulong Manuel L. Quezon. Hindi naman hawak o alam ng mga

kasalukuyang namumuno ng barangay partikular na ng kanilang Kalihim, kung nasaan ang mga

dating ulat o datos patungkol sa Barangay Obrero gayundin sa tala ng mga naunang namuno rito.

Ang mga dating impormasyon ng barangay ang pagmumulan ng kanilang paggawa ng mga

proyekto subalit wala ni isang mapakita ang kanilang Kalihim, kung kaya’t palaisipan din sa mga

mananaliksik kung paano ang mga ito nakabubuo ng proyekto sa kasalukuyan. Kulang sa datos

ang Barangay Obrero partikular na sa palautatan ng kanilang komunidad tulad ng edad, kasarian,

at iba pa. Hindi rin naaayon sa panahon ang mga impormasyon ng naturang barangay lalong-lalo

na sa mga gusaling naipatayo sa kanilang komunidad, dahil sa mga nagdaaang taon ay maraming

umusbong na “commercial buildings” sa lugar.

Bukod pa roon, napansin ng mga manaliksik sa kanilang pag-iikot sa Barangay Obrero na

mayroong mga gusaling naipatayo rito gaya ng Drug Center ang hindi alam ng mga opisyales ng

barangay na umiiral. Kaya’t mahihinuhang hindi madalas na naglilibot ang mga ito sa buong

barangay bagkus ay nananatili lamang sa loob ng pasilyo ng barangay.

48
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

KONKLUSYON

Ayon sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik, ang Barangay Obrero ay isang

makalumang lugar ngunit walang mga naging pamanang bahay o “heritage houses.” Sa

kasalukuyan, ang nasabing barangay ay umuunlad na matapos magmula nito sa isang patag,

mabato, at puno ng talahiban na ngayo’y puno na ng mga estabilisyimento na patuloy na

ipinapatayo sa lugar, na siyang nagpapaunlad dito.

Patuloy din sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto ang Barangay Obrero sa iba’t

ibang larangan gaya ng “Waste Management” sa pangkapaligiran, paglalagay ng “fire

extinguisher” para sa mga sakuna, pagkakabit ng “Closed-circuit Television” o CCTV para sa

pagpuksa ng krimen, paglulunsad ng “Violence Against Women and Their Children”para

protektahan ang asawa at mga anak na naaagrabyado, pagtatatag ng BPSO para sa pagpapanatili

ng kaayusan at katahimikang ng barangay, “Patak Polio,” bakuna para sa “Anti-Pneumonia,” at

Denatl and Medical Mission para sa pangkalusugan, Livelihood Programspara sa mga “drug

surrenderees,”at marami pang iba.

Sinabi ng mga opisyales na nakapanayam ng mga mananaliksik na sa kabila ng kanilang

pagkukulang ay ginagawa ng mga ito ang lahat ng kanilang makakaya upang mapanatiling

maayos, payapa, at maganda ang kanilang komunidad.

49
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

MGA LIMITASYON SA PAG – AARAL

Naging malaking kakulangan sa mga impormasyong nailatag rito ang hindi sapat na datos

na nakalap ng mga mananaliksik sa Barangay Obrero bunsod ng kawalan ng “past records” ng

barangay. Hindi rin nabigyan ng pagkakataon ang mga mananaliksik na makapanayam at

makakuha ng sapat na impoprmasyon sa Kalihim at Kapitan ng barangay sapagkat maraming

ginagawa ang mga ito ng dumating sila, kaya’t masasabing kulang na kulang ang mga

importanteng dokumento na kanilang nakuha. Bumase lamang ang mga ito sa kanilang nakalap

na impormasyon mula sa ibang mga opisyales at residenteng nakapanayam.

Ang mga datos rin sa kanilang “Barangay Profile” ay mula pa noong taong 2016 kaya’t

hindi matutukoy ng tiyak ang bilang ng populasyon ng “senior citizen,” estudyante, at iba pa sa

kasalukuyan.

Dala naman ng banta ng coronavirus disease outbreak o COVID-19, nasuspinde ang

klase ng mga mananaliksik mula March 10, 2020. Bilang pag-iingat, ipinatigil ang kanilang

pagpunta sa pinag-aaralang barangay. Sinabihan rin silang manatili na lamang sa kanilang mga

tahanan at tapusin kung ano ang makakaya gamit ang mga nakalap na impormasyon sa mga

nakalipas na araw, dahilan para ang mga datos na ito ay hindi na muling nadagdagan pa.

50
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

REKOMENDASYON

Naging malaking kakulangan sa impormasyon ang hindi sapat na datos na nakalap mula

sa Barangay Obrero. Ang iba ay hindi updated, at ang iba naman ay kulang ng "past records".

Hindi rin kami nabigyan ng pagkakataon na makapanayam at makakuha ng sapat na

impormasyon mula sa sekretarya ng barangay dahil marami raw itong ginagawa sa mga oras na

pumunta kami. Masasabi na kulang na kulang ang mga importanteng impormasyon o dokumento

na aming nakuha. Kami ay bumase na lamang sa aming mga nakalap mula sa aming panayam sa

mga opisyales. Mas mainam din na pumunta ng mas maaga at siguraduhing hindi nagmamadali

upang mas makakuha ng impoemasyon at mabigyan ng oras ang makakapanayam

makapaghanda sa mga impormasyong kakailanganin. At dahil nga sa kakulangan ng mga

dokumento ng barangay, siguradong mayroong datos ang Quezon City Hall na wala ang

barangay kaya maganda rin kung pupunta doon at makahingi ng panayam sa mga opisyales.

Dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19, nasuspinde ang klase mula

Marso 10. Bilang pag-iingat, kami ay pinatigil na ni Ginoong Cabanilla sa pagkalap ng

impormasyon na nangangailangan ng paglabas ng aming tahanan. Kami ay pinayuhan na

manatili na lamang sa loob ng aming mga tahanan at tapusin kung ano ang makakaya gamit ang

impormasyon na aming nakalap mula noong mga nakaraang araw.

51
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

MGA KATANUNGAN SA NAKAPANAYAM

Mga maaaring itanong para sa mga BARANGAY OFFICIALS

 Anong pangalan, edad, position at ilang taon ng resident sa Obrero?

 Ilang taon nang nasa serbisyo?

 Magbigay ng maikling pagpapaliwanag ng Misyon, Bisyon at Pangunahing Mithiin ng

barangay.

 Ano ang mga pasilidad ng barangay na bukas sa lahat ng residente ng Obrero? Ano ang

pinaka pinagmamalaking facility ng barangay?

 Ano-ano na ang mga naipatupad na programa sa barangay? Ano ang pinakamatagumpay

na programa na naipatupad?

 Itanong ang mga sumusunod:

1. Waste Management

2. Environmental activities

3. Livelihood programs

4. Disaster Preparedness

5. Barangay information sources

 Ano-ano ang mga short-term at long-term barangay development plans?

 Ano-anong mga landmarks angmatatagpuansaObrero?

 May alam ba sa kasaysayan ng Ugong, pinagmulan ng pangngalan, dating mukha ng

 Ugong at mga makasaysayang pangyayari sa lugar?

 Ilarawan ang Obrero.

52
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

 Ilarawan ang pamumuhay sa Ugong (kontento ba silapaninirahansaObrero o mga

personal nakaranasan din nagustongibahagi).

Mga maaaring itanong para sa SENIOR CITIZENS

 Anong pangalan, edad at ilang taon ng resident sa Ugong?

 Bakit tinawag na “Ugong” ang lugar na ito?

(Next set of questions are set before Spanish Colonization)

 Ilarawan ang kapaligiran noon.

 Ano ang mga pangkabuhayan nila?

 Ano/Ano-ano ang religion practice/s noon?

 Ano ang katangian ng mga tao?

 Anu-ano ang mga magagandang tanawin?

(Next set of questions are set during Spanish Colonization)

 Paano ang kanilang paraan ng edukasyon?

 Kaso ng Lupa?

 Mga katipunero sa Obrero?

 Mga guerilla sa Obrero?

 Maglahad ng mga pangyayari noong panahon ng Hapon.

 Maglahad ng mga pangyayari noong panahon ng Amerikano.

 Ilarawan ang Obrero noon at ikumparasa kasalukuyang pamumuhay.

 Ilarawan ang pamumuhay sa Obrero sa kasalukuyan (kontento ba sila sa paninirahan sa

Obrero o mga personal na karanasan din na gustong ibahagi)

53
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

1. Kasaysayan ng Barangay

a. Paano nagsimula ang Barangay?

b. Pang-ilang Barangay na naitatag sa Lungsod

c. Saan kinuha ang pangalan ng Barangay?

d. Ano ang tawag o maaaring alyas sa brgy?

e. Saan kinuha ang pangalan ng mga street?

f. Paano sumibol/umusbong/nakilala/umunlad ang brgy?

g. Bilang ng lalaki at babae? Anong porsyento?

h. Bilang ng 0-20 years old? 20+ years old?

i. Bilang ng may kapansanan? Ano ang kadalasang kapansanan?

j. Bilang ng mga may trabaho sa paampubliko at pribado? Wala? May sariling

negosyo?

k. Anong statistics ang ginamit sa mga ito?

l. Mayroon bang katangi-tanging naganap sa kasaysayan ng barangay gaya ng Martial

Law o kung ano pa?

2. Anong kadalasang sasakyan mayroon?

a. Ilang terminal mayroon?

b. May problema din basa pampubliko at pampribadong sasakyan?

c. Ano-anoangmga public vehicles dito?

d. Ano ang kadalasang dahilan ng trapiko kung mayroon?

e. Sumusunod naman ba sila sa batas trapiko?

f. Nagagampanan naman ba ng mga opisyales ang kanilang tungkulin?

g. Ilan ang mga naitalang car accident sa barangay at anu-ano ito?

54
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

h. Listahan ng mga pangunahin at sekondaryang kalsada? Ano ang kabuuang sukat ng

mga ito?

3. Kapayapaan at kaayusan

a. Maliban sa VAWC, ano ang iba pang nagpapanatili ng kapayapaan?

b. Ano ang pokus/kasong hinahawakan nila?

c. Paano nilulutas ang problema?

d. Ano ang mga parusang naka-atang sa bawat kaso?

e. Mayroon bang mga emergency vehicles tulad ng bumbero?

4. Subdivisions, townhouses, condominiums, establishments, institutions

a. Ano-anong mga bigger condominiums, subdivisions, etc.?

b. Ilan mayroon?

c. Ano ang kadalasang mayroon:fastfood, restaurants, o karinderya?

d. Ano pa angmga establishments na mayroon sa barangay?

e. May iba pa bang schools maliban sa Roces? Mayroon bang simbahan, health

center/hospitals, bangko, factories, gas stations, supermarket, wet market, gov't

institution, foreign embassy, companies?

5. Health

a. May mga programa bang isinasagawa? Para sa mga bata? Matatanda? Buntis?

Para sa ngipin? Circumcision? Lumalaganap na sakit?

b. Paano naman sa mental health?

c. Paano ina-address?

d. May mga kaso ba kayo nito ngayon?

55
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

e. Magkano ang budget na nilalaan para rito? Sapat ba iyon para matustusan ang

pangangailangan ng mga tao?

f. Kumpleto ba ang kagamitan sa hospital? Kug hindi, ano ang mga pagkukulang?

g. Ilang nars o doktor o health care professionalsangmayroon?

6. Edukasyon

a. Anu-anong mga programa ang ino-offer?

b. Elementary school? High School?College?

c. Mayroon ba silang Alternative Learning System o ALS?

d. Paano sinusuportahan ng barangay ang paaralan sa mga gawain nito?

7. Parangal at pagkilala

a. Ilan ang mga parangal na natanggap? Anu-ano ito?Lokal?Nat'l?

b. Tungkol saan?

c. Sino anggumawad?

Additional questions related to:

Martial Law

Tokhang

Comparisons (before vs current)

56
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

MGA MANANALIKSIK

PERSONAL DATA

Name: Charmaine Joyce S. Bechayda

Date of Birth: February 01, 2001 Place of Birth: Mandaluyong

Permanent Address: 155 Gen. Mascardo St. Bagong Barrio, Caloocan City

Gender: Female

Nationality: Filipino

Civil Status: Single

Cellphone/Telephone Number: 09557421057

Email Address: cjbechayda@gmail.com

Languages known: Filipino & English

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementary: St. Paul Christian School Year Graduated: 2013

Junior High School: St. Paul Christian School Year Graduated: 2017

Senior High School: Manila Central University Year Graduated: 2019

College: Polytechnic University of the Philippines

Program: Bachelor of Science in Psychology Year and Section: 1-4


POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

PERSONAL DATA

Name: Keith Lovely S. Carrido

Date of Birth: December 13, 2000 Place of Birth: Batangas

Permanent Address: 56 Pvt. P. Cruz St. BarangkaIbaba, Mandaluyong City

Gender: Female

Nationality: Filipino

Civil Status: Single

Cellphone/Telephone Number: 09153412210

Email Address: carridokeithlovely@gmail.com

Languages known: Filipino & English

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementary: Hulo Elementary School Year Graduated: 2013

Junior High School: City of Mandaluyong Science High School Year Graduated: 2017

Senior High School: City of Mandaluyong Science High School Year Graduated: 2019

College: Polytechnic University of the Philippines

Program: Bachelor of Science in Psychology Year and Section: 1-4


POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

PERSONAL DATA

Name: Xarles Adrian A. Cruz

Date of Birth: April 03, 2001 Place of Birth: Olongapo City

Permanent Address: #0261 Calapandayan, Subic, Zambales

Gender: Male

Nationality: Filipino

Civil Status: Single

Cellphone/Telephone Number: 09086080266

Email Address: cruzxarles@yahoo.com

Languages known: Filipino & English

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementary: JFK SPED Center Year Graduated: 2012-2013

Junior High School: St. James School of Subic Inc. Year Graduated: 2016-2017

Senior High School: St. James School of Subic Inc. Year Graduated: 2018-2019

College: Polytechnic University of the Philippines

Program: Bachelor of Science in Psychology Year and Section: 1-4


POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

PERSONAL DATA

Name: Shazny T. Ortiz

Date of Birth: December 14, 2000 Place of Birth: Manila

Permanent Address: 248 Teresa St. Sta. Mesa, Manila

Gender: Female

Nationality: Filipino

Civil Status: Single

Cellphone/Telephone Number: 09503024220

Email Address: ortizshazny@gmail.com

Languages known: Filipino & English

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementary: Padre Burgos Elem. School Year Graduated: 2013

Junior High School: VictorinoMapa High School Year Graduated: 2017

Senior High School: Polytechnic University of the Philippines Year Graduated: 2019

College: Polytechnic University of the Philippines

Program: Bachelor of Science in Psychology Year and Section: 1-4


POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

PERSONAL DATA

Name: Gezeme L. Santillan

Date of Birth: September 21, 2000 Place of Birth: Manapla, Negros Occidental

Permanent Address: #59 Apple St. Welfareville Compound, Brgy. Addition Hills,
Mandaluyong City
Gender: Female

Nationality: Filipino

Civil Status: Single

Cellphone/Telephone Number: 09474010595

Email address: sjessiemi@yahoo.com/michellsantillan41@gmail.com

Languages Known: Filipino & English

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementary: Highway Hills Integrated School Year Graduated: 2013

Junior High School: Highway Hills Integrated School Year Graduated: 2017

Senior High School: Our Lady of Guadalupe Colleges Inc. Year Graduated: 2019

College: Polytechnic University of the Philippines

Program: Bachelor of Science in Psychology Year & Section: 1 - 4


POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

PERSONAL DATA

Name: Angelica Tarroquin

Date of Birth: November 21, 2000 Place of Birth: Manila

Permanent Address: 177B Sct. Chuatoco St. Barangay Obrero, Quezon City

Gender: Female

Nationality: Filipino

Civil Status: Single

Cellphone/Telephone Number: 09082020361

Email Address: angelicatarroquin21@gmail.com

Languages known: Filipino & English

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementary: General Roxas Elementary School Year Graduated: 2013

Junior High School: Don Alejandro Roces Sr. Year Graduated: 2017
Science- Technology High School
Senior High School: Polytechnic University of the Philippines Year Graduated: 2019

College: Polytechnic University of the Philippines

Program: Bachelor of Science in Psychology Year and Section: 1-4

You might also like