You are on page 1of 6

PANUNURING PAMPANITIKAN

(Getutua, Owenn)
I. PAMAGAT: PAALAM SA PAGKABATA
II. MAY AKDA: Nazareno D. Bas
III. PAGSUSURI

A. Nilalaman

1. Tema: Ang totoong pagmamahal ay binubuo ng


pagpapatawad at pag-uunawa.

2. Paksa: Ang kamulatan ng isang bata sa katotohanan ng


buhay. Ang katotohanan na maroon sa kanyang pagkatao.

3. Tauhan:

Celso

Isang batang madalas naguguluhan sa buhay


sapagkat madalas niyang marinig ang kanyang mga
magulang na laging nag-aaway. Siya ang bunga ng
naging pagkakamali ni Isidra. Siya ang batang
maraming tanong sa buhay at mayroong kabutihan
at higit sa lahat marunong mag patawad.

Isidra

Siya ang ina ni Celso. Ang babaeng nakagawa


ng malakaing kasalanan sa kanyang asawang si
Tomas. Mangloloko si Isidra kasi nagtaksil siya sa
kanyang asawa.

Tomas

Ang tatay si Celso. Isang mangingisda.


Mapagmahal na asawa ni Tomas.

Lalaki sa bahay-pawid-

Ang tunay na ama ni Celso. Isang mag aawit na


may magandang tinig at galling sap ag-gitara.

4. Mga pangyayari
4.1 Simula

Inilalarawan ni Celso ang takbo ng kanyang


buhay. Isang buhay na tila walang pagbabago,
nanatiling maginaw, tahimik, at madilim. Ito ang
mundo na nakilala niya. Naririnig ni Celso na nag-
aaway ang kanyang mga magulang sa kabilang silid.
Umiiyak na naman ang kanyang ina na si Isidra.
Hindi pa rin alam ni Celso kung bakit palaging
umiiyak siya. Walang malinaw sa isipan ni Celso.
Mula sa kanyang pagkabata, madali siyang mainip.
Pinapangarap niya na magkaroon ng isang kapatid
dahil sa kanyang pag-iisa Noon ay hindi pinansin ni
Celso ang lambat ngunit dalawang taon ang
nakaraan noong itinapon ni Isidra ang lambat at
nagalit ng husto si Tomas, ang ama ni Celso.
Ipinabalik niya ito

Nag-away na naman si Isidra at Tomas.


Ipinaliwanag ni Isidra kay tomas na wala siyang
kasalanan, na dapat kalimutan na nila ang nangyari
at hindi sinasadya niyang magkamali. Sabi ni Isidra
na si Tomas lang ang kanyang iniibig. Hindi
naiintindihan ni Celso ang nangyari. Mula noon, hindi
na ginalaw ng ina ang lambat. Kahit luma na, buong
buo pa sa tingin ni Isidra. Nais itanong ni Celso kay
Isidra kung bakit mahalaga ang lambat, ngunit sabi
ni Isidra na kailangan na niyang maglakad dahil
malapit na dumating ang kanyang ama.

4.2 Kasukdulan

Pumunta si Celso sa may dalampasigan kung


saan ang mga tao ay naghihintay sa mga
mangingisda. Napalingon si Celso nang marinig niya
ang isang tugtog sa gitara mula sa isang bahay-
pawid. Ang awit ay tungkol sa kasawian ng pag-ibig.
Hindi nakatiis si Celso. Para siyang hinila ng musika
kaya pumunta siya sa bahay-pawid. Naalala niya ang
utos ng ama na bawal pumunta roon. Hindi niya
namalayan na kaharap na niya ang taong
naggigitara. Lumuha ang mga mata ng mama.
Tatakbo sana si Celso, ngunit nahawakan ng mama
ang kamay niya.
Mahagpit nitong niyakap si Celso. Umiyak si
Celso. Pinahid ng mama ang luha ni Celso at sabi nito

“Dalawin mo ako palagi ha?

4.3 Wakas

Parang nakita na ni Celso ang mamang ito,


parang nakita niya ito sa salamin. Nagdatingan na
ang mga mangigisda. Nakita sila ni Tomas. Sinampal
ni Tomas si Celso dahil hindi ito nakinig sa utos.
Naguguluhan si Celso kung bakit ayaw ni Tomas na
pumunta siya roon. Pagkatapoos bumalik sila sa
bahay. Si Isidra ay nakatingin na naman sa
sampayan ng lambat. Luhaan na naman ang mata.
Naalala ni Celso yung mama. Lumapit si Celso sa
salamin at nakita niya ang mukha ng mama.

Kumuha ng itak si Celso at pinagtaga nito ang


lambat. Nabigla si Isidra at Tomas sa ginawa niya.
Nagaapoy ang mata ni Tomas, ngunit nilabanan ni
Celso ang titig nito. Sinuntok ni Tomas si Celso.
Tinadyakan siya kapag tumatayo, hanggang
gumagapang na siya. Iningudngod sa lupa ang
mukha niya at nakatikim ito ng pawis at dugo.
Nawalan ng malay si Celso. Naramdaman na lamang
niya ang mainit na bisig na yumayakap sa kanya.

Nakita niya ang mukha ng kanyang tatay, puno


ng pagsisisi at pag-unawa. Yinakap niya si Celso ng
matagal.

B. Istraktura

1. Teoryang Pampanitikan

Ang Teoryang Pampanitikan na ngingibabaw sa


kuwentong ito ay ang teoryang humanismo. Ang
kuwentong ito ay nagbibigay halaga sa dignidad ng
tao kabilang nito ang kanyang isip at damdamin.
Dahil sa nalaman ni Celso na magkamukha sila sa
lalaki ay agad siyang nagalit kasi na isip niya na hindi
siya tunay na anak nina Isidra at Tomas.

Ang Teoryang Pampanitikan na isa sa mga


ginamit sa kwentong ito ay ang teoryang realismo.
Dahil ang kwentong ito ay pwede rin mangyari sa
totoong buhay. Ang kwento ni Celso ay karaniwang
kwento ng mga bata na hindi alam kung sino ang
kanilang tunay na magulang. Kaya para sa akin ang
Teoryang Realismo ay kasali sa paggawa ng
kwentong ito.

C. Kariktan

1. Antas ng Wika

Ang Antas ng Wika na ginamit sa kwentong ito


ay ang Pambansa o Lingua Franca na ang ibig
sabihin ay ito ang wikang ginagamit sa mga paaralan
at sa pamalaan o Ginagamit sa mga aklat,
babasahin, at sirkulasyong pangmadla. Kilala din ang
antas ng wika na Pmabansa o Lingua Franca na
salitang higit na ginagamit sa pook na sentro ng
sibilasyon at kalakalan. Nasabi ko na ang antas ng
wika na ginamit ay pambansa kasi sa linya na
“Naalala niya ang utos ng ama na bawal
pumunta roon” ang salita na “ama” ay isang
halibawa ng antas ng wika na Pambansa o Lingua
Franca.

2. Imahe o Simbolo:
Ang pamilya ang napili ko na nagsisimbolo sa
kwentong ito. Ang pamilya ay hindi nagbabatay sa
dugo, pangalan o kung kanino kaman galling. Ang
pamilya ay nagtutulungan kung ano ang problema
na hinaharap. Ang pamilya ay hindi nagtatago ng
mga lihim sa isa’t isa. Hindi katulad sa kwento ni
Celso na hindi sila naging totoo sa isa’t isa. Kahit
ikaw ang nakasama mo sa bahay ay hindi mo
totoong pamilya huwag sa sa kamila magalit kasi sila
ang nag alaga sa iyo nung ikaw ay walang-wala sa
buhay kaya kahit sino pwede mong maging pamilya
basta para sa iyo ito ay nagdudulot ng kabutihan at
sila ay aalaga sa iyo habang buhay.

D. Bisang Pangkaisipan

1. Bisa sa Isip at damdamin

Ang na sa isip ko pagkatapos kung mabasa ang


kwentong ito ay ako ay naguluhan kasi akala ko na
ang totoong pinag-aawayan ng mag asawa ay dahil
sa pera pero nung nalaman ko yung totoo ay nagulat
ako kasi di ko inaasahan na yun yung rason na hindi
anak ni Tomas si Celso. Napa isip agad ako kung
paano o ano ang gagawin ni Celso sa suliraning ito.
Kaya na isip ko na dapat ang pamilya ay mag-kaisa
para solusyonan ang problemang hinaharap. Kaya
ganun din ang ginawa sa ama ni Celso, kahit sinuway
ni Celso ang utos ng kanyang ama(Tomas) at
pinarusahan o binugbog man siya nito niyakap parin
siya at tinanggap ng kanyang ama kahit hindi siya
ang totoong anak.
2. Reaksyon

Ang naging reaksyon ko pagkatapos kung


mabasa ang kwentong ito, ako ay nagalit kasi hindi
agad nila sinabi na hindi totoo nilang anak si Celso.
Pero na isip ko rin kaya hindi nila sinabi ito agad kasi
baka hindi pa kaya ni Celso tanggapin iyon. Pero sa
huli ako ay naging masaya kasi kahit binugbog man
si Celso sa kanyang ama ay tinanggap parin siya kasi
sa isang pamilya marunong tayo tumanggap sa ating
pagkakamali, kahit hindi mo totoong pamilya ang
kasama mo sa buhay ay dapat mo silang mahalin at
alagaan kasi sila ang nag-alaga sa iyo nung ikaw ay
walang-wala sa buhay. Kaya mahalin natin ang isa’t
isa kahit hindi man tayo totoong pamilya.

3. Kahalagahan

Mahalaga sa isang pamilya ang pagmamahal


kasi kahit anong gagawin nila sa iyo na masakit kaya
mo parin silang mapatawad kasi mahal mo sila.
Mahalaga din sa isang pamilya ang pagtatanggap
kasi kahit hindi mo sila totoong pamilya kaya mo
silang tanggapin kasi mahal mo sila at minahal karin
nila. Pahalagahan natin ang ating pagkabata dahil
nagaganap lamang ito ng isang beses. Huwag nating
gawin ang isang bagay na pagsisihan mo lamang sa
huli. Ang totoong pagmamahal ay binubuo ng
pagpapatawad at pag-unawa.

You might also like