You are on page 1of 11

PAALAM SA

PAGKABATA
Salin ni Nazareno D. Bas sa
“Panamilit sa Kabantanon” ni
Santiago Pepito
Vilog, Ereca

BSA 2

I. PAMAGAT: Paalam sa Pagkabata


 A. MAY-AKDA: Nazareno D. Bas
Ang tunay na may akda nito ay si Santiago Pepito Jr. na sinalin ni Nazareno d. Bas na
isang nobelista at piksiyonista na nagmula sa Talisay, Cebu. Naging patnugot siya
ng  Bisaya Magasin mula 1973 hanggang 1986.
Nagsusulat siya sa Ingles, Tagalog at Cebuano. Ang kanyang nasulat na mahigit-
kumulang sa 50 mga nobela at maiikling kuwento sa wikang Tagalog ay isinalin niya sa
Cebuano.
Nakapagpalimbag siya ng isang diksyonaryong Ingles-Pilipino at Cebuano- Ilonggo na
naipalimbag noong 1970. Dahil sa pagbibigay ng insentibo sa maliliit na manunulat,
nabigyan siya ng Sertipiko ng Pagkilala ng Asosasyon ng mga Manunulat na Cebuano.
Ang kanyang kahusayan ay kinilala rin ng Knights of Columbus at ng  Unibersidad ng
Pilipinas. Nakapagpalimbag siyang muli ng isa pang diksyunaryo, ang Cebuano-
Pilipino Dictionary.

 B. SANGGUNIAN: https://www.studocu.com/ph/document/don-honorio-ventura-
technological-state-university/sosyedad-at-literaturapanitikang-panlipunan/
paalam-sa-pagkabata-filipino/26119933?
fbclid=IwAR3yvU9Vjbp6CXY5yKfgK7jWOEiKjul8XOImPMXTC-
9S4YXzPZFo7sh-rGM

II. BUOD
Si Celso ay nakatira malapit sa may dalampasigan. Namumuhay ng simple. Nasa ikaapat
na baitang palang si Celso at walang pang kamuang-muang. Si Tomas ang ama ni Celso ay isang
mangingisda at ang kaniyang ina ay si Isidra. Isang pangyayari noon ang naganap kay Isidra at sa
isang lalaki na napagkamalan ni Isidra na si Tomas kung bakit may puot ang huli sa babae. Isang
palaisipan kay Celso ang lambat ng kaniyang ama na hindi naman ginagamit ngunit alagang-
alaga at inaayos pa ito. Isang umaga, habang inaantay ni Celso ang kaniyang ama sa pagdaong sa
dagat at nagpapahinga, nakarinig siya ng isang makabagbag-damdaming kundiman sa isang
dampa na tinutugtog ng lalaki. Tinignan niya ito. Tiningnan din siya ng tumutugtog ng gitara at
hinawakan siya ng mahigpit. Sa pagkakita niya sa lalaki, sinabi niya na parang nakita na niya ang
lalaki, sa salamin. Nang matapos na silang mananghalian ng kaniyang pamilya, tumingin siya sa
salamin. Pinagmasdang mabuti ang salamin, nang bigla siyang matauhan at malinawagan at
nakakita ng kaginhawaan. Naliwanagan siya kung bakit parang nakita na niya ang lalaki sa may salamin. Iyon
pala, siya ang anak ni Isidra sa lalaking iyon na napagkamalan niyang si Tomas.Lumabas siya ng
bahay at may dalang itak. Lumapit siya sa nakasampay na lambat samay bakuran ng bahay at
pinagtataga niya ito. Wala siyang galit kay Tomas ngunit humihingi lamang ng pag-unawa. Nag-
aapoy ang mga mata ni Tomas nang ginawa ito Celso kaya sinuntok niya ito at bumulagta sa lupa. Sinundan pa
ng tadyak ni Tomas ang bata. Duguan si Celso at puro gasgas. Bumulagta siya sa paananng kaniyang
ama at nahimatay. Pagkagising niya, isang maamong Tomas ang bumungad sa kanya iba tulad
nang dati na may pagmamahal at pag-unawa.
III. PAGSUSURI
 A. URI NG PANITIKAN
Ang akdang Paalam sa Pagkabata ay isang maikling kuwento. Ang maikling kuwento ay
uri ng panitikan na isang maikling salaysay hinggil sa isang mahahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan.

B. ISTILO NG PAGLALAHAD
Ang istilo ng paglalahad ng mga pangyayari ay pakwento.Naging mabisa ang kaniyang
mga salita at kataga, masining ang pagkakagawa niya ng kuwento dahil sa mga
pangyayaring naganap na hindi inaasahan ng mgamambabasa. Mahusay ang may-akda dahil
naging malinaw ang gusto niyang ipahiwatig sa mga mambabasa.Ang awtor din ay gumamit
ng mga panipi “” na nangangahulugang may dayalogong naganap sa nasabing kwento.

 C. TAYUTAY
 Pagpapalit-tawag
Pinagbuhatan ni Tatay ng kamay si Nanay.

 Pagmamalabis
Nag-aapoy (galit na galit) ang mga mata ni tatay na humarap sa akin.

 Pagtutulad
Ang sunud-sunod na paghikbi ay tila pandagdag sa kalungkutan ng
daigdig.

IV. TEORYANG PAMPANITIKAN


 A. TEORYA
NAMAYANING TEORYA :

Teoryang Humanismo – ito ang ginamit sa kuwento sapagkat nakatuon ito sa Tao.
Kungsusurin ng maigi ang kuwento, binibigyang pansin ang halaga sa dignidad ng tao kabilang
ang pag-iisip at damdamin. Malinaw na naipakita sa kuwento ang kalakasan at mabubuting
katangian ng tao sapagkat sa kabila ng pagiging mapanakit ni Tomas ay nagawa niyang
magbago. Ang isang Tigang na lupa pala ay maaari ring lumambot. Dumating ang panahon na
natauhan siya sa kaniyang mga pagkakamali at pilit na itinatama sa pamamagitan ng pagbabalik
loob sa pamilya. Ang Konsepto ng kwentong “Paalam sa aking pagkabata” ay akma sa Teoryang
Humanismo dahil isinalaysay din sa kwento kung paano humantong si Celso sa pagkakaroon ng
katanungan patungkol sa kaniyang pagkatao at nagdesisyon naipahayag ang kaniyang emosyon.
PANG-ALALAY NA TEORYA:

Teoryang Sikolohikal – sapagkat ang layunin ng panitikang ito ay ipaliwanag ang tema
nito sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salik sa pagbuo ng naturang pag-uugali, paniniwala,
pananaw, at pagkatao sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay
nagbabago o nagkakaroon ng panibagong pag-uugali dahil may nag-udyok na mabago o mabuo
ito. Sa kwentong ito makikita kay Celso na mayroon siyang kasagutang hinahanap sa kanyang
mga katanungan. At ng mamulat siya sa katotohanan, nagkaroon siya ng pagbabago sa
paniniwala o pananaw tungkol sa kanyang pagkatao. At sa huling bahagi ng kwento sinubukan ni
Tomas na kalimutan at balewalain nalang lahat ng mga nangyari sa nakaraan. Base sa daloy ng
mga pangyayari, isinalaysay dito ang mga naging resulta ng kanilang problema at kung paano
nila ito nabigyan ng solusyon.

Teoryang Arkitaypal - sapagkat ang layunin ng panitikan na ito ay ipakita ang mga
mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta
masusuri ang mga simbolismo sa akda. Sa teorya na ito importante na alamin muna natin ang
kabuuang konsepto at tema ng panitikan dahil ang mga simbolismong napapaloob sa kwentong
ito ay magkakaugnay sa isa't isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa paksa at konseptong
ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa. Tulad nalang ng sa kwentong ito kung saan
ginamit ng may-akda ang simbolo ng lambat na siyang naging saksi ng isang pagkakamali na
nagdulot ng pagpapasakit at di pagkakaunawaan ng mga tauhan. Ang lambat na ito ang
sumisimbolo sa kasalanan sa nakaraan na hindi malimot-limot ni Tomas. Kasalanan na nagdala
ng malaking probleman at nagkulong sa isang pamilyang ito sa nakaraan.

Teoryang Naturalismo – Ang kwentong ito ay isang uri ng teoryang Naturalismo, sapagkat
itinuturing na mabangis na gubat ang buhay sa mga walang kalaban-laban na mga tao. Sa teorya
na ito mas detalyado ang paglalarawan ng mga kasuklam-suklam na pangyayari sa buhay ng tao.
Kung saan tinitignan ang tao na parang hayop na pinag-eeksperementuhan sa isang laboratoryo.
Natural lamang sa teoryang ito ang pagkakahati ng lipunan sa mayaman at mahirap, babae at
lalaki, mabait at masama. Sa isang bahagi ng kwento makikita natin na dahil sa labis na galit ni
Tomas kay Celso ito ay kanyang sinuntok, sinipa at tinadyakan siya hanggang siya ay mawalan
ng malay. Isa itong patunay na ang ginawa ni Tomas sa inosenteng bata at walang kalaban-laban
na si Celso ay hindi kaaya-aya o di tama.

B. GALAW NG PANGYAYARI

SIMULA- Ang pagpapakilala sa walang buhay at malungkot na pamumuhay ni Celso.


Ang pagtangis sa bawat araw ni Isidra at ang paghingi ni Celso ng karamay sa kapatid. Ang
lambat na nakasampay na hindi ginagalaw at ang pagbabalik-tanaw sa mga nakalipas na
pangyayari nang pag-aaway nang kaniyang Ama at Ina. Ang paglapit ng pangunahing tauhan sa
Ina upang tulungan at ang pagtugon ng Ina na siya’y humayo na sa labasan upang matulungan
ang Ama.

GITNA- Ang patuloy na pakikibaka ng pangunahing tauhan sa mga hamon ngbuhay.


Ang pagdating nito sa palaisdaan na malapit sa dalampasigan. Ang pagkarinig nito sa usapan ng
mga mamimili at sa tugtog ng gitara na may halong pag-awit ng kantahing kundiman na inaawit
ng isang lalaki na nasa bahay-pawid. Ang pag-uusap ng mga tao tungkol sa pambihirang
pagmamahal ng lalaking umaawit at ang pagtitiis ni Celso na huwag pumunta sa nasabing bahay-
pawid dahil sa utos ng kaniyang mahigpit na Ama. Ang pag-iisip ng kaisipang malaya atang
pagsasakatuparan sa gustuhing nito na makapunta sa nasabing lugar. Ang paghaharap ni Celso at
ng misteryosong lalaki na lumuluha habang umaawit at naggigitara. Ang pagkatakot ni Celso at
ang pagyakap ng lalaki sa kaniya. Ang pagkawala ng takot na bumabalot sa katawan ni Celso
nang dahil sa pagngiti at pagpahid ng luha ng lalaki sa mga pisngi niya. Ang pagtitig ni Celso sa
misteryosong lalaki at ang pag-iisip na pamilyar ang mukha sa kaniya at ang iniisip niya ay
kaniyang nakita sa sa salamin sa kanilang bahay. Ang pagdating ng mga mangingisda kasama na
ang Ama ni Celso na galit na naman sakaniya dahil nakita nito na si Celso ay pumunta sa bahay-
pawid.

WAKAS- Ang masidhi at malakas na sigaw ng Ama ni Celso sa kaniya, ang paglapit ng
bata sa Ama at ang pagsampal ng Ama sa bata nang dahil sa utos na hindi sinunod. Ang patuloy
na pagbibigay ng deskripsyon ni Celso sa kanilang pamumuhay. Ang pagkabuo ng malinaw na
kaisipan ni Celso sa kaniyang katauhan, ang pagtaga ni Celso sa lambat at ang pagkaroon nila ng
kaniyang Amang masidhing titigan na naging sanhi sa pananakit muli ng kaniyang Ama
sakaniya at ang kaniyang pagkawala sa ulirat. Ang pag-iba ng katauhan ng Ama ni Celso na
sumisimbolo ng pagsisi.

V. SARILING REAKSYON
 BISA SA ISIP
Sa bahagi ng maikling kwento na ito, tumatak sa isipan ko na dapat maging bukas lagi ang
ating isipan sa lahat ng mga katotohanan o nangyayari sa ating paligid. May mga bagay na
kinakailangan ng panahon upang lubusan natin itong mauunawan kaya't huwag tayo masyadong
magpadalos-dalos sa mga ikinikilos natin. Huwag tayo gagawa ng mga bagay na pagsisihan natin
sa huli lalo na kung alam nating hindi ito makakabuti para sa atin. At lagi nating tatandaan na
walang sikreto ang hindi nabubunyag dahil sa tamang oras, lalabas at lalabas din ang
katotohanan. Isa pa sa mga tumatak sa aking isipan ay matuto tayong magpatawad at umunawa
sa mga taong nanakit sa atin dahil kahit gaano pa sila kasama, lahat ng tao ay may pag-asang
magbago. Habang tayo ay may buhay pa, hindi pa huli ang lahat para magsisi at itama lahat ng
pagkakamali sa buhay natin.

 BISA SA DAMDAMIN
Sa maikling kuwento na ito maraming damdamin ang nangingibabaw para sa akin tulad na
lamang ng ako ay nakaramdam ng pagtataka, lungkot, at saya sa huli ng kwento. Una, ako ay
nagtataka, sapagkat noong una hindi ko lubusan mauunawaan kung bakit pinagbabawalan si
Celso ng kanyang ama na si Tomas na pumunta sa may bahay-pawid sa may dalampasigan. Kaya
sa patuloy na pagbabasa ko dito nalaman ko na ang lambat na tinutukoy nila sa kwento na ito ay
sumisimbolo sa kasalanan sa nakaraan na hindi malimot-limot ni Tomas. Pangalawa, ako ay
nakaramdam ng lungkot para sa pangunahing tauhan na si Celso sapagkat maaga siyang namulat
sa katotohanang nangyayari sa kanilang buhay. Siya ay nakakaranas ng pananakit mula sa
tumatayong ama nito. Sa huli ng kwento ako ay masaya sapagkat nagsisisi na ang kinikilala
niyang ama sa lahat ng mga nagawa nito. Lagi nating isipin na hindi sa lahat ng pagkakataon
kailangan natin balikan ang mga masasamang pangyayari sa nakaraan. Matuto tayong umunawa,
magpatawad, tanggapin ang meron tayo sa kasalukuyan.
 BISA SA LIPUNA
Kung babasahin ng nakararami ang kwentong ito, makikita at mauunawaan ng mga
mambabasa kung gaano kahirap ang buhay na nararanasan ni Celso. Bilang isang anak sa labas si
Celso siya ay nakakaranas ng pagmamalupit mula sa taong kinikilala niya bilang ama. At sa
kwento din na ito makikita natin na isa sa sakit ng ating lipunan ang maling pagtrato ng tao sa
mga batang anak sa labas o kapamilya nilang hindi kadugo. Kaya nakakalungkot isipin na dahil
sa mga iresponsableng magulang napapahamak at napagkakaitan ng kasiyahan ang mga anak.
Kaya lagi natin isaalang-alang na ang bawat bata sa mundo ay may karapatang malasap ang
buhay pagkabata. May karapatan sila na malaman ang katotohanan sa tamang panahon. Lagi
natin tatandaan na bata man sila pero hindi sila bulag sa totoong nangyayari sa paligid nila. Kaya
bago tayo gumawa ng desisyon sa buhay, isipin natin kung ito ba ay makakabuti sa lahat.

 BISA SA KAASALAN
Sa buhay kailangan natin maging malawak ang ating pang-unawa sa mga bagay-bagay at
isipin na lahat ng hindi magagandang nangyari sa nakaraan ay isang pagsubok lamang ng Diyos
para sa atin. Huwag natin hahayaan na kontrolin ng nakaraan ang ating hinaharap. Kaya kung
mahal natin ang isang tao dapat bigyan natin ito ng pagkakataon na itama ang pagkakamaling
nagawa niya. Tandaan natin na ang pagkakamali ay hindi naiitatama pa ng isang pagkakamali
tulad ng sa kwento kung nagkamali man si Isidra noon dapat itinama niya ito at mas naging
mabuting ina ito kay Celso. Kaya sa kwento na ito, huwag natin tutularan ang pag-uugaling
ipinakita ni Tomas at Isidra sa unang bahagi ng kwento. Responsibilidad ng magulang na
alagaan at mahalin ang kanilang anak. At bago gawin ang isang bagay kailangan muna natin
itong pag-isipan kung ito ba ay makakabuti o hindi. Kahit kadugo man natin o hindi ang isang
tao dapat pairalin natin lagi ang pagmamahalan, pang-unawa at kabaitan sa lahat ng oras.
“PAALAM SA PAGKABATA”
Salin ni Nazareno D. Bas sa“Panamilit sa Kabantanon ni Santiago Pepito

Wala akong nakikitang pagbabago. Tulad nang nagdaang mga madaling-araw: ang
ginaw, katahimikan, dilim- iyon din ang bumubuo ng daigdig ng aking kamalayan.
Maraming bagay ang dapat mailarawan. Ngunit alam kong iisa lamang ang kahulugan ng
mga iyon. Alam ko.

Sa kabilang silid, sa kuwarto nina Nanay at Tatay, naririnig ko ang pigil na paghikbi.
Umiiyak na naman si Nanay. Ang sunud-sunod na paghikbi ay tila pandagdag sa
kalungkutan ng daigdig. Napabuntung-hininga ako. Umiiling-iling. Hanggang ngayon hindi
ko pa nakikita ang tunay na dahilan ng damdaming iyon na matagal nang umalipin sa kanya.

Walang malinaw sa aking isipan. Mula sa aking pagkamulat ang pagkainip ay kakambal
ng aking buhay. Sa aking pag-iisa di ko maiwasan ang pangarap na magkaroon ng batang
kapatid na nag-aangkin ng mabangong hininga at taglay ang ngiti ng isang anghel. Ngunit
ang damdamin ko’y tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan.

Maliwanag na ang silangan nang ako’y bumangon. May bago na namang umaga. Ngunit
ang tanawin sa bahay ay walang pagbabago. Tulad ng dati, nakikita ko si Nanay na nakaupo
at nag-iisip sa may hagdanan. Nakatitig siya sa sampayan ng lambat ni Tatay. At madalas
ang kanyang pagbubuntong-hininga.

Matagal ko nang nakikita ang sampay na lambat. Ngunit hindi ko nakikitang ito’y
ginagamit ni Tatay. Noon ay walang halaga ito sa akin. Nagsimula ang pagpansin ko sa
lambat noong ito’y itinapon ni Nanay mga dalawang taon na ang nakakaraan. Galit na galit
si Tatay sa ginawa ni Nanay. Pinagbuhatan ni Tatay ng kamay si Nanay. Pagkatapos
ipinabalik kay Nanay ang lambat sa sampayan.

“Hanggang ngayon ba’y hindi ka pa nakakalimot, Tomas? Alam ng Diyos na wala akong
kasalanan. Ang kanyang ginawa ang siya mong ginagawa tuwing ikaw ay darating sa
madaling-araw. Ang kanyang amoy ay siya ring amoy na galing sa dagat. Magkatulad ang
inyong ikinikilos. Sino ang hindi mag-aakala na siya ay hindi ikaw? Huli na nang malaman
ko ang katotohanan. Huli na nang siya ay aking makilala. Totoong lumigaw siya sa akin. At
mula noon ay alam mo iyon. Ikaw ang aking iniibig, Tomas. Kailan mo pamalilimutan ang
nangyari?”

Tuluyang umiyak si Nanay. Umungol lamang si Tatay. Nanlilisik ang mga matang
tumingin sa lambat at pagkatapos ay bumaling sa akin. May ibig sabihin ang tingin niyang
nag-aapoy. Maliban sa takot na aking nararamdaman ay wala akong naintindihan sa
pangyayaring iyon.

Mula noon ay hindi na ginalaw ni Nanay ang lambat. Naluma na ito ngunit buung-buo pa
rin sa aking paningin. Buung-buo pa rin sa paningin ni Nanay. Ano kaya ang misteryong
napapaloob sa lambat na iyon? Alam kong alam ni Nanay ang hindi ko nalalaman. At
kailangang malaman ko ito. May karapatan akong makaalam.

Nilapitan ko si Nanay na malalim pa rin ang iniisip. Hinalikan ko ang kanyang kamay.
May ibig akong itanong tungkol sa misteryo ng lambat. Ngunit nauntol ang ibig kong
sabihin nang magpatuloy ang kanyang pagluha.

“Lakad na Celso, malapit nang dumating ang Tatay mo.”

Sa labasan, sumalubong sa akin ang bagong araw. Tumingin ako. Maliwanag ang langit.
Langit? May gumugulo sa aking kalooban. Kalawakan. Iyan ang sabi ng aking guro sa
ikaapat na baitang ng primarya. Iyan ay hindi langit kundi hangganan lamang ng pananaw ng
tao. Ang langit ay nasa tao. Hindi nakikita. Hindi nahihipo. Hindi naaabot. Naabot na kaya ni
Nanay ang langit?“

Ano pa ang hinihintay mo, Celso?

Ipinahid ko sa mukha ang suot kong sando. Humakbang pagkatapos. Maya-maya’y


tumakbo na ako ng matulin.

Nasa dalampasigan ang mamamili ng isdang dala ng mgabangkang galing sa laot.


Masasaya silang nagkukuwentuhan habang hinihintay ang mga mangingisda. Sumalampak
ako sa buhangin, malapit sa kinauupuan ng dalawang lalaking may katandaan na. Sa laot ako
nakatingin at pinagmamasdan ang galaw ng mga alon na pandagdag sa kagandahan ng
kalikasan.

Napalingon ako nang makarinig ng tugtog ng gitara mula sa di-kalayuang bahay-pawid.


At sabay kong narinig ang malungkot na awiting nagsasaad ng kasawian sa pag-ibig.At muli
na namang naantig ang aking damdamin. Habang pinakikinggan ko ang malungkot na
kundiman umalingawngaw ang mahinang pag-uusap ng dalawang lalaki sa tabo ko.

“Naririyan na naman siya.”

“Talagang pambihira ang kanyang pagmamahal. Naniniwala akong nagpapatuloy ang


kanyang pangarap habang di pa namamatay ang babae sa kanyang buhay. Hindi nawawala
ang kanyang pag-asa. Kung kailan natutupad ang kanyang pangarap Diyos lamang ang
nakakaalam.”
Dinig na dinig ko ang mga kataga habang nagpapatuloy ang malungkot na kundimang
naging bahagi na ng aking buhay. Tumayo ako at ibinaling ang paningin sa bahay-pawid sa
lilim ng kaniyugan. Patuloy ang awitin. Humakbang ako ngunit biglang napatigil sa harap ng
dalawang lalaking may katandaan na. Naalala ko ang sabini Tatay. Bawal pumunta sa bahay-
pawid na iyon. Mahigpitang utos ni Tatay. Nagbabanta ng parusa.

Lumingon ako sa laot. Nasa malayo ang mga bangka ng mga mangingisda. Bumaling ako
sa pinanggalingan ng awit na ngayo’y gumaganda sa aking pandinig. At para akong hinihila.
Nakalimutan ko ang ipinagbabawal ni Tatay. Mabilis ang aking paglakad at sa ilang saglit
kaharap ko na ang taong naggigitara at umaawit. May luha sa kanyang mga mata.

Tumitig siya sa akin. Inilapag ang gitara sa ibabaw ng papag na kinauupuan. Tumayo
siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Kinabahan ako. Umakma akong tumakbo ngunit
nahawakan niya ang isa kong kamay. Nagpumiglas ako upang makawala sa kanyang
pagyapos sa akin. Ngunit lalong humigpit ang kanyang pagyakap. Umiiyak ako.

Ngumiti siya at pinahid ang aking mga luha.Hinimas ang aking ulo. Unti-unting lumuwag
ang aking paghinga. Nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal nang tumingin ako sa
kanya. Muli niya akong niyapos.

“Dalawin mo akong palagi, ha?”

Hindi ako kumibo. Tinitigan ko siya. Ang kanyang mga mata, ang ilong, ang labi- lahat
parang nakita ko na. Saan? Alam ko na, sa salamin. Talagang siya ang nakita ko sa salamin
na nakasabit sa dingding ng aming bahay.

Napatingin ako sa dalampasigan nang marinig ko ang hiyawan. Nagdatingan na pala ang
mga bangka at nag-uunahan ang mga mamimili ng isda. Nagmadali akong tumakbo upang
salubungin ang Tatay. Malayo pa ako ng makita ko siyang nakatayo sa may dinaungan ng
kanyang bangka. Natanawan niya ako. Masama ang titig niya sa akin. Galit. Kinabahan ako.

“Lapit rito, Celso!”

Malakas ang sigaw ni Tatay. Nanginginig akong lumapit. Atbigla akong sinampal.

“Di ko gusto ang batang matigas ang ulo! Di lang sampal ang matitikman mo kapag
umulit ka pa. Hala, kunin mo ang mga isda at sumunod ka kaagad sa akin.”

Habang naglalakad ay sinalat ko ang pisnging nakatikim ng sampal. Talagang mahirap


intindihin si Tatay. Wala namang dahilan upang iwasan ko ang taong nasa bahay-pawid. Di
naman dapat katakutan ang kanyang mukha at boses. Bakit kaya hinihigpitan ako ni Tatay?

Matapos akong mag-almusal, nandoon na naman si Tatay sa sampayan ng lambat.


Nakatabako at nagtatagpi ng punit na bahagi ng lambat. Alam kong aabutin siya ng tanghali
bago matapos ang kanyang gawain,. Matapos makapananghali siya’y matutulog.
Pagkagising maghahapunan. At di pa man ganap ang gabi balik na naman sa dagat. Iyan ang
buhay ni Tatay. At iyan ang bahagi ng aking buhay.

Sa aking kinauupuan sa may bintana nakikita ko si Nanay na nakaupo sa may hagdanan.


Tahimik at nakatingin na naman sa sampayan ng lambat. Luhaan na naman ang kanyang
mga mata. At naalala ko ang pangyayari noong itinapon ni Nanay. Lahat may itinatagong
kahulugan. At naalala ko ang nangyari kanina sa dalampasigan. Naalala ko iyong tao.

Lumapit ako sa salamin sa dingding. Pinagmasdan ko angaking sarili. Nakita ko sa aking


isipan ang mukha ng tao. Unti-unting lumiwanag ang aking kamalayan. Biglang kumulo ang
aking dugo habang iniisip ang nakasampay na lambat. Nagdilim ang aking paningin.
Nadama kong inihahanap ko ng katarungan ang aking kalagayan.

Nagpunta ako sa kusinaan. Hinanap ko ang itak ni Nanay na pangsibak ng kahoy. Bitbit
ko ito at pinuntahan ang sampayan ng lambat. Pinagtataga ko ang lambat.

“Huwag, Celso!” saway ni Nanay na nanginginig ang boses. “Huwag!”

Naiiba sa aking pandinig ang pagsigaw ni Nanay. Pati si Tatay ay natigilan at nabigla sa
aking ginawa ay hindi ko pinansin. Hinalibas ko ng itak ang lambat at saka lang ako tumigil
nang ito’y magkagutay-gutay na at nagkalat sa aking paanan.

“Celso!”

Nag-aapoy ang mga mata ni tatay na humarap sa akin. At sa unang pagkakataon ay hindi
ko inalis ang aking tingin sa kanya. Nilabanan ko siya ng titigan. Di ako nagagalit kundi
humihingi lamang ng pang-unawa. Ngunit bigla akong napatimbuwang nang matamaan ng
malakas na suntok at napahiga sa pira-pirasong wasak na lambat.

Nahihilo ako, parang ibig himatayin. Umiikot ang aking paningin. Parang may nakita
akong anino – si Tatay na sumusurot kay Nanay.

“Ngunit, Tomas,” nagmamakaawa si Nanay. “Wala siyang kasalanan. Maawa ka sa


kaniya.”

“Pumanhik ka, Isidra!” singhal ni Tatay. “Pumanhik ka na habang ako’y nakapagpipigil


pa.”

Dahan-dahan akong bumangon at sumuray-suray na lumapit kay Tatay. Ngunit isang


tadyak ang sumalubong sa akin. Napatihaya ako ngunit tinangka kong makatayo. Mabigat
ang pakiramdam ko sa aking katawan at ako’y gumapang. Ngunit sinabunutan ako ni Tatay
at iningudngod sa lupa ang aking mukha. Humihingal ako ngunit di ko makuhang umiyak.
Nasasalat ko ang magkahalong dugo at pawis sa aking pisngi.
Di ko pansin ang mga gasgas sa dalawang siko. Sa labis na panghihina’y umusad ako
nang umusad. Hanggang sa nangangatog kong mga bisig ay yumapos sa mga binti ni Tatay.
Naramdaman ko ang panlalamig ng katawan at ako ay napahandusay sa kanyang paanan.

Hindi ko na alam kung gaano katagal ang pagkawala ng aking malay. Naramdaman ko na
lamang may maiinit na mga bisig na yumayakap sa akin. Kinusot ko ang aking mga mata.
Sumalubong sa aking paningin ang maamong mukha ni Tatay. Pagsisisi. Pag-unawa. Lahat
ay kasalungat sa dati niyang gawa. Lalong humigpit ang kanyang pagyakap at kinabig ang
aking mukha sa kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso. Matagal.

You might also like