You are on page 1of 8

Paalam sa Pagkabata: Isang Suring-basa

Santiago Pepito
Nagsalin: Nazareno Bas

Proyekto sa Filipino 10

Isinumbite sa departamento ng E-COM ARTS ng


Mataas na Paaralan ng Agham at Teknolohiya
ng Siyudad ng Santa Rosa (SRSTHS)

ni:
Francis Andrei R. Aguilar
Rhyczholete Asherie Mari F. Ferrer
X - Bernoulli

Ika-11 ng Oktubre, 2019

Ms. Immie Almazan


Guro ng Filipino 10
Talaan ng Nilalaman

I. Panimula…………………………………………………………………………
ii

a) Uri ng panitikan…………………………………………………………...ii

b) Bansang pinagmulan……………….………………………...…….……...ii

c) Pagkakilala sa may-akda………….……..………………………………...ii

d) Layunin ng akda…………………………………………………..………...ii

II. Pagsusuring
Pangnilalaman…………………………………………………….iii

a) Tema o Paksa ng akda…….……………………………………………….iii

b) Mga tauhan/karakter sa akda…….……………………………………….iii

c) Tagpuan/ Panahon…….………………………………………..………….iii

d) Balangkas ng mga pangyayari…….………………………………...…….iv

e) Kulturang masasalamin sa akda…….………………………….…...……..v

III. Pagsusuring
Pangkaisipan……………………………………………………..v

a) Mga kaisipan/ideyang taglay ng akda……………………………………..v

b) Estilo ng pagsulat ng akda………………………………………………….v

IV. Buod…………………………………………………………………………….
.vi
Paalam sa Pagkabata: Isang Suring-basa

Francis Andrei R. Aguilar | Rhyczholete Asherie Mari F. Ferrer

I. PANIMULA

A. Uri ng Panitikan

Ang Paalam sa Pagkabata ay isang halimbawa ng maikling kwento.

B. Bansang Pinagmulan

Ang Paalam sa Pagkabata ay nagmula sa bansang Pilipinas na orihinal na

naisulat sa Cebuano.

C. Pagkilala sa may-akda

Si Santiago R. Pepito Jr. ay isang manunulat na pinanganak noong Hulyo 25,

1937 sa Sogod, Cebu. Nakilala siya sa kanyang mga akdang Mga Sugilanon o Mga

Storya at ang Mga Kuwento ng To Imbong kung saan kilala siya bilang si Juperosan.

Siya ay naglingkod para sa Visas Magazine, nagsilbing kasangguni para sa

Diksiyonaryo ng wikang Filipino ng Unibersidad ng Pilipinas, at madalas naging

hukom ng Carlos Palanca Memorial Award For Literature. Noong 2003 ay natanggap

niya ang UMPIL Award at Gob Ang SunStar’s Gwen Gracia Literary Award noong

2004 para sa kanyang mga akda. Nilikha ni Santiago ang akda upang maipakita ang

kalagayan ng mga anak sa labas at kung paano sila naapektuhan nito.

D. Layunin ng akda

Nais ni Santiago na hikayatin tayo na baguhin ang mga pananaw natin sa mga

“anak sa labas” at ang realidad na kailangan nilang harapin. Isa pa rito ay

ipinapahiwatig sa atin na sa lahat ng mga gagawin natin ay kailangang pag-isipan ito

nang mabuti dahil may kapalit ang mga ginagawa natin.

2
II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN

A. Tema o Paksa ng Akda

Ang akda ay umiikot sa kamusmusan ni Celso at ang problemang ikinakaharap

ng pamilya niya. Ang iba pang mga tema ay: ang pamilya, kapatawaran, pagmamahal,

pagsisisi, at pagtanggap.

B. Mga Tauhan/Karakter sa Akda

Ang mga tauhan ay sina:

Celso. Si Celso ang pangunahing tauhan sa kuwento. Si Celso ay isang

kawawang batang pinagkaitan ng sagot sa mga tanong na gusto niyang masagot

lalo na sa sarili niya.

Tomas. Siya ay isang mangingisda na ama ni Celso. Makikitang isang

malupit na ama si Tomas at hindi siya magdadalawang isip manakit.

Isidra. Si Isidra ang ina ni Celso na madalas na nakikitang umiiyak at parang

nakakulong sa isang mapang-abusong relasyon.

Ang lalaki sa bahay-pawid. Ang magaling na umawit ng kundiman at ang

yumakap kay Celso.

C. Tagpuan/Panahon

Ang maikling kwento ay naganap sa?:

Bahay nila Celso. Dito nakatira ang pamilya at ang lugar kung saan madalas

mag-away ang kahabag-habag na si Isidra at si Tomas. Ito rin ang lugar kung saan

namaalam si Celso sa kanyang pagkabata.

Dalampasigan. Maraming tao ang nag-aabang dito upang hintayin ang mga

mangingisda. Dito inabangan ni Celso ang tatay niya na nangisda subalit narinig

niya ang kundiman.

3
Bahay-pawid. Dito nagmumula ang malulungkot na kundimang naririnig ni

Celso. Dito rin nakatira ang misteryosong lalaki.

D. Balangkas ng mga Pangyayari

Ang Paalam sa Pagkabata ay isinulat sa paraan na ang mga pangyayari na

kahihinatnan ay hindi inaasahan ng mga mambabasa. Mahirap unawain at intindihin

sa unang pagkabasa dahil nakakubli ang mga importanteng detalye sa mga diyalogo at

simbolismo, ngunit sa pangalawa o pangatlong beses na basahin ay mas mauunawan

ang bawat diyalogo at linya na makikita sa maikling kwento. Nakasulat sa baba ang

buong balangkas ng maikling kwento.

Panimula. Nagsimula sa pag-aaway ng mag-asawang Isidra at Tomas. Naalala ni

Celso ang nakaraan dahil sa sampayan ng lambat. Hinihintay niya ang ama na galing

sa pangingisda.

Pataas na aksiyon. Narinig ni Celso ang kundiman at pumunta siya sa bahay-

pawid at nakitang magkamukha sila ng lalaking nakatira sa bahay-pawid. Nakita ni

Tomas si Celso at sinampal siya.

Kasukdulan. Umiiyak nanaman si Isidra at tumingin nanaman si Celso sa

sampayan ng lambat. Naalala niya ang mukha ng lalaking nasa bahay-pawid;

tumingin sa salamin si Celso at nandilim ang paningin niya at kinuha ang itak

ipinagtataga ang lambat.

Kakalasan. Sa sobrang galit ni Tomas sa ginawa ni Celso ay binugbog niya ito.

Nawalan ng malay si Celso.

Wakas. Nagising si Celso at naramdaman niyang yakap-yakap siya ni Tomas at

puno ng pagsisisi ang makikita mo.

4
E. Kulturang Masasalamin sa Akda

Malinaw na naipakita ng akda ang kultura ng mga Pilipino ang importansiya ng

pamilya. Makikita ang pagmamalasakit ni Celso sa nanay niya. Malungkot ding isipin

na nasalamin din dito kung gaano kadalas o kalala ang mga alitan ng pamilyang

Pilipino. Naipakita rin dito na hindi maganda ang tingin natin sa mga anak sa labas at

kung minsan ay hindi natin sila matanggap at madalas silang husgahan. Makikita sa

maikling kwento ang pagsisisi sa mga maling nagawa, ito ay madalas makita sa buhay

ng mga Pilipino na kahit noon pa man ay talamak na.

III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN

A. Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng Akda

Ang kaisipang gustong ibahagi ng akda ay ang kahalagahan ng pag-iisip bago

gumawa ng bagay, binigyang pansin dito na pag hindi natin pinag-isipan ang isang

bagay, ay maari natin itong pagsisihan sa dulo. Ang iba pang kaisipan ay dapat nating

mahalin ang pamilya natin kahit ano pa man sila o kahit hindi natin sila kadugo.

Alalahanin sana na tanggapin ang anumang mangyari dahil ito ang realidad at

madalas ay mahirap itong tanggapin.

B. Estilo ng Pagsulat ng Akda

Inilagay ni Santiago ang mga mambabasa sa mga mata ni Celso. Tulad ni Celso

ay naguguluhan din sa simula ang mga mambabasa sa mga nangyayari dahil itinago

ito ni Santiago sa mga simbolismo at diyalogo. Naging epektibo ito sa paglalahad ng

istorya at mas nakadagdag sa kwento at hindi ito pawang pampalito lang. Dagdag pa

rito ay akma lamang ito sa antas ng kaalaman ng mga mambabasa dahil nahahasa nito

ang abilidad nila na magsuri ng isang literatura o kahit anong akdang pampanitikan.

5
IV. BUOD

Nagsimula ang kwento sa pag-aaway ng mag-asawang Isidra at Tomas. Maririnig

ang mga iyak ni Isidra. Naririnig ito ni Celso, ang kanilang anak, gabi-gabi at

naipakita na madalas itong mangyari sa kanilang bahay.

Kinabukasan ay nagising si Celso at nakita niya ang kaniyang ina na nakaupo

nanaman sa hagdanan at nakatitig sa sampayan ng lambat ng kaniyang tatay. Nakita ni

Celso na umiiyak ang kaniyang ina at napalingon siya sa kaniyang tatay na tila ba

nagaapoy ang mga mata sa galit. Naalala ni Celso ang nangyari noong itinapon ng

kaniyang nanay ang lambat; umiiyak ang kaniyang ina at tinangkang itapon ang mga

lambat, nagalit si Tomas dito kung kaya't pinagbuhatan niya ng kamay si Isidra.

Malakas ang iyak ni Isidra at nakita ni Celso ang buong pangyayari. Nag-aaway ang

dalawa at ipinahiwatig na nagalit si Tomas kay Isidra dahil marahil nagahasa siya ng

isang lalaki. Hindi ito malimutan ni Tomas at ito ang pinagmumulan ng galit niya sa

asawa na iniisip niya na baka sadiyang pinagtataksilan siya ni Isidra.

Kinabukasan ay aabangan ni Celso ang kaniyang tatay sa dalampasigan upang

salubungin siya pagkatapos mangisda. Nadapa siya malapit sa dalawang lalaking may

katandaan na. Tumayo ulit siya at narinig niya ang malungkot na kundiman mula sa

bahay-pawid. Mahigpit na bilin ng tatay ni Celso na huwag pumunta sa bahay-pawid.

Sobrang nahumaling si Celso sa kundiman at naglakad siya papunta sa bahay

hanggang nasa harapan na siya ng lalaking tumutugtog ng gitara. Hinawakan ng lalaki

si Celso sa kamay at nagpumiglas si Celso. Sa bawat pagpupumiglas ay mahigpit na

yumayakap ang lalaki, naramdaman ni Celso na mahal na mahal siya nito. Namukaan

ito ni Celso at naihantulad niya ito sa sarili niya na para siyang nakatingin sa salamin.

Pagkatapos, ay sinabi ng lalaki na sana ay madalas siyang bisitahin. Napalingon si

Celso sa dalampasigan at nakita ang kaniyang ama na nakatayo na galing lang sa

6
pangingisda. Galit na galit na tinitigan ni Tomas si Celso at nasampal niya si Celso.

Sinabi ng tatay na tulungan siyang bitbitin ang mga nahuling isda at sinunod naman

ito ni Celso.

Kinabukasan ay pagkatapos mag-almusal ni Celso ay nakita niya nanaman ang

kaniyang tatay sa sampayan ng lambat at ang kaniyang ina sa may hagdanan na

umiiyak nanamang nakatitig sa mga lambat. Naalala ni Celso ang pangyayaring

pinagbuhatan ng kamay ni Tomas si Isidra, at naalala niya rin ang lalaki. Tumingin

siya sa salamin at uminit ang dugo niya. Nandilim ang paningin ni Celso at kinuha

niya ang itak ng kaniyang ina. Sumugod si Celso sa mga lambat at sinira niya ito.

Pinigilan siya ng ina ngunit huli na ang lahat nang masira ni Celso ang lahat.

Pinagbubugbog siya ni Tomas hanggang sa mawalan siya ng malay. Pagkagising niya

ay nakita niya na niyakap siya ng tatay niya at puno ng pagsisisi.

You might also like